Share

Kabanata 4

Pagkaparada ko sa harap ng cafe kung saan ko kikitain si Kyla ay bumaba na agad ako sa aking sasakyan. Natanaw ko na agad siya sa loob na nakaupo habang nag ce-cellphone. Napangiti ako ng wala sa sarili. Kahit walang preno ang bibig ni Kyla ay sobrang mahal ko ang babaeng 'yan.

Pumasok na ako sa cafe at agad na lumapit sa kanya at niyakap.

"I miss you, Kyla." anya ko at mas lalong hinigpitan ang pagkayakap. Hindi kami laging nagkikita dahil flight attendant and babae. 

"I miss you, too." ani ni Kyla na puno ng galak.

Umupo ako sa harapang upuan at tinawag ang waiter. Pagkatapos kong umorder ay bigla niyang hinawakan ang aking kamay na nasa ibabaw ng mesa. 

"Im so sorry, Amara." punong-puno ng pagsisisi ang kanyang boses. 

"Its okay, kalimutan na natin iyon. At hindi na rin natin mababago ang ginagawa ni Davin." Nakangiti ang aking labi ngunit malungkot ang aking boses.

Bumuntong hininga siya. "Bakit ka ba kasi nagtitiis sa kanya? You're beautiful Amara. Marami pang magkakandarapang lalaki sayo, marami pang pwedeng mag mahal sayo na hindi kayang ibigay ni Davin." mahabang mutawi niya.

Tanging ngiti lamang ang naisagot ko sa kanya. Oo, marami pang iba diyan, ngunit kakaiba si Davin sa lahat dahil nasa kanya ang puso at pagkatao ko. 

"Kahit anong gawin ko Kyla, siya pa rin, e." sagot ko. "Maisip ko pa lang na malalayo ako sa kanya at hindi na nakadikit sa akin ang apelyido niya. Nasasaktan na ako." Yumuko ako. 

"Naka dikit nga sayo ang apelyido niya... pero paano ka naman? Paano ka? Hindi ba't sobrang unfair naman 'yon sa side mo?"

Hanggang sa pag uwi ay nasa isip ko pa rin ang mga sinabi ni Kyla sa akin. Paano nga ba ako? Paano kung gusto na akong alisin ni Grei sa buhay niya? Makakaya ko kaya? Sa palagay ko ay hindi. Maisip ko pa lamang na malaya na ako mula sa kanya ay masakit na, mas pipiliin ko na lamang na ganito kaysa naman na hindi ko siya kapiling. Dahil kapag nangyari iyon alam kong mawawalan na ako ng koneksyon sa kaniya. Mas mahirap sa akin na mawalan ako ng koneksyon sa kanya kaysa sa ginagawa niya ngayon. Kaya ko pa itong tiisin, titiisin ko para sa bukas naming dalawa.

Pagkaparada ko ng sasakyan sa garahe ay kinuha ko ang mga supot ng kandila na nakalapag sa front seat.

Lumabas na ako ng kotse at pumasok ng bahay. Umakyat ako sa aking kwarto at inilapag ang mga kandila sa aking kama. Pumasok ako ng banyo upang maligo.

Pagkalabas ko sa banyo ay agad akong kumuha ng isang kandila sa supot at pumunta sa aking side table. Kinuha ko ang posporo sa aking kabinet at sinindihan iyon. 

Sana mag kaayos na kami ni Davin. 

Ngumiti ako ng mapait, mang yayari pa kaya iyon? 

Hinintay ko munang maubos ang kandilang iyon bago ako naglinis ng aking kwarto. Inayos ko ang aking kobre kama at nag vaccum ng sahig.

Pag katapos kong maglinis sa aking kwarto ay lumabas ako. Habang nag lalakad ako sa pasilyo ay nadaanan ko ang kwarto ni Davin.  

Napahinto ako sa harap nito at napatitig doon. Kulay grey ang kanyang pinto at walang buhay ito. 

Kahit kailan ay hindi ako nakapasok sa kanyang kwarto buhat noong lumipat kami sa bahay na ito. Kahit silip ay hindi ko nagawa. Kahit ang itsura ng kwarto niya ay wala akong ideya, kung saan nakalagay ang kama at ang mga gamit niya sa loob. Hindi ko alam. 

Ipinagbawal niya sa akin na pumasok ako sa kanyang kwarto o kahit sumilip lamang doon. Asawa ako ngunit hindi ko man lang alam ang kwarto niya, kung anong amoy nito at anong itsura. 

Sinasakop ng kuryosidad ang sistema at pag katao ko. Kaya hindi ko na namalayan na kinuha ko na pala ang susi ng kanyang kwarto at nanginginig pa ang aking kamay noong ipinapasok iyon.

Nang mapag tagumpayan kong buksan ang pinto ng kanyang kwarto ay agad na yumukap sa akin ang mabangong amoy ni Davin. Lalaking lalaki ang amoy niya at hindi ito masakit sa ilong.

Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naka pikit at dinarama ang kanyang amoy.

Pakiramdam ko ay katabi ko ngayon si Davin dahil sa nalalanghap kong ito.

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at inilibot ang aking paningin sa buong paligid ng kanyang kwarto. Black and white ang interior design, walang buhay ngunit bagay na bagay sa pag uugali niya.

Maraming libro ang nakalagay sa bookshelves. Napangiti na lamang ako ng tipid, masyadong book worm ang isang iyon at hindi ata makaka tulog hanggat hindi siya nakakapag basa. Isa iyon sa mga katangian niyang minahal ko. 

Sinimulan kong mag lakad lakad sa paligid. Nilapitan ko ang book shelves at pinaglandas ang aking mga daliri doon. Maganda ang pag kaka-ayos ng mga libro at wala rin kaali-alikabok ito. Pantay-pantay at nasa tamang lalagyan.

Sinunod ko naman ang kanyang kama na katabi ng book shelves. King size bed at kulay itim ito.

Sa ulunan nito ay makikita mo ang isang magandang portrait ng babaeng nakatalikod. Naningkit ang aking mga mata dahil hindi ko masyadong mapigyura ang likod ng babae. Nakatalikod ito habang nakatanaw sa papalubog na araw.  Hindi ko talaga kilala ang likod na ito. Siguro... siguro isa sa mga babae niya.

Parang may tumapak sa puso ko sa isiping iyon. Kung isa nga sa mga babae niya iyan... mahal kaya siya ni Davin? Siguro nga dahil hindi niya naman ilalagay ang portrait na iyan sa kanyang kwarto kung hindi niya mahal. 

Nilukob ng lungkot ang puso ko. Mas maganda ba siya sa akin? Mas sexy? Mas makinis? Mas mahinhin?

Unti-unting umiinit ang gilid ng aking mga mata habang matiim na nakatitig doon. Siguro mahal na mahal ni Davin ang babaeng ito, kasi kung hindi niya mahal ito bakit niya pa ilalagay ito sa kwarto niya? Kaya ba ayaw niya akong pa pasukin dito? Ganoon ba? 

Tinuyo ko ang aking mga pisngi gamit ang likod ng palad ko. Nag iwas ako ng tingin doon sa portrait at tumama ang aking paningin sa kabinet na nasa night stand. 

Hindi ko alam kung bakit may nag tutulak sa akin na buksan ko ang maliit na kabinet na iyon, nangangati ang aking mga kamay na tingnan kung anong laman niyon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nakakaramdam ako ng kakaiba at kaba kung ano man ang laman ng kabinet na yon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status