Share

Kabanata 2

MAHIGPIT kong niyakap ang leeg ni Wregan ngunit sa palagay ko hindi iyon sapat para ikulong ang satisfaction sa pagpapaligaya na ginagawa niya, so I bit his shoulder when I finally reached the climax. I buried my long, crazy moan in his shoulder. I just wished na sana'y walang nakarinig sa ginawa kong ingay na iyon, cause damn! Dad will kill me!

"You good?" Natauhan ako sa tanong ni Wregan. Para akong nakuryente na itinulak siya palayo sa akin. Damn it! I did it again. I let this man have his way with me.

"I—" I bit my lower lip. Anong sasabihin ko? May excuse ba sa ginawa ko? Wala. It just happened. I suddenly lost control of myself when his body got close to mine. This all started that night. I shouldn’t have had s*x with him in the first place, Wregan Leath is not my boyfriend. Damn it! Ang landi mo Tilaine Petunia Doukas! Hindi naman totoo ang relasyon namin, nangyari lang ang lahat ng iyon dahil sa kabaliwan ko. I only used him to comfort my broken heart.

"What's the matter? Have I failed to satisfy you?"

"Don't come closer," pigil ko sa kanya nang akmang hahakbang siya para lumapit muli sa akin. "I—" Nag-iwas ako ng tingin. Ano ba ang dapat kong sabihin? What we did was wrong, totally wrong! Tumalon ako mula sa sink at inayos ang suot na bikini.

"Hey… It's alright, what we did is—"

"Is wrong," pagtatapos ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya ngunit 'di ko iyon binigyang pansin. I continued, "you're not really my boyfriend. Hindi dapat natin ginagawa ang ganitong mga bagay, Wregan Leath. What happened that night is just a game." 

He faked a laugh. "Really?"

"Yes!"

"Alright." Tinaas niya ang parehong kamay na parang sumusuko. "I'm sorry. I thought— I was wrong, sorry." 

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng disappointment sa sinabi niya iyong. Parang may kung anong maliit na bagay ang tumusok sa puso ko. Everything is just a game and having fun. Right! Ano nga ba ang aasahan mo sa lalaking in love pa rin sa ex-girlfriend niya? It was pitiful to think that we used each other to comfort our rejected feelings.

"Of course, we're just using each other." Sinalubong ko ang mga mata niya. "But I'm done playing Wregan Leath, I don't need you and your body anymore," walang emosyon kong pahayag. Nagtangis ang bagang niya ngunit nagawa pa rin na ngumiti sa huli.

"You're…right…baby," Wregan said before leaving me in the dirty kitchen.

Mabilis akong sumandal sa gilid ng sink nang makaramdam ng panghihina ng tuhod. What the hell just happened? Did I really lie to him? Ang mas nakakainis pa ay nag-skip ng beat ang puso nang tawagin niya akong baby. What the hell?

*** 

"Hey, Tilaine are you alright?" 

Napakurap ako ng ilang beses sa tanong ni Areum. 

"Kanina ka pa namin hinahanap ni Reyna. Tulala ka na naman. May nangyari ba? Nakita kong lumabas dito sa dirty kitchen si Wregan."

"I— I'm fine." Inayos ko muli ang sarili at ngumiti sa kapatid ko. "May pinag-usapan lang kami."

"Hindi ko alam na close kayo…"

"We're not," mabilis kung tugon at nanguna sa paglalakad palabas ng kitchen. Nakita ko mula sa pinto ng kitchen ang paglabas ni Kara at Wregan ng main door. Uuwi na ba ang mga ito? "May tinanong lang ako sa kanya about modeling things. Are they leaving already?"

"Yeap, may flight kasi si Wregan patungong Canada. Hindi ko nga alam kung bakit pa niya sinamahan si Kara dito eh hindi naman 'yan maliligaw dito. Tsk, hinala ko talaga may something sa mag-bestfriend na iyan." Umiiling na komento ni Areum. Hindi ko naman napigil ang pagkuyom ng mga kamo. Hindi ko alam pero nairita ako sa sinabi ng kapatid ko. Best friend my ass!

***

"NAPAPANSIN ko panay ang tulog mo lately," puna ni Mommy isang gabi habang kumakain kaming pamilya ng dinner.

"Pansin ko rin, hindi kaya nasobrahan ka na sa apple juice and apple dessert?" segunda naman ni Hyacinth. Napalunok ako ng malaki kasama ng apple pie na nginunguya ko lang kanina.

"Hindi naman. Tinatamad lang talaga ako gumalaw lately, iniisip ko na nga na bumalik na sa New York para magtrabaho ulit."

Sa totoo lang, hindi maganda ang kutob ko sa nangyayari sa sarili kong katawan. Isang linggo na ang nakalipas mula noong huli naming pag-uusap ni Wregan, at simula nang araw na iyon marami ng nagbago sa katawan ko. Mabilis akong napapagod at madalas na gustong matulog na lang, ginto na ang turing ko sa apple desserts and apple juice, kaya kong pumatay para lang makakain ng gusto kong pagkain. Mabuti na lang at nagagawa kong itago ang lahat ng ito sa pamilya ko, well hindi lahat kasi napapansin pa rin nila ang ilang mga bagay, at mabuti na lang talaga hindi ako nasusuka tuwing umaga— never akong nagkaroon ng morning sickness.

Malakas ang kutob kong nagkaroon ng bunga ang isang gabing p********k namin ni Wregan, hindi pa ako dumaan sa PT pero hinala ko talaga buntis ako. Inaasahan ko na ito lalo pa't hindi ako safe at wala kaming ginamit na proteksyon. Ang tanga ko kasi nakainom lang ng alak bumukaka na agad! Nagpadala ako sa itsura at matatamis na salita ng unggas na iyon. Malaking problema ang pinasok ko, paano ko ito dadalhin ng siyam na buwan na 'di malalaman ng pamilya ko?

"That's good Ate, para naman may ginagawa ka. Hindi 'yong tulog nang tulog ka na lang buong araw. Tignan mo, tumataba ka na." Umikot ang mata ko sa sinabing iyon ni Venom. Wala talagang palya ang isang ito sa pagpuna ng mga nakikita niya sa amin.

"Tigilan mo nga ako, ra ulo ka."

"Mommy, oh! Sira ulo daw ako…"

"Sumbungero pa nga."

"Yabang neto. Kala mo naman maganda, eh ang pangit mo kaya." Tinarayan ko siya at sinubo ang peraso ng apple pie na kanina ko pa pinaglalaruan sa plato ko.

"Kung desidido ka ng bumalik sa trabaho, hindi kita pipigilan. Basta huwag mong kalimutan ang mga espesyal na araw ng pamilya natin, at lagi kang mag-iingat," pagsasalita ni Daddy.

"Yes, dad!"

***

HINDI KO napigilan ang pagtulo ng luha nang makita ang dalawang pulang linya sa PT na hawak. Sinapo ko ang bibig upang ikulong sa loob ko ang aking paghikbi. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Lintik lang, buntis nga ako! 

I'm three weeks pregnant. Of course bilang ko, ayaw ko pa sanang mag-pregnancy test kaso ay sobrang kinakabahan na ako. Ang dami na kasing signs of pregnancy na naranasan ko nitong huling mga araw, at confirmation na lang talaga ang kulang so I took a PT.

Tumayo ako mula sa gilid ng kama at tinungo ang study table. Kinuha ko ang cellphone at dinayal ang number ng aking manager sa New York.

"Tilaine, I'm glad that you called. How have you been, sweetcake?"

"Ethan, book me a flight back to New York, I need to leave immediately,"

"What? But I thought you wanted a break for a while?" Nagpa-alam kasi ako na magpapahinga muna sa pagmo-model ng ilang mga buwan. Paghahanda ko iyon para sa aking moving on stage mula sa una kong heartbreak.

"I'm not going back to work, it's just... I-I need to leave this place very soon. Please Ethan, help me." I have no choice but to leave before my family discovers my pregnancy. Hindi ako takot maging single mom, ang kinakatakutan ko ay ang galit ni daddy. Sigurado akong babaliktad ang mundo kapag nalaman nito ang totoo, lalo na kung sino ang ama ng baby ko.

"Okay, calm down sweetie. I don't know what is going on but I will help you. I'll book you a ticket now and call your father to inform him-"

"Please make me an alibi," pakiusap ko at alam kong gets na ng manager ko na may problema kaya kailangan kong bumalik ng New York.

"Sure, sweetcake. I'll hang up now, please take care of yourself." 

Sunod-sunod akong tumango. "Y-yes, thank you Ethan."

***

GABI ANG flight ko at maaga pa lang narito na ako sa airport dala ang alibi na babalik ako ng New York dahil may malaking project na naghihintay sa akin. Ayokong nagsisinungaling sa pamilya ko pero this is for the best as of now. Hindi nila pwedeng malaman na buntis ako at lalong hindi pwedeng malaman ni Dad na isang Leath ang ama ng dinadala ko.

Hindi ako hinatid ng pamilya ko sa airport, at dahil labas-pasok ako ng bansa dahil nasa New York ang trabaho ko, sanay na sila na 'di ako hinahatid ng airport.

Tumayo ako sa kinauupuan nang makitang may nagkakagulo sa unahan. Natakot agad ako para sa dinadala ko dahil sa mga taong nag-uunahan makarating sa gitna ng tumpok ng mga tao. Ano ba ang nangyayari? May artista ba? Napailing ako. Mabuti na lang talaga at todo ang ginawa kong disguise para hindi makilala ng mga fans ko, goodluck na lang sa taong tanga na iyon na nagawa pang rumampa sa airport knowing na ang daming tao. Tsk!

Umihi ako bago sumakay ng eroplano, pero kalahating oras palang mula nang mag-take off ang eroplano, heto at naiihi na naman ako. Ang hustle talaga! Nasa loob na ako ng maliit na CR ng eroplano at isasara na sana ang pinto, nang biglang may tumulak niyon ay pumasok ang isang lalaki. Handa na akong sumigaw, nang mabilis nitong takpan ang bibig ko.

"Hush… It's me, Miss Doukas." Nakunot ko ang noo. "Miss me?" antipatiko siyang ngumiti at pinakawalan ang bibig ko.

"What are you doing here!? Are you following me?"

"Oh, I happened to have the same flight as you. May dadaluhan akong fashion show sa New York. So, miss me?"

"Dream on. Close ba tayo?" m*****a kong tugon.

"Nah… We're not close but I've entered you countless times—" Sinampal ko siya.

"Bastos," galit kong tugon. "Yes, we once had s*x pero hindi ibig sabihin may ticket ka na para bastusin ako ng harapan, asshole." I pushed him and walked out of the comfort room. Biglang nawala ang kagustuhan kong umihi dahil sa lalaking iyon. Ano ngayon kung pinagbubuntis ko ang anak niya? I've already decided. Hindi ko hahayaan na makilala ng asshole na iyon ang anak ko. Damn him!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status