Share

Kabanata 5

"MAGANDANG gabi, Ma'am Tilaine. Bumaba na raw kayo sabi ng daddy ninyo, ready na ang dinner," sabi ng katulong nang buksan ko ang pinto ng kwarto. Natutulog ako kanina nang kumatok ito.

"Sige, bababa na ako, manang." Tinanguan niya ako. Nagpaalam ito na mauuna na sa ibaba dahil tutulong pa sa kusina. Ako naman ay naghilamos muna ng mukha sa banyo saka sumunod dito sa dining area.

Sa dining table, naroon na lahat ng kapatid ko, si daddy at mommy na lang ang wala pa sa hapag. Naupo ako sa tabi ni Venom, ang bunso sa aming magkakapatid at nag-iisang lalaki. Nagkukwentuhan ang mga ito pero bigla na lang tumahimik at sabay akong nilingon.

"What?" asik ko, dahil nakatitig lang ang mga ito sa akin. Sabay na umiling ang mga ito. "Then why are you staring at me like that?"

"Tumaba ka kasi ate," sagot ni Venom. "May d*bdib ka na rin," dagdag nito na ikinainis ko agad.

"Are you saying na flat chested ako!?" himutok ko dito, dahilan para tumawa ang lahat ng naroon sa dining table. Nagpaliwanag si Venom sa akin pero hindi ko iyon pinakinggan, nauwi sa asaran ang paghihintay namin kina daddy at mommy. Tumigil lang kami, nang tumikhim si daddy at umupo sa pwesto nito, kasunod nito si mommy.

"Kumusta ang pagmo-modelo mo?" tanong ni daddy nang magsimula na kaming kumain ng hapunan. Kinabahan agad ako sa tanong niya. Hindi ako nagsisinungaling kay daddy, ngunit kailangan ko itong gawin, para sa ikabubuti ng lahat.

"I'm doing good dad. Busy, tulad ng dati."

"I see." Tumango-tango ito. Pagkatapos ay binalingan si Venom. "Ikaw, kumusta naman ang pag-aaral mo? Balita ko ay bagsak ka ng isang subject?" Kalmado lang ang boses ni daddy, ngunit alam naming pagagalitan nito mamaya ang si Venom sa study room. Palagi naman. Hindi ito nagagalit sa harap ng maraming tao, kahit pa kami-kami lang, pero matindi ito kung magparusa.

"Dad, hindi ako bumagsak. Ayaw lang talagang ibigay ng teacher ko ang grades ko, palagi niya pa akong tinatakot," paliwanag ng kapatid ko. Hindi ko naman binigyan ng pansin ang usapan nila, nasa ibang bagay kasi nakatuon ang isip ko. Ano na kaya ang nangyari kay Wred? Kumusta ang anak ko? Hindi naman siguro ito pababayaan ni Wregan 'di ba? Umiiyak kaya si Wred dahil wala ako? Ang daming gumugulo sa isipan ko at nagulat na lang ako nang sikuhin ni Venom.

"Kinakausap ka ni dad!" walang boses na sabi nito, at lumaki pa ang mata.

Bumaling naman ako kay daddy. "D-dad?" Ito na naman ang kaba sa d*bdib ko. Kainis. Guilty talaga ako, ang dali ko lang kabahan!

"Bukas, gusto mo ba na sumama sa party na dadaluhan namin ng mommy mo? Sa weekend pa naman ang alis natin patungong Subic para sa death anniversary ng Lolo Klimt ninyo."

"H-hindi siguro, dad. May usapan kasi kami ng mga friend ko na magkikita-kita kami," tanggi ko agad. Hindi ako pwedeng sumama bukas. Gusto kong puntahan si Wred sa condo ng ama nito. Hindi ako mapapanatag hanggat 'di ko nakikita at nalalaman na ayos lang ang anak ko.

"Sinong friend?" tanong ni Hyacinth, "wala akong matandaan na may kaibigan ka dito sa Pilipinas." Gusto ko itong murahin. Bakit kailangan pa nitong makisali sa usapan?

"Luca is my friend. I promised to visit him and his wife when I get back to the Philippines, sila ang kikitain ko," diretso kong sagot. Malaki ang pasasalamat na hindi ako pumiyok nang sabihin iyon.

"Oh…"

"Hindi mo ba pwedeng ipagpaliban na lang iyan?"

Umiling ako sa tanong ni daddy. "Nangako na ako dad. Isa pa, after Lolo's death anniversary babalik din ako sa work. So, ito lang talaga ang chance namin na magkita," pagdadahilan ko pa. Ugh! Palaki nang palaki ang kasalanan ko kay daddy. Bakit ba kasi ang hirap ng sitwasyon ko? Madali lang sanang ipagtapat kay daddy ang tungkol kay Wred kung hindi si Wregan ang ama nito.

'Pero kung hindi si Wregan ang daddy ng anak ko. Hindi magiging super gwapo ng baby ko.' Napailing ako sa naisip. Tsk!

"Hayaan mo na lang si Tilaine sa plano niya. Si Hyacinth na lang ang isama natin, total ay dadalo rin ang pamilya ng fiancé niya," singit ng naman ni mommy. Kitang-kita ko kung paano natigilan sa pagsubo si ate. I really felt sorry for my sister. Dahil sa tradisyon ng pamilya namin, ikakasal ang kapatid ko sa lalaking kahit kailan ay hindi pa nito nakikita.

Dahil hindi mapalagay, pagkatapos ng dinner agad na umakyat ako sa aking silid at tinawagan si Wregan. Ilang beses ko pang dinayal ang number nito dahil hindi sumasagot.

"Hello—"

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko! Kanina pa kita tinatawagan!"

"Hey, chill out. Pinapatulog ko si Wred at naka-vibrate mode ang cellphone ko para hindi mag-ingay kung sakaling may tatawag sa trabaho ko. Hindi mo naman kailangan na magalit," mahinahon na paliwanag nito. Agad naman akong nahimasmasan.

"Sorry, hindi lang kasi ako sanay na hindi kasama si Wred," paumanhin ko at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Kumusta pala?"

"We're doing good. Bumisita sina Luca dito kanina, at tinulungan nila akong alagaan si Baby Wred. Nakatulog na siya ulit." Tumango ako sa sinabi niya kahit pa hindi naman nito ako nakikita. "Ikaw, kumusta ang family dinner. Hindi ka ba uuwi dito para makasama si Baby Wred?"

Tumaas ang isang kilay ko. "Uuwi?"

"I mean, uuwi kay Wred." Bahagya akong natawa sa pagdadahilan nito. "Hindi mo ba hahanapin sa pagtulog si Wred? Dito ka na lang kaya matulog sa condo ko?"

"Mhmm… Tempting, pero hindi ako pwedeng basta na lang umalis ng bahay at magpunta sa condo ng lalaki. Gusto kong makasama ang anak ko—"

"Anak natin…."

Umikot ang mata ko sa ere. "Whatever. Hindi ako pwedeng umalis ng bahay. Bukas ko na lang dadalawin si Wred."

"Sige. Alam mo naman ang password ng condo ko, hindi ba?"

"Paano ko naman malalaman? Tingin mo sa akin manghuhula?" Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya.

"Wala naman akong sinasabing ganyan. Ang ibig kung sabihin, baka kasi sinabi o binigay sayo ni Kara ang password ng condo ko."

"Alam ni Kara ang password ng condo mo?"

"Hindi," sagot agad nito at tumawa. Ako naman ay napairap ulit sa ere. Sira ulo. "I'm just joking. Palagi akong nagpapalit ng pass, like 2 or 3 times a month dahil sa mga stalker kong fans."

"I see," sabi ko na lang para tumahimik ito. Ano ba kasi ang pakialam ko kung ilang beses itong nagpapalit ng password o kung marami itong stalker.

"Ahmm… So, pupunta ka dito bukas?"

"Yeah," mahinang sagot ko at tumagilid ng higa sa kama.

"Okay, edi send ko na lang password ng condo ko," ani nito. Halatang na-awkward na sa usapan namin.

"Yeah."

Mahabang katahimikan. . . .

Pagkatapos ay bigla na lang naputol ang tawag. Wala sa sarili na tumitig ako sa screen ng phone.

"What the hell is that? Hindi man lang siya nagsabi ng goodbye?" asik ko nang ma-realize na binabaan niya pala ako ng phone. Ugh! Lintik lang ang walang ganti! Humada ito sa akin bukas!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status