6 AM pa lang tumulak na ako patungong condo ni Wregan. Kagabi niya binigay sa text ang password ng kanyang unit na agad ko namang sinave, hindi ko kasi iniiwan ang text thread namin sa inbox ko. Binubura ko agad ito para safe, minsan kasi pinakikialaman ng hacker kung kapatid, si Venom, ang cellphone ko.
Pagkatapos kung i-park ang sasakyan at bumaba ng kotse, tinawagan ko si Wregan para ipa-alam dito na nasa ground floor na ako at pa-akyat na ng unit niya. Pero hindi na naman sumasagot sa tawag ko ang mokong, kainis naman ang lalaking 'yon. Bakit ba hindi siya sumasagot sa mga tawag ko? Ilang beses ko pang dinayal ang number niya pero wala talagang sumasagot.
Pagkarating ko sa pinto ng unit ni Wregan, agad kong pinasok ang pin at nag-unlock naman ang pinto. Umirap ako. Akala ko jino-joke time lang ako ng lalaking iyon, binigay nga talaga sa akin ang password ng bahay niya. Ibang klase…
"Wregan?" tawag ko nang makapasok.
Napalingon ako sa center table ng salas, at agad napailing nang makitang nagkalat doon ang empty bottle ng mamahaling mga alak at tira-tirang pulutan.
"Geez! Ganito ba siya sa bahay? Nakakaloka! Takaw ipis at daga,” reklamo ko at tinungo ang salas.
Inilapag ko sa sofa ang aking shoulder bag at sinimulan ang paglilinis sa center table. Una kong pinulot ang mga bote na wala ng laman, at itinapon iyon sa trash bin. Sunod kong tinapon ang mga basura at ang panis na mga pulutan, saka hinugasan ang mga utensils at glasses na ginamit nila kagabi. Bakit ba kasi ‘di siya naglinis bago natulog? Pambihira talaga ang lalaking iyon.
Pagkatapos kong maglinis ng salas, nagluto na din ako ng breakfast namin habang tulog pa si Wren at ang ama nito. Mahirap ng gumalaw sa bahay kapag gising na si Baby Wred, kailangan nasa kanya ang buong atensyon namin para bantayan at alagaan siya ng maayos.
Simpleng French toast at black coffee lang ang hinanda ko for breakfast. After preparing the food, umakyat na ako sa second floor ng condo para gisingin ang mag-ama. Napaka ironic… Talagang mag-ama ang sinabi ko?
“Wregan?” Kumatok ako sa unang pinto na nakita ko at maingat iyong binuksan. Nahigit ko ang hininga at na istatwa sa kinatatayuan nang makita ang mag-ama na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama. Bahagya akong natawa nang mapansin ang dalawang unan na nilagay ni Wregan sa kabilang bahagi ng kama bilang harang upang hindi malaglag si Baby Wren kung sakaling gumalaw ito sa kabilang dereksyon.
“Hindi ko alam na may maternal instinct ka,” komento ko nang makalapit sa kanila. “Pero in fairness bagay sayo,” dagdag ko at maingat na umupo sa gilid ng kama. Nilibot ko ang tingin sa buong silid. Malinis naman, hindi tulad ng sala na sobrang kalat. Mahina akong tumawa nang makita ang mga baby bottle ni Baby Wred na wala ng laman sa side table. Tatlong empty bottle lahat ang naroon, napailing pa ako dahil natumba ang lahat ng picture frame na naroon at ang baby bottles lang ang nakatayo ng maayos.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para kunin ang isa sa apat na picture frame na naroon. Pero ang tuwa ko sa lalaking buong gabi na nag-alaga sa baby ko ay napalitan ng pagka-irita. Sino ba ang hindi maiirita? Larawan lang naman iyon ni Carnation, ang ex-girlfriend niya.
“Good morning, beautiful.” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig na binalik sa ibabaw ng side table ang hawak na picture frame. Dahil sa pagkataranta nasagi ko pa ang mga baby bottle kaya nahulog ang mga iyon sa carpeted floor ng kwarto.
“I’m sorry," paumanhin ko at pinulot ang mga baby bottle. "Nagulat lang ako, gising ka na pala.” Nahuli ko siyang sumulyap sa frame na hawak ko kanina, ngunit agad din binaling sa akin ang atensyon niya.
“Yeah, ang aga mo naman.”
“Tanghali na kaya, tulog mantika ka lang talaga. May laway ka pa, oh!”
“Oh! Sorry…” Mabilis niyang pinahid ang labi kahit wala talagang laway doon, nagbibiro lang naman ako. “I usually wake up at 5am to jog. Puyat lang talaga ako kagabi. Ilang beses kasing nagising si Wred para humingi ng gatas.”
“Tatlong beses siyang gigising sa gabi, at isang beses siyang gigising sa madaling araw para humingi ulit ng gatas.”
"Yes, nabasa ko sa notes na iniwan mo."
Tamango ako sa sinabi nito. Now, what? Bigla na lang naging awkward ang atmosphere dahil sa lintik na picture frame na iyon. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan kapag ganito siya kaseryoso.
"Ahmm… Pwede ka ng kumain ng breakfast sa ibaba, naghanda ako ng French breakfast. Ako na ang bahala kay Wred." Tumango siya at tumayo sa kama. Hindi siya nagsalita at diretso lang na lumabas ng silid. Ako naman ay nakangiwing kinamot ang ulo. Pambihira. Paano ko ngayon lalampasan ang isang buong araw na kasama ito?
***
BUMABA AKO ng hagdan na karga si Baby Wred. Tapos ko na siyang i-breastfeed at paliguan. Sa kusina namin naabutan ang ama ni Baby Wred, naghuhugas ito ng pinagkainan namin kanina.
"Marunong ka palang maghugas," sarkastiko kong sabi at hinila ang upuan sa ilalim ng dining table, saka naupo doon, karga pa rin si Baby Wred.
"I live alone, Miss Doukas."
"I figured."
"Hindi ko lang talaga na iligpit ang mga kalat kagabi dahil hindi tumigil sa kaiiyak ang anak natin," anya. Tuloy pa rin sa ginagawa.
"Anak ko, Mr. Leath…." Doon siya natigilan. Pero agad din namang natauhan at nagpatuloy sa paghuhugas. "Huwag mong kalimutan na sandaling panahon lang ang binigay ko sayo para makasama si Baby Wred."
"Hindi lang ikaw ang may karapatan sa anak natin, Miss Doukas. Tandaan mo. Itinago mo sa akin si Wred," tugon niya at hinarap ako. "Hindi mo pwedeng tanggalin ang karapatan ko sa anak natin, kahit baliktarin mo pa ang mundo o patayin ako, ako pa rin ang ama ni Wred. Dugo ko ang nananalaytay sa mga ugat niya."
"Gosh! Napaka exaggerated mo talaga. Bakit naman kita papatayin? Hindi ako kriminal para gawin 'yon." Grabe. Bayolente din pala ang lalaking ito. Patayan talaga? Seriously?
"Hindi mo naman kasi kailangan na ilayo sa akin si Wred. Okay na akong makita siya isa o dalawang beses sa isang linggo, huwag mo lang itago ulit sa akin ang anak natin."
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. "Fine. Pagkatapos nito pwede mong dalawin si Baby Wred sa New York kahit kailan mo gusto. Just make sure that no one will know about Baby Wred…especially my family." Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Wregan. Bigla na lang nag-igting ang bagang nito dahil sa sinabi ko.
"Tapatin mo nga ako Miss Doukas, ikinahihiya mo ba ang anak natin?" Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi agad ako nakatugon. Bakit ko naman ikahihiya ang anak ko? That's bullsh*t!
"That's not true."
"O baka naman ako ang ikinahihiya mo? Nahihiya ka bang malaman nila na ako ang ama ni Wred? Nahihiya kang malaman nila na nakipag one-night-stand ka sa akin sa gabi ng kasal ng first love mo—"
"That's enough!" Galit kong sigaw. Mukhang natauhan naman siya.
"Wala kang karapatan na pagsalitaan ako. Ama ka lang ng anak ko." Tumayo ako mula sa upuan at umalis ng kusina bago pa man siya makalapit sa akin. Narinig ko pa ang pagtawag ni Wregan sa akin pero hindi ako huminto, tuloy-tuloy lang akong umakyat ng hagdan at pumasok ng kwarto niya saka nag-lock ng pinto.
Nakakainis ang lalaking iyon. Bakit kailangan pa niyang banggitin ang nakaraan? Anong pinalalabas niya? Nagsisisi akong nabuo si Wred? Of course, not! Hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa amin, hindi ko ikinahihiya ang nangyari sa amin. Paano ko pagsisisihan kung ang gabing iyon ang pinaka magandang nangyari sa akin sa buong buhay ko? Nakakainis talaga siya. Ano bang alam niya sa nararamdaman ko? Estupido.
MAHINANG KATOK sa pinto ang pumukaw sa akin sa aking pag-idlip. I immediately checked up on my son beside me. Gising na ito at nilalaro ang dulo ng sarili nitong lampin. Muli kong narinig ang mahinang pagkatok sa pinto, at agad akong nairita. "Alam kong kaya mong pumasok sa sarili mong kwarto kung gugustuhin mo, Wregan Leath!" malakas ang boses na sabi ko. Dahan-dahan naman na bumukas ang pinto at sumilip doon ang lalaking na kasagutan ko kanina. "Galit ka pa ba?" tanong nito. Halatang tinatansya ang magiging reaksyon ko. "About earlier, I wasn't in my right mind. I'm very sorry if I hurt your feelings—" "Huwag na nating isipin ang nangyari kanina. Anong oras na ba?" Ipapahinga ko lang dapat ang mata ko pero tuluyan akong nakatulog. Paano ay napuyat rin ako kagabi sa kaiisip kay Baby Wred, hindi ako mapakali. Kagabi kasi ang unang beses na hindi ko kasama ang anak ko. Hindi ako nakatulog dahil sa pakiramdam na parang may kulang sa akin. "1pm na. Nagluto nga pala ako ng lunch baka g
UMAWANG ang labi ko nang masahiin ni Wregan ang isang dibdib ko, habang s*psip niya ang isa. Unti-unti akong nalulunod sa napakasarap ng sensasyon dulot ng palad at labi niya. Isang mahabang ungol ang umalpas sa labi ko nang panggigilan ng daliri niya ang n*pple ko. Handa na ako sa susunod niyang hakbang, bibigay na ako sa makamundong pagnanasa na nararamdaman na ang dahilan ay sila. Isusuko na ang sarili ko, nang biglang umiyak si Baby Wred, dahilan para magising ako at mapagtanto kung ano ang nangyayari. "Oh my God!" bulalas ko sabay tulak kay Wregan kaya nahulog ito sa couch. "I-I'm sorry. N-nagulat lang ako," excuse ko para pagtakpan ang ginawa ko. Tumayo ako at halos takbuhin ang kama kung saan naroon si Baby Wred. Kinuha ko ang sanggol at parang penguin na lumakad patungo sa pinto ng silid. "Ahmp… S-sa salas lang kami ni Baby Wred. M-maligo ka na." Pinilit kong maging casual pero hindi ko kayang pigilan ang labis na kahihiyan sa nangyari. Gosh! Ginawa ko na naman. I let him tou
Hi! Maraming salamat sa suporta na ibinibigay mo para kay Wregan at Petunia. Second book ito ng Seven Sins Series, and I'm doing my best na isulat ng maayos ang kwentong nasa isip ko. Gusto ko lang po sanang ipaalam sa iyo na nag-revise ako ng "SIMULA" hanggang "Kabanata 8". Nagpalit kasi ako ang ng style sa pagsulat at may ilang mga scene akong tinanggal at pinalitan. ^^ Kung isa ka po sa mga naunang readers ng book na ito, minumungkahi ko na, delete niyo sa library niyo ang book at i-add muli para ma-update ang chapters, basahin niyo pong muli ang libro mula sa simula para hindi kayo malito sa chapter kasunod nitong author's note. Iyong lamang po, maraming maraming salamat! ^^
"WREGAN! Ang ingay ng doorbell!" Sigaw ko mula sa banyo. Hindi ko alam kung naririnig niya ba ako sa ibaba. Naliligo kasi ako nang paulit-ulit na tumunog ang doorbell ng unit niya. Naiirita na ako dahil sa ingay, nasaan na ba ang lalaking iyon? "Wregaan!! Ano ba ang ingay!!" Umalis kaya siya ng unit? Hindi naman siguro. Nasa kanya si Baby Wred 'di siya pwedeng lumabas kasama ng anak namin. Baka may makakita sa kanya at makilala siya, at kung anong balita pa ang kumalat. "Wreg—" Sisigaw na naman sana ako pero napansin kong tumahimik na. Marahil ay hinarap na niya ang kung sino man ang nasa labas. I bit my nail. Bigla akong napa-isip, wala naman sigurong bibisita sa kanya sa ganitong oras hindi ba? Damn. Paano kung kaibigan niya? Hindi nila ako pwedeng makita dito sa bahay ni Wregan, baka kung ano ang isipin nila at makarating kay Dad. Siguradong malaking gulo kapag nangyari iyon. "Miss Doukas?" Katok sa pinto ng banyo ang gumising sa akin mula sa malalim na pag-iisip. "Y-yes?" "
"KUMUSTA ang family bonding niyo?" Umikot agad ang mata ko sa tanong na 'yon ni Kara pagkasakay ko sa shotgun seat ng kotse niya. "Family bonding my ass," nayayamot kong tugon at nagsuot ng seat beat. Ngayong araw ang punta naming mga dela Vega sa Subic para sa death anniversary ni Lolo Klimt at 6am pa lang ng umaga. Kara volunteered na sunduin ako dito sa condominium ni Wregan since ang alam ng parents ko ay magkasama kami buong gabi. "Wala ba talagang chance na ipaglaban mo ang bestfriend ko? Baka naman tanggapin din siya ni Tito kapag kinausap mo ng maayos." "Why would I do that? Hindi ko boyfriend ang kaibigan mo. At duda kong mangyayari yang sinabi mo, alam mo kung gaano kahalaga sa pamilya natin ang love…," puno ng sarkastiko kong sabi. "Hindi papayag si Dad kung wala pagmamahal na involve sa relasyon namin, at ayaw ko rin magkaroon ng partner na in love sa pa rin sa first love niya." "Eh, ikaw ba? Naka-move on ka ba sa first love mong si Luca?" Nagbaba ako ng tingin sa mga k
“STOP blabbering nonsense Venom,” sabi ko at itinulak ang mukha niya palayo sa akin. “Ang hilig mo sa tsismis kaya kung anu-ano na lang ang naririnig mo,” dagdag ko pa at nilagpasan siya. “Huwag ako, Ate. Alam ko ang narinig ko, ‘di mo ako maloloko o baka naman gusto mong banggitin ko ng malakas mamaya sa dinner na ikaw ang Mommy ni Wred?” Nahinto ako sa paglalakad at madilim ang mukha na nilingon siya. Ang laki ng ngisi ng unggas, confident talaga siyang hindi siya nagkamali ng rinig. "Ano ba ang gusto mo?" "Well, isa lang naman ang gusto ko. Let me visit my nephew anytime I want." Malaki ang ngiti niya nang sabihin iyon. Ako naman ay 'di napigilan umawang ang bibig. "What?" "You heard me. I will keep my mouth shut, if you let me see him anytime I want. Saan ba siya nakatira ngayon? Doon ba sa bahay ni Kuya Wregan?" Madiin kong pinikit ang mga mata para pigilan ang sarili na kutusan si Venom. "Paano kung ayaw kung sabihin sa'yo?" "Edi malalaman ni Dad mamaya sa dinner." Kibit-b
WALA na sa tabi ko si Wred nang magising ako kinabukasan. Hindi ako nag-alala. I'm sure kasama ito ng kanyang ama, siguro ay kinuha nito si Wred nang makatulog na ako kagabi. "Inumaga ka na ng gising ah?" komento ni Kuya Peter, nang nakasalubong ko siya sa hagdan. Isa siya sa mga pinsan kong lalaki na kaidad lang ng nakatatanda kong kapatid na si Hyacinth. "Wala pa kasi akong maayos na tulog mula noong nakaraang araw. Nasaan pala ang lahat? Bakit ang tahimik ng mansion?" puna ko nang wala man lang akong makitang tao sa salas ng mansion. "Nagpunta ang lahat sa farm. Gusto kasi umakyat nang bisita natin ng mangga, ayon sinamahan siya ng lahat sa farm." "What? Paano ang anak… niya?" "Si Wred? Ah… Kasama ng parents mo, nasa garden sila. Naroon ang mga nakakatanda, mga pinsan lang natin ang sumama kay Wregan, gusto rin kasi maligo ng mga babae sa batis. Gusto mo rin bang maligo? Sumabay ka na sa akin. Pupunta din naman ako, may kukunin lang ako sa kwarto." Umiling ako bilang tugon, ng
"A-ANONG gagawin mo?" Nataranta ako nang bigla na lang niya akong buhatin ng bridal style at naglakad siya palayo sa batis. Sa isang spot sa ilalim ng napakalaking puno niya ako binaba. Naupo siya sa tabi ko, at hinila ako palapit sa kanya. "It's better if you sit straight.” He firmly pinch my nose with his index and thumb finger. “Now, breathe through your mouth and stop talking.” ‘Di ako nagsalita at sunod-sunod lang na naikurap ang mga mata. Ibang-iba siya sa Wregan Leath na kanina lang ay panay ang dedma sa akin na para bang hindi ako nag-exist sa mundo niya. Bigla na lang nawala ang cold na Wregan, at itong caring at gentleman na lalaking ito ang pumalit. Anong nangyari sa kanya?"Hindi mo naman kailangan gawin 'to." "Hindi ikaw ang magde-decide kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin." Hindi ako naka tugon. Nagulat sa sinabi niya. As if he told me to f*ck off and let him do whatever he wants, cause it's his f*cking life not mine. "Whatever," tanging nasabi ko at hinayaan na