Share

Kabanata 8

UMAWANG ang labi ko nang masahiin ni Wregan ang isang dibdib ko, habang s*psip niya ang isa. Unti-unti akong nalulunod sa napakasarap ng sensasyon dulot ng palad at labi niya. Isang mahabang ungol ang umalpas sa labi ko nang panggigilan ng daliri niya ang n*pple ko. Handa na ako sa susunod niyang hakbang, bibigay na ako sa makamundong pagnanasa na nararamdaman na ang dahilan ay sila. Isusuko na ang sarili ko, nang biglang umiyak si Baby Wred, dahilan para magising ako at mapagtanto kung ano ang nangyayari.

"Oh my God!" bulalas ko sabay tulak kay Wregan kaya nahulog ito sa couch. "I-I'm sorry. N-nagulat lang ako," excuse ko para pagtakpan ang ginawa ko. Tumayo ako at halos takbuhin ang kama kung saan naroon si Baby Wred. Kinuha ko ang sanggol at parang penguin na lumakad patungo sa pinto ng silid.

"Ahmp… S-sa salas lang kami ni Baby Wred. M-maligo ka na." Pinilit kong maging casual pero hindi ko kayang pigilan ang labis na kahihiyan sa nangyari. Gosh! Ginawa ko na naman. I let him touch me. At kung hindi dahil kay Baby Wred, who knows kung saan na kami nakarating? Geez! Malandi ka talaga Petunia!

***

NANGANGALAY na ang mga braso ko sa kakabuhat at duyan kay Baby Wred, pero hindi pa rin bumaba dito salas si Wregan, ano na kaya ang ginagawa ng isang iyon? Naligo na kaya siya? Napailing ako upang burahin ang malaswang imahe nito sa ilalim ng shower na bigla na lang pumasok sa isip ko. Ano ba naman ito! Nagiging dirty minded na ako dahil sa lalaking iyon.

Napalingon ako sa malaking flat screen TV nang marinig ang pamilyar na pangalan mula sa isang flash news.

"Gludox Portoni opens Deli Ziosa restaurant in Makati Financial District…" Hindi ko na pinansin ang sinasabi ng News Anchor at sa lalaking kasama ni Gludox Portoni ko na tinuon ang buong atensyon. Ilang buwan na rin noong huling makita ko siya sa araw mismo ng kasal niya. I look so damn mature now. Humaba na ang clean cut nitong buhok at kinulot ang dulo, pero hindi ko itatanggi na napaka gwapo pa rin nito lalo na kapag ngumingiti. Kumusta na kaya ito at ang asawa nito? Wala akong nabalitaan na may anak na sila, pero baka naman on process pa rin sila.

"Baka matunaw ang TV ko? Ang mahal pa naman ng bili ko n'yan." I threw him a deadpan look. Pababa ngayon sa hagdan ang lalaking kanina lang ay may hubad na larawan sa aking isipan. Pinupunasan nito ang basang buhok, simple lang ang suot. Isang pulang maong short at puting T-shirt.

"Hindi ko siya tinititigan."

"Wala naman akong sinabing tao ah? Iyong TV ang tinutukoy ko, defensive naman." Umikot ang mata ko sa ere. Isa sa 'di ko gustong ugali ni Wregan ay ang pagiging moody. Kanina lang para siyang bata kung sips*pin ang u***g ko, ngayon naman pati ang panunood ko ng TV ginagawang issue.

"Hindi ako defensive. Nagsasabi lang ako ng totoo, palibhasa kasi 'di ka maka move-on sa Ex mo kaya iniisip mong ganun din ako."

"Bakit? Hindi ba? Sa nakikita ko kasi your still into him. I can see it clearly, Miss Doukas," giit pa niya at parang hari na umupo sa single seater couch. Kinuha nito ang remote at inilipat ang channel ng TV.

"Oy, ano ba? Why did you change the channel? Nanonood ako ng balita!" reklamo ko at susugurin sana siya ngunit naalala kong hinehele ko nga pala ang anak ko para makatulog ulit.

"Mag-alaga ka na lang ng anak natin, 'wag ka puro TV. May anak na nga tayo nakuha mo pang pantasyahin ang ibang lalaki. Tsh! Ano na lang ang iisip o sasabihin ng anak natin? Na ang Mommy niya patay na patay pa rin sa first love niyang kasal na sa first love nito? Bakit ba kasi hindi ka na lang mag-focus sa amin ni Wred?"

"Pinagsasabi mo?"

"Wala nagpa-practice lang." Lalong hindi maipinta ang itsura ko. Nasapian na naman ba itong lalaking ito ng masamang espirito? Kung ano-ano na lang ang pinagsasabi.

"Mabuti pa kunin mo itong si Baby Wred. Maliligo lang ako," sabi ko at maingat na naglakad para maingat rin na ipasa sa kanya si baby.

"Maliligo ka? Hindi ka ba uuwi?"

"Balak kong mag-sleepover tonight." 

"Talaga?" Kumislap ang mga mata niya sa nalaman. Marahil tuwang-tuwa dahil hindi lang siya ang mag-aalaga kay Baby Wred sa buong gabi. Tignan mo itong lalaking ito, nakakapang gigil, isang gabi pa lang niyang nagagawang alagaan si Wred mukhang 'di na gustong umulit. Ano na lang kaya kung siya ang nagbuntis at nagluwal sa bata?

"Oo, pero maaga rin akong aalis bukas. Ang paalam ko sa bahay may party akong dadaluhan kasama si Kara, at baka umaga na akong umuwi."

"Kailangan pa ba 'yon sa inyo? Ang tatanda niyo na nagpapaalam pa rin kayo sa parents niyo?"  Nailing na reklamo niya.

"Ibahin mo ang pamilya namin. Hindi kami nagpapaalam dahil strict sila sa amin. In fact, malaya naming ginagawa ang gusto namin basta huwag lang namin i-cross ang line ng rules ni dad. Nagpapaalam kami as a respect to our parents at home, para alam nila kung saan kami at para hindi sila mag-alala. Adult man o teenager, we're still their child and they are our parents. Given na iyon na mag-aalala sila sa amin. Kahit naman hindi parents, at least magsabi ka kung saan ka pupunta sa mga kasama mo sa bahay, right?"

"Right."

"At hindi na nga pala muna ako bibisita. Bukas kasi ng hapon pupunta kami ng family ko sa Subic kung saan gaganapin ang death anniversary ng Lolo ko." Pagbibigay alam ko. Tuwing death anniversary kasi ni Lolo Klimt nagtitipon-tipon kaming lahat sa Subic, sa grand mansion ng mga dela Vega, at doon kami naghahanda. Parang get together ng angkan namin.

"Pwede ba kaming sumama ni Wred?"

"What? Nababaliw ka na ba? Kaya ko nga iiwan sa pangangalaga mo si Baby Wred 'di ba? Para hindi siya makita ng family ko?"

"Hindi naman nila malalaman. Sabihin mo lang na friends tayo at anak ko si Wred sa random girls na naka-one-nightstand ko." Hindi ko alam kung bakit pero may kumirot sa puso ko. Some random girl, huh?

"Hindi pwede," mariing pagtutol ko, hindi ko alam kung sa ideya ba niya na sumama sa akin o sa sinabi niyang, I'm just some random girl that he f*cked. Kahit na ganun naman talaga ang nangyari, we just f*ck that night dahil kailangan naming limutin ang sakit na dulot ng nabigong pag-ibig.

"Sige na. Wred is part of the dela Vega clan, he should be there."

"I told you. Hindi pwede, tapos ang usapan." Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya.

"Fine. Kung iyan talaga ang desisyon mo. Anyways, may isang kwarto lang ako dito sa condo and I'm not going to sleep in the couch!" Antipatiko niyang sabi. Aba! Bw*sit na lalaking ito, pinatunayan lang niya na hindi siya gentlemen. At ano ang tingin niya sa akin? Matatakot niya ako ng ganito dahil lang sa hindi niya ako napilit sa gusto niya?

"It's fine. I can sleep with you in your bed, malaki naman ang kama mo." Sumilay ang nakakabw*sit niyang ngiti.

"Are you saying—"

"Matutulog tayo sa iisang kama kasama si Baby Wred. Of course, sa gitna natin ang anak ko." Ako naman ang napangisi. Akala niya siguro makakalusot siya this time. Tsh! Sorry pero hindi ko na hahayaan na gawin niya sa akin ang ginawa niya kanina.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status