Share

Chapter 18

NAKAPALIGO at nakapagpalit na ng kaniyang damit si Pamela. Naroon sila ni Yuan sa mismong bahay ng gobernador ng probinsiya nila. May isang silid itong inilaan para sa kaniya. Mayroong mga damit doon na kasya sa kaniya. Halos mag-uumaga na at nakahiga pa rin siya. Katabi ng inookupahan niyang silid ang kinaroroonang silid ni Yuan.

Nang makarating sila sa bahay ng gobernador ay asikasung-asikaso sila ng mga kawaksi niyo. Ni sa hinagap niya ay hindi niya akalaing makakatapak siya sa ganoong kagandang bahay nito. Mistula iyong isang mansiyon sa sobrang laki at napakagara. Alam niyang mula sa mayamang pamilya ang naturang gobernador. Minsan lamang niyang nakita ito, noong panahon ng pangangampanya nito noong nakanoong nakaraang eleksiyon.

Dala ng sobrang pagod ay nakatulog siya. Isang marahang pagkatok sa pinto ng kaniyang kuwarto ang nakapagpagising sa kaniya. Aandap-andap siyang bumangon para pagbuksan ng pintuan kung sino man iyong kumakatok doon. Isang unipormadong kawa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status