NAKAPALIGO at nakapagpalit na ng kaniyang damit si Pamela. Naroon sila ni Yuan sa mismong bahay ng gobernador ng probinsiya nila. May isang silid itong inilaan para sa kaniya. Mayroong mga damit doon na kasya sa kaniya. Halos mag-uumaga na at nakahiga pa rin siya. Katabi ng inookupahan niyang silid ang kinaroroonang silid ni Yuan. Nang makarating sila sa bahay ng gobernador ay asikasung-asikaso sila ng mga kawaksi niyo. Ni sa hinagap niya ay hindi niya akalaing makakatapak siya sa ganoong kagandang bahay nito. Mistula iyong isang mansiyon sa sobrang laki at napakagara. Alam niyang mula sa mayamang pamilya ang naturang gobernador. Minsan lamang niyang nakita ito, noong panahon ng pangangampanya nito noong nakanoong nakaraang eleksiyon. Dala ng sobrang pagod ay nakatulog siya. Isang marahang pagkatok sa pinto ng kaniyang kuwarto ang nakapagpagising sa kaniya. Aandap-andap siyang bumangon para pagbuksan ng pintuan kung sino man iyong kumakatok doon. Isang unipormadong kawa
ANAK ng tokwa! Pesteng buhay talaga ito,oo… sa isip-isip ni Pamela habang naglalakad pauwi sa inuupahan niyang silid. Mukhang inabot na naman siya ng kamalasan. Gaga, ipinanganak kang kakambal ang malas, hindi ba? Masama ang loob niya. Kahit siguro sino ang lumagay sa katayuan niya ay sasama rin ang kalooban sa tadhana. Para bang wala na siyang ginawang tama sa buhay niya kaya pinarusahan siya ng ganoon. Mukhang sa susunod na linggo ay mapapaalis na siya ng landlady niya. Hindi na siya nakakabayad ng upa gayong kalilipat-lipat pa lamang niya roon. Isa siyang kahera sa isang kainan sa bayan na iyon. Ngunit isang linggo pa lang siya sa trabaho ay sinesante na siya. Pinagbayad pa siya ng malaking halaga dahil sa pagkawala ng pera sa kaha. Sa madaling sabi, nawalan na siya ng trabaho ay may utang pa siya. Bago siya maging kahera ay isa siyang tindera. Nag-resign siya
I can’t believe this… Mabilis na inisa-isa ni Yuan ang laman ng malaking baul sa kaniyang harapan. Iniwan sa kaniya iyon ni Sebastian, isa sa mga pinakamatalik niyang kaibigan mula pa pagkabata. Namulatan nilang lima na si Lola Paz ang tagapag-alaga nila. Ang akala nila noon ay totoong lola nila ito, pero nagtaka sila kung bakit hindi raw sila magkakapatid o magpipinsan na lima. Nalaman nila noong iniwan sila ni Lola Paz kay Doña Leonora. Later on, they all found out that all of their mothers used to work for a strip joint Lola Paz owned. Ipinagkatiwala silang magkakaibigan ni Lola Paz sa pilantropong si Doña Leonora nang malaman nitong may taning na ang buhay nito. Wala siyang sama ng loob kay Lola Paz. Ni minsan ay hindi siya nagalit dito sa kaalamang dito nagtrabaho ang kaniyang ina. Wala rin siyang sama ng loob sa kaniyang ina, bagaman may
TATLONG tao ang nakalista sa research ni Sebastian na maaaaring maisama ni Yuan sa pag-akyat niya sa bundok ng San Rafael, isang bayan iyon na matatagpuan sa Quezon Province. Sa malawak na kabundukan ng San Rafael hinihinala ni Sebastian na naroon ang mga diyamante. Hindi na rin masasabing lantad na lantad ang lugar kung saan aksidenteng natagpuan ang motorsiklo. Ang bakas ng dugo ng lalaking sakay niyon ay nakita pa noon sa isang puno sa may bukana ng paakyat sa bundok. He was sure the thief was not able to make it to any hospital or clinic. Wala kasing malapit na ganoong establisimyento sa lugar. Wala ring masyadong kabahayan sa bahaging iyon noong mga panahong naaksidente roon ang lalaki. Daanan lamang iyon patungo sa mas maunlad na bayan, patungo sa probinsiya ng lalaki. Ang una sa listahan ay isang sikat na mountain ranger at mahilig sa hiking na si Abelardo Carpio, ngunit sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa raw ito
“PAMELA?” “No, Joe, no sex.” “What?” Kumunot ang noo nito. “No sex, Joe. No sex. Only joke to friends.” “What the hell are you talking about?” Nagkaroon ng bahid ng inis ang tinig nito. ‘Eto na nga ba ang sinasabi ko sa ‘yo, Pamela! Tatanga-tanga ka na naman. Pati si Jessica, tatanga-tanga! Hindi niya na-gets na joke lang ‘yon! Kung bakit naman kasi nagbiro siya sa dati niyang kasamahan sa tindahan na pumasok sa pagiging GRO sa isang beerhouse doon sa bayan na nais niyang tularan ito. Parang nakaengganyo ang sinabi niya rito upang magkuwento ito sa kaniya tungkol sa ginhawang hatid dito ng bagong trabaho nito. “Sa una lang naman mahirap, Pam. Kapag nasanay ka na, magi
MATAMANG pinagmasdan mula ulo hanggang paa ni Pamela ang lalaking kaharap. Mukha namang may pambayad nga talaga ito sa kaniyang sampung libo kada araw. Sa branded clothes pa lamang na suot-suot nito ay makikita na talagang nakaririwasa ito sa buhay. At siyempre pa, imported ito, natural na may pera ito. At sa bagay na iyon siya umaasa. Sana nga ay higit pa sa alok nito ang makuha niya. Naisip niyang malamang na kung desperado itong makaakyat sa bundok ay may mahalagang sadya ito roon. Mukhang siya na lamang din talaga ang makakatulong dito. Saulado pa rin niya ang daan paakyat sa bundok kahit na may ilang taon na rin siyang hindi nakakaakyat papunta doon dahil malapit sa may paanan na lamang sila ng bundok nagtanim at nanirahan ni Mang Estong. At nitong huli nga ay namasukan na siya. Pero kahit piringan siya at iligaw siya sa bundok ay makakababa pa rin siya. “What is your mission there?” usisa niya
Pinag-aralan ni Yuan ang mga ginawang notes ni Sebastian sa notebook nito. Nalagyan na nito ng markang ekis ang puno kung saan nakita ang bakas ng dugo ng kriminal, ayon na rin sa media noong mga panahong iyon. Iyon ang huling nabalitaan tungkol sa magnanakaw. Ayon din sa notebook ni Sebastian, ang hinihinalang magnanakaw ay naging miyembro ng AFP cadet. Malamang na may alam ito tungkol sa training sa kabundukan. Kung ang bangkay nito ay hindi na natagpuan, malamang na nakain ito ng sawa o iba pang mababangis na hayop. Noong panahong umakyat ito sa bundok ay masyado pang masukal iyon. Ibig sabihin ay marami pa talagang mga hayop sa gubat. "Are there snakes here?" "Yes. But don't worry, I know things about snake." Tumango siya. Sa palagay niya, natural sa isang taong may military training ang hanapin ang water resource ng lugar. Siyempre ay alam ng isang marunong kung ano ang mga palatandaan patungo sa sapa man o kahit na
“I don’t like people who are taking advantage of other people. You know… I’m not stupid, Pamela.” Hindi nakaimik si Pamela sa sinabi ni Yuan. Ang sa kaniya naman ay kung makakalusot lang. Noong naglalakad kasi sila ay naisip niyang mukhang balak nitong pahirapan ang mga buhay nila. May mga shortcut na maaari sana nilang daanan subalit mas ginusto nito iyong malayong ruta. Kung hindi pa siya nag-request ay hindi ito titigil upang kumain. Aba, kung nagkataong nakalusot sana siya sa increase ay tiba-tiba na siya n’on! Okay na okay iyon para sa kaniya. “You’re the reason why this country is in poverty. People like you make this country annoying sometimes. You always take advantage of others.” Lukot na lukot sa pagkakasimangot ang mukha nito. Siya naman ay nakadama ng inis dito pero hindi na lamang siya kumibo pa. Labinlimang piso kada araw na ay baka maging bato pa. Ang kaso, mukhang wala