Share

Chapter 2

TATLONG tao ang nakalista sa research ni Sebastian na maaaaring maisama ni Yuan sa pag-akyat niya sa bundok ng San Rafael, isang bayan iyon na matatagpuan sa Quezon Province. Sa malawak na kabundukan ng San Rafael hinihinala ni Sebastian na naroon ang mga diyamante. Hindi na rin masasabing lantad na lantad ang lugar kung saan aksidenteng natagpuan ang motorsiklo. Ang bakas ng dugo ng lalaking sakay niyon ay nakita pa noon sa isang puno sa may bukana ng paakyat sa bundok.

     He was sure the thief was not able to make it to any hospital or clinic. Wala kasing malapit na ganoong establisimyento sa lugar. Wala ring masyadong kabahayan sa bahaging iyon noong mga panahong naaksidente roon ang lalaki. Daanan lamang iyon patungo sa mas maunlad na bayan, patungo sa probinsiya ng lalaki.

     Ang una sa listahan ay isang sikat na mountain ranger at mahilig sa hiking na si Abelardo Carpio, ngunit sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa raw ito, nagtatangka ng isang ekspidisyon. Nakausap niya ang kasama nito sa training at sinabi sa kaniyang baka raw magtagal pa nang ilang buwan doon ang lalaki. He couldn’t wait for him.

     Ang pangalawa naman sa listahan ay isang matandang Dumagat na kabisado ang daan paakyat sa kabundukan, si Mang Estong. Kaya heto siya ngayon sa bahay nito, ngunit ang sabi nito ay hindi na raw ito nakakaakyat pang muli sa bundok mula nang mabalian ito ng balakang may tatlong buwan na ang nakakalipas. Ang tanging nalalabi sa listahan ay ang babaeng ayon sa research ni Sebastian ay anak-anakan ni Mang Estong, si Pamela.

     “’Di po ba dito rin nakatira si Pamela?” magalang niyang tanong sa matanda. Hindi niya inaasahan ang isinagot nito sa kaniya.

     “Noon,” nakasimangot na sagot ng matanda. “Pinalayas ko na ang isang ‘yon. Napakatigas ng ulo! Balita ko’y nasa Caliraya na iyon at nagtatrabaho roon. Pinalayas ko na rito ang sutil na batang ‘yon!” halos gigil pang pagpapatuloy na sabi nito.

     Gustong mapakamot ni Yuan sa kaniyang ulo. Gayunman ay nagtanong siya rito kung paano niya matutunton ang babae. Itinuro siya nito sa bahay ng kaibigan nito. Doon nga siya nagtanong. Ang sabi ng nakausap niya ay baka sa susunod na linggo pa siya masasamahan nito. He used his money, and immediately, he was taken to where Pamela was.

     Ngunit wala rin sa paupahang silid nito ang babae. Kinailangan niyang maghintay roon. Naiinip na siya. Hindi niya inaasahang ganoon ang aabutan niya sa lugar, ngunit hindi siya maaaring lumakad nang walang kasama. He was used to trekking, yes, but it was not going to be a simple one. Napakalaki ng kabundukan at matarik. Kailangan niya ng isang sanay na akyatin iyon at kabisado ang pasikut-sikot sa bundok.

     Marahil ay nagawang maitago ni Jonel ang diyamante kaya hindi pa rin iyon natatagpuan hanggang ngayon. Siya man si Jonel ay itatago rin niya ang diyamante. Parang nakikinita na niya sa isip niya na paikut-ikot sa gubat ang magnanakaw at hindi magkamayaw kung paano iyon itatago sa madla.

     Malaki ang hinala niyang hindi ganoon kalaki ang pinsalang natamo nito sapagkat kung nasugatan man ito ng malala sa naging aksidente nito ay matatagpuan kaagad ito na hindi na makagalaw. Sa dami ng nakakaalam ng tungkol sa diyamante, marahil hindi na siya ang unang taong magtatangkang hanapin iyon. Subalit sisikapin niyang siya ang kauna-unahang makatagpo sa mga diyamanteng iyon sa tulong ng research na ginawa ng kaniyang kaibigang si Sebastian.

     And so maybe the thief hid the diamonds somewhere. And up until now, they were still buried there. And he needed the help of this Pamela. Ayon sa research ni Sebastian ay tumira din sa bundok ang babae, kasama ni Mang Estong. Bagaman natitiyak niyang wala pa itong muwang noong panahong nagkaroon ng nakawan ay lumaki pa rin ito sa bundok. Iyon ang mahalaga. Kailangan lang siya nitong samahan doon sa lugar na kailangan niyang akyatin at puntahan sa bundok na nakalagay sa research paper na ginawa ni Sebastian.

     Iniwan na siya ng kaibigan nito at nagpaalam ng uuwi na. Naiinip na siya sa paghihintay kay Pamela. Nasa sasakyan lang siya, iniisip ang mga posibilidad. He had planned to take the diamonds back to the living relatives of the owner. He was just going to make history. He was in it just for the adventure. Hiling lang niyang sana ay madaling kausap si Pamela. Siguro naman. Handa naman siyang bigyan ito ng malaking halaga.

     Sebastian, man, if I get the mother lode… that would really be awesome. People will remember uou once again… Ang dami mo nang nagawa.

     Laking pasasalamat niya na hindi sa kaniya iniwan ni Sebastian ang responsibilidad sa mga nobya nito sapagkat alam niyang hindi niya ito matatanggihan. Ang dami nitong nagawa para sa kaniya. Pero mahal na mahal niya ang kaniyang kalayaan. Hindi pa siya handang magpatali kaninuman.

     He was also waiting for the right woman to take notice of him. At natagpuan na nga niya ang babaeng iyon sa katauhan ni Congresswoman Tiffany Amores. Kaibigan ito ng isang kaibigan niya na taga-foundation din ni Doña Leonora na si Russel. Russel told him she was a bitch on wheels, but he did not mind. He liked her a lot. He believed she was the right woman for him. Ganoon kasidhi ang pagkagusto niya sa babae.

     May paniniwala si Russel na hindi straight ang naturang babae, pero sino bang politiko ang straight? No one does.

     Maging si Russel ay nalalapitan nila kung kinakailangan, iyon nga lang, hindi talaga ito involved sa mga ilegal na aktibidades.

     Maybe after he got the diamonds, Congresswoman Tiffany Amores would go out with him again. He will make sure of it. They dated only twice and then she refused his invitations. He had a feeling she was only playing hard to get. But he would get her. He would do everything to get her, for she was his perfect mate.

     Maganda ito, matalino at matapang.

     Ah, he really needed to get the diamonds. But for the meantime, he had to speak with Pamela. Where the heck was she anyway?

              

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status