Share

Chapter 16

ALAM ni Pamela na palapit na ang motorsiklo base sa tunog niyon. Sa kaniyang pagkataranta ay nadapa siya. Agad naman siyang binuhat ni Yuan. Hindi alintana nito na mabigat siya. Nagpatuloy ito sa pagtakbo habang pasan-pasan siya nito sa balikat nito na animo sako ng uling. Napausal siya ng pasasalamat nang makarating sila sa bandang masukal na.

Doon ay ibinaba na siya ni Yuan. “We need to get out of here as quickly as possible.”

“Tara na!”

Pinagpatuloy nila ang kanilang pagtakbo. Makalipas ang ilang sandali ay hinawakan ni Yuan ang braso niya. “Tama na. Wala na sila.”

“Sigurado ka ba?”

Akmang pinakinggan nito ang paligid. “Wala nang tunog ng motorsiklo. Pero alam kong susundan nila tayo.”

“Diyos ko! Ano ba itong napasok ko?”

Mabibilis pa rin ang ginawa nilang paghakbang. Mabuti na lamang at alam niya ang shortcut doon. Medyo matarik din ang kanilang dinaanan hoping na hindi sila matunton ng motorsiklong humahabol sa kanila kanina. Subalit alam n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status