Share

Chapter 5

Pinag-aralan ni Yuan ang mga ginawang notes ni Sebastian sa notebook nito. Nalagyan na nito ng markang ekis ang puno kung saan nakita ang bakas ng dugo ng kriminal, ayon na rin sa media noong mga panahong iyon. Iyon ang huling nabalitaan tungkol sa magnanakaw. Ayon din sa notebook ni Sebastian, ang hinihinalang magnanakaw ay naging miyembro ng AFP cadet. Malamang na may alam ito tungkol sa training sa kabundukan. Kung ang bangkay nito ay hindi na natagpuan, malamang na nakain ito ng sawa o iba pang mababangis na hayop. Noong panahong umakyat ito sa bundok ay masyado pang masukal iyon. Ibig sabihin ay marami pa talagang mga hayop sa gubat.

    "Are there snakes here?"

    "Yes. But don't worry, I know things about snake."

    Tumango siya. Sa palagay niya, natural sa isang taong may military training ang hanapin ang water resource ng lugar. Siyempre ay alam ng isang marunong kung ano ang mga palatandaan patungo sa sapa man o kahit na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status