Share

Chapter 9

Gaya ng inaasahan ni Pamela ay papadilim na ng araw na iyon nang makarating sila sa batis na kanilang pakay. Tahimik lang siya dala na rin ng pagod sa kanilang paglalakad maghapon. Paano kasi, gaya kahapon ay muling iniba ni Yuan ang ruta na kanilang dinaanan. Disinsana’y mabilis nilang narating ang batis na iyon. Naiinis pa rin siya rito hanggang ngayon kaya maghapon sila nitong walang imikan sa kanilang paglalakad. Paano kasi ay masyado itong mapunahin sa kaniyang ginagawa. Halimbawa na lamang ay ang pagdudura niya. Hindi na niya ginawa iyon para wala ng masabi pang masama sa kaniya ang nakakainis na lalaking ito.

Kasalukuyan siyang nagpapa-apoy gamit ang mga tuyong dahon at sanga na pinulot niya sa di-kalayuan ng kanilang kinapupuwestuhan. Dahil nauumay na siya sa de-latang baong dala ni Yuan ay nanghuli siya ng isda doon sa batis. Hindi naman siya nahirapang gawin iyon dahil sagana sa isda ngayon ang batis. Malaki at malawak ang sapa na iyon. May isang bahagi roon na mab

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status