Share

Chapter 14

“I HAVE been confused many times but this is it. This is it, Pam!”

“Anong ‘this is it’?” nagugulumihanang tanong ni Pamela kay Yuan nang balingan niya ito. Nakatingin ito sa isang puno na may mga nakaukit. Napukaw ang kaniyang atensiyon nang mapansin niya ang mga nakaukit sa mga puno—sa bandang ilalim ng mga iyon—na sa unang tingin ay hindi agad mapapansin ng ordinaryong mata dahil nga nasa bandang ilalim ng puno. Base sa pagkakaukit ay sobrang tagal na iyon. Sa malalaking puno ay puro ganoon ang makikita sa bandang ilalim ng mga iyon.

Sa unang tingin ay hindi talaga mapapansin ang mga nakaukit na iyon dahil bukod sa parang nakatago sa bandang ilalim ng mga puno ay mukhang wala namang ibig sabihin ang mga iyon, puro lamang tuldok at maiikling guhit ang nakaukit sa bawat puno. Pero mukhang ang mga iyon nga ang hinahanap ni Yuan.

“This is the next clue that I have been looking for how many days.”

“Ano ba ang ibig sabihin ng mga ‘yan?” usisa niya, dahil wala talaga si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status