Share

Chapter 3: Mistaken Identity

*** 

Malalaki ang hakbang ni Erin patungo sa escalator ng mall na hunting ground niya. Nakasuot siya ng malambot na jeans at maluwag na kamiseta para itago ang kumakapal na bilbil. Plano niyang bumili na rin ng panibagong jeans dahil humahabol ang deposito ng carrot cake sa pigi, hita, at singit niya. Kahihiga niya yata iyon habang lumalamon at nagpaplano nang mabangis na paghihiganti. Naka-shades din siya, running shoes (sakaling may makasalubong na sexy man na balak siyang dalhin sa pulis), at shoulder bag ng self-defense assortment: pepper spray, malalaking karayom na nasa sewing kit, nail file, at condoms.

Naglilibot na siya sa sale ng jeans nang may mabilis na mahagip ang mata niya at 3 o’clock: lalaking may nakaiinit ng ulong side profile, naka-moss green na boyfriend shirt, at nakaakbay sa payat at makinis na balikat ng isang hindi pamilyar na babae.

Nanigas ang tuhod ni Erin. Gayundin ang panga. Bago pa niya mamukhaan nang tuluyan si Adrian ay rumaragasa na sa ugat ang kumukulong dugo niya.

Mabilis siyang naglakad palabas ng clothing store habang nakatutok ang mata sa lalaki. Hindi ito maaaring makawala!

Isisigaw na sana niya ang pangalan nito nang lumiko ito sa isang pasilyo. Patakbo siyang humabol. Pagsilip niya sa pasilyo ay wala na ito. Tinagos niya ang buong West Wing ng mall pero walang Adrian.

Naglaban ang ngipin niya sa panggigigil. Paanong nakatakas nang gano’n sa kanya ang lalaki? Mabilis naman siyang tumakbo. Hindi rin nawala ang mga mata niya rito.

Lumalabo na ang mata niya sa luhang nagbabantang bumagsak nang nasulyapan niya ang parehong kulay ng kamiseta sa isa sa mga tindahan. Lumabas ang lalaki roon habang nakaakbay pa rin sa isang babae. Parang tutuloy ang mga ito sa North Wing. Agad siyang pumihit at humabol.

Tumutulo ang luha niya kasabay ng bawat hakbang niya. Ang payat ng babaeng kasama ni Adrian! Kung kailangan lang pala niyang pumayat para pakasalan, puwede naman siyang nagpapilit mag-exercise! Kung kailangan lang niyang maging mas sexy pa, magagawan naman ng paraan. Bakit siya iniwan nang walang paalam? Bakit kailangang maging desperada siyang humahabol?

Hindi siya makasigaw sa sama ng loob na nakabara sa lalamunan niya. Kaya ang hindi masabi ng bibig niya, iginalaw ng paa niya.

‘Masaya ka ngayon, ha? Masaya ka sa payat? Shit, Adrian, lintek lang ang walang ganti!’ sa isip ay sabi niya sa lalaking walang malay sa paghabol niya.

Umiksi ang agwat sa pagitan nila. Dalawampung hakbang pa.

Sampu.

Lima.

Dalawa.

Pahablot niyang binaklas ang braso ni Adrian na nakaakbay sa babaeng kasama nito. Pagkatapos ay kinamal niya ang payat na braso ng babae at puwersahan itong ipinihit paharap.

“Malandi kang babae ka! Higad! Mang-aagaw!” sunod-sunod na sigaw niya sa malabo sa luhaang mga mata. Pinalipad niya ang palad sa pisngi nito.

Ni hindi nakasagot ang babae sa pagbaling ng mukha nito pakaliwa at pakanan. Ni hindi ito nakaaray. Napaatras ito at ilang ulit na muntik mabuwal sa suot na high heels. Pero mahigpit siyang nakahawak sa braso nito kaya hindi ito makatakas sa atake niya.

Napaatras din yata si Adrian dahil nawala ito sa field of vision niya. At wala siyang naririnig na anumang reklamo o pag-awat mula rito.

Nananakit na ang kamay niya sa kasasampal sa babae pero hindi siya tumitigil. Wala na rin siyang naririnig maliban sa bugso ng dugo niya. Pero sa tagiliran ng mga mata niya ay nakikita niya ang pagtitipon ng ilang mga taong nanonood at ang mga kumpulang mabilis na lumalampas naman sa kung saan siya nagpapalambot ng panga ng malandi. Maya-maya pa, may pumigil sa magkabilang braso niya. Napatanga ang nahihilo pang malandi sa kung sinumang nasa likod niya at umaawat.

“Hey! Don’t stare! Run!” utos mula sa lalaking pumipigil sa kanya.

 “Don’t run! You, bitch!” sigaw niya habang nagpupumiglas. Bahagya niyang nakikita sa tagiliran ng mga mata ang damit ng lalaking nasa likod niya: moss green na boyfriend shirt.

Si Adrian? Pero bakit iba ang boses?

Gusot sa nagbabantang pag-iyak at mapula sa sampal ang mukha ng babae nang tumakbo ito palayo. Hahabol pa sana siya peo. . .

“Hey now, Erin. Calm down, for Christ’s sake!”

Nanghina siya sa braso ng nagsalita. She heard this voice before but it wasn’t Adrian’s. Napapalunok niyang tiningala ang lalaki sa likuran niya.

Malamig ang caramel brown na mga mata nito. Pamilyar ang mukha. Sigurado siyang sexy. She checked on him on her neighbor’s peephole.

Nahinto sa pagragasa ang galit ni Erin. Nalito ang topak niya.

When the man realized he caught her off-guard, he cocked his head to the side and smiled lazily. Nanukso maging ang mahahaba nitong pilikmata.

“I got you. Don’t I, Erin De Guia?”

Ibinuka niya ang bibig pero umurong ang lahat ng salitang mayroon siya.

“What? You can’t say anything now? After all that rage?”

Well, ano ang posible niyang sabihin kung ang predator ay naging prey? Kung ang hunter ay naging rabbit? At kung ang babaeng pinalambot niya ang panga ay wala namang malay sa anumang ikinagagalit niya?

Bago masubukan ni Erin na ilagay sa salita ang prey-predator at hunter-rabbit na rason niya, nakakita sila ng unipormadong mga lalaking tumatakbo patungo sa gawi nila. Ang mga taong nadadaanan ng mga ito ay itinuturo sila—siya.

She managed to gasp in her head. Sa totoong buhay ay isa siyang jellyfish sa mga braso ni Sexy Man.

“I think they’re out to get you,” tila nawiwili pang sabi sa kanya ng lalaki.

Bumuka ang bibig niya sa mga salitang walang balak lumabas. Alam niyang malaki ang posibilidad na isusuko siya ni Sexy Man sa security. And heaven knows when she would be forced to live in prison.

“No choice but to either let them get you or. . .” Pumalatak ito. “Let’s run!”

Kumalas ang mga kamay ng lalaki sa braso niya. Pagkatapos ay hinawakan siya nito sa pulsuhan at hinila palayo.

***

Panay ang iyak ni Erin nang nasa parking lot na sila ng mall at nakadeposito siya sa passenger seat ng kotse ng lalaki. Mas tamang sabihing ngumangawa siya dahil walang kahihiyan ang malakas na palahaw at ang pagtulo pati ng uhog niya.

“Will you stop crying?” Kunot ang noo ni Sexy Man sa kanya. Nakaunan ito sa sariling brasong nakakapit sa manibela.

She was sure he had no idea about her problems. Umiiyak siya, una, dahil sa sakit at init ng kamay niya. She didn’t know that slapping someone to murder would be so painful. Kaya siguro may lason at ibang paraan ng pagpatay, dahil hindi praktikal ang pumatay sa sampal. Ikalawa, iniiyakan niya ang katangahan niya. Tanga lang ang hindi magdo-double check sa mukha ng susugurin bago sumugod. Pareho nang kung paanong hindi siya nag-double check nang gawan niya ng artwork ang Ford ni Sexy Man. Ikatlo, iniiyakan niya ang nalalapit niyang move-in sa kulungan. Walang matinong taong pababayaan siyang on the loose sa mga kasalanang ginawa.

“Hey. . .” Nakangiti sa kanya si Sexy Man bago bumulong sa ere, “Girls and their tears.”

Umalis ito sa pagkakahilig sa sariling braso at umabot sa backseat. Mula sa clutch bag nito ay naglabas ito ng panyo at iniabot sa kanya.

She blew her nose on his hankerchief. Walang anumang reaksyon ng pagkailang ang rumehistro sa mukha nito. Hindi niya rin mahulaan ang iniisip ng lalaki.

“What do you plan to do now?” sumisigok na usisa niya rito. Nananakit na ang mata at lalamunan niya sa pagngawa.

Nagkibit-balikat ang lalaki. “I don’t know. I’m surprised to see you.”

Lalo naman siya. Bonggang umeksena si Universe. Pinagtagpo pa talaga sila ng pinagtataguan niya.

Tahimik sa kotse ng lalaki. Na-conscious tuloy siyang sumigok.

“And why all that rage?” anito. “Bakit mo ako hinabol, when you’re well hiding from me?”

Napasimangot siya rito. Kung bakit ba kasi laging may bahid ng ngiti ang mukha ng lalaki anuman ang sabihin nito. He also looked so calm despite the fact na binugbog niya ang kasama nitong babae.

“Who’s the girl? Girlfriend mo? Kailan niya ako ipakukulong? Tumawag na ba sa ’yo?”

Malutong ang naging pagtawa nito. Parang wala siyang atrasong kailangan nitong singilin.

“No, no.” Umiiling ito. “Thank the Almighty she’s not my girlfriend. Or else you won’t be sitting safely here in my car.”

“Bago?” hindi niya mapigilang tanong.

“The girl? Yes. She’s new. But we’re not yet into the—”

“I mean the car. Bago?”

Tumawa uli ito. Naiirita na siya.

“Yes, it’s a brand new Ford.”

Lumalabas ang pangil niya. May pambili naman pala agad ito ng bagong kotse, bakit kailangang habol-habulin pa siya para lang sa kotse nitong sinira niya?

“Since you have a new car, are you going to let me off the hook?” lakas-loob niyang tanong.

Napatitig nang matagal sa kanya si Sexy Man. Nagsasayaw ang mga mata nito. His lips curved into that delicious smile. Swear. Parang cakes ang ngiti nito—matamis, malagkit, celebratory.

“Will you stop staring, please?” aniya.

“Why?”

“Why what?”

“Why should I stop staring?”

“It makes me uncomfortable.”

Tumawa uli ito. Ilang beses na ba itong tumatawa? Nagiging joke na ba siya sa paningin nito kung paanong joke siya sa mga kamag-anak?

“But showing your cat’s claw in public doesn’t make you uncomfortable?”

Inirapan niya ito.

“Non-cooperative, huh?” Isinandal nito ang ulo sa backrest ng driver’s seat. “You destroyed my car, Erin. You told me to call you. When I did call, you hid from me. You lied. You hid some more. You made me chase you. And when I stopped chasing you, you suddenly sprung out from nowhere and almost murdered my date. And then I stare at you and you tell me it’s uncomfortable.”

Wala siyang masabi. Nag-camping ang lahat ng iniisip niya sa gitna ng kagubatan.

“What’s the deal here? Are you sent from hell to wreck my life?” dagdag pa nito. “You destroyed my car. And you interrupted my date whom I think will sue you, by the way.”

She managed to gulp. Not that she has something in her mouth for her to gulp. Tuyong-tuyo ang lalamunan niya.

“I . . .” Nag-aapuhap siya ng matinong sasabihin bilang paliwanag. “I mean . . .”

Sasabihin ba niyang kapareho ng kotse nito ang kotse ng kasumpa-sumpa niyang ex-boyfriend at nagkamali siya ng dekorasyon? But that wouldn’t change the fact na nagsinungaling siya, nagtago, at nagpahabol dito. Nagpalit pa nga siya ng number niya, ’di ba?

“Kasi . . . ganito . . .”

Sasabihin din ba niya na may hina-hunting kasi siyang masamang nilalang kanina na kakulay ng damit nito ang suot? At na dahil tanga siya ay hindi man lang siya nag-double check o pumreno nang kaunti para mapansing iba ang kulay ng suot nitong jeans? O na iba rin ang kulay ng damit ng babaeng ka-date nito sa nakita niyang kasama ni Adrian?

Mahirap magpaliwanag nang mahaba. Lalo na dahil siguradong mag-uusisa ito kung sino ang masamang nilalang na si Adrian at kung ano ang nangyari at hina-hunting niya ito. Kaya wala na lang siyang sinabi. Mas masarap ngumawa.

Nanatiling nakatitig sa kanya ang lalaki. Naghihintay ng paliwanag.

“If you’re going to put me in jail, will you let me eat first? Nagugutom ako,” sabi niya.

Bumuka ang labi nito sa muntikang pagsasalita. Her stupid mouth will be her death one day. Sigurado siya. Ikukulong na lang siya ay nagawa niya pang humingi ng pagkain. Sana, nag-sorry muna siya bago nanghingi! Pero walang matinong puwedeng lumabas sa bibig niya na maiintindihan nito kaagad.

“Okay,” anitong nagkibit-balikat.

“After that, let’s drink. Please. Kailangan ko ng lakas ng loob para sa mug shots,” sabi niya pa.

“Okay. Shall we go, then?”

Iyon ang cue. She’s really going to jail.

Pumalahaw uli siya ng iyak. #

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ylena
hahaha gutom yarn
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status