Share

Chapter 6: Paasa.com

***

Padabog ang paghuhugas ni Erin ng pinagkainan. Mainit ang ulo niya dahil masarap ang halik ni Adam at sa kabila ng malagkit na umaga ay wala siyang ideya kung paano sila magkakaroon ng morning coffee kiss part 2. At kapag may isang bagay siyang gusto na parang madali namang makuha pero ni hindi niya maamin o mahingi man lang, nag-iinit ang ulo niya. To its highest boiling point.

"Shit. Bakit hindi na lang naging bakla?" Napapailing-iling siya habang hindi namamalayan ang sariling pagbulong. Panay ang isis niya gamit ang sponge sa walang labang plato.

Intrimitidang utak: Hindi mo panghihinayangan kung maging bakla nga siya? Hindi mo panghihinayangan ang caramel eyes, biceps, long legs, at ang makatunaw-everything na halik? Bet mo talaga siyang maging bakla?

Matalinong utak: Don't be dumb. Magdasal ka na lang. Kaya mo 'yan, girl.

She hissed at her own thoughts.

"Matagal ka pa?" tanong ni Adam na tumabi sa kanya.

Sandali siyang sumulyap dito. Napalunok nang magtama ang mata nila bago bumaba sa labi nito. Masarap talaga itong humalik! It's bad for her hormones.

Ibinalik niya ang paningin sa mga bula sa kitchen sink na katulad ng pag-asang mahahalikan siya uli–mabilis maglaho. Kailangan niya sigurong palitan ang dishwashing liquid niya.

"Bakit?" Hindi niya naitago ang bahagyang taas at inis sa tinig.

Kumurba sa isang makulit na ngiti ang labi ni Adam. Sumandal ito sa kitchen counter at pinagkrus ang mga bisig sa dibdib nito. Pinag-aaralan nito ang nakakunot na noo niya, ang namumulang tainga, at ang umiiwas na mata.

"You seemed angry."

"I am not."

"Why is that?"

"Why what? I'm not angry," depensa niya rito.

Nakarinig siya ng 'uhum' bago naramdaman ang mainit na kamay nito na nagmasahe sa tainga niya. "This is one really, really red ear."

Gigil siya nang bumaling dito. May kiliti siya sa tainga! And this man was teasing her! He's definitely teasing her!

Nakangiti ito. But it's not the usual playful smile. His eyes seemed... concern?

"Do you hate it that I kiss you, Erin?"

Napaawang ang labi niya. Nasaan si playful Adam? Ang malanding Adam? Ang hindi-bakla na si Adam? This Adam is a little different.

Yumuko siya sa mga platong pang-apat na ulit na yata niyang sinasabon. Kinatok ng konsensiya ang sariling kapritso. "It's not... that."

"Good. Because I'm not sorry."

"What?"

Sinalubong nito ang mata niya. "I said I'm not sorry. I don't want to be sorry. "

She doesn't want him to be sorry, too. There were other things that she wanted people to be sorry for. But that surprise kiss, however meaningless and shallow, shouldn't be one of those things.

"I'm not the kind of guy who does things only to regret if what I did doesn't work. Or if what I did is hated. We're both adults here."

Hindi alam ni Erin kung ano ang dapat sabihin. Ano ba ang dapat maging reaksyon kung tuwirang sinasabi ng isang lalaki na hindi nito pinagsisisihan ang kissing scene nila?

"Then, did you just kiss me para patunayan na hindi ka bakla?"

Sandaling napaisip si Adam. "At first."

"At first?" ulit niya habang sumisilip ang pag-asa niyang nagtatago na nga.

"Yeah. At first, I wanted to make it clear that I'm not gay. But then..." tila sinadya nitong ibitin ang mga salita nito.

"But then, what?"

"But then as I kiss you and you started kissing me back... I admit that I like it."

Nag-pompoms ang pag-asa niya para sa part 2 ng kissing scene nila.

"Didn't you like it?" tanong pa nito na bahagyang idinikit ang braso sa braso niya.

Natuyuan siya ng lalamunan habang lalong namula ang tainga.

Naghagilap siya ng sasabihin. 'Yong hindi naman siya magtutunog sabik sa halik kahit na sabihin pang may katotohanan iyon. "I was surprised. But I admit I like it. A bit." She cleared her throat. "But we're both adults here, right?"

Nagbalik ang makulit na ngiti ng lalaki. "Damn right."

Natahimik sila sandali.

"About... not regretting anything," tanong niya, "does that mean that you're prone to kissing strangers?"

"What stranger?"

"Come on. I'm a stranger."

Malakas na tumawa si Adam na para bang nagbitiw na naman siya ng punchline.

"You're no stranger to me. May record-breaking getting-to-know bonding tayo. Something I never had with anyone before. I even cleaned up the mess we made last night in the living room. What stranger?"

Napangiti siya sa sinabi nito. Strangely, in a very silly way, she feels familiar and comfortable with Adam. Totoo ang sinabi nito. Sa loob lang yata ng isang araw at isang gabi ay naipakita niya rito ang kabaliwan na mayro'n siya. And he's actually really cool about it.

Sumingaw ang lahat ng init ng ulo niya.

"Feeling better now? You're not angry anymore?" anito.

Umirap siya sa lalaki. Tumatalon ang puso niya kahit na ipinapaalala ng utak niya na dapat ay brokenhearted siya. Pero ano'ng magagawa niya? Adam makes her feel lighter. 'Yong gaan na hindi niya inakalang mararamdaman niya pa mula nang iwan siya ni Adrian. She felt deserving to be free from all the burden of being the one left for another.

"I'm not angry," pilit niya.

"Okay." Nagkibit-balikat ito. "Anyway, your cousin Aly, called a while ago. She's worried about you so I told her about what happened and how we met and where we are. She's expecting us to drop by her place later so you can fetch your things. She sounded like she's excited to meet me."

"What? Aly called and you..."

"I talked to her, of course. Is that bad?"

Bad? Hindi siya sigurado. Kung si Aly lang ang makakakilala kay Adam, wala namang problema. Pero pagkatapos ng mga phone calls na sinadya niyang hindi sagutin dahil sa Wrecking Ball video na iniimbestigahan ng mga De Guia at pagkatapos ng kumpirmadong balita ng paghihiwalay nila ni Adrian, it's not wise to let the clan see her with a new guy. Any new guy–with a shady relationship with her–will put her on a hotseat. And her set-up with Adam was shady.

"Oh." Lumunok si Erin. "I will be going to Aly's then."

"We will go, sleepyhead. It will be odd not to let me meet her when I already talked to her over the phone and promised to drop by. And I'm available today."

Kokontra sana siya. Pero hindi niya alam kung paano gayong nasisilaw siya sa simpatikong ngiti ng mapanganib na lalaki.

Napailing na lang siya at napakagat-labi.

***

"Adam Ledesma." Naghihintay ang nakalahad na kamay ni Adam sa napangangang si Aly.

Rumolyo ang mata ni Erin sa pinsan. Nakatayo sila sa bungad ng condo nito. At mula nang iawang nito ang pinto hanggang sa tuluyang masilayan si Adam ay puno ng malisya ang lahat ng reaksyon nito. Napatitig ito sa lalaki bago mapaawang ang labi at kasing-liwanag ng sikat ng araw na ngumiti sa kanya. Alam niya ang mga posibleng iniisip ni Aly matapos makumpirma na guwapo nga ang lalaking ayon sa kuwento ay nagpalipas ng magdamag sa apartment niya.

But Aly should stop being so malicious dahil natulog lang sila ni Adam.

Natulog. Lang. Sila.

"Hi. I'm... Alyson," sabi ng pinsan niya na inabot ang pakikipagkamay ng lalaki.

Muntik siyang magmura. Kasingliit ng sa ipis at kasinggaan ng singaw ng aircon ang boses ng pinsan niya.

"Aly, may sore throat ka? O nalunok mo ang aircon?" naaasar na tanong niya.

Pulut-pukyutan ang ngiti ni Aly nang bumaling sa kanya. "What do you mean, cousin?"

Tumaas ang kilay niya hanggang kisame ng condo nito. Lalo na nang ipagpumilitan nitong itago sa likod ng tainga ang nawawalang bangs ng nakapusod na buhok.

"I'm warning you, Adam," aniya sa kasama. "Aly has a boyfriend. She's faithful to him so far. Don't flirt with her."

Nagsayaw ang maliliit na ilaw sa mata ng lalaki na nakakasanayan na niya. "I have no intention to."

Natawa naman ang pinsan niya rito. "Aray. Kahit kaunting intensyon, wala?" Saka ito bumaling sa kanya. "At kailangang ibuko agad si boyfie ko?"

"Yes. Kaya bitiw na," tukoy niya sa mahigpit pa ring hawak nito sa kamay ni Adam. "Isusumbong talaga kita kay Ram."

Natawa lang uli si Aly bago bumitiw at pinaupo sila sa living room nito.

"So, I heard that he spent the night in your place," panimula ni Aly.

Nagbalik sa alaala ni Erin ang naisnab na alindog niya sa tabi ng lalaki.

"Nothing happened, Aly. We were drunk because I thought I was going to jail. He"–itinuro niya ang katabing si Adam–"just slept."

Humagikgik ang pinsan niya bago bumaling kay Adam. "She sounded disappointed, 'no?"

"Yeah. Cannot blame her," patiayon naman ng lalaki.

Tinaasan niya ng kilay ang dalawang nagkakasundo. "He's... gentleman enough," aniya at pinigil ang dila sa pagrolyo pabalik sa lalamunan niya. Who would want a man like Adam to be a gentleman?

Nakatawa pa rin si Aly. "She doesn't need a gentleman these days, Adam. Do you know the condom story?"

"Hey, Aly!"

"Yeah. She told me," sagot ni Adam dito. "It's quite interesting,"

Interesting, my ass, naisip niya. Talagang echapuwera siya kahit siya ang pinag-uusapan? Hello? Manners!

"Then, you understand why she doesn't need a gentleman these days," si Aly pa rin.

"I'm going to burn this condo when I get the chance," nanggigigil na sabi niya habang nakatingin sa pinsan.

"Oh. Okay. Relax lang." Nakaharap ang palad nito sa kanya. "I will stop. I will." Kumindat ito kay Adam bago tumingin uli sa kanya. "It's just that, you seem close with the guy. He told me all that had happened since he caught you."

Napailing-iling siya. "Just get me my things, Alyson."

"Okay," sabi nito at tumayo sa couch. "KJ."

Dinulutan sila ni Aly ng juice at club sandwiches bago nawala uli. Pagbalik nito ay bitbit na ang may kalakihan niyang tote bag na pinaglagyan niya ng mga gamit nang mag-evacuate siya sa condo nito.

"Sayang. If I have the slightest idea na magdadala ka ng tanghalian ngayon, hindi ko muna sana inayos ang gamit mo para nakapag-stay pa kayo. Dahil sigurado akong sandaling oras lang ay mabubusog ako rito kay Adam," sabi ni Aly nang kaswal na iabot sa kanya ang bag.

Nag-check siya ng laman ng bag. "Isusumbong talaga kita kay Ram."

"Why? Am I not allowed to flirt a little? Wala namang exclusive flirting, ah."

Namula ang tainga niya lalo na nang nawiwiling tumawa si Adam. Mukhang nai-enjoy nito ang mga naririnig mula sa pinsan.

"Are you flirting with her?" tanong ni Aly sa lalaki.

Natawa muli si Adam bago sumagot, "Yeah. I am."

Natigilan si Aly. Hindi yata nito inaasahan na tuwid na sasagutin ni Adam ang tanong nito. Napainom naman siya ng juice. Confirmed ngang nagpi-flirt ang malanding lalaki sa kanya! Nakakatuyo ng lalamunan!

"Really?" Namimilog ang mata ni Aly na palitan ang tingin sa kanilang dalawa. "I knew it! But, akala ko, magbabayad lang siya sa nasirang kotse mo?"

"That's the plan. But she amuses me so much. So I'm sticking with her."

Natahimik uli sa buong living room. Nasamid naman siya sa juice na iniinom pero hindi magawang umubo. Ano'ng gustong palabasin ng lalaking ito?

"Hindi talaga kayo tumitigil sa pag-uusap tungkol sa'kin, 'no? Nandito rin ako, kaharap n'yo, in the flesh. I can hear both of you kaya 'wag n'yo akong pag-usapan nang ganyan." Tumikhim siya. "Ito na ba'ng lahat ng mga gamit ko? No other news? Especially about Tito Ernie?"

Actually, ang concern lang naman talaga niya ay ang panganib ng pag-a-assume sa mga dialogue na binibitiwan ni Adam sa pinsan niya.

"Well, tumigil na sina Tito Ernie sa katatanong sa akin tungkol sa video mo. Mukhang bumalik 'yong atensyon kina Joana at Jolo." Ngumiti si Aly. "But I've got something good for you."

Nagtaas lang siya ng kilay.

"Sa bulsa ng tote mo, may photocopy ng schedule ng bride ni Adrian. Taken directly from the calendar of their wedding organizer."

Hindi nila nakita ang bahagyang pagdilim ng mukha ni Adam sa narinig. Agad namang kumulo ang dugo ni Erin nang marinig ang pangalan ng ex.

"Great."

"And Vince is trying to make up to you kaya may papers ka rin with schedules and information on where to find your ex-boss at ang traydor na si Felicia."

Napangiti siya. Mapait at mapakla. Kapag sinusuwerte ka nga naman!

"Tell Vince he still needs to send me cakes para maabsuwelto siya. Doon ko lang siya patatawarin sa ingay na dala ng kaibigan niya."

"Kawawa naman!" natatawang sabi ni Aly.

Umirap lang siya. "It's his fault."

"So, what's your plan?"

"I'm free today. Titingnan ko kung puwede na akong magmanman sa mga target para naman matupad ko na ang mga plano ko. I've never been this excited," anunsyo niya.

"Not possible, sleepyhead," sabad ni Adam.

"Ha? Why? What is it?"

"I need you all day today."

Umarko ang kilay niya. Pumirma na ba sila ng kontrata ng pagpapaalipin niya rito? Parang hindi pa naman.

"Ano? Linawin mo ang sinasabi mo," sabi niya.

"Sorry. I couldn't tell you earlier because you're lost in thought. But I actually need you to keep me company all day today."

Wala siyang ideya kung paano kokontra. Nahahati siya sa kagustuhang samahan si Adam at sa kagustuhang magmanman para makaganti sa mga kinaiinisan niya.

"So please postpone your revenge for another day," dagdag nito.

Nagkatinginan sila ni Aly. Malaki ang ngiti ng pinsan sa kanya. 'Yong ngiti na parang nanalo siya sa lotto at mababalatuhan ito.

Naguguluhan naman siya sa mga ikinikilos ni Adam. Maaaring isang bored na mayamang malandi lang ang lalaki. But if he's going to spend time with a less gorgeous species just to kill his boredom, why is it her? Why would he when he just admitted he was flirting with her? Magpapaasa ba ito?

Nag-echo sa isip niya ang sinabi nito kaninang umaga lang: I like you.

Oo nga pala. Hindi dapat na lumiko ang akala niya sa mga delikadong assumptions. Malinaw na kinatutuwaan siya ni Adam. In his own words, she amuses him so he's sticking with her. Maging ang masarap na halik ay kaswal lamang dito. She liked it. He liked it. They were both consenting adults who could shrug it off. She shouldn't put more meaning in his words and overwork her brain.

Tumalikod ang pag-asa niya, nag-impake, at nag-hiking pabalik sa bundok Tralala. #

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ylena
samahan nating mabaliw si Erin ...
goodnovel comment avatar
Ri Gales
After ng sakit sa awwit, dito naman tayo sa kabaliwan ni erin haha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status