Share

Chapter 5: Deal or No Deal?

***

Nagising si Erin sa mainit na hita na dumampi sa hita niya. Hinawi niya pa ang nakakalat na buhok sa mukha bago nagmulat ng mga mata. Ang unang tumambad sa paningin niya ay ang nakapikit na mukha ni Adam.

Tinakpan niya ang bibig sa muntik na pagtili. Pagkatapos ay sinilip niya ang sarili sa ilalim ng kumot. Naka-panty at bra lang siya samantalang si Adam naman ay short na lang ang natitirang suot. Itinakip niya ang kumot hanggang sa dibdib, saka pinagmasdan ang lalaki.

Nakadapa ito, nakabiling ang mukha sa gawi niya, at bahagyang nakasanday ang kanang paa sa kanya. Malaya niyang nakikita ang matigas na kalamnan nito sa braso at tagiliran. Nakagat niya ang labi. Not even Adrian looked this good half-naked. Sigurado siyang walang fats sa katawan ang lalaki. He looked firm, strong, and delicious everywhere.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Nag-iinit siya, este, mainit siya dahil pa rin yata sa nainom na alak. Mukhang walang natighaw na uhaw mula sa kaibuturan ng pagkatao niya. Mukhang walang condom na tumilapon sa basurahan. Which means, she just slept beside Adam. Pero lasing siya, ’di ba? Kaya baka na-mess up ng alak ang pag-iisip niya.

Bago mag-overdrive uli ang imagination niya, kinalabit niya si Adam.

Isang mata muna ang iminulat nito na parang nag-check kung sino siya.

“Hey . . .” malalim ang boses na anito. He flashed that amused smile before greeting her. “Morning, sleepyhead.”

Alanganin siyang ngumiti. “What happened? Last night? Why are we on the same bed?”

Pumikit uli ito at mahinang tumawa. “Nothing. We slept.”

Napabuntonghininga siya. She got it right. So why isn’t she happy?

“You slept on my bed? Hindi ka man lang nagpaka-gentleman at sa couch natulog?”

He hooked her hips with his leg, his brown eyes teasing hers. “You know that it’s more comfortable in your bed.”

“It’s the couch, right? Hindi ka kasya?” hula niya. More like, estimate niya. Sa tangkad ng lalaki ay posibleng hindi ito magkasya sa couch niya.

He unhooked her and chewed on his lips. “You got that right.”

Umirap siya rito. Paasa.com. Majority ba ng mga yummy na lalaki sa daigdig ay may membership sa Paasa.com?

“And for the record, nauna akong humiga sa kama mo,” anito. “You were sort of having a concert in your living room. Sinasabayan mong kumanta si Celine. And then, you took off your clothes and crawled into here. Who am I to kick you out of your bed?”

Irap uli ang isinagot niya rito at sa baritone nitong maagang nilalandi ang tainga niya. “So what happened to taking me to prison?”

“I don’t think anyone in their right mind could take you anywhere near a prison.” He chuckled. “You’re crazy. The prison’s no match for you.”

“What did you just—”

“I kind of like you too.”

Huminto ang mundo niya. Mga ten seconds.

“Ano?” Bingi ba siya sa umaga?

“I like you, Erin. You’re interesting.” He looked at her with a serious face.

Hindi siya nakapagsalita.

“I really love that condom story,” dagdag nito. “And the way you tell it. It’s entertaining.”

Nailing siya. He likes her as in he is amused and entertained by her. He means like as in liking a cute little pet. As in liking a TV show. Not ‘like’ as in ‘fond’ or ‘fascination’ like. Pero ano pa nga ba ang aasahan niya? Kung ang angkan nga niya ay hirap sa fondness at fascination para sa kanya, estranghero pa kayang tulad nito?

“I think I’m going to hate you,” deklara niya.

“That’s fine, sleepyhead. But please make breakfast. Anything will do,” anito at umayos ng pagkakatagilid.

“Hey!”

Nauubusan na siya ng reaksyon sa lalaking ito. He’s so easygoing and her temper doesn’t get through him. Nagalit na siya, naghisterya, at nalasing sa harap nito pero puro ngiti at amusement ang nakukuha niya.

“Let’s have breakfast together, okay? Then, we are going to talk about how you’re going to pay my car.”

Napanganga siya. “Ano? I thought we’re done talking about the car since you’re not going to take me to prison.”

“Yes, I’m not taking you to prison. But you still have to pay for the car, sleepyhead. And I have thought of a great set-up for both of us.”

Kinakabahan siya sa mga sinasabi nito. Pero okay na rin siguro. At least, hindi naman siya makukulong.

***

“What set-up are you talking about? Spill it now,” sabi ni Erin sa lalaking kasabay sa almusal.

Hinagod siya ng tingin ni Adam bago ito seryosong tumitig sa mga mata niya. “You have to pay me with your body.”

Dumikit ang pancake sa ngalangala niya. Balak siyang tanggalan ng hininga. Mabuti na lang at inabutan siya ng tubig ng lalaking pinagtatawanan siya.

“That joke always work,” anito.

A joke? Inangilan niya ito. “Adam!”

“Okay. Here’s how you can pay me: Cook for me.” At sumubo ito ng pancake.

Naghintay siya sa kasunod na kondisyon. Pero wala na yatang darating dahil busy na ito sa pagnguya ng pancake at sausage at sa paghigop ng kape.

“That’s it? I will just cook for you?” Parang nakapagdududa naman yatang iyon lang ang kailangan niyang gawin bilang kabayaran sa sasakyan nito.

“Yes. Why? Akala mo ba may mga hihingiin pa akong special services?” nakakaloko ang ngiting tanong nito. “Oh, I might request for an occasional vacuuming or—”

“Okay.” Iniharang niya ang palad para patigilin ito. “Let’s stop right here, okay? Naguguluhan ako, eh. Gulong-gulo ako sa ’yo.”

Tahimik lang itong ngumunguya na parang hinihintay ang mga sasabihin niya.

“I mean, baliw ka ba? Malakas ang trip mo? Marami kang time? Kasi naguguluhan ako sa mga ginagawa mo. And I think you’re making fun of me. Cook for you? Alam ko kung gaano kamahal ang Ford. Kung ipagluluto kita, mga ten years siguro, nagbabayad pa rin ako sa ’yo. At hindi ka man lang ba nag-aalala about me? I’m a complete stranger. And I might not know how to cook.”

Actually, ang ibig lang niyang sabihin ay hindi talaga siya marunong magluto. Soup at pagpiprito lang ang alam niya sa kusina. At pancakes.

“You don’t know how to cook? With the exception of”—inisa-isa nito ang mga nasa plato—“pancakes, omellete, sausages, and”—sinilip nito ang kape sa mug niya—“two types of coffee?”

Gusto niyang kalmutin ang mukha nito kung hindi niya lang panghihinayangan pagkatapos.

“I mean. . . hindi gano’n karami ang alam kong lutuin. Magprito lang ang alam ko. At kaunting soup. God, you’re making this hard. I’m not a chef.”

“Exactly why I wanted to hire you to cook for me. Sawa na ako sa restaurant food, take-out food, or magpaluto sa chef. I want homemade cooking. If the problem’s only variety, I will buy a recipe book for you.”

Tumaas ang kilay niya. Malakas nga yata talaga ang trip nito. At mukhang desididong gawin siyang cook nito.

“Baliw ka ba?”

“Maybe.” Tila nag-isip ito sa kung ano ang sasabihin. “Let’s just say I’m helping you out. Unless, may pambayad ka sa ’kin?”

Umirap siya. Pambayad as in cash? She’s broke. She’s living by her allowance na galing pa sa daddy niya sa Los Angeles.

“I don’t have money to pay you,” aniya.

“I know. You told me last night that you quit from your job.”

Sumubo siya ng pancake at suspetyosong tumingin dito. “What else did I tell you last night?”

“I think everything. And wait. . .” Mabilis itong nawala sa dining at nang magbalik ay may dala nang tissue. Maingat nitong inilapag sa table ang hawak. “Here.”

Salubong ang kilay na tinitigan niya ang gusot na tissue. Iyon ay isang listahan kung saan nakasulat:

Kalbuhin si Felicia.

Kalbuhin si Mrs. Almasen.

Kalbuhin ang bride ni Adrian.

Kalbuhin, bugbugin, balatan ng buhay, at itapon sa ilog Pasig si Adrian.

“Paano mo nakuha ’to?” tanong niya. Sulat-kamay niya iyon. Listahan niya isang gabing kapiling niya ang vodka at nagpaplano siya ng World War 3 laban sa mapang-aping mundo. Sinapian siya noon ni Sharon Cuneta at umarte sa mga linya ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita.

“Ikaw ang kumuha kagabi—from your dresser-drawer. And you discussed your plans of revenge for those people.” Humigop ng kape si Adam mula sa asul nitong mug.

“And? What’s that got to do with you?”

“Tinatanong mo ako kung ano ang mga sinabi mo kagabi, ’di ba? You told me your plans of revenge. You told me how those people broke your heart. And because I think you’re going crazy with that plan, that you are going to get more hurt by hunting your ex, and because I feel like being some good but crazy samaritan, I am offering you the best way I could help you while you pay me for the car: you will cook for me.”

Saksi ang pancakes sa pag-hang ng utak ni Erin. Walang reaksyon maging ang kaintrimitidahan at kasungitan niya.

“That’s it?” aniya.

“Yes. You told me na wala kang trabaho ngayon, that’s why you have plenty of time to exact your revenge. Also, why you can’t pay me. If you cook for me, I can distract you from always getting angry without a target, I will treat your cooking as payment, and I can finally eat homemade food. It’s beneficial to both of us. So?”

Nakipagtitigan na naman siya sa lalaki. Wala naman siyang choice. Totoo namang wala siyang pambayad. At gusto rin naman niyang ma-distract sa mga pangit na isipin na hindi si Aly o ang iba pang mga pinsan ang pinagdidiskitahan. The perfect distraction is from a stranger who cannot remind her of anything related to Adrian. At bakit pakiramdam niya ay maaari niyang pagkatiwalaan si Adam?

“Okay. I will cook for you. Mga ten years ba, bayad na ako sa ’yo?”

Tumawa na naman ito.

“As long as mabusog mo ako, you’re paid.” May makulit na ngiting naglaro sa labi nito. “And there’s something else pa, actually.”

Kinakabahan siya rito.

“What?”

“Alam mo bang trending ’yong Wrecking Ball video mo?” Maging ang mga mata nito ay kumutitap sa kaligayahan.

Ang sweet ng ngiti nito kung hindi lang niya naisip na siya ang bida sa trending na video na sinasabi nito. At confirmed nga na ito ang nag-upload!

“Ikaw nga ang nag-upload ng video na ’yon? At nilagyan mo pa talaga ng OST?!” pagalit na sita niya. Nagsimula nang uminit ang dugo niya malapit sa pagkulo. Pero nauudlot sa bawat pagtatama ng mga mata nila.

Si Adam naman, ni hindi man lang naalarma. Kumindat pa ito sa kanya. “I told you I will use other means just to see you. Isa pa, bagay naman ’yong kanta sa video mo.”

Inismiran niya ito. “You got too much time on your hands, ’no? You must be rich.”

Iniabot nito sa kanya ang mug. Nakangiti. Nangangahulugan ng refill. Padabog siyang tumayo at sinalinan ng kape ang mug nito.

“Yeah, I’m rich, I’m bored, I got time, and I find you interesting.” His caramel eyes seek hers again. “And I will help you get revenge with those people if you will let me capture you on video. Then you won’t need ten years to cook for me. Deal?”

“Deal? Are you crazy?”

Hindi niya masabayan ang mga sinasabi nito sa kanya. Gusto pa yata nitong gawin siyang Youtube sensation sa mga kalokohan niya.

“No deal? Ayaw mo?” Ngiting-ngiti ito.

“Of course, ayoko! Gaano ba ako kabaliw sa tingin mo? Ikakalat mo ako sa youtube and—”

“Who talked about youtube? One video on youtube is enough for me. Enough na rin sa akin na nag-trending ka. When I capture your revenge, it will only be for private viewing. You don’t have to worry.”

Tumirik na naman ang utak niya. Puwedeng dahil iyon sa hindi na siya makakain at lumalangoy pa rin sa bourbon ang braincells niya. Puwede ring dahil iyon sa hindi siya makapaniwala sa mga kalokohan ng kaharap.

“For private viewing. . . meaning, ikaw lang ang tatawa sa akin? That’s supposed to make me worry-free?”

He chuckled. “You amused me so much. But to answer your question, yes, for private viewing lang. Ako lang ang manonood. Kahit na interesado rin sa ’yo ang mga kaibigan ko, I won’t let them see. Okay?”

Sumubo siya ng pancake sa pag-asang lilinaw nang kaunti ang isip niya. No help.

“And why are they interested to know me?” aniya.

“Because of the comments you wrote on my car that they happened to see and took photos of. They uploaded it on my F******k and I*******m. Nag-trending din ako.”

Nakagat niya ang labi.

“My comments?”

“Their favorites are dickless, premature ejaculator, and man with a shrinking toy.” Hindi nito inihiwalay ang mata sa kanya sa buong panahon ng pag-iisa-isa ng mga salita.

Ibig sabihin, bukod pala sa pagsira niya sa kotse nito ay nasira rin niya ang reputasyon nito. O may nasira nga ba siyang reputasyon?

“You’re really not. . . gay?” tanong niya. Ito talaga ang concern niya. Kailangang-kailangan niyang i-confirm. Mula kasi nang manalangin siyang sana ay bakla ito para makaligtas siya sa attraction na nadama sa pagkakatalikod pa lang nito, hanggang sa makasama niya ito ay wala na siyang mapulot na matinong sagot. Hindi makapagproseso ang logic niya at ang naglalandi niyang pag-asa.

“What about me being gay?” Kumunot ang noo nito kahit na parang natatawa. “Do I look gay to you?”

Hindi niya puwedeng sabihin ang history ng panalangin niyang mabakla na lang ito kaysa lagi siyang manganib sa sariling pantasya.

“Well. . . madikit ang titig mo sa picture ni Adrian,” naisip niyang sabihin bago magkibit-balikat. ‘At walang nangyari sa atin kagabi kahit practically ay hubad na ako sa tabi mo.’

Mula sa pagkakasandal sa sariling upuan ay itinukod ni Adam ang mga siko sa mesang kainan at tumitig sa kanya.

“You really amuse me, Erin.”

Malagkit ang dinig niya sa pagkakabanggit nito sa pangalan niya. Parang chocolate-caramel. Papalakas ang tambol ng puso niya.

“Actually, I’m gay,” nakangiting sabi nito. His voice sounded like he was teasing her, probing her, playing with her.

He’s gay? He’s really gay?

Bumagsak ang langit at umangat ang lupa. Nagtago ang pag-asa at inspirasyon ng buhay ni Erin sa malayong bundok ng Tralala. Nagpaplano na rin siyang i-research ang statistics ng mga lalaking tulad nito pero straight. But before any of that actually happened, she has to voice out her disappointment.

“I know that probably—”

Before Erin could finish, Adam trapped the words back into her lips. Dumukwang ito sa mesang kainan, sinapo ang batok niya, at sinalakay ang mga labi niya. When she accidentally parted her lips, he kissed her more. He tasted of morning coffee and surprise—two of the things Erin only likes when done right. And damn, he felt right that she closed her eyes. Nang tumugon siya ay sandaling natigilan ang lalaki bago magpatuloy sa paghalik sa kanya.

Adam was breathing heavily when he let her go. Bumalik ito sa pagsandal sa sariling upuan habang mabigat ang talukap ng mga matang nakatingin sa kanya.

“Am I gay, Erin De Guia?”

Hindi siya makasagot. Nanatiling nakabuka nang bahagya ang mga labi niya, naghahanap sa halik nito. Mainit ang buong mukha niya at nagpapahabol ang hininga. She could still feel him on her lips. She could still taste the black coffee he’s drinking. Napapaso pa rin siya. How could he be gay?

“No. . .” mahinang sagot niya.

Nagbalik ang ngiti ni Adam sa kanya. Bumalik din sa paghilig ng siko sa mesa. Then, he reached out and slightly, slowly brushed his thumb over the fullness of her lower lip.

“Black coffee with sugar and skim milk. . .” he said, still looking at her lips. He raised his caramel eyes to her. “I love your coffee more. Next time, prepare my coffee just like that.”

She isn’t breathing. At all. #

TheCatWhoDoesntMeow

TCWDM: Thank you sa mga APM ko na nandito na rin sa GoodNovel. Love you.

| 3
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ylena
parang gusto ko magkape bigla kahit mainet...
goodnovel comment avatar
Ri Gales
Dito na lang muna ko, atlis dito alam ko na yung sakit na pagdadaanan nila erin. Time out muna ko sa Awwwit at kwento nila Terorista nag kaka anxiety ako sa kaba at sakit hahaha.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status