Share

Chapter 8: Distracted

***

“Is this poisoned?” tanong ni Adam habang nakatingin sa iniluto ni Erin. Nakapatong ang salaming kaserola ng pagkain sa gitna ng mesang kainan. Nakapagitan sa kanilang dalawa.

Nasa condo sila na pagmamay-ari ng lalaki. Studio-type iyon. Minimalist ang interior at ang mga kasangkapan. Gray, white, at blue ang dominanteng mga kulay. Nakahiwalay sa isang loft ang bedroom. Nakadibisyon sa living room at kusina ang glass cases ng iba’t ibang uri ng camera.

Pagbungad pa lang nila roon kanina, puwedeng namutiktik na sa papuri ang labi ni Erin. Kaya nga lang, nakatuon sa iisang bagay ang isip niya—ang kalbuhin si Felicia. May bago siyang dahilan para lalong magngitngit.

“Hey. Are you still looking at your phone?” sabi uli ni Adam sa kanya. Umiinom ito ng red wine at sumusubo ng cheesecake na dessert sana nila.

Matalim na tingin ang ibinato niya rito. Maingay na lalaki. Nag-iisip kaya siya! Sana. Kaso ay tumigil ang tuktok niya sa pagproseso nang i-send ni Aly sa kanya ang isang screenshot ng f******k post ni Felicia tungkol sa muli nilang pagkikita.

The post said: Saw Erin earlier at the mall today. She looked healthy and happy. I’m envious. ^_^

Kasama sa status ang selfie ng Outfit of the Day ni Felicia kung saan bakas ang skeletal system nito.

“Gusto ko talaga siyang kalbuhin!” nagngingitngit na sabi niya kay Adam.

Inagaw nito ang hawak niyang cell phone  at tiningnan din ang screenshot. “Sounds harmless to me. Why are you so mad?”

Inagaw niya pabalik ang gadget at umangil. “Everybody who knows us are aware that I’m the girl na mabilis lumobo. She’s the girl na laging petite. Kahit na ano’ng ipalamon ko ro’n, hindi ’yon tataba. Ako, I only need two carrot cakes and I would have inches of fats in my belly. Instant!”

Nangiti lang si Adam. Like always. “I still don’t see your point.”

“Nag-post siya ng selfie ng kapayatan niya.”

“So what?”

“Pagkatapos, tinawag niya akong healthy.”

He chuckled a little. “And?”

“Ipinangangalandakan niyang payatot siya at mataba ako!”

Umiling si Adam. “You’re overreacting.”

“I’m not. This is war, Adam. She posted something like that samantalang puwede naman niyang sabihin simply na nagkita kami uli. That I looked well. Bakit kailangang naka-point out na healthy ako? Healthy is what modests or hypocrites use to mean ugly fat. Healthy is synonymous with the hypocritical chubby. Felicia’s not modest so I know that she used that word like the hypocrite that she already is! Healthy? Kailangang idikdik?”

“At least hindi ka naka-tag,” simpleng sabi ng lalaki at nagkibit-balikat.

“Of course. Wala na akong f******k account.”

Kumunot ang noo ni Adam. “But you used to have one before?”

Nagtaas siya ng isang kilay. “You didn’t know? Nalaman mo ang address ko but not the fact that I’m not in any social networking sites? Hindi mo ba ako sinubukang hanapin sa F******k?”

“I browsed but accounts with the name Erin De Guia are endless. I don’t have the patience to stalk each. Since you gave me your number and your full name, I had people looked you up in telecommunications and the NBI. That’s easier.”

Napanganga si Erin sa katwiran nito. Ipinahanap siya nito sa telecommunications companies at sa mga kakilala nito sa NBI? And that’s easier for him?

“Tell me why,” sabi ni Adam.

“Why what?” Nawawala na ang isip niya sa pagkalbo kay Felicia dahil dito.

“Why you’re not in any social networking sites.”

“Of course, dahil kay Adrian!” napataas ang boses na sabi niya.

Natahimik si Adam.

Nag-iwas naman siya ng tingin bago nagpatuloy, “The night that he left, I looked for him immediately. I asked our common friends about him. Pero alam mo ’yong feeling na nagmumukha na ’kong tanga? ’Yong feeling na alam kong itinatago ng mga kakilala namin ’yong taong hinahanap ko pero nagtatanong pa rin ako? Kasi. . . kasi. . .” Lalong lumiit ang boses niya. “Kasi baka maawa sila sa ’kin. Then they might tell me where to look for him.”

Hindi agad nagsalita si Adam. When he did, he asked, “Then why did you deactivate?”

“I did not. I deleted my accounts.”

“Why? You should have unfriended those people.”

Kinagat niya ang labi. “I could not. I know that they know he’s getting married. I couldn’t stand them knowing habang ako. . . nagtatanong at hindi nakakakuha ng matinong sagot.”

“Why didn’t you press them? Or wreck their car?” tanong pa rin ng lalaki.

“Because that time, I believe that I’m not petty. Or that desperate. May kaunti pa ’kong pride na akala ko, naiiwan pa.”

Nag-iwas ng tingin si Adam habang parang nag-iisip. Pagkatapos ay nagbuntonghininga ito. Nakangiti na uli ito nang humarap sa kanya.

“I thought you can handle all kinds of crazy. I guess it really did hurt you when that guy left.”

Umirap siya. “Of course! Five years ang naging relationship namin. Mahabang panahon ’yon! Maraming effort. Maraming araw. Maraming pangyayari. Masakit na bigla na lang maiwang luhaan.”

“At hubad?”

Umangil siya. “Right! At hubad!”

“But didn’t you see that coming? That the relationship will come to an end? Is it always good when you were together?”

Ayaw nang sumagot ni Erin pero nakatitig si Adam at hindi pinakakawalan ang mga mata niya. Sumasakit ang dibdib niya sa itinatanong nito. Nahihirapan niyang nilunok ang bara sa lalamunan.

Of course, she saw it coming. Hindi puro magagandang alaala ang mayroon sila ni Adrian. Sa loob ng limang taong relasyon nila, alam niyang maraming pagkakataon na ipinilit lang niya kung anumang progress mayroon sila.

Pahirapan bago siya ipinakilala sa ilang mga kaibigan nito. Pahirapan, pakiusapan, at ilang pag-aaway bago siya iharap sa sariling pamilya. Sa video call na nga lang siya kailangang ipakilala sa pamilya nito sa Canada, natagalan pa. Lagi itong late bumati ng monthsaries at anniversaries. Laging late magregalo. Lagi siyang sinasaway dahil sa bad temper niya. Iniisip niyang bahagi lang iyon ng bad times. Because every couple has bad times, right? But there are good times too. Kahit kakaunti lang ang naaalala niya.

And on the last six months that they were together, Adrian promised her he would change. He did change. He treated her nicely, he made her matter, he made her feel loved. Para iwan isang gabi.

Kaya niya bang isagot iyon kay Adam? Hindi kumikilos ang labi niya habang naiipon ang luha sa mga mata niya.

Ngayon lang niya naisip: Did she just push through an already doomed relationship? Kaya siya nasaktan? Kaya siya iniwan? But what about those last six months? Nagbago lang ba si Adrian para iwan siya sa dulo? Hugas-kamay para kapag naiwan na siya, hindi naman niya masabing walang effort na ginawa ang lalaki sa relasyon nila?

“That’s a yes,” sabi ni Adam, matter-of-factly.

Lumunok siya uli. Tumakas ang ilang butil ng luha sa mga mata niya. Mabilis. Hindi niya nahabol. Hindi niya naikurap ni napalis.

Dumukwang si Adam at pinahid ng hinlalaki nito ang naglandas na luha sa mata niya.

“I can’t eat dinner,” kaswal na sabi nito.

“Me too,” sabi niyang nahihirapan.

“I mean. . . ano’ng pagkain ba ’to?” anito na nakatingin sa kaserola ng iniluto niya.

Binitiwan niya ang hiningang hinihigit pala niya. Nakahinga siya uli nang maayos. Yet she couldn’t even thank him for changing the topic.

Napatingin siya sa iniluto. Kaldereta iyon nang nagsisimula siya. ’Tapos, nilagyan niya ng gulay na pang-kare-kare. Kaso, nang dagdagan niya ng bagoong, naglasang binagoongan. At ngayon, hindi na niya alam.

“I was. . . distracted,” aniya at umirap. Saka pasimpleng pinahid uli ang luha sa pisngi.

Nakangiti ito na napapailing. “Let’s dine out. What do you want to eat?”

“Something Mexican?”

“I’ll treat you to Mexican, then,” sabi nitong tumayo at bumaling sa kanya. “And Erin. . .”

Hinintay niya ang kasunod nitong sasabihin. Bakit parang seryoso ang mga mata nito kahit nakangiti naman ang labi?

Umiling ito na tila nagbago ang iniisip. “Doesn’t matter but. . .” Nagbuntonghininga uli ito bago, “Just eat with me and stop thinking about everything else, okay?”

Napalunok siya. The intensity in his brown eyes and the gentleness in his voice got through her skin. It made her feel warm.

“Or else”—his brown eyes turned chocolate dark as he looked at her—“I’ll make you pay.”

Nag-init ang pisngi niya. She knew he was talking about paying for the food. Pero ang ka-cheap-an niya ay iba ang pakahulugan sa sinasabi nito.

“Do you get me?” anito.

Napalunok uli siya. Natutuyo ang lalamunan. “Yes.”

“That’s good,” sabi ni Adam at kaswal na ngumiti. Saka tumalikod at nagpatiunang lumakad.

Nanghihina ang tuhod na sumunod siya rito. #

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ylena
walangjo kasi si Adrian. pero yamuna andyan naman na si Adam yiiiieee
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status