Share

Chapter 32: For all it's worth

*** 

Nobyembre. Taksil ang bilis ng paglipas ng tatlong buwan sa nawawalang pakiramdam ni Erin. Dumarating pala ang araw na namamanhid sa pagsisisi ang isang tao. Dahil namanhid si Erin nang huling beses na tangkaing makita si Adam.

Matapos siyang makatanggap ng bulaklak at ng isang bagong interior mula sa lalaki, nagmadali siyang pumunta sa condo nito pero wala ito. Nang mag-imbestiga siya sa opisina nito ay nalaman niya mula sa mga manggagawa na hindi ito pumapasok. Nahihiya man ay nagtanong siya kay Elaine pero hindi rin nito alam kung saan nagpunta ang kapatid. Bumili siya ng bagong cell phone  at tumawag sa number nito na kabisado niya, pero hindi siya makakonekta. Nilamon ng bula si Adam.

Gaya ng sabi nito sa note: I promise this will be the last.

It was almost Adrian all over again. Except, si Erin ang unang tumalikod.

Pero ang sakit na tiniis niya, mas nakababaliw at nakapanghihina. Nawalan uli siya ng tsansang magma

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status