Share

Special Chapter 5: Class and Patience

***

Ang inaakala ni Erin na simpleng pa-salon ni Violet Ledesma, VIP schedule pala. Matapos nilang magsukatan ng talas ng mata at muntikan nang talas ng dila nang makaalis si Adam, tumuloy siya kasama ang mga babaeng Ledesma sa isang sikat na salon na nasa mall. Doon ay sinalubong sila ng mismong may-ari, bineso-beso, chinika at pinaulanan ng papuri, bago ipinagkatiwala sa head stylist at ilang assistants. Walang ibang tao sa salon kundi sila. Reserbado ang buong umaga para lang sa kanila.

Ilang ulit tumaas ang kilay niya sa tutok na pag-aasikaso sa pamilya ni Adam. Si Eloise ay agad pinaupo para purihin at suriin ang buhok. Magpapa-treatment ang babae para sa natural curls nito. Si Shandy naman ay pinaupo para purihin at papiliin sa bagong kulay ng buhok na gusto nito. Magpapa-style lang ang mas batang babae. At si Madame Violet, ayon sa tawag dito ng mga stylist, ay pinaupo para purihin nang purihin nang purihin. Magpapa-treatment din ito sa buhok. Ayon sa narinig niya, may foot spa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status