Share

Chapter 2: Hide and Seek

***

‘He’s at the lobby of this building? How did he even know where I live?’

Mabilis na nagpatong ng robe si Erin sa oversize t-shirt na gamit pantulog. Dali-dali niyang hiniklat ang shoulder bag na nasa sofa at humugot ng kung anong damit sa closet. Isinalaksak niya iyon sa bag. Lumabas siya ng apartment, nag-lock ng pinto, at talagang papatakbo na patungo sa elevator kung hindi lang siya nakarinig ng mga yabag mula roon. Nagmamadali siyang bumalik sa unit niya para lang lumabas uli at mangatok sa katapat na pinto.

Nang mapagbuksan ay agad siyang pumasok sa loob ng katapat na apartment. May pagtataka sa mukha ng dalawang matanda na tenant doon.

“May sunog ba?” tanong ni Mrs. Rima. Payat ang matanda, malaki ang mga mata, at kapag ngumingiti ay nalalaglag pa nang kaunti ang pustiso. Ngumunguya ito. Amoy-ginataan.

Humihingal siya nang ngumiti. “Wala ho. Pasensiya na ho sa pagkatok ko. Emergency ho kasi.”

Sumilip siya sa unit niya mula sa peephole ng pinto ng mag-asawa. Wala namang tao.

Kinusot niya ang mata. Hindi naman kaya masyado lang siyang praning? There’s no way that man could have known where she lives. Unless he has connections with the police.

Nagtaasan ang balahibo niya nang makaalala ng pulis. Isinumbong kaya siya? But if he did, it’s the police who would be knocking on her door or calling on her phone at hindi ang lalaki. O baka naman pulis ang lalaki?

Napailing siya. A police with a slick-looking Ford? It doesn’t fit. Napailing uli siya.

“Masakit ba ang ulo mo, apo? O may insektong pumasok sa tainga mo?” usisa naman ni Mr. Tim. He looked at least a 100 years old, pero matatag pa ang pustiso at tuhod. Ayon sa huli nilang tsikahan ay nagbo-ballroom dancing pa ito kasama ang asawa.

Nagkatinginan ito at si Mrs. Rima. May pag-aalala sa mga mukha.

“Lagyan natin ng langis ’yang tainga mo para mawala ang insekto. Halika sa kusina,” yaya ni Mrs. Rima.

 “Okay ho ako. May iniisip lang,” alanganin ang ngiting sagot niya saka sumilip uli sa peephole.

“May pinagtataguan ka?” si Mr. Tim.

 “Hindi naman ho sa gano’n.”

Nagkatinginan uli ang mga ito. “Pero parang ganoon na rin?”

Alanganin naman siyang tumango. Nagngitian ang dalawa.

“Si Adrian ba?” si Mrs. Rima.

Ngayon ay alanganin namang umiinit ang ulo niya. Kasalanan ni Adrian ang nangyayari sa kanya ngayon! Kaya kung may Adrian na susulpot sa pinto ng unit niya ay hindi siya magtatago. Kukuha siya ng baseball bat o frying pan para ihambalos dito nang hindi ito makatakas.

“Hindi ho.”

Nagkibit-balikat ang dalawang matanda.

“Pa’no. . . Kumakain kami. Gusto mong sumalo, apo?” Nakangiti si Mr. Tim sa kanya. May nakasingit sa pustiso nito na hindi niya malaman kung ginisang baboy o gulay. “Masarap ang ginata kong langka.”

Ginataang langka pala. “Halata nga hong langka,” aniya. “Ang ibig ko hong sabihin, salamat na lang ho.”

Nagkibit-balikat uli ang dalawang matanda at lumakad na pabalik sa kusina. Nagbilin pa ang mga ito na isara niya nang maayos ang pinto pag-alis niya.

Pagsilip niya uli sa peephole ay nakita niya ang isang matangkad na lalaking nakatayo sa pinto niya. Pumipindot ito sa doorbell. Napasinghap siya at napahakbang paatras.

‘No way! He’s not a cop!’

Kagat-labi siyang sumilip uli at pinasadahan ng malisya ang pigura­—soft jeans strained to contain his long legs, the linen shirt strained to contain his sculpted body. Aninag sa pang-itaas ng lalaki ang matigas na kalamnan nito.

Erin restrained herself to ogle but his delectable ass was ogle-worthy. Ano kaya ang itsura ng lalaki kung walang damit na rerestrikto sa katawan ito? Napakagat siya sa labi. Now, she was curious if his face gives justice to his body. Alam niyang maraming lalaki ang talikod-genic pero susmaryosep ’pag nakaharap na.

‘Come on. Just turn around once.’

Pagpihit ng lalaki, nalaglag ang panty niya sa sahig.

He was smirking with his pink, pink lips! He has caramel brown eyes, a few stubbles on his chin and jaw, and. . . her eyes went directly down the middle of his body. She has to check that. Napapalatak siya nang tumalikod itong muli. She could have seen a bulge. Then, from that bulge, she could have known kung mayroon itong maipagmamalaking. . .

Nag-ring ang phone niya. Na sinagot niya absentmindedly.

“You could have met me. But it seems you have escaped before I came.”

That baritone! She peeked and saw his lazy smile as he talked over the phone.

“Why should I meet you? Look. . . I’m sorry about the car—”

“Sorry won’t fix it, sleepyhead.”

“Then, what? Gusto mong bayaran kita?”

Ano ba ang pinagtatawanan ng lalaki at parang hindi nawawala ang ngiti nito? They were talking about a ruined car.

“That’s preferable. It’s a brand new car,” anito.

Make that a ruined brand new car. He’s supposed to be angry.

“Paano kung wala akong pambayad?” Napalunok siya. Hindi na siya dapat nagtanong dahil wala naman talaga siyang pambayad. Kare-resign niya lang sa trabaho. Ang lahat ng panggasta at luho niya ay courtesy ng ama.

Nagbuntonghininga ito. “I have to meet you first. Then we’ll see.”

 “Well. . .” Agad na naghagilap ng kasinungalingan ang utak niya. “I’m not home. I’m somewhere far. I might not be back all week.” ‘Or all month.’  She cleared her throat. “Once I get back, I will call you.”

Walang sagot mula sa kabilang linya. Mukhang nag-iisip nang mabuti ang lalaki.

“Okay. You better call. Or I will have to use other means to meet you.”

Sa halip na kilabutan sa takot ay nakiliti siya sa sinabi nito. It sounded like he really wanted to meet her. Hindi tulad sa mga naging dates niya recently na walang resulta ang ‘Call me.’

“I’m serious, Erin.”

Seryoso nga ito. Seryosong nakangiti ayon sa nakikita niya sa peephole. Gagawin ba siyang sex slave nito?

Intrimitidang utak: Not with your current waistline. You’re better off as his maid.

Matalinong utak: Dahil wala kang love life ngayon at nakakita ka ng guwapong lalaki, nakakalimutan mo nang wala kang pambayad ng kotse? He could sue you. He could have you imprisoned. And you’re not sex slave material with your waistline.

Muntik umusok ang ilong niya sa asar. Nice. Minsan lang magkasundo ang intrimitida at matalinong boses sa utak niya, at sa isyu pa talaga ng waistline niya.

“I will call.” Saka niya pinutol ang connection.

Nag-beep ang cell phone niya sa pagpasok ng isang mensahe. Binuksan niya at binasa: See you, Erin.

Naipaypay niya ang palad sa leeg at mukha. He’s making her hot. Even if he’s a real turn on, he’s a stranger and her reaction’s so cheap. Is it that time of the month yet? Mataas ang libido niya bago dumating ang period niya.

‘He looks too good. He could be gay.’

Pero kahit na iyon ang iniisip niya ay hindi humupa ang mainit na epekto nito sa kanya. Binuksan niya ang likuran ng cell phone at sinira ang SIM card niya.

Matalinong utak: What’s that for? He knows your address.

Napailing siya. Sumilip sa peephole at nakitang umalis na ang lalaki roon.

‘I should have asked for his name.’

Matalinong utak: For stalking purposes?

‘I’m not a stalker!

“Jeez. Ano ba ’tong pinasok ko?” Tumingala siya para sa divine intervention. ‘God, make him gay! Or I’m doomed!’

***

Erin’s one-week excuse extended to two weeks. Dalawang linggo na rin siyang nasa unit ni Aly at nakikituloy. Isang beses, tumawag siya sa lobby ng apartment building na tinutuluyan. Nalaman niya mula sa building manager na si Kaye na may lalaking nagpupunta roon at naghahanap sa kanya. Nang sinabi niyang stalker niya ang lalaki at dapat i-ban ay kinabagan ito sa katatawa. Gusto niya tuloy salaksakin ang lalamunan nito.

Nag-Hi pa sa phone si Sexy Man na nagkataong nakatambay roon nang tumawag siya. Parang hindi nito alintana kahit na obvious naman na pinagtataguan niya ito nang magpalit siya ng number.

That’s the last time she called Kaye at ang apartment niya. And today was another day of lazing around Aly’s condo.

“I’m going out. Are you sure dito ka lang uli?” tanong sa kanya ng pinsan habang nakatayo ito sa harapan niya at nakaharang sa flat screen television.

Umisod siya ng upo at sinilip ang pinanonood na chick flick.

“Yup. I have cable. I have cake. I’m fine.”

Napailing ito. “Tito Ernie is still mad at you about Joana’s wedding. You called Jolo panot—”

“Jolo?” Abot sa hairline ang kilay niya.

“Si Panot!” anitong naiinis. “There. You made me say it.”

Napahalakhak siya. “Panot talaga siya. Kahit ikaw, ’yon ang nickname mo sa kanya. ’Wag kang plastik.”

Napailing si Aly.  “The point is, you called the groom panot. Nang harapan. Nag-echo sa simbahan. And you have yet to say your apologies.”

“So?”

“So kung wala kang gagawin, go visit them and apologize.”

Sumandal siya sa sofa na kinauupuan at umismid. “No way!”

“Erin. . .” Tumigil na ito bago pa magsimulang mag-lecture. “Kapag nalaman ni Tito Gary ’yan. . .”

“He’s going to apologize for me,” tapos niya sa linya nito. Which is true. Kapag nalaman ng Papa niya ang idinulot niyang gulo sa simbahan, alam niyang hihingi ito ng dispensa alang-alang sa kanya.

Sabihin nang abusado siya, but their clan is known for their temper. Kaya nga sinugod din siya ni Joana at sinabunutan. Ang pagkakaiba niya lang sa mga pinsan; one, siya ang may temper na tulad sa bombang sasabog anumang oras; two, she has a doting father who would never lecture her. At ayaw niyang magpakita ng mukha sa mga ito sa takot na makuwestyon kung bakit, paano, at kailan sila naghiwalay ni Adrian.

Minura niya uli sa isip si Adrian.

Umiling si Aly. “Alright, then. I’m going,”

Tango lang ang isinagot niya rito. Nag-concentrate na uli siya sa pinanonood hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng pinto.

Wala pang minuto na nakaaalis si Aly ay bored na siya sa condo nito. Humiga siya sa sofa. Pinisil ang bilbil. Papakapal na iyon at hindi niya pa alam kung paanong babawasan. On top of it, she missed her own bed, her own animal slippers, her own bathtub, her messy kitchen, and her own couch. Nami-miss niyang doon magmukmok.

Maya-maya, nag-ring ang cell phone niya na nasa side table. Tinatamad niyang inabot iyon at tinanggap ang tawag ni Aly.

“What?” Hindi kaya babalik ito para samahan siyang magmukmok? Sarili na rin niya ang kumalaban sa naisip niya. There was no way Aly would choose her over her boyfriend. Yummy ang boyfriend nito. At siya? Isa lang siyang mareklamong pinsan.

“You have to check this viral video on the—”

“Aly, please. You know I’m not into watching Youtube videos and that kind of stuff.” Rumorolyo pa ang mata niya sa pagsasalita.

“You should see it for yourself! Ikaw ang nasa video!”

Hindi agad rumehistro sa isip niya ang sinabi ng pinsan. There’s no way na magkakaroon siya ng video.

“Oh my! Is that a scandal?” malaki ang matang tanong niya.

“What?” naguguluhang balik ni Aly. “Did you make a video equivalent to a scandal?”

“Well. . .” She’s not that sure but, “Wala.”

“Ewan ko sa ’yo, Erin. Anyway, this is a CCTV video of someone wrecking a car. And it looks like you! Tumawag na sa akin sina Tito Ernie and Tita Mildred and they want to confirm if it’s you. I’ll send you the link.”

Someone wrecking a car? Bumilis ang tahip ng dibdib niya. Hindi nagpapaalam kay Aly na pinutol niya ang tawag nito. Dali-dali siyang nag-click nang mai-send nito ang link ng video sa cell phone niya.

Madilim ang footage pero nakikita ang isang babae na busy sa pag-spray paint sa isang pulang kotse. Sa tuwing matatapos sa artwork ay patingala itong humahalakhak. Wala dapat tunog ang video mula sa CCTV pero sinumang nag-upload ay nag-abalang lapatan ito ng background song. Sabog sa speakers ang chorus ng Wrecking Ball ni Miley Cyrus.

Nag-iinit ang ulo niya! Kahit na madilim at hindi naman nakikita nang malinaw ang mukha niya, sigurado siyang siya iyon at ang kotse ni Sexy Man!

Tiningnan niya ang impormasyon tungkol sa nag-upload ng video. New user ito. Si CALL ME. At ang profile picture ay close up photo ng caramel brown eyes nito.

‘Damn that guy!

Nag-ring ang telepono sa condo ni Aly. Sandali niyang pinanood iyon sa pag-iingay. Ngayon ay wala na siyang planong magmukmok sa bahay matapos ang napanood. She has to be somewhere else. Sigurado siyang sasakit ang tainga niya sa usisa at sermon ng mga kamag-anak na nakapanood ng video. Gaano man kadilim ay mapagsisino ng mga ito ang pigura niya.

Iniangat niya ang phone at isiniksik sa ilalim ng throw pillow. Saka siya nagtungo sa banyo para mag-shower. Sa sobrang asar niya ay nasa mood na siya uli para mang-hunting ng taong gusto niyang gantihan—si Adrian! #

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ylena
gora Erin!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status