Share

Chapter 9: Sober conversation

***

Bago pa magsungit sa gutom si Erin ay nakarating sila ni Adam sa isang Mexican restaurant. Naupo sila sa isang mesa na paharap sa entrada ng kainan at tahimik na um-order. Kahit nangangalabit ang asar niya sa picture na in-upload ni Felicia at nangangati ang dila niya para ireklamo ang mga mapapait na alaala ni Adrian, itinikom niya ang bibig. Wala kasi siyang pambayad sa pagkain sakaling totohanin nga ni Adam na pagbayarin siya kapag inuna niya ang topak niya.

“I’m getting scared by your silence,” sabi ni Adam nang magsimulang isilbi sa mesa nila ang hapunan.

They ordered pork carnitas (braised pork), baja fingers (breaded chicken strips), salad, and stuffed jalapeño.       

“Nagpapraktis ako ng vow of silence,” mataray na sagot niya. Heto na nga at iniiwasan na niyang ikomento ang anumang may kinalaman sa kapaitan niya sa buhay, pupunahin pa ng lalaking ito ang paghihirap niya.

“You don’t know how scary you look when you’re trying to control your temper,” anitong natatawa. Nagsubo ito ng isang haba ng chicken strip.

Napalunok naman siya at nakisubo. “You told me not to think about anything that. . .”

“But you’re still thinking about it,” salo nito.

Umirap siya. Of course, she was thinking about it. Hindi naman niya maiaalis agad sa isipan niya ang mga bagay na kinaiinisan.

“Distract yourself from distraction, Erin.”

“Pa’no?”

Nagkibit-balikat ito at luminga. “Look around you.”

Kasabay ng pagdampot niya sa isang stuffed jalapeño ang paglinga niya sa paligid. Maliwanag ang restaurant na may rustic interior. May banderitas na nakasabit sa dingding at makukulay na poster na nakadekorasyon. Pares-pares ang mga kumakain. May mga nagsusubuan pa. Pamilyar sa kanya ang maligayang ekspresyon at reaksyon ng mga ito, lalo na ang mga babae.

Sumimangot siya. Eyesore.

“You already smiled a little but I guess you really have a talent in going back to being sour,” sabi ni Adam sa kanya bago mahinang tumawa.

Kahit siguro ikubkob siya sa gitna ng bundok, magagawa pa rin niyang magmapait.

“Kuwentuhan mo na lang ako,” anito.

“Fairy tale o horror?” pilosopong aniya.

“Silly. What have you been doing before you got crazy?”

Nagkibit-balikat siya. Tinatamad siyang magkuwento.

“Daycare teacher ka? Pa’no?”

Sigurado si Erin na doon talaga interesado ang lalaki. Mula pa nang marinig nito sa kanya ang dating trabaho, ilang ulit na itong napatingin nang may pagdududa. She was surprised he managed to hold out this long before probing about her background.

“Psychology graduate talaga ’ko,” walang ganang kuwento niya rito. “When it was hard to find a job, ni-refer ako ni Tito Ernie sa isang daycare. The school takes care of special children. ’Yong iba, may autism and down syndrome. Most, may learning disability. Surprisingly, I like children. From being just a psychologist when they needed one, I became a teacher. We developed modules and learning aids for them.”

Hindi sapat sabihing laglag ang panga ni Adam sa kanya. Natigil ito sa pagsubo. Ang akala yata nito ay talagang bulkang sasabog lang siya. Well, it may surprise him but she’s the type who seriously gets the job done when given one.

“Ano?” aniya rito. “Akala mo, baliw lang talaga ’ko at walang ibang ginagawang matino sa buhay?”

“Well. . .” Maliwanag sa ngiti nito ang sagot na ‘Oo.’

She hissed.

“Why did you resign from that job? You seemed to enjoy it.”

“I enjoyed it. Kaso, mapagsamantala ’yong naging bagong school director. Nawili yata na masunurin ako kaya laging idinidikdik ang no-date policy niya.”

Nakataas ang isang kilay ni Adam sa paghihintay ng karugtong sa kuwento niya. She cleared her throat.

“Well, I was gullible to take it to heart. Hindi ako nag-date at all. Nadiyeta na ’ko sa lalaki at mga bagong kakilala bago ko nalaman sa mga co-teachers ko na may love life sila,” asar na dugtong niya.

Matunog ang halakhak ni Adam doon. Gusto niya itong salaksakin ng jalapeño.

“Kahit na co-teacher mo si. . . Who’s that, again?” anito.

“Si George,” aniya.

“You didn’t date him?”

“Hindi. I like him when we were co-teachers. No’ng nasa advertising firm na ’ko, akala ko, nakikipagkita siya sa ’kin dahil ako ang gusto. Si Felicia pala,” mapaklang sabi niya.

Napatango si Adam pero hindi nagkomento. Nagpasalamat naman si Erin dahil kinakain na niya ang jalapeño na maaaring ipansalaksak dito.

“Sa advertising ko nakilala si Adrian. No’ng akala ko, steady na kami, lumipat ako sa isang coffee shop. My last job, in case na hindi mo naimbestigahan, sa isang advertising firm uli,” aniya.

“I know about the last one.”

Inirapan niya ito.

“There. Nasabi ko na ang employment background ko. Okay na ba?”

Malaki ang ngiti ni Adam sa kanya na naiinis siya. Matagal na mula nang may huling naging interesado sa ginawa at ginagawa niya sa buhay. She knows boring details like employment and hobbies bore people. Wala namang maipapakinabang si Adam do’n.

Iniaalis lang yata nito ang isip niya sa laging pagkainis.

“How about you?” aniya. “What makes you rich?”

May amusement sa mata nito habang sumusubo. Napansin ni Erin na nauubos na nila ang mga nakahain. They might need beer or coffee after.

“My parents are rich.”

“But how are you rich? Ano’ng business mo at parang marami kang oras na puwedeng sayangin?”

“May camera rental and equipment business kami ng kapatid ko. Movie houses and TV stations rent from us.”

“Wow. It must be big.”

“It is.”

“At marami kang time dahil. . .?”

“I’m taking some time off lately.”

Napatango si Erin. “Must be nice. You’re taking some time off pero may pera ka pa rin.” Samantalang siya, kapag may time off, may gutom laging kasama.

“It serves its purpose well.”

They finished the rest of the food talking about the boring stuff. Ang akala ni Erin ay makababalik na siya sa sariling apartment para mag-resume sa pagngingitngit. Pero tumigil pa sila ni Adam sa isang coffee shop.

Sa papalalim na gabi, papagaan at papadali ang makipag-usap sa lalaki. Nakaliligtaan na ni Erin ang ma-high blood sa mga matatamis na pares na sigurado siyang maghihiwalay rin naman kalaunan. Nababaling na ang atensyon niya sa pagsagot sa lahat ng tanong na kaswal na ibinabato ni Adam.

“I wish my father was a little like yours,” sabi ni Adam sa pagitan ng paghigop sa cappuccino nito.

“What? ’Yong konsentidor?” natatawang buwelta ni Erin. Caramel latte ang iniinom niya.

“No, I mean, someone who could learn of my misbehavior and still understand.”

Napakibit-balikat siya. “May good at bad points si Papa.”

“Hindi mo naisip na tumira sa L.A.?”

“Nope. Not my cup of tea. Mas gusto kong nagagalit dito sa Pilipinas at pinakikialaman ng mga kamag-anak ko.”

Malutong ang naging tawa ni Adam doon. Nawiwili namang nakatingin si Erin.

“What else do you like, Erin? Besides getting angry?”

Napaisip siyang mabuti. Ano nga ba? Mas malinaw yata ang listahan niya ng mga bagay na ayaw niya kaysa mga bagay na gusto niya.

She certainly loves romance. She wondered if that was because she felt unloved most of the time. May napanood siyang isang video na ang sabi, hinahanap daw ng tao ang pagmamahal sa anumang anyo kapag hindi nito laging nakukuha. Some fall easily and assume love easily because they’re lonely.

She wondered if she was just lonely.

“Erin?” untag ni Adam.

Huminga siya nang malalim at nag-isip. “Well… I like flowers like most girls. But I love stargazers the most. Maybe because they look like stars?”

“You like stars?” anito.

“Yes.”

Napatango si Adam. “It suits you.”

“Why?”

“Stars are exploding balls of gas. Out there, they’re constantly hot and blazing. But they look beautiful from here, from afar,” sabi nito.

“Teka, medyo malalim,” sabi ni Erin.

“I’m saying your temper suits the stars,” natatawang sabi ni Adam.

Sinimangutan niya ito. He’s saying she’s like a star—an exploding ball of gas? Not the star as in something that twinkles from afar?

“And you also look beautiful,” anito.

Tumikhim siya at umirap dito. “Late na ’yong compliment mo.”

Ngumiti si Adam. “What else do you like?”

Nag-isip si Erin at nag-isa-isa uli. She realized that she liked a lot of other things besides being constantly temperamental.

Nang lumalim pa ang gabi at maubos ang kape nila, inihatid siya ni Adam sa apartment niya. Iniwan din nito ang susi ng condo nito para sa pagluluto niya.

Hindi na umabot sa antok ni Erin ang pagngingitngit.

***

Pawisan si Erin nang magmulat kinaumagahan. Nakamal niya ang bilbil na hindi siya nilubayan hanggang sa panaginip niya.

Nang mag-ring ang cell phone  niya ay pakapa niya iyong hinagilap at malalim ang paghingal nang sagutin.

“Good morning, sleepyhead,” bati ng pamilyar na baritone sa kanya. “Why are you panting? Are you with someone?”

“Adam!” relieved na banggit niya sa pangalan ng lalaki. “My God! I had the strangest dream!”

“Oh. A dream,” anitong sa himig ay natawa.

“Gosh. Kinikilabutan ako,” simula niya at nagmamadaling nagkuwento. “Naka-wedding gown daw ako at naglalakad papunta sa altar. Nasa dulo ng aisle si Adrian, naghihintay sa akin. Nakatalikod. Nang malapit na ’ko at humarap si Adrian, parang puputok na raw sa katabaan! All the people in the church were laughing at him. Lider nila si Felicia! That snake!” Lumunok siya. “’Tapos, sabi raw sa ’kin ni Felicia at sa mga tao, puputok na rin daw ako! Gosh. Nagbukas pa sila ng payong para hindi masabugan ng taba! ’Tapos, may lumitaw na salamin at nakita ko na ang lapad-lapad ko! As in honestly na sobrang lapad ko. Para akong pader! Even my face! Parang tuldok na lang ’yong mata, ilong, at bibig ko! Tumakbo raw ako paalis sa simbahan pero ang bagal-bagal ko dahil ang bigat ko! Napupunit pa raw ’yong damit ko! Gosh! I’m glad I woke up!”

Adam chuckled soundly in her ears.

“Why are you laughing? Nakakatakot ang panaginip ko! Totoong-totoo ’yong pakiramdam na kasinglapad ko ’yong pader! Kinilabutan ako!”

 “I’m sorry. It’s just that your dream’s a riot.”

Nailing siya. “Stupid. I’m seriously terrified.”

“That’s just a dream, Erin.”

“Yes. ’Yong pagputok ko, I know na panaginip lang ’yon. Pero ’yong mataba ako at hindi malayong maging kasinglapad ng pader, malaki ang posibilidad n’on!” reklamo niya. “Gosh. I’m too fat. I think I ate too much cake. This damn stress will make me ugly.”

He chuckled again. “Oh, then I did you a favor. I actually called to tell you that since I had an early start today, I had coffee in your place and I ate half of your carrot cake.”

Hinintay niyang maiproseso ng utak ang sinabi nito. Kinain nito ang kalahati ng carrot cake niya? ’Yong nasa ref?

Napailing siya. Kung dumaan na rin pala ito sa apartment niya, bakit hindi na lang siya ginising nito?

“What time is it?” tanong niya.

“Eight-thirty, sleepyhead. I dropped by your place kaninang seven. You’re sound asleep so I didn’t wake you.”

“But what about lunch? And dinner? Pa’no kita ipagluluto?”

“I’m out all day today. I’m not anywhere near so I can’t go home to eat. It’s your free day,” anito. “But you have to seriously read the cookbooks I bought. Make me something good tomorrow.”

Free day. Hindi niya kailangang maging cook. Walang Adam na kakaray-karayin siya sa kung saanman nito maisipang magpasama. Makapagco-concentrate siya sa pagmamanman sa bride ni Adrian, pagtsamba na makita si Adrian, at pagkalbo kay Felicia. She should be happy. Bakit parang nalulungkot siya?

“Hey, Erin. Are you there?” tanong nito.

“Yes. I heard you.”

“I have to go now. Think of me, sleepyhead. See you.”

Saka ito nagbaba ng linya.

Nag-unat siya at bumangon mula sa kama. Paglabas niya sa kusina ay may blueberry pancakes sa mesa mula sa isang kilalang restaurant. May mainit pang kape sa coffee maker. Nakalatag ang tatlong cookbooks na binili nila kahapon.

Nakatagilid naman nang bahagya ang upuan kung saan malamang na naupo si Adam habang nagkakape at nilalantakan ang carrot cake niya. She could imagine him enjoying the cake. Ilang ulit na niyang napansin kung paano maganang kumain ang lalaki.

Napakagat-labi siya. Think of him? Ngayon pa nga lang ay burado na sa isip niya ang napanaginipan. At dahil sa naghihintay na almusal ay puno ng imahen ng nag-aalmusal na si Adam ang isip niya. And it’s not nice. Lalo na dahil ngayon pa lang ay gusto na niyang magreklamo dahil hindi niya ito makikita buong araw.

It’s easy to cling to him because he’s tolerating her crazy. Madali rin sa kanya ang makipag-usap sa lalaki.

Napabuntonghininga siya. Ipinilig ang ulo.

No. She has to be firm. She has to concentrate on the things she needs to do. Kailangang hindi siya malito sa priorities niya. She wanted revenge. She wanted the people who wreck her life to know about her grudge. She wanted them to be sorry. Iyon ang kailangan niyang pagtuonan ng pansin. Iyon at hindi ang nakakalat na imahen ni Adam sa buong kusina niya.

Think of me, sleepyhead.

Sleepyhead. Somehow, the word sounded like an endearment.

Umangil siya at inihilamos ang palad sa mukha. Saka siya dumeretso sa tote bag niya at kinuha ang kopya ng schedule ng bride ni Adrian. #

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status