Share

Chapter 17: Distance as you call it

***

Pagdating sa sariling apartment ay sinapian si Erin ng espirito ng alak. Noong una, ang gusto niya lang sanang gawin ay magmukmok at mag-isip. Magse-senti sana siya at ngangawa nang walang humpay hanggang anurin ng luha niya ang lahat ng pait na kinikimkim. Pero matapos makipag-bonding sa tequila at magmulto ang mga alaala nila ni Adrian, pina-tumbling niya ang mga patungan, dekorasyon, sofa, mesa, magazine rack, telebisyon, kama, kabinet, at iba pa.

Sa loob lang ng dalawang oras ay parang dinaanan ng delubyo ang apartment niya. At dahil napagod siya, nakatulog siyang luhaan sa sahig.

Nang hapon na ay nagising siya sa pakiramdam na may nakatitig sa kanya. True enough, nang magmulat siya ay nakatutok nga ang malaking mata ng katarungan ng Tito Ernie niya. Kasama nitong nakatanghod sa kanya ang Tita Mildred niya at si Aly.

“Bangon! We will talk,” sabi ng Tito niya.

Napapakamot siya sa pisngi nang tumayo sa nilugmukan. Ano na naman kayang trip ng mga ito at nandoon na naman sa apart
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ylena
haba talaga ng hair ni Erin!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status