Share

The CEO's Personal Maid
The CEO's Personal Maid
Author: sshhhhin

CHAPTER 1: SENYORITO

"Rika!"

Mula sa pagtakbo palapit sa mansyon ng pamilyang Monteverde ay narinig ko ang sigaw ni mama mula sa cellphone na hawak ko. "Nasaan ka nang bata ka? Umuwi ka na!"

"O-opo!" hinihingal na sagot ko at agad na pinatay ang tawag. Sayang lang kasi ang load niya kung pagsasabihan niya ako rito.

Inilabas ko ang inis sa pagsigaw habang tumatakbo. Lagot na naman ako nito! Gabi na kasi, tingin ko ay mag-a-alas siyete na. Pero heto, pauwi pa lang ako. Paniguradong maitatanong na naman sa akin kung ganitong oras ba dapat ang uwi ng isang babae.

Binuksan ko ang mataas na gate at napayuko sabay hawak sa magkabilang tuhod nang mapatigil. Nakakapagod!

Taas-baba ang dibdib ko habang sinusuri ang mga itim at mamahaling sasakyan na bumungad sa akin.

Anong meron?

Nilampasan ko ang mga iyon at tinungo ang madilim na bahagi ng mansyon. Baka kasi may bisita ang pamilya ng mga Monteverde at nakakahiya ang itsura ko ngayon kung sa front door ako papasok.

Kahit madilim, binilisan ko ang paglalakad para makarating kaagad sa kitchen. Sanay na ako sa ganitong palihim na pagpasok kaya memoryado ko na ang daan kahit walang ilaw.

"Shit!"

Napatalon ako sa gulat may marinig ang matalim na mura mula sa panlalakeng boses nang may nabangga ako.

"Pa, ikaw ba 'yan?" tawag ko rito at kumapa sa dilim. Nalalanghap ko ang amoy ng sigarilyo at alak. Lasing siguro siya kaya nagbabago na naman ng boses. Kaya kasi niyang magpalit at gumaya ng iba't-ibang boses lalo kapag tinamaan na ng alak.

Nang makapa ang katawan ng matanda ay pinagpag ko ang pang-upo niya dahil ramdam kong natumba din siya kanina dahil sa lakas ng impact. Naglalasing pa kasi! Isusumbong ko 'to kay mama.

"What the hell?!" Napamura ulit ito, 'di nakatakas sa pandinig ko ang accent niya, parang sanay na sanay sa English. Foreigner ba 'to?

Hindi naman siguro! Si papa lang 'to, malakas ang kutob ko.

Gano'n na lamang ang pagkalaglag ng panga ko nang bigla akong matilapon sa malamig na sahig dahil may magtulak sa akin. Napadaing ako nang tumama ang siko kong may gasgas. "Papa naman! 'Di pa gumagaling sugat ko!" reklamo ko rito, pinipilit na kumbinsihin ang sariling ama ang kausap ko sa dilim.

"Who the hell are you?!"

"Ha? Pa, ako lang 'to, si Ri—"

Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang muli siyang magsalita. "I'm not your dad!"

Bumilis ang tibok ng puso ko sa pag-amin nito at nataranta. "Ano?! Kung gano'n, sino ka? Magnanakaw ka, 'no?" Tumili ako at mabilis na lumapit sa kanya para tadyakan at mahuli siya. "Lagot ka sa akin!"

"Damn it, kid!" reklamo nito habang kumakawala sa pagkakayakap ko sa kanya. Pinakiramdaman ko ang estrangherong lalake, matigas ang katawan nito at matibay! Ang hirap niyang bihagin.

"Tulong!" iyon ang huling sigaw ko nang mapa-upo ako dahil sa pagkakahila at may humawak sa bewang ko. Ikinukulong ako nito sa braso at tinakpan pa ang bibig ko.

"You are the thief here!" gigil na sagot niya.

Mabilis akong umiling. "Hindi! Ano ba?! Taga rito ako!" sigaw ko at pilit na kumakawala sa kanya sa pamamagitan ng paggalaw ng katawan.

"I'm the son of the owner of this house."

"Ano?!" Nanlaki ang mga mata ko at napatigil nang muling naalala ang sinabi ni mama bago ako pumasok sa eskwela kanina.

"Agahan mo ang pag-uwi mamaya. Darating si Senyorito Brandon. Kailangan namin ng dagdag na trabahador para sa paghahanda sa pagbabalik niya rito sa mansyon."

Mariin akong napalunok habang pinoproseso ang pangyayari. Paano kung itong lalakeng 'to si senyorito? "Lagot!"

"Lagot ka talaga," dagdag naman nito, may accent pa rin ang pagkakabigkas. Halatang 'di sanay magtagalog!

Umubo ako para ibahin ang boses at pinakiramdaman siya. Nang lumuwag din ang pagkakahawak niya sa akin ay buong pwersa ko siyang itinulak. "Multo po ako! Multo!" sagot ko at gumawa ng ingay na nakakatakot para masindak siya.

"You!" Hindi ko na siya pinansin, mabilis akong bumalik sa harap ng mansyon para roon dumaan.

Nang makita ang liwanag ng ilaw ay tinakpan ko ang mukha ko hanggang sa makarating sa tapat ng double door. Hinawakan ko ang nagtataas-babang dibdib at ngumiti. "Magandang gabi po!" bati ko sa mga naroon at normal na naglakad kahit sa loob-loob ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Rika, bakit ngayon ka lang?!" singhal ng nagmamadaling lumapit sa akin na si mama. "Ano ba namang itsura 'yan? Maligo ka roon at magpalit! Ikaw na lang ang papalit sa pagiging waitress mamaya!"

"Opo!" sagot ko at nilingon saglit ang pinagdaanan kanina dahil baka makita ang senyorito. Sana talaga, hindi siya iyong lalake na nasa labas.

Sumunod ako kay mama nang kaladkarin niya ako papunta sa isang kwarto ng mga kasambahay. Inalis ko ang bag sa katawan at inihagis sa kama bago pumasok sa banyo.

Nang makita ang sarili sa salamin, napangiwi ako dahil dumudugo ang sugat sa tuhod at siko ko. May galos rin sa mukha at paa ko dahil sa pakikipag-away kanina. Kinuha ko ang alcohol sa medicine kit at kinagat ang kanang braso para 'di makalikha ng ingay. Ilang mura ang nabanggit ko sa isip habang binubuhusan ang sugat. Napakahapdi!

Nilubos ko na ang sakit nang sabunan ko iyon ng sabon. Madami rin kasi iyong lupa kanina at baka ma-impeksyon pa. Sayang na naman ang pera namin kung sakaling ma-ospital pa ako dahil do'n.

Nagbihis ako ng uniporme namin bilang kasambahay. Ayaw ko iyong isinusuot dahil bestida iyon. P'wede naman kasing pants na lang din katulad ng kina mama. Pero hindi raw pwede. Lantad tuloy ang hita ko na puro galos.

"Good evening po, ma'am, sir!" mabait na batang bati ko sa mga nakakasalubong na bisitang papunta sa hapagkainan. Nasa malayo lang kaming mga waitress. Naghihintay na may magtawag sa amin at mag-utos.

Abala ako sa paghila pababa ng laylayan ng bestidang suot nang mapunta ang tingin ko sa lalakeng nasa kabisera ng mahabang hapagkainan. Agaw pansin kasi ito. Maayos at tila nilagyan pa ng gel ang buhok niya. May kakapalan ang kilay at kita mula sa dako ko ang kumikinang na pares ng kulay bughaw niyang mga mata.

Nalaglag ang panga ko dahil sa pagkamangha. Halata na may lahi siya dahil matangos din ang ilong niya. Napaka-gwapo! Para siyang artista sa Holywood.

Sino kaya iyon? Ngayon ko lang siya nakita. Paniguradong hindi siya iyong Senyorito Brandon na sinasabi ni mama dahil wala ang mukha niya sa family portrait na naka-display dito sa mansyon. Isang babae at isang lalake ang anak ni Senyora at Senyor Monteverde. Nasaan kaya iyong senyorito? Kuryoso ako dahil baka siya iyong naka-engkwentro ko kanina.

Muli akong napatitig sa lalakeng bughaw ang mga mata. Ano kayang pangalan niya? Siguradong magiging crush siya ng ibang kasambahay rito na walang inatupag kun'di maghanap sa internet ng mayamang mapapangasawa.

Nanlaki ang mga mata ko at itinuro ang sarili nang bumaling siya sa pwesto ko at itinaas ang kamay para tawagin. "A-ako po?"

Tumango lang siya habang blanko ang mga mata. Napangiti ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. "Ano po iyon, sir?" magalang na tanong ko at 'di maiwasang mapangiti. Grabe, bakit ang perpekto ng mukha nito? Ang gwapo at ang kinis pa ng balat!

"Give me..." Napalunok ako ng sariling laway nang magsalita ito at kilala ng tenga ko ang baritono at matalim magsalita ng ingles na tinig niya. Napapikit ako saglit dahil sa kahihiyan. Mukhang siya iyong nakaaway ko kani-kanila lang! Kaboses niya. Pero sana, hindi siya iyon!

"Hey!" ulit niya.

Napatitig lalo ako sa kanya at napaarko ang kilay. "P-po?" Tumikhim ako nang may mapagtanto. "I mean, ano po?" tanong ko gamit ang pinaliit na boses. Baka kasi mabosesan niya ako kung siya iyong napaglamalan kong magnanakaw kanina.

"Tsk!" Napa-asik ito at nagtiim bagang.

Napa-atras ako at yumuko dahil mukhang nagalit ko siya. "Sorry po, sir."

"Can you..." Napatingala ako at kinagat ang pang-ibabang labi para isipin ang english ng salitang 'ulitin'. "Again?" patanong iyon dahil hindi ako sigurado sa nabanggit ko. Nakaka-mental block kasi lalo na't first time kong makipag-usap sa isang foreigner!

"I said, pour me a drink."

Kumunot ang noo ko habang ina-analyze ang sinabi niya. Buhusan ko raw siya ng tubig? Totoo ba? "Ikaw po?" tanong ko para mas malinaw.

"Yes. Now," mariin at nagtitimping sagot niya.

Napatingin ako sa kanya nang 'di makapaniwala bago kinuha ang pitchel na may lalagyang tubig. "Do you like cold, sir?"

"Yeah, make it fast."

"Okay po!" mabilis na sagot ko at kinuha iyon para dalhin sa kanya. Sunod ay tinanggal ko ang takip no'n. Kita kong sinundan niya ako ng tingin at mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Parang hirap na hirap siyang intindihin ako. "Tell me if stop," paalala ko bago itinaas ang pitchel sa ulo niya at dahan-dahang ibinuhos.

"Oh my god!" rinig kong reaksyon mula sa isang babae na kasama sa hapag.

"What the?!" Mabilis kong itinaas ang lalagyan ng tubig nang magmura ang lalake at marahas niyang hinawi ang kamay ko palayo sa kanya. Nabitawan ko ang pitchel dahil sa pagkabigla lalo na nang mahulog iyon at lumikha ng nakakabinging tunog ng pagkabasag.

"S-sorry po, sir! Sabi mo kasi ibuhos ko 'yon sa 'yo," mabilis na paliwanag ko para ipagtanggol ko sa sarili.

"Stupid!" sigaw niya dahilan para mapayuko ako dahil sa gulat at takot.

Handa na akong lumuhod nang hilain niya ang palapusuan ko. Mahigpit iyon kaya ramdam na ramdam ko ang galit niya. "Pasensya na po talaga, bobo lang!"

"Leave!"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya dahil sa takot. "P-po?! 'Wag niyo po akong palayasin. Sorry po talaga! Please?" mabilis na paki-usap ko habang ikini-kiskis sa ang magkabilang palad sa isa't-isa. "Babawi po ako sa susunod, sir!"

"Get out of here!"

"Dito lang po ako aalis? Hindi sa buong bahay niyo?"

"Damn it!" para siyang bomba na sumabog na.

"Ito na po, aalis na!" tarantang sagot ko at tumalikod na sa kanya.

Pero bago pa ako makahakbang palayo ay may humila na naman sa kamay ko. "Why are you so stupid?!"

"Ano na naman po ba?" iritado ring tanong ko dahil quota na siya sa pagtawag sa akin ng bobo. Kahit naman kasi mahina ako sa ingles, nakakaintindi ako ng mga mura. "Galit na galit ka pero may kasalanan ka rin naman, ah! May kamay ka pero bakit 'di na lang kasi ikaw 'yong naglagay ng tubig? Porque mayaman ka!"

Napalunok ako nang hindi siya magsalita. Bagkus, nanliit lang ang mga mata niya at matalim ang tingin sa akin. "That's why I need to fire you. Kaya ko naman at wala ka nang pakinabang dito."

FPapatalsikin ako rito? Mawawalan na ako ng trabaho? Hindi! Hindi pwede!

"Joke lang, sir!" Nanginginig akong humalakhak at tumingin sa lamesa. Kinuha ko ang table napkin na naroon at inalis ang pagkakatupi nito para ipamunas sa basa niyang buhok.

Tumikhim ako at marahang tinapik ang balikat niya. "Ah, sir, baka gusto mong yumuko ng kaunti? 'Di kita maabot," nakangiti at sobrang lumanay na pakiusap ko sa kanya.

"I don't need you to dry my hair."

"Ano na lang po..." panimula ko at ibinaba ang telang hawak. Tumingin ako sa paligid at nakita ang mga bubog sa tabi ko. "Lilinisin ko na lang 'yong kalat!" mabilis na sagot ko pero mabilis niyang hinawakan ang palapulsuan ko.

Bakit ba ang hilig niyang humawak do'n? Gusto kong magreklamo pero baka mas lalo lang siyang magalit.

"Please? Sorry na po?" niliitan ko na ang boses ko. Nagbabakasakaling madadaan siya sa pagpapa-cute.

"Leave," sagot niya at tuluyan akong hinila paalis do'n.

Nakakawala ng angas! Parang mas maganda na lang kung nagkusa akong umalis kaysa makaladkad.

"Treat your cuts," iyon ang utos niya bago niya ako iniwan. Napatingin ako sa paa kong tinignan niya kanina sa ibaba. May parte ngang dumudugo sa ibabang hita ko. Natamaan siguro ng bubog kanina. Pero 'di ko ramdam ang sakit. Siguro, namanhid na ang katawan ko sa hapdi ng alcohol kanina.

"Sir!" tawag ko sa lalake habang hindi pa siya nakakalabas. "'Di ba, hindi mo naman po talaga ako isusumbong kay Senyorito Brandon para paalisin dito?"

Napaawang ang labi nito at 'di makapaniwalang tinuro ang sarili. "Inuutusan mo akong magsubong sa sarili ko?"

Napalunok ako at napahawak sa tiyan nang may maramdamang parang may mga paro-parung nagsiliparang doon. "Kung gano'n, ikaw si senyorito," bulong ko dahil sa labis na hiya.

"Yeah, don't you remember me?"

"Po?" Kumunot ang noo ko dahil 'di ko na narinig ang sinabi niyang salita sa bandang dulo. Humina kasi ang boses nito.

"Forget it," pagtapos niya sa usapan at muli akong tinalikuran bago siya naglakad palayo.

"Senyorito!" tawag ko pero hindi siya tumigil kaya tumakbo para sundan siya. "'Di mo naman talaga ako papalayasin dito, 'di ba?"

Malapit na ako sa kanya nang tumigil siya at harapin ako. "Bakit ba ang kulit mo?!"

"Please? Oo o hindi lang po para matamihik na ako."

"Hindi," maikli pero mabilis sagot niya.

Tumango ako. "Hindi mo ako papaalisin?" paninigurado ko.

"Oo."

"'Yon! Salamat po, senyorito!" Malawak akong ngumiti. "Ang gwapo mo po! Bagay sa 'yo 'yang buhok mo. Wet look!" pagpupuri ko para mawala na ang galit niya pero nanatiling seryoso ang mukha niya.

"You're unbelievable!" Iling niya.

Akala ko aalis na siya pero lumuhod siya sa harap ko na parang prinsepe. Napakurap ako at 'di makapaniwalang tinignan siya habang itinutupi ang itim na panyong inilabas niya mula sa bulsa ng suot na coat.

Mariin akong napalunok nang tumingala siya sa akin. Si senyorito, bakit siya nakaluhod sa harap ko? Bakit niya pinipigilan ang pagdurugo ng sugat ko?

"Senyorito, 'di mo naman po kailangang gawin 'yan. Dumarami na tuloy ang utang ko sa 'yo."

"Treat your wounds or else, I'll fire you."

"Yes, senyorito!" mabilis na sagot ko at yumuko saglit nang makatayo na siya ulit. "Salamat po! Tatanawin ko itong—" Napanguso ako nang tumalikod na siya at naglakad palayo. 'Di man lang pinatapos ang sasabihin ko.

"Senyorito!" tawag ko ulit sa kanya pero sa pagkakataong iyon ay hindi na siya lumingon pa. 'Di bale, magpapasalamat na lang ako mamaya o bukas!

"Anak, ano ba namang iyong ginawa mo? Bakit mo naman binuhusan ng tubig si Senyorito?" bungad ni mama nang makita ako habang naglalakad pabalik sa sariling kwarto.

Nang makalapit siya sa akin ay nagpaliwanag ako, "E, sabi po kasi niya, 'pour me a drink'. Kaya ayon, binuhusan ko siya. Dapat kasi 'pour my cup' para alam kong baso ang tinukoy niya o dapat 'di na lang siya nag-utos. Ayan tuloy!" At natapos iyon sa reklamo. Bumalik kasi iyong inis ko kanina.

Napabuntong hininga si mama at hinawakan ang kamay ko. "Anak, common sense naman. Kapag gano'n, inuutusan ka niyang lagyan mo ng inumin ang baso niya." Maya-maya ay umiling siya. "Nangyari na, kaya tandaan mo na lang 'yon para hindi na ito maulit, maliwanag ba?" tanong niya at lumuhod sa tapat ko bago pa ako makasagot. "Nasugat ka pala. Hali ka, gamutin natin saglit."

Nagpahila ako papunta sa kwarto namin at umupo sa sariling kama. "Ma, sabi kanina ni senyorito palalayasin niya ako," pagki-kwento ko habang pinapanood ang magulang na alisin ang pagkakatali ng panyo na nakatakip sa sugat ko.

Tiningala niya ako at ipinakita ang itim na panyong may burdang kulay ginto sa isang sulok. Naroon ang nakaburdang pangalan na 'Brandon', pagmamay-ari nga talaga iyon ng senyorito. "Kay Senyorito Brandon itong panyo?"

Tumango ako at kinuha iyon sa kanya. "Lalabhan ko na lang po mamaya para matuyo na bukas. Tapos magso-sorry rin ako."

"Ipagtimpla mo rin siya ng kape kung umaga ka pupunta sa kanya," dagdag pa ni mama na sinang-ayunan ko.

"Bukas na lang tayo ulit magkita, senryorito," sambit ko habang pinapatag ang pagkakaplantsa ng bagong labang panyo.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Cherrymae Milaya
next po sobrNg excited
goodnovel comment avatar
Arianne Mae Hornilla
next po sobrang ganda
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status