Share

KABANATA 66.2: SEDUCE

Doon ko lang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Bakit parang nakakahiya dahil sa ekspresyon niya? E, normal lang naman na ganito magpa-dede ng bata at nakita naman na niya iyon dati.

Matapos ko siyang mapakain at mapag-burp ay lumabas kami. Kaagad kong hinanap si mama para makisuyo.

"Ate Cathy, si mama?"

"Lumabas, ineng!" sigaw niya at nilapitan ako. "Ano bang kailangan mo?"

"Paki-laro muna si Raica. Magpapa-init lang ako ng pampaligo niya."

"Ay, e 'di ibigay mo kay daddy!" sagot niya at nginuso si Brandon na tahimik sa mahabang upuan.

"Si Brayden?" tanong ko muna kay Ate Cathy.

"Nasa labas, naglalaro!"

Tumango ako at dahan-dahang lumapit kay Brandon. Napunta sa akin ang atensyon niya. Malalim ang tingin niya sa akin kaya medyo kinabahan ako. "Gusto mo bang sa 'yo muna si Raica? May gagawin lang ako saglit."

"Sure?" may bahif ng pag-alinlangang sagot niya at ipinosisyon ang braso. "How should I carry her?"

"Ay ganito lang, senyorito!" si Ate Cathy na ang nagturo sa kanya. Main
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status