Share

CHAPTER 2: PANYO

"Good morning, senyorito!" puno ng enerhiyang bati ko habang nakaharap sa salamin. Mabilis akong umiling at inalis ang ngiti. Masyado yatang overacting ang pagkakasabi ko.

Isa pa ngang practice!

"Magandang araw po, Senyito Brandon!" nakangiting sabi ko salamin. Tipong mukhang mabait talaga at inosente.

Ang kaso, kinikilabutan ako sa sariling ngiti! Parang ako 'yong pangit na manika sa horror movie kung makangiti. Iyong nakangiti ang labi pero hindi naman ang mga mata. "Hay! Bahala na nga mamaya!"

Kabado ako kaya pati pagbati ay kinakabesado ko. Ang sabi kasi ni mama ay dapat ngumiti ako kapag kaharap siya para hindi na siya magalit. Ang abiso naman ni papa ay maging natural lang ako. Pero ang natural na ugali ko ay iyong mahilig reklamo. Ang kaso, kagabi ay napahiya lang ako kaya iyong sinabi ni mama ang susundin ko. Magpapaka-plastic muna ako ngayong araw.

Naabutan ko si mama na nagti-templa ng kape sa isang mamahalin at bagong tasa. Iyon siguro ang para kay Senyorito Brandon. "Heto na, Rika," tawag niya sa akin kaya lumapit na ako para kunin iyon pati na ang platito na lalagyan nito.

"Alam mo naman na ang kwarto ni Senyorto, hindi ba?"

Mabilis akong tumango. "Opo. Ibibigay ko na 'to kasama ng panyo," sagot ko.

"Ayusin mo!"

Humalakhak ako dahil sa paalala niya bago umakyat sa pangalawang palapag ng mansyon. Malawak ang buong lugar, nasa dulo pa ang kwarto ni senyorito at mabagal lang ang paglalakad ko kaya natagalan akong makarating. Tumikhim ako bago pumindot sa intercom gamit ang kaliwang kamay. "Senyorito!" pakanta at masayang tawag ko rito. Napangiwi ako at 'di napigilang mandiri sa sariling boses. "Gising ka na po ba? Your coffee is ready!" dagdag ko pa tulad ng sinabi ni mama.

"Hoy! Senyorito?" ulit ko nang walang sumagot. Tulog pa yata ang senyorito! Ano ba naman 'to?! Bakit ang tagal gumising? Baka malamig na ang kape niya mamaya!

Dismayado at iritado kong pinatay ko ang intercom nang walang sumagot. Sayang naman itong effort ni mama sa pagtimpla at iyong inensayo kong pagbati sa kanya! "Sayang 'tong kape mo. Akin na lang, ah? Pagawa ulit ako kay mama mamaya," sambit ko sa kawalan na tila ba nando'n siya na naririnig ako.

Humigop ako sa kape at namangha dahil sa sarap nito. Sakto ang pait at krema, ito ang gusto kong templa! Nasa labi ko ang tasa nang tinalikuran ko sa kwarto niya. Akmang lulunukin ko na ang kape nang maubo ako dahil sa gulat nang makita si Senyorito Brandon na palapit sa pwesto ko. Walang tunog ang yapak nito kaya hindi ko man lang naramdamang may tao.

Hala! Ano ba 'yan? Bakit nasa labas ang isang 'to? Akala ko pa naman ay tulog pa siya!

Kumunot ang noo niya. Nangingnig naman ang pagkakahawak ko sa platito at nananakit na ang lalamunan dahil sa kaka-ubo.

"What are you doing here?" malamig na tanong niya at huminto sa harap ko.

"K-kape mo po." Umubo ako ulit. Nag-iwas naman siya ng mukha.

"Why are you drinking it then?" muling tanong niya. Napangiwi naman ako.

Bakit parang ang laki na naman agad ng kasalanan ko? E, pwede namang palitan na lang 'to! Tsk! Kasalanan mo 'to, senyorito! Kung 'di ka lang sana lumabas ng kwarto mo bago ko maibigay 'to sa 'yo, e 'di bati na tayo.

Bumuntonghininga ako bago pa makapagreklamo. Baka mas lalo lang siyang mairita sa akin. "Akala ko kasi tulog ka pa, senyorito. At sayang naman 'to kaya ininom ko," mahinahong paliwanag ko at huminga ng malalim. "Gagawa na lang po ako ng bago. Sorry ulit." Yumuko ako at akamang lalampasan na siya nang muli siyang magsalita.

"Come with me."

Tinignan ko siya at sinundan nang buksan niya ang pinto ng kwarto niya. Bumungad sa akin ang lamig at bango ng silid niya. Ang fresh naman!

"Kwarto lang ba talaga 'to, senyorito? Ang ganda at ang laki!" manghang tanong ko nang makita kung gaano iyon kalawak at parang hindi lang iyon kwarto para pagtulugan. Kun'di parang isang bahay pa dahil kumpleto ang lahat ng gamit. May mini kitchen, dining, bedroom, living room at tanaw kong may swimming pool pa sa terrace.

"The kitchen is right there. Prepare me a coffee," maya-mayang utos niya. Napatigil tuloy ako sa paggagala sa kwarto niya.

Naptingin ako sa kanya. "Ngayon na senyorito?"

"Yeah. Make it fast," sagot niya bago umupo sa isang swivel chair, nagsuot ng salamin sa nga mata at hinarap ang laptop na may logo ng mansanas na may kagat. Kay aga-aga, busy na agad siya!

Siguro gano'n talaga ang buhay. Kahit mayaman ka o mahirap, madami kang kailangang gawin kung gusto mo talagang kumita. Kaya naman gusto kong magtrabaho rito para yumaman ako agad! Gusto ko kasing ako na ang gagastos sa sarili ko at mabili iyong bagay na gusto ko.

Determindo, tumango ako at napatingin sa kape na para dapat sa kanya. Paano kaya ito gawin? Sinuri ko ang gamit at sangkap na nasa maliit na kusina rito sa kwarto niya. Kinuha ko ang lalagyan ng kape pati na ang makinang pamilyar sa paningin ko. Coffee maker iyon. Pero hindi ko alam kung paano gamitin.

"Senyorito!" tawag ko kay Brandon pero hindi niya ako tinapunan ng atensyon. Nakatutok pa rin ang mga mata niya sa laptop habang nagtitipa. Ang bilis ng kamay niya base sa tunog na nililikha ng mga keyboard. Sobrang busy siguro.

Napanguso ako at bigong tinalikuran siya.

"Call me when you're done and leave."

Napatingin ako ulit sa kanya nang magsalita siya. "Aalis na po ako, senyorito. Hindi ko alam paano gamitin 'tong coffee maker. Tatawagin ko na lang si—"

"Okay," tamad na sagot niya. "Pack your things too and leave."

Mabilis akong lumapit sa kanya dahil pagkataranta. Bakit nambabanta na naman 'to? "Sentorito naman! Akala ko ba 'di mo na ako papaalisin? Nagamot ko na 'yong sugat ko kagabi. Tignan mo, oh!" Iniwan ko ang tsinelas sa sahig at itinaas ko pa ang paa sa lamesa niya para ipakita ang bandage ba naroon.

Napatingin siya sa paa ko, pataas sa mukha ko. Ngumiti ako dahil wala siyang reaksyon. Pero ilang saglit pa ay nagsalubong ang kilay niya at sumigaw, "Get your foot off my desk!"

Nalangiwi ako at napairap. Parang ang dumi ng mga paa ko kung umasta siya. "Arte!" bulalas ko at ibinaba ang paa. "'Di naman po mabaho ang paa ko—"

"Leave!"

"Gagawa na po ako ng kape mo!" mabilis ring sagot ko at tinalikuran siya.

Nagpakulo ako ng tubig at tinansya ang kape at cream na naroon para ikumpara ang lasa sa ginawang kape ni mama para kay senyorito.

"Damn it! Anong klaseng kasamabahay ka?" mariing tanong niya at nagtagalog pa. Napaka-seryoso ng dating niya.

Lumaylay ang balikat ko nang tabihan ako ni Senyorito Brandon at siya na mismo ang nagtempla ng sariling kape.

"May iuutos ka pa po ba?" nahihiyang tanong ko nang buhatin niya ang kapeng kakagawa. Tama nga siguro siya, anong klaseng kasambahay ako? Simpleng pagtimpla ng kape, 'di ko pa magawa. Dapat aralin ko rin ito! Sasabihin ko kay mama na turuan ako para wala nang masabi si senyorito.

"Umalis ka na. Naiintindihan mo naman na siguro 'yon."

Umalis? Saan?

"Opo." Yumuko ako sa kanya para magpaalam na. Napahawak ako sa dulo ng palda para ibaling do'n ang kaba. Papalayasin na ba niya talaga ako?

"Senyorito..."

"Labas!"

Ah, lalabas sa kwarto niya!

Bumuntonghininga ako at natigil ang makapa ang panyo na nasa bulsa. Iyong dapat na ibalik sa kanya.

Nilapitan ko siya at inilahad sa kanya ang panyo. "Ibabalik ko lang 'yong panyo mo."

"Itapon mo," maikling sagot niya nang 'di ako tinitignan.

"Nilabhan ko po ito, senyorito," malumanay na dagdag ko. "Malinis 'to at mabango! Walang mantsa at plantsado."

Narinig ko ang malalim na hininga matapos tumigil sa pagtitipa. "Hindi ka ba talaga nakakaintindi?"

"Sayang naman po kasi kung itatapon lang," nakangusong katwiran ko. Ang dami kayang walang matinong panyo sa mundo! Tapos siya itatapon niya lang? "Parang bago lang po kasi 'to," pagkumbinsi ko.

Tiningala ko siya nang tumayo siya. Tahimik niyang kinuha sa akin ang panyo at naglakad palapit sa isang basurahang nasa sulok. Tumakbo ako para sundan siya. Seryoso talaga siyang itatapon niya na lang iyon? Sayang naman! Nilabhan ko pa iyon!

"Akin na lang po!" pigil ko at napaluhod para saluhin iyon bago pa tuluyang bumukas ang awtomatikong basurahan. "Wala kasi akong panyo. Akin na lang," ulit ko habang nakatingala sa kanya. Nagtiim ang bagang niya bago siya tumalikod at naglakad palayo.

"Salamat, senyorito!" Iwinagaygay ko ang panyo niya para magpaalam kahit hindi niya ako pinapansin.

Pagkalabas ko ng kwarto niya ay napasandal ako sa pader at napabuntonghininga. Akala ko naman, magiging maayos na kami. Nadagdagan lang ang galit niya sa akin.

Hay nako! Palpak ang plano!

Nagbihis na ako ng uniporme namin. Handa na akong pumasok sa school nang makita ulit ang senyorito na palabas sa mansyon. Nakasuot ito ng kulay kayumangging khaki shorts at puting long sleeves polo na parehong nakatupi ang manggas sa siko niya. Mukhang kakaligo niya rin base sa basang buhok niya.

Sinundan ko siya dahil palabas din ako. Napa-angat ako ng tingin para sundan ang amoy niya. Grabe! Ang fresh naman ni senyorito!

"Sa bayan, Canor," utos nito kay papa. Siya kasi ang isa sa mga driver ng pamilya.

"Sige ho, sir!" Napatingin naman saglit sa akin si papa. "P'wede bang isabay na rin ang anak ko? Papasok din kasi sa eskwela, sir."

"Sure, where is he?"

"Dapat po 'she', senyorito!" pagtatama ko sa kanya.

Napabaling siya sa akin sa akin. Umarko ang kilay nang suriin niya ako saglit bago bumaba ng hagdan. "Let's go."

Tumakbo ako para sundan siya at pumasok sa likod ng kotse. Akmang sasakay rin ako nang isarado niya ang pinto.

"Anak, hali ka na rito sa harap," tawag ni papa sa akin at pinagbuksan pa ako ng pinto. Napangiti ako at sumakay na roon. "'Yong seatbelt, ikabit mo," paalala pa niya.

"Opo!" ngiting sagot ko at ikinabit ang seatbelt sa katawan. Nang masiguradong ayos na iyon ay pinaandar na niya ang kotse. Mabuti pa talaga si papa, mabait at maalalahanin. E, si senyorito? Palagi lang galit at nagmumura.

"Pa, 'wag mo na ulit akong sunduin mamaya, ha? May project kaming gagawin," paalam ko sa ama habang nagmamaneho ito.

"Anong project 'yan? Kailangan mo pa ba ng perang pambayad?"

Mabilis akong umiling dahil wala naman talagang project na gagawin. Sadyang mabilis lang maniwala si papa sa akin. Kabaliktaran ni mama na kung magpapaalam ako ay magtatanong nang magtatanong hangga't mahuli akong nagsisinungaling.

"Hindi na po! Magpa-practice lang kami ng sayaw sa PE namin. Hiphop 'yon, pa!"

Umiling ito habang nasa kalsada ang tingin. "Nako! Kaya ba sabi ng mama mo ay may sugat ka na naman? Bilihan na lang kita no'ng nilalagay sa tuhod para 'di ka na masugatan ulit."

Malawak akong napangiti at inabot ang braso niya para yakapin. "Ang sweet mo talaga, papa! 'Di tulad ng ibang lalake r'yan!" pagpaparinig ko sa senyoritong nasa likuran.

"Naman! Kaya na-inlove ang mama mo sa akin!" Humalakhak ako dahil sa bilib niya sa sarili. Yabang! "Kaya ikaw, ayusin mo ang desisyon mo pagdating sa lalake."

"Pa! Kadiri!" tili ko dahil 'di ako interesado sa pagkakaroon ng boyfriend. "Magmamadre na lang ako kaysa magpakasal."

Sa pagkakataong iyon ay siya na ang tumawa. "Balang araw, baka kainin mo lang 'yang sinasabi mo, 'nak! Bihira lang ang 'di tinatamaan ni Kupido para magmahal."

Ngumiwi lang ako para maipakitang hindi ako naniniwala sa kanya. Binitawan ko na si papa para makapagmaneho siya nang maayos. Maya-maya ay hindi sinasadyang mapadaan ang tingin ko kay Senyorito Brandon na nasa likuran ng kotse. Napatingin din siya sa akin.

"Ikaw, Sir Brandon, may iniibig ka na ba?"

Iniibig? Gusto kong matawa at magreklamo kay papa dahil sa napakalalim na salitang ginamit niya. Pero hindi mahiwalay ang tingin ko kay Brandon. Para iyong na-magnet nang magtama ang tingin namin.

"Meron," sagot ni senyorito bago pinutol ang pakikipagtitigan sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status