Share

KABANATA 8: GUILT

"Bakit ba rito ka gumagala, senyorito?" tanong ko habang naglalakad kami. Nakakapagod pero hindi nakakasawang pagmasdan ang mga tanawin. "P'wede namang sa Mall o sa—"

"Kasi payapa rito," sagot niya habang nasa likod ang kamay. "At sinusuri ko ang lugar kung magandang pagtayuan ng bahay at negosyo."

Nilingon ko siya dahil naging kuryoso ako lalo. "Bahay? Ayaw mo na sa mansyon?" tanong ko at naglakad paabante pero nakaharap sa kanya.

"Gusto ko rin ng sarili kong bahay bakasyunan, Rika," seryosong sagot niya at tumingala ng kaunti nang ihipan ng malakas na hangin ang buhok niya.

"Bakit ang gwapo pa rin kahit magulo ang buhok mo?" naiinggit na sambit ko at habang inaayos ang ilang takas na buhok nang tumakip ang mga 'yon sa mukha ko.

"Ang unfai—" Natigil ako at nanlaki ang mga mata nang mawalan ng balanse matapos matisod sa isang nakaharang na bato.

Mabilis at malaki ang hakbang na ginawa ni senyorito para makalapit sa akin. Kaya sa pangalawang magkakataon, nahawakan niya ako ng braso
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status