Share

KABANATA 14: KISS

Matapos ang picture taking ay kumain na ang mga bisita. Samantalang ako ay nagpalit ng damit. Isang dress na kulay pula. Walang strap, tube ang estilo pero masikip dahil may kalakihan ang dibdib ko. Hindi umabot iyon sa tuhod ko kaya naman na napangiwi ako. "Cathy, ano ba naman itong mga pinili mo! Masyadong sexy!" reklamo ni mama at itinapat sa akin ang isa pang nirentahang dress na abot hanggang paa pero may mataas namang slit.

"Karina, utang na loob, eighteen na 'yang anak mo! Pwede na siya sa mga gan'yan!" dahilan ni Ate Cathy at pinagpatuloy ang pagpusod ng buhok ko. "At isa pa, 'di ba gandang-ganda ka sa mga 'yan no'ng dumating? Anong nangyari ngayon?

"Hindi ko kasi alam na ganito kaikli!" rason ni mama at binuksan ang lalagyan ko ng damit. "Maghahanap ako ng pamatong."

"Karina, let her be!" komento naman ni Ate Cathy at natawa sa sarili. "English 'yon, hindi mo kaya!"

"Ma, okay na po ito! 'Wag ka nang ma-stress d'yan," pagpapakalma ko habang pinapanood siya sa salamin. Napabu
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status