"Try to guess it first," mapanlarong sagot nito. Napaungol naman ako sa pagkadismaya. "Ang pabebe naman, senyorito! Sabihin mo na lang!"Mahina akong napadaing nang bigla akong hampasin ni Franz sa braso. "Hoy, Rika, 'wag ka ngang kill joy d'yan!" bulong nito sa akin at hinarap si senyorito. "Game, senyorito! Basta may prize!"Mas lumawak naman ang ngiti niya at tumango-tango. Luh? Sinakyan pa ang paninipsip ni Franz ng suhol. Pwede namang wala nang kapalit, 'di ba?"Sure! I'll grant the wish of whoever will guess it right. Think now, I'll give you a chance to guess.""Thirty!" sagot ko kaagad dahil iyon ang hula ko simula pa noong una kaming magkita. Saka isa pa, CEO siya ng kompanya nila. Ibig sabihin nasa thirties na siya o mas matanda pa.Nanlaki naman ang mga mata ni senyorito at maya-maya ay natawa. Napanguso naman ako. Parang mali yata dahil tinawanan niya iyon."Feel ko... uhm... twenty eight?" hula ni Franz at niyugoyog ang braso ko nang makita ang reaksyon ni senyorito. Tum
"One... and two... and three," nagpatuloy sa pagbibilang ni Franz habang rumarampa ako gamit ang mataas na heels. Five inches raw iyon at pointed pa ang pinahiram niya sa akin. Nanginginig tuloy ang mga binti ko."Ang pangit! Ulit, sis!" pasigaw na reklamo ni JP. Napahinto ako at napanguso. Kailan ba 'to matatapos?!"Relax, Rika! Paano ka masasanay kung palagi kang kabado r'yan?!" singhal pa ni Franz.Nilapitan naman ako ni Mona at inabutan ng tubig. "Okay ka lang? Break muna tayo, gusto mo?" tanong nito.Tumango ako at napabuntonghininga. Pinalista kasi nila ako para sa laban ng Miss San Juan ngayong taon. Dahil kwalipikado na ako sa edad ay pumayag na sina mama at papa. Na-challenge rin akong sumali dahil nanalong first runner up si Mona last year. Pero, ngayon ay nagsisisi ako. Ang hirap-hirap naman pala!"Payungan niyo!" pagalit na utos ni Mona sa dalawa naming kasama. Isa pa itong balat ko. Hindi ako makalabas ng walang payong dahil may AHA ang mga pinapagamit nila sa aking pamp
Mabilis akong tumakbo papasok mg mansyon dahil sa excitement. Miss na miss ko na si senyorito! "Anak, mabuti at nand'yan ka na," bungad ni mama at pinagmasdan muna ang ayos ko bago inabot sa akin ang hawak niyang tray na may lamang mga babasaging baso at alak na nasa isang lalagyan habang pinapalubuan ng mga yelo. "Magbihis ka at ibigay mo ito kay Sir Brandon. Nasa opisina sila, iyong katabi ng kwarto niya.""Opo, ma!" ngiting sagot ko at aligaga naman siyang bumalik sa kusina. Pagkadaan ko roon ay abala ang lahat sa paghahanda ng meryenda. Mukhang marami ang bisita! Paniguradong masarap din ang pagkain namin mamaya.Umakyat na ako sa pangalawang palapag dahil hindi na ako makapaghintay na makita ulit si senyorito. Ni hindi ko magawang kabahan sa pag-akyat at pagbuhat ng babasaging dala kahit mataas ang sapatos na suot ko.Isinandal ko ang tray sa tiyan habang hinahawak iyon gamit ang isang kamay nang kumatok at binuksan ang pinto. Muli kong hinawakan ang tray gamit ang dalawang kama
Nagkulong ako sa kwarto at doon humagulgol dahil sa inis. Ngayon ko lang naranasan ang ganito. Noong nag-break kami ni Trevor, hindi naman ako umiyak. Pero pagdating kay senyorito, ang sakit-sakit masabihan ng hindi maganda. Lalo na ngayon na ang tagal ko siyang hinintay tapos ganito pa ang iaasal niya sa akin. "Rika, anak?" Mabilis akong tumakbo papuntang banyo ko nang marinig ang boses ni mama. Isinarado ko ang pinto at nagpunas ng mga luha."Rika!" muling tawag niya sa akin.Tumukhim muna ako at huminga ng malalim bago sumagot. Ayaw ko mahalata niyang umiiyak ako. "N-nagbibihis lang po!""Sumunod ka sa kusina, maaga tayong kakain ngayon," utos nito."Opo!"Nang marinig ang pagkasarado ng pinto ay tinignan ko ang sarili sa salamin. Na-smudge ang eyeliner ko dahil sa kakaiyak. Mabilis kong inalis ang make-up at naghilamos bago marahang pinunasan ang mukha gamit ang tissue. Naglagay ulit ako ng powder sa mukha at kaunting lip tint sa labi para mas magmukhang presentable bago isinuot
"Mas maiging iwasan na lang natin ang isa't-isa." Ang katagang iyon ang walang sawa kong naririnig sa isip ko. Gusto pala namin ni senyorito ang isa-isa't pero hindi raw kami p'wede. Ang saklap naman no'n! Medyo masakit pero ayos lang. Suportado ko naman kung ano 'yong gusto niya at crush ko lang naman siya. At isa pa, masyadong mataas ang pangarap ko kung ipipilit ko ang sarili sa kanya. Mayaman siya kaya nga senyorito namin siya rito, e. At ako? Kasambahay lang. Mas bagay siya kay Rhianne kahit pangit ang ugali ng isang 'yon. At ako, siguro magma-madre na lang talaga ako! "Rika!" Nilingon ko ang pinaggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Sir Gavin. Ngimiti ito ng malawak at nilapitan ako habang nakapamulsa siya. "Good morning po!" bati ko sa kanya at itinigil muna ang pagwawalis para asikasuhin siya. "Kakain ka na po ng breakfast?" tanong ko sa kanya. "Yeah, can you guide me to the dining room?" Mabilis akong tumango at naglakad papunta sa gusto niyang destinasyon. Ang to
"Rika, ihain mo na ang mga ito sa lamesa para hindi ka na maging waiter mamaya," utos sa akin ni mama, tinutukoy niya ang mga bagong lutong ulam na kakatapos maluto. Maingat kong binuhat ang tray at inayos sa lamesa ang pagkakalagay ng samut-saring putahe. Ang kasama ko naman ay ang naghanda ng malinis na mga plato, kutsara, table napkin at baso."Rika, halika na rito. Hayaan mo na sila r'yan," tawag muli ni mama sa akin nang marinig ang ingay ng mga bisita, hudyat na palapit na sila sa dining room.Sununod ako sa ina at pumasok sa kitchen para maghanda at kumain. Ala-una kasi ng hapon ang practice namin para sa pageant. Alas-dose na ngayon at kailangan ko pang mag-ayos."Rika?" Nakakamay ako habang kumakain nang marinig ang boses ni Sir Gavin na pakanta pa binanggit ang pangalan ko. "Po?!" sagot ko rito at tumayo dahil baka may i-utos siya sa akin. Naghugas ako ng kamay dahil wala akong kasama rito sa kusina para sana utusan na sila na lang ang mag-assist kay Sir Gavin. "Bakit po
Dahan-dahan ko siyang hinarap at tumango. "Opo, senyorito. May practice po kasi ako sa pageant namin," paliwanag ko at nag-iwas nang tingin. "Pero kung may iuutos ka, pwede ko namang gawin muna 'yon o mag-absent na lang muna ako sa practice namin.""Nah, it's okay. Magpahatid at magpasundo ka sa papa mo," utos pa niya na mabilis sinundan ni Gavin."Ako na ang gagawa no'n! Sasamahan ko siya.""What?" Nagsalubong ang kilay ni senyorito. "No way, Gav. You need to come with us," seryosong aniya."Iwan ko po muna kayo," pagsingit ko dahil nabibigatan na ako sa dalang mga pinagkainan. Iniligpit ko iyon nang maayos at nang makabalik do'n ay naroon pa rin silang dalawa."Rika, ang papa mo ang sasama sa 'yo, maliwanag?" utos sa akin ni senyorito."Opo," sagot ko at bumaling kay Gavin. Nakangisi ito na parang tuwang-tuwa siya sa nangyayari. "Maybe next time, Rika," sambit niya."Opo," ulit ko sa sagot at tinignan si senyorito. Nakatingin siya sa akin habang seryoso at parang yelo ang mga mata.
Organizer: Guys, sorry for the delayed annoucement. Wala muna tayong practice ngayon. May emergency meeting para sa event. Continuation of our practice will be next week before the D-day. Dress and stage rehersal tayo. Be prepared, ladies!"Hala!" bulalas ko nang ngayon lang iyon nabasa. Kung kailan handa na ako at paalis na! Sayang naman!"Why?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Gavin na may bahid ng ngiti sa labi. "Your reaction is so cute."Napangiwi ako at tinawanan na lang ang papuri niya. Anong cute sa dismayadong mukha? "Wala po! Hindi kasi tuloy yong practice namin ngayon. Nanghihinayang lang ako kasi nakabihis na ako," paliwanag ko sa kanya at pinuntahan si papa na inihahanda na ang sasakyan."Pa, 'di na daw tuloy ngayon," balita ko sa kanya dahilan para mapatigil siya at mapatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo."Anong 'di tuloy?" "'Yong practice namin. Next week na lang daw kasi may meeting sila."Tumango-tango ito. "Gano'n ba?" aniya at isinar