"Rika, nandyan na pala you!" masayang bungad ni Franz, ang kaibigan kong dahilan kung bakit marami akong sugat sa balat.
Maarte siyang tumakbo palapit sa akin, inalis pa ang strap ng bag sa kanang balikat ko at pwersahan akong pinaupo. "Here ka umupo and let me check your sugat!"Mabilis akong umiling. "'Wag na, Franz! Para namang 'di pa ako sanay sa ganito!" pigil ko sa kanya at hinila siya patayo."Correct ka r'yan, madam!" sang-ayon ni Mona at umupo sa arm chair ng inuupuan ko.Nalukot naman ang mukha ni Franz at hinawakan ang kamay ko. "Sorry talaga, mga sis! Nadadamay pa kayo dahil lang sa pagiging flirt ko!" madramang aniya at humagulgol pero walang luha. Napailing na lang ako at napangisi."Tanggap naman na namin dati pa na isa kang malaking flirt! Pero iba 'yong ngayon, sis! Naging third party ka sa mag-jowa!" pambubunyag ni John Paul o mas kilala bilang JP. Minsan Jopay ang gusto niyang ipantawag namin sa kanya. Gaya ni Franz, gay ang nirerepresenta niya bilang miyembro ng LGBTQIA+ community.Si Mona naman, bisexual. Marami na siyang nakarelasyong babae at lalake. At ako? Questioning. Hindi ko pa sigurado ako ang sexuality at gender identity at gender expression ko. Minsan, napapaisip ako kung heterosexual talaga ako at gusto lang ding mapabilang sa LGBT community kaya tingin ko ay homosexual ako. Ang totoo, na-attract talaga ako sa mga lalake. Lalo na iyong malakas ang dating at gwapo tulad ni senyorito. Minsan din nagagandahan ako sa mga babae. Dahil do'n, inakala ko rati na bisexual din ako. Pero may pagkakataon na nandiri ako no'ng asarin nila ako sa kapwa ko babae at kinikilig naman kung sa lalake.Ewan ko ba! Ang gulo-gulo! Basta ayaw ko na may nabu-bully at sinasaktang tao dahil lang sa seksuwalidad nila. Handa akong makipag-away para lang maipagtanggol sila tulad ni Franz."Ginugulo ka pa ba nila?" tanong ko sa kaibigan. Si Kate at yong ang grupo niyang nasa kabilang section ang tinutukoy ko.Napayuko siya at binuksan ang cellphone. "Hindi naman na. Sana lang, 'wag nang maulit 'yong kahapon.""'Wag kang mag-alala! Nandito lang kami kung sakaling maulit 'yon!" sigang dagdag ni Mona at marahas na tinapik ang balikat ni Franz. Napa-aray tuloy ito at napamasahe sa sariling balikat.Tinawanan lang namin sila ni JP. Maya-maya ay nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "May chika pala ako! Nagsimula na 'yong pagpapalista sa mga sasali sa Miss San Juan! Pinalista ko sina Rika at Mona!""Hoy! Ano?!" halos sabay naming tanong ni Mona sa kanya."Kaya niyo 'yon! 'Di ba need niyo ng extra income? Ayan na ang opportunity, kumakatok na!" Pumalakpak pa siya."Prank lang!" deklara ko at 'di siya nilubayan ng tingin. Baka kasi bigla siyang sisigaw ng, 'it's a prank' pero wala. Mukhang seryoso talaga siya."Magpapa-widthraw ako! Sasabihin ko kay mama," mabilis na tutol ko at pinagkrus ang braso. Ano ba kasing trip niya at bigla-bigla akong ipapasali sa beauty contest?! 'Di ako para ro'n."Ano ka ba, sis?!" Hinampas niya pa ang braso ko. Napaawang naman ang labi ko dahil sa kirot. Ang bigat talaga ng kamay niya! "Support ka namin! Saka sagot kita sa gown at make up! Madami akong gamit na kasya sa 'yo! Magkasize lang naman tayo! Lamang ka lang ng konti sa s**o!""Hoy!" mabilis na sita ko dahil sa kabulgaran niya. "Basta! Ayaw ko sa contest-contest na 'yan," pagtapos ko sa usapan.Si Mona naman 'di nagreklamo. Sabagay, napagti-tripan na siyang maging muse ng section namin at nailalaban sa school pageant tulad kapag buwan ng wika at science fair. Maganda rin kasi siya pati na ang katawan niyang 'di namin mawari kung bakit payat pa rin sa kabila ng pagiging malakas kumain.Nang mag-uwian ay magkakasabay kaming apat na lumabas. Gaya ng inasahan, inabangan kami ng nina Kate, Zhai, Scarlet at Calvin sa may kanto. Wala ngayon iyong boyfriend ni Kate na pumatol kay Franz. Pinatunog namin ni Mona ang mga daliri sa kamay at niluwagan ang pagkakasuot ng bag para maghanda na.Inilabas naman nina Kate at Scarlet ang de-tupi nilang payong. Ang daya talaga ng mga 'to!"Babe," tawag ni Scarlet sa boyfriend niya. "Suntukin mo 'yong pangit na 'yon!" Itinuro niya si JP. Napayakap naman ang kaibigan ko sa sarili niya. Lalakeng-lalake kasi iyong Calvin.Ilang saglit pa ay sumigaw si Kate at sinugod ng sabunot si Franz. "Let's get it on!" hiyaw ni Mona at tumakbo sa pwesto ni Zhai.Si Scarlet ang dapat na katapat ko pero mas pinili kong depensahan si JP mula sa atakeng suntok ni Calvin. Sa huli, ako ang napa-upo sa kalsada dahil sa suntok ni Calvin sa pisngi ko. Napahawak ako roon dahil sa sobrang sakit."Bakit ka kasi humarang?! Ang tanga mo!" sigaw nito sa akin. Ikinuyom ko ang kamao ko at hinubad ang bag sa katawan sabay hampas no'n sa kanya."Babe!" Mas lalo akong nairita sa boses ni Scarlet kaya hinampas ko rin siya. Sa wakas, tumulong na rin sa akin si JP. Sinabunutan niya si Scarlet. Siniko ko naman ang tiyan ni Calvin. Nang 'di makuntento ay hinarap ko siya sa akin at tinuhod ko ang pagitan ng hita niya dahilan para mapahawak siya roon at mapaluhod.Magkakasunod na busina mula sa isang kotse ang nagpatigil sa bawat grupo namin. Huminto ang kotse sa harapan namin at maya-maya pa ay nakita ko si papa na bumaba mula sa kotse. Lagot!"Hoy! Anong ginagawa niyo?! Tigilan niyo 'yan!" sigaw niya at nag-ambang lumapit. Nagsitakbuhan naman ang grupo nina Kate habang iika-ikang lumayo si Calvin habang inaalalayan ni Scarlet.Hindi ko sila magawang asarin sa pagiging duwag dahil tumakas sila. Mas kinakabahan ako ngayon sa presesya ni papa."Ang gaganda at gwapo niyo pero nagbubugbugan lang kayo! Mga bata nga naman!" pangaral pa niya at nilapitan ako. Kinuha niya ang bag kong nasa semento at ipinagpag ang dumi roon. Sunod ay umiling siya at dismayadong tinitigan ako."Umuwi na kayo," aniya nang bumaling siya sa mga kaibigan ko at hinawakan ang palapulsuan ko. "Halika na, anak."Hinintay niya akong maglakad bago siya sumunod. Nanubig angmga mata ko dahil nasasaktan ako sa reaksyon niya. Bakit nakita niya akong nakikipag-away? E 'di mawawala na ang tiwala niya sa akin! Ayaw ko no'n!Pinagbuksan niya ako ng pinto at siya pa ang nagkabit sa akin ng seatbealt bago isarado ang pinto sa banda ko."What a bad kid," rinig kong bulong ng kung sino mula sa likuran. Nilingon ko iyon at nakita si Senyorito Brandon. Napaawang ang labi niya nang magsalubong ang tingin namin at mapatingin sa pisngi kong kumikirot pa rin. Napanguso ako at kaagad na tinalikuran siya nang bumukas ang pinto sa kabilang dako at pumasok si papa."Sir, p'wede ho bang dumaan muna sa drug store? May bibilihin lang ako," tanong ng ama kay senyorito."Sure," maikling sagot nito.Napayuko ako at nilaro ang strap ng bag na nasa hita. Nahihiya ako sa naabutan nila. Unang huminto ang kotse sa tapat ng Drug Store. Nagpaalam si papa bago siya lumabas."Ilang taon ka na?""Ha?" Kunot noo kong nilingon si Brandon nang magsalita ito. Wala naman siyang suot na headset o ano at kaming dalawa ang nandito sa loob. Ako ba ang kinakausap niya?"Seventeen po," mahinang sagot ko at tinignan ang reaksyon niya. Blanko pa rin ang mga mata niya pero tumango siya. "Ikaw?" tanong ko dahil kuryoso rin ako kung ilang taon na siya. Tingin ko nasa thirty years old o mahigit."Bawal ka pang makulong pero pwedeng madamay ang mga magulang mo dahil sa ginagawa mong gulo," iyon na yata ang pinakamahabang paliwanag na narinig ko sa kanya mula nang mag-usap kami. Pero hindi ko nakuha ang sagot na gusto kong malaman tungkol sa kanya.Napabuntonghininga ako at napaayos ng upo. Masakit kasi sa leeg kung nakalingon ako sa kanya. "Magpapakulong ako kung mangyayari man 'yon. Ayaw kong idamay sina mama at papa.""Bata ka pa. Sa DSWD ka mapupunta hindi sa kulungan.""Kahit na! Mag-e-eighteen naman na ako." Katamikan ang namayani sa kotse matapos kong sabihin iyon. Naputol lang nang bumalik si papa na may dalang panggamot ngsugat at yelo."May panyo ka ba anak?" tanong niya sa akin nang makaupo sa driver's seat."Opo." Kinalkal ko ang bulsa at kinuha ang panyo na dapat ay itatapon na ni senyorito.Ibinalot ni papa ang yelo roon at hinawakan ang mukha ko. Napailing siya at ginamot muna ang sugat sa gilid ng labi ko bago inilapat ang yelo sa pisngi ko. "Namamaga, anak," aniya at nagtanong, "Masakit ba? Sinong may gawa niyan?""Si Calvin po," pag-amin ko dahil ayaw kong magsinungaling sa kanya. Masyado siyang mabait sa akin para gawin ko iyon."Lalake?" hindi makapaniwalang bulong niya at bumuntong hininga. "Ire-report ko ito sa school niyo bukas.""P-po? 'Wag na, papa! Hindi na po mauulit!" pakiusap ko at naibaba saglit ang yelo dahil masyado na iyong malamig sa balat."Talagang hindi ako makakapayag na maulit pa 'to, Erika," dagdag niya. Napalunok na ako at natahimik. Galit na siya dahil sa pangalan na niya ako tinatawag.Napagalitan ako ni mama nang makita ang pasa sa pisngi ko at malaman na nakipag-away ako. Naging malamig tuloy ang trato nilang dalawa sa akin ni papa. Nakaka-guilty!"Rika, tawagin mo na si senyorito. Nakahain na ang pagkain," utos ni mama sa seryosong tinig.Lumabas ako habang nakapantulog. Isang maluwang na t-shirt at pajama ang suot ko. Nakalugay lang din ang buhok ko dahil basa pa ito. Pinaligo kasi agad ako ni mama kanina.Tamad akong umakyat at kumatok sa pinto ng senyorito. Wala ako sa sarili habang ginagawa 'yon. Nang maramdaman ang hapdi sa kamay, doon ko lang napagtanto kung ilang oras na akong kumakatok. "Senyorito!" sigaw ko at malakas na kinalabog ang pinto gamit ang dalawang kamao.Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si senyorito. Namilog ang mga mata at bibig ko dahil wala itong suot sa pang-itaas. Basa at may tumutulo pang tubig mula sa magulong buhok niya at sa pang-ibaba, tanging puting tuwalya lang ang nakatakip at maluwang pa ang pagkakatali."What is it?!" iritadong tanong niya at sa akin.Napalunok ako ng sariling laway bago sumagot, "Kakain na raw.""Damn, I thought it's an emergency," bulalas niya bago ako pinagsaraduhan ng pinto.Napakurap ako at napasampal ng pisngi dahil ang init no'n. Huli na nang mapagtanto kong may pasa pala ako kaya napadaing ako."Rika, nasaan na si senyorito?" tanong ni Gemma, kasambahay na ilang taon lang din ang tanda sa akin. Nahihiya nitong inipit sa tenga ang ilang hibla ng takas na buhok. Ang hinhin niya talaga! Sila lang ni mama ang babaeng kasambahay na kilala kong hindi maharot tulad ko. "Nabanggit kasi ng mama mo na tinawag mo na siya.""Nagbibihis pa siya. Pero nasabi ko na. Baka mamaya nandito na 'yon," sagot ko bago siya nilampasan. Ang kaso, narinig ko ang yapak niyang umakyat patungo sa ikalawang palapag. Si senyorito ba ang pupuntahan niya? Wala ba siyang tiwala sa akin?Nagkibit ako ng balikat at naglakad na papunta sa kusina. Kumpara kagabi, walang mga bisita. Pero sandamakmak pa rin ang mga masasarap na pagkaing nakahain sa hapag. Napahawak ako sa tiyan ko nang tumunog iyon sa gitna ng katahimikan. Nagugutom na ako! Gusto ko na ring kumain.Tinungo ko ang kusina kung saan pwede nang kumain ang mga kasambahay. Ang kaso, wala ng tao roon. Tanging mga pinagkainang plato na nasa lababo lang an
Sabado ngayon. Wala kaming pasok kaya maghapon ang trabaho ko rito sa mansyon. Tulad ng laging ginagawa, nagwalis ako sa labas at loob ng mansyon. Iyon lang ang trabaho ko dahil ayaw nila akong paghawakin ng mga mamahalin at antigong gamit ng pamilyang Monteverde. Baka raw kasi masira o mabasag ko lang iyon.Sinunod ko ang paglilinis ng swimming pool. Taga-alis lang ako ng mga napupunta roong dahon gamit ang mahabang net. Nasa dulo ako ng pool, pinipilit na abutin ang dahong nasa pinakagitna nang biglang may magsalita sa likuran ko. "You're cleaning here instead of my room?"Dahil sa gulat ay napatalon ako sa swimming pool at nabitawan ang mabigat na net. "Senyorito?!" gulat na tawag ko sa kanya nang makaahon at mailuwa ang tubig na nainom. "Bakit ka nanggugulat?! Badtrip ka naman!" reklamo ko rito dahil una sa lahat, siya ang mga kasalanan kung bakit kay aga-aga ay naligo na ako agad. Pangalawa, may dalaw ako ngayon at paniguradong basa na ang suot kong napkin. At pangatlo, 'di ko
"Ang ganda mo talaga, Rika!" Napangiwi ako sa puri ni Cathy, isa sa kapwa ko kasambahay na mahilig maghanap sa online dating applications ng matandang mayamang madaling mamatay. "Ang plastic mo po talaga!" may respetong pambabara ko sa kanya. Umiling ito at hindi pa rin inaalis ang ngiti sa labi. "Nagsasabi ako ng totoo! Pero sigurado ako, mas gaganda ka kapag nilagyan kita ng make-up!" paliwanag niya at hinila ang kamay ko nang magsimula na akong umiling bilang pagtanggi. Siya ang nagme-make up sa akin tuwing Recognition at Graduation. Maganda naman ang resulta dahil marunong siyang mag-make up. Pero ang ayaw ko lang ay nagkaka-pimple ako pagkatapos. Napagkakamalan tuloy ako nina mama at ng tropa ko na inlove raw ako. Kaloka!"Mali-late na po kami sa misa!" palusot ko at tinawag ang ina. "Ma! Mama, si Ate Cath, oh!" Pero hindi ito nagpakita. Nako naman! Ang tagal niya talagang magbihis kahit kailan!"Wala pa si Karina, hali ka na kasi!" pagtukoy niya kay mama at hinila ako paupo.
Humiyaw ako at itinaas ang kamay sa ere habang dinadama ang pagtama ng sariwang hangin sa mukha ko. Idagdag pa ang puro kulay berdeng mga puno at damo. Ang payapa. Nakaka-miss pumunta rito! "Senyorito!" tawag ko sa kasama at bumaba muna para yayain siya. Nakabukas kasi ng bahagya ang bubong ng kotse niya kaya nakuha kong matayo roon at makita ang tanawin. "Hali ka rito! Masarap 'yong hangin, sakto 'di gaanong maaraw rito!" Pero umiling ito at inalis ang suot na itim na salaming pamprotekta sa sinag ng araw. Kanina pa siya gan'yan! Nasa lilim pa rin kami pero naka-shades na siya. "Dali na!" pagpupumilit ko."Dito ka na lang. Malapit na tayo."Umungol ako sa pagkadismaya at napanguso. "Rommel, pakisarado na," utos pa niya kay kuyang driver na nasa harap.Hinawakan ko ang laylayan ng suot niyang polo at inalog. "Senyorito naman, e! Ang killjoy mo!""Tsk!" masungit na asik lang ang isinagot niya at inilayo ang braso. "You're acting like a child."Mas lalo akong napanguso at nagsumiksik
"Bakit ba rito ka gumagala, senyorito?" tanong ko habang naglalakad kami. Nakakapagod pero hindi nakakasawang pagmasdan ang mga tanawin. "P'wede namang sa Mall o sa—""Kasi payapa rito," sagot niya habang nasa likod ang kamay. "At sinusuri ko ang lugar kung magandang pagtayuan ng bahay at negosyo."Nilingon ko siya dahil naging kuryoso ako lalo. "Bahay? Ayaw mo na sa mansyon?" tanong ko at naglakad paabante pero nakaharap sa kanya."Gusto ko rin ng sarili kong bahay bakasyunan, Rika," seryosong sagot niya at tumingala ng kaunti nang ihipan ng malakas na hangin ang buhok niya. "Bakit ang gwapo pa rin kahit magulo ang buhok mo?" naiinggit na sambit ko at habang inaayos ang ilang takas na buhok nang tumakip ang mga 'yon sa mukha ko. "Ang unfai—" Natigil ako at nanlaki ang mga mata nang mawalan ng balanse matapos matisod sa isang nakaharang na bato. Mabilis at malaki ang hakbang na ginawa ni senyorito para makalapit sa akin. Kaya sa pangalawang magkakataon, nahawakan niya ako ng braso
"Senyorito..." tawag ko rito para sana kausapin siya habang nasa biyahe.Pero napahawak ako sa tiyan ko nang maramdamang kumulo iyon. Nagugutom na ako. Doon ko napagtantong mangga lang ang kinain namin ni senyorito kanina. Kaya siguro pagod na ako nang magdilim na. Gumalaw si senyorito at inilahad sa akin ang paperbag. Kinuha ko iyon at 'di siya nilubayan ng tingin. "Ayos ka na ba, senyorito?" nag-aalalang tanong ko sa kanya sa gitna ng dilim at kaunting ilaw na tumatama sa kanya sa tuwing may madaraanan kaming nga poste na bukas ang ilaw. "Yeah, just eat if you're hungry," tipid na sagot niya at muling humarap sa bintanang nasa tabi niya. Dahil do'n ay nakanguso kong kinuha ang burger at kumagat para kumain na. Panay ang tingin ko kay senyorito habang ngumunguya. Tulog ba siya? Alukin ko kaya? Baka nagugutom na rin siya.Tahimik akong lumapit sa kanya at sinuri kung talagang nagpapahinga siya. Nang makitang nakapikit siya ay tumango ako dahil nakumpirmang tulog nga siya. Akmang la
Tinatamad akong bumangon nang marinig ang tunog ng alarm. Pinatay ko iyon at nakapikit na bumalik sa kama. Agad kong niyakap ang unan at nagkumot. Ang lamig ng panahon kaya ayaw ko pang bumangon! Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaidlip nang muling magising dahil sa malakas na boses ni mama. "Rika, mag-aalas otso na! Bakit natutulog ka pa r'yan?!" "Ha?" iritadong tanong ko at napatayo nang may humila sa akin. "Akala ko naman nakabihis ka na at lahat-lahat. Pero nakahilata ka rin!" pagbubunganga ni mama. Itinulak niya ako papasok sa banyo at napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ang malamig na tubig mula sa shower na bumabagsak sa katawan ko. "Ma!" sigaw ko sa kanya at agad na lumayo. "Maligo ka na, kita mong mali-late ka na!" singhal niya bago ako iniwan. Iritado akong humikab at naghubad ng damit para ipagpatuloy ang pagligo. Itinabi ko muna ang mga basang damit para labhan na lang pagka-uwi. Tinatamad akong nagbihis at nagsuklay. Monday na naman! Ang tagal pa para ma
"Papa?" tanong ko at nilapitan ang ama na naghihintay sa akin sa harap ng mansyon."Ikaw nga, anak!" Mabilis siyang lumapit sa akin at pinayungan ako kahit basa na ako. Inalalayan niya ako nang makaakyat sa malamig at madulas na tiles ng mansyon ay binigyan ng tsinelas. "Pumasok ka kaagad at magbihis, baka lagnatin ka!" utos nito at kita kong kinuha niya ang pares ng sapatos kong basa.Una kong nakita si Ate Cathy na tinaasan ako ng kilay at sumigaw para tawagin si mama, "Karina, nandito na 'yong anak mo!" "Rika! Anong oras na? At hindi ba't binilin ko sa 'yong lagi kang magdala ng payong? Tignan mo na naman ang nangyari sa 'yo!" singhal nito at hinila ako papasok sa kwarto. Tinulungan niya akong alisin ang bag at naglabas din siya ng bagong damit kong pantulog. "Itabi mo lang 'yang uniporme mo, ako na ang maglalaba mamaya. Maligo ka na muna ro'n habang nagluluto ako ng noodles para mainitan ka," mabilis na paliwanag niya bago ako iniwan. Iginalaw ko ang leeg sa magkabilang gilid a