"Ang ganda mo talaga, Rika!" Napangiwi ako sa puri ni Cathy, isa sa kapwa ko kasambahay na mahilig maghanap sa online dating applications ng matandang mayamang madaling mamatay.
"Ang plastic mo po talaga!" may respetong pambabara ko sa kanya.Umiling ito at hindi pa rin inaalis ang ngiti sa labi. "Nagsasabi ako ng totoo! Pero sigurado ako, mas gaganda ka kapag nilagyan kita ng make-up!" paliwanag niya at hinila ang kamay ko nang magsimula na akong umiling bilang pagtanggi.Siya ang nagme-make up sa akin tuwing Recognition at Graduation. Maganda naman ang resulta dahil marunong siyang mag-make up. Pero ang ayaw ko lang ay nagkaka-pimple ako pagkatapos. Napagkakamalan tuloy ako nina mama at ng tropa ko na inlove raw ako. Kaloka!"Mali-late na po kami sa misa!" palusot ko at tinawag ang ina. "Ma! Mama, si Ate Cath, oh!" Pero hindi ito nagpakita. Nako naman! Ang tagal niya talagang magbihis kahit kailan!"Wala pa si Karina, hali ka na kasi!" pagtukoy niya kay mama at hinila ako paupo. "Saglit lang 'to! Alam mo namang paborito kitang inaayusan kasi ang ganda mo!""'Wag mong kapalan!" pambabanta ko nang hindi na magpumiglas."Naman! Alam ko namang magsisimba lang kayo ngayon! Sa debut mo na lang 'yong bonggang make-up look!" maarteng sagot niya. Oo nga pala, malapit na akong mag-eighteen. Isang buwan na lang at ilang mga araw pa mula ngayon."Aahitin ko lang muna 'yong kilay mo! Ang kapal na naman!""'Wag mong nipisan! 'Di na talaga ako magpapa-uto sa 'yo, sige ka!" banta ko nang mailabas niya ang pag-ahit ng kilay."Kailan pa naging manipis ang pagkilay ko sa 'yo, aber?" masungit na tanong niya habang nakaangat ang plakadong kilay."Baka kasi nipisan mo ngayon," mas mahinahong sagot ko at nagpa-ubaya na. Maayos naman siyang magkilay. Nababawasan niya ang kakapalan no'n pero hindi nasosobrahan ng nipis. Sa totoo niyan, naiinggit si Franz sa natural kong kilay na gawa ni Ate Cathy."Bago itong mga gamit ko!" pakikwento niya pa habang may pinapahid na kung ano sa mukha ko. Minamasahe pa niya iyon."Ano naman 'yan? Baka magkatigyawat ako, ah! Ayusin mo!" reklamo ko habang nakanguso."Primer lang 'to, ineng! Para hindi magsumiksik sa pores mo 'yong foundation! Safe 'to!""Ineng?!" bulalas ko. "Ang baduy! 'Wag mo nga akong tinatawag ng gan'yan!"Humalakhak naman siya at napamura ng malutong. Grabe talaga siya! Ayaw ko na ngang awayin!"Akala ko ba pang-simba look lang? Bakit may ganyan?" 'di ko na namang mapigilang mag-reklamo nang ilabas niya ang pekeng kilay. Kailangan pa ba no'n?"Manipis lang 'to, dadadagan lang 'yong pilik mata mo para pak na pak!"Mabilis akong umiling dahil naalala kong mabigat 'yon sa mga mata. "Ayaw ko niyan!""Arte!" malakas na bulong niya at ibinalik iyon sa lalagyan. Matapos lagyan ng matte lipstick ang labi ko ay may ini-spray siya sa mukha ko. Malamig iyon sa pakiramdam lalo na nang itapat niya pa sa akin ang electric fan."Ayan! Pefect!" Pumalakpak siya at iniharap ako sa salamin. Napangiwi naman ako. Nagmukha akong mahinhing babae dahil bumagay sa puting bestidang suot ko ang natural na make-up look na ginawa niya sa akin. Para tuloy ang bait-bait ko sa itsura ko ngayon."Ayusin ko naman 'yang buhok mo—""'Wag na!" pigil ko at hinawakan ang mataas na nakapusod na buhok."Mas maganda kapag nakakulot!""Late na nga kami, magkukulot pa?" sarkastikong sagot ko."E 'di ilugay mo na lang. Akin na—""Ayaw ko! Ang init-init na nga lang nito," pagtanggi ko sabay hawak ng manggas. Puff sleeve daw iyon sabi ng lola kong mayaman na nakatira sa abroad. Madalas siyang nagpapadala ng mga dress na sabay sa uso. Kaysa naman daw itapon lang ng apo niya roon sa Amerika. Babae rin kasi ang pinsan ko sa side ni papa. Kikay siya kaya heto, nadadamay pa ako."Okay lang 'yan! Tiis ganda na lang!" ani Cathy at marahan pang hinampas ang ibaba ng mukha ko.Sumabay siya sa amin nina mama at papa papuntang Simbahan. Pero kami, magsisimba talaga. Si Cathy naman ay makikipag-meet up sa lalakeng nakikila niya online. Binilin kong mag-ingat siya pero bahala na raw ang may pagka-matulis niyang baba para protektahan siya. Napaka-loka loka talaga niya! Palagi tuloy kaming tumatawa tuwing kasama siya.Tahimik at sineryoso ko ang pakikinig sa misa. Gano'n kasi ang ginagawa nina mama at papa kaya nahihiya akong makipagdaldalan sa katabi at tumingin-tingin lang sa paligid."Saan mo gustong kumain, Rika? Sabi ni Sir Brandon, susunduin ka na lang daw niya.""Ha?" iritadong tanong ko kay mama dahil sinabayan pa iyon ng init ng araw. Nakakapaso sa balat!"Ikaw raw ang isasama niya para ilibot siya sa bukid. Kasama niyo si Rommel," pagtukoy ni papa sa kasama niyang driver din."Tuloy pala 'yon? Gusto mong ikaw na lang, papa?" tanong ko sa kanya."Nako! Nagpaalam ako kay sir. Magdi-date kami ng mama mo. Anniversary namin ngayon," ngiting sagot niya at inakbayan si mama. Napangiwi naman ako. "'Wag kang mag-alala. Binilin niya sa akin na saglit lang daw kayo."Mabigat ang loob ko habang kumakain kami sa isang fast food chain sa Mall. Dito raw kasi magdi-date sina mama at papa at manonood pa ng sine. Nakakainggit tuloy! Bakit ba kasi Linggo pa naisipan ni senyorito na maglibot sa bukid?! Bad trip!Naghilamos, umihi at nagpalit muna ako ng sanitary pads bago naghintay kay senyorito sa harap ng Mall. Tiyak pagpapawisan ako at baka magmukha akong tanga roon kapag natunaw ang make up na inilagay ni Cathy sa akin. Tanghaling tapat kasi pero pupunta kaming bukid? Jusko, iba talaga ang trip ni senyorito!Umupo ako sa bench nang mangalay sa kakatayo. Tinignan ko ang cellphone kong madaming basag ang screen. Balak ko sanang tawagan ni senyorito pero wala naman pala akong number niya. Ang tagal ko na kasing naghihintay at ang init pa rito sa labas!Padabog akong tumayo at akmang babalik na sa loob nang makita ang pamilyar na mukhang tumatakbo palapit sa entrance ng Mall. Sumasabay ang mga hibla ng buhok niya sa pagtakbo niya. Nakasuot siya ng kulay puting t-shirt na pinatungan ng kulay kremang polo na maikli lang ang manggas. Sa pangibaba naman, khaki short na kulay kayummangi. Kaparehas no'n ang kulay ng boots na suot niya."Senyorito!" sigaw ko para matawag ang atensyon niya. Bumabagal ang takbo niya nang makita ako at naglakad nang malapit na siya sa akin.Kaagad na sumalakay ang pamilyang na pabango niya sa ilong ko. "Ang fresh mo, senyorito! Sure kang sa bukid tayo pupunta?" puri ko sa kanya at humalakhak. Napakurap naman siya at hindi pa rin nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin."Hoy!" panggulat ko rito sabay kaway sa mukha niya. "Para kang nagandahan sa akin!" biro ko dahil pamilyar ang reaksyon niya sa mga romance series napapanood ko sa TV."Oo," sagot niya at tumikhim. Nagsalubong naman ang kilay ko. "Pupunta tayo sa bukid ngayon," dagdag niya.Buti naman! Akala ko nagandahan siya sa akin.Tumango-tango ako at hinawakan ang palapulsuan niya. "Tara na, senyorito! Ang init dito!" anyaya ko at hinila siya sa kung saan habang hinahanap ang kotseng ginamit niya.Napatigil ako nang bawiin niya sa akin ang kamay. Napatitig ako roon. Ah, okay! Ayaw niyang hawakan ko siya. "Dito..." saad niya at sa pagkakataong iyon ay siya na ang humawak sa palapulsuan ko at hinila ako para sumama sa kanya.Humiyaw ako at itinaas ang kamay sa ere habang dinadama ang pagtama ng sariwang hangin sa mukha ko. Idagdag pa ang puro kulay berdeng mga puno at damo. Ang payapa. Nakaka-miss pumunta rito! "Senyorito!" tawag ko sa kasama at bumaba muna para yayain siya. Nakabukas kasi ng bahagya ang bubong ng kotse niya kaya nakuha kong matayo roon at makita ang tanawin. "Hali ka rito! Masarap 'yong hangin, sakto 'di gaanong maaraw rito!" Pero umiling ito at inalis ang suot na itim na salaming pamprotekta sa sinag ng araw. Kanina pa siya gan'yan! Nasa lilim pa rin kami pero naka-shades na siya. "Dali na!" pagpupumilit ko."Dito ka na lang. Malapit na tayo."Umungol ako sa pagkadismaya at napanguso. "Rommel, pakisarado na," utos pa niya kay kuyang driver na nasa harap.Hinawakan ko ang laylayan ng suot niyang polo at inalog. "Senyorito naman, e! Ang killjoy mo!""Tsk!" masungit na asik lang ang isinagot niya at inilayo ang braso. "You're acting like a child."Mas lalo akong napanguso at nagsumiksik
"Bakit ba rito ka gumagala, senyorito?" tanong ko habang naglalakad kami. Nakakapagod pero hindi nakakasawang pagmasdan ang mga tanawin. "P'wede namang sa Mall o sa—""Kasi payapa rito," sagot niya habang nasa likod ang kamay. "At sinusuri ko ang lugar kung magandang pagtayuan ng bahay at negosyo."Nilingon ko siya dahil naging kuryoso ako lalo. "Bahay? Ayaw mo na sa mansyon?" tanong ko at naglakad paabante pero nakaharap sa kanya."Gusto ko rin ng sarili kong bahay bakasyunan, Rika," seryosong sagot niya at tumingala ng kaunti nang ihipan ng malakas na hangin ang buhok niya. "Bakit ang gwapo pa rin kahit magulo ang buhok mo?" naiinggit na sambit ko at habang inaayos ang ilang takas na buhok nang tumakip ang mga 'yon sa mukha ko. "Ang unfai—" Natigil ako at nanlaki ang mga mata nang mawalan ng balanse matapos matisod sa isang nakaharang na bato. Mabilis at malaki ang hakbang na ginawa ni senyorito para makalapit sa akin. Kaya sa pangalawang magkakataon, nahawakan niya ako ng braso
"Senyorito..." tawag ko rito para sana kausapin siya habang nasa biyahe.Pero napahawak ako sa tiyan ko nang maramdamang kumulo iyon. Nagugutom na ako. Doon ko napagtantong mangga lang ang kinain namin ni senyorito kanina. Kaya siguro pagod na ako nang magdilim na. Gumalaw si senyorito at inilahad sa akin ang paperbag. Kinuha ko iyon at 'di siya nilubayan ng tingin. "Ayos ka na ba, senyorito?" nag-aalalang tanong ko sa kanya sa gitna ng dilim at kaunting ilaw na tumatama sa kanya sa tuwing may madaraanan kaming nga poste na bukas ang ilaw. "Yeah, just eat if you're hungry," tipid na sagot niya at muling humarap sa bintanang nasa tabi niya. Dahil do'n ay nakanguso kong kinuha ang burger at kumagat para kumain na. Panay ang tingin ko kay senyorito habang ngumunguya. Tulog ba siya? Alukin ko kaya? Baka nagugutom na rin siya.Tahimik akong lumapit sa kanya at sinuri kung talagang nagpapahinga siya. Nang makitang nakapikit siya ay tumango ako dahil nakumpirmang tulog nga siya. Akmang la
Tinatamad akong bumangon nang marinig ang tunog ng alarm. Pinatay ko iyon at nakapikit na bumalik sa kama. Agad kong niyakap ang unan at nagkumot. Ang lamig ng panahon kaya ayaw ko pang bumangon! Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaidlip nang muling magising dahil sa malakas na boses ni mama. "Rika, mag-aalas otso na! Bakit natutulog ka pa r'yan?!" "Ha?" iritadong tanong ko at napatayo nang may humila sa akin. "Akala ko naman nakabihis ka na at lahat-lahat. Pero nakahilata ka rin!" pagbubunganga ni mama. Itinulak niya ako papasok sa banyo at napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ang malamig na tubig mula sa shower na bumabagsak sa katawan ko. "Ma!" sigaw ko sa kanya at agad na lumayo. "Maligo ka na, kita mong mali-late ka na!" singhal niya bago ako iniwan. Iritado akong humikab at naghubad ng damit para ipagpatuloy ang pagligo. Itinabi ko muna ang mga basang damit para labhan na lang pagka-uwi. Tinatamad akong nagbihis at nagsuklay. Monday na naman! Ang tagal pa para ma
"Papa?" tanong ko at nilapitan ang ama na naghihintay sa akin sa harap ng mansyon."Ikaw nga, anak!" Mabilis siyang lumapit sa akin at pinayungan ako kahit basa na ako. Inalalayan niya ako nang makaakyat sa malamig at madulas na tiles ng mansyon ay binigyan ng tsinelas. "Pumasok ka kaagad at magbihis, baka lagnatin ka!" utos nito at kita kong kinuha niya ang pares ng sapatos kong basa.Una kong nakita si Ate Cathy na tinaasan ako ng kilay at sumigaw para tawagin si mama, "Karina, nandito na 'yong anak mo!" "Rika! Anong oras na? At hindi ba't binilin ko sa 'yong lagi kang magdala ng payong? Tignan mo na naman ang nangyari sa 'yo!" singhal nito at hinila ako papasok sa kwarto. Tinulungan niya akong alisin ang bag at naglabas din siya ng bagong damit kong pantulog. "Itabi mo lang 'yang uniporme mo, ako na ang maglalaba mamaya. Maligo ka na muna ro'n habang nagluluto ako ng noodles para mainitan ka," mabilis na paliwanag niya bago ako iniwan. Iginalaw ko ang leeg sa magkabilang gilid a
"Two thousand nine hundred ninety-nine?!" gulantang na sambit nina Franz at JP nang makitang iyon ang halaga ng load na meron ang bagong phone ko.Napabangon naman ako mula sa pagkakahiga sa arm chair. "Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo, sis! Yaman mo sa load!" sagot ni JP at may idinagdag pa, "Pahingi naman!" Napa-isip ako. Sobrang dami nga no'n at wala naman akong text mate kaya baka hindi ko maubos bago pa mag-expire. "Sige lang.""My god, Rika!" Nilapitan ako ni Franz. "Sino ba 'tong senyorito na 'to at ganito ka-bongga magregalo?" kuryosong aniya."Tingin ko si Brandon Monteverde 'yan!" hindi siguradong sagot ni Mona sa kanya. "Nabalitaan ko kasing umuwi siya sa mansyon pero umalis lang din kahapon. Tama ba, Rika?" tanong nito sa akin.Simpleng ungol at pagtango lang ang ginawa ko dahil tinatamad akong magsalita at gumalaw ngayong araw. Pero pumasok pa rin ako dahil malaking puntos din ang attendance at isa iyon sa inaasahan ko para pumasa. Inilagay ni Franz ang ka
"Sis, nagka-allergy ka ba sa mga skin care products na binigay ko?" tanong ni Franz sa akin habang nandito kami sa mansyon ng mga Monteverde. Tumutulong kasi sila sa pag-aayos ng garden kung saan gaganapin ang debut ko. Pinayagan kasi kami ni senyorito roon.At speaking of senyorito, napalapit lalo kaming magkakaibigan sa kanya dahil palagi siyang tumatawag. Pakiramdam ko tuloy ay kasama ko pa rin siya rito kahit nando'n siya sa malayo."Hindi naman. At hindi rin naman ako pumuputi!" sagot ko dahil may ibinigay siyang sabon, lotion at kung ano-ano pang kaartehan na ipangpapahid sa mukha para raw kuminis at pumuti. Mahilig kasi sa pag-skin care at make up si Franz. Binigyan niya ng mga gamit si Mona para raw glowing ang skin niya pagdating ng contest na gaganapin na sa susunod na Linggo. Si JP naman, humingi rin dahil gusto niya raw ding mag-try ng ibang produkto at baka hindi na siya magka-skin breakout. At ako, nadamay lang para lahat daw kami ay magkaroon ng glow up journey."Ano k
Napapikit pa ako nang may tumutok sa aking ilaw. Sobrang liwanag no'n. Jusko naman, bakit may paganito?!Kumaway ako sa lahat ng bisita bago pumwesto sa harap ng couch na nasa gitna. Mukha iyong pangmayaman dahil sa lambot at tela. Sunod ay ang pagdarasal ni JP bilang pasasalamat sa Diyos sa pag-bless Niya sa amin at lalo na raw sa akin. Nang matapos ay ang pagbati sa akin Ate Cathy, pag-utos niya sa aking puntahan ang malaki at limang palapag na cake na nasa gilid ko at ang paghikayat sa lahat na na kantahan nila ako ng maligayang kaarawan. Sila kasing dalawa ang MC ngayong gabi.Sumabay ako sa palapak nila habang nakangiti dahil sa saya. Nang matapos ay pumikit ako para humiling.Sana makasama ko pa ng matagal ang lahat ng taong nandito. At sana dumating si senyorito.Dumilat ako at inihipan ang dalawang kandilang nasa ibabaw ng cake. Iyong mga numerong isa at walo. Matapos no'n ay pinaalam na nina Ate Cathy at JP ang susunod na programang 18 candles. Umupo ako at nagsimula na sil