Share

CHAPTER 4: PERSONAL MAID

"Rika, nasaan na si senyorito?" tanong ni Gemma, kasambahay na ilang taon lang din ang tanda sa akin. Nahihiya nitong inipit sa tenga ang ilang hibla ng takas na buhok. Ang hinhin niya talaga! Sila lang ni mama ang babaeng kasambahay na kilala kong hindi maharot tulad ko. "Nabanggit kasi ng mama mo na tinawag mo na siya."

"Nagbibihis pa siya. Pero nasabi ko na. Baka mamaya nandito na 'yon," sagot ko bago siya nilampasan. Ang kaso, narinig ko ang yapak niyang umakyat patungo sa ikalawang palapag.

Si senyorito ba ang pupuntahan niya? Wala ba siyang tiwala sa akin?

Nagkibit ako ng balikat at naglakad na papunta sa kusina. Kumpara kagabi, walang mga bisita. Pero sandamakmak pa rin ang mga masasarap na pagkaing nakahain sa hapag. Napahawak ako sa tiyan ko nang tumunog iyon sa gitna ng katahimikan. Nagugutom na ako! Gusto ko na ring kumain.

Tinungo ko ang kusina kung saan pwede nang kumain ang mga kasambahay. Ang kaso, wala ng tao roon. Tanging mga pinagkainang plato na nasa lababo lang ang nagpapatunay na tapos na silang kumain. Sina mama at papa kaya? Hindi nila ugaling hindi ako kasabay kumain.

Bumalik ako sa kusina at naabutan si senyorito sa hapagkainan. Naroon din si Gemma na siyang nagsasandok ng pagkain. Napahinto ako saglit at napatingin ako sa mga ulam. Grabe, ang dami talaga! Kaya bang ubusin ni senyorito ang mga 'yon?

Napa-ayos ako ng tayo at napahawak ng tiyan nang muli itong nag-alboruto dahil sa gutom. Napayuko ako dahil sa hiya. "Sorry po," mahinang usal ko at nagmadaling tumakbo para iwan sila roon.

"Rika!" Natigil ako nang may lalakeng tumawag sa akin. Nilingon ko ang malayong si Senyorito Brandon. Nakatingin ito sa pwesto ko. 'Di ako makapaniwalang siya ang tumawag sa akin. Iyon kasi ang unang beses na banggitin niya ang pangalan ko. "Eat with me."

Napalunok ako ulit. Bakit ang hot pakinggan no'n? Napatalikod ako at napakamot ng ulo. Bakit ko ba pinupuri ang boses niya?!

Muli ko siyang hinarap at pekeng ngumiti. "Tatawagin ko lang po sina mama at papa," paalam ko at lumabas ng dining room. Naabutan ko sa labas ang mga magulang. Nakatambay sila sa gazeboo at ang sweet nila. Nakayakap si papa kay mama habang magkahawak sila ng kamay. Napangiti ako at nilapitan sila.

"Ma, pa..." panimula ko, "Nag-away po ba kayo dahil sa akin? Sorry po!" sinserong paghingi ko ng tawad.

"Ayos lang, 'nak. Naipaliwanag na ng tatay mo sa akin ang nangyari. Hali ka nga rito!" Umiling si mama at inilahad ang braso sa akin.

Umupo ako sa tabi niya at sumama ako yakapan moment nila. "Pinagtanggol ko lang po talaga 'yong kaibigan kong si Franz. 'Di naman po ako mananapak na lang bigla."

"Mabuti ka pa nga, anak, nananapak ng may dahilan. Itong mama mo—" Nabitin sa ere ang sasabihin ni papa nang hampasin siya ni mama sa balikat. "Tignan mo!"

Humalakhak kaming tatlo at saka ko lang naalala ang gutom na nararamdaman. "Ma, pa, sabi pala ni senyorito, sabay tayong kumain sa kanya."

"Talaga? Nako, sakto, kanina pa ako gutom!" sambit ni papa at hinawakan ang kamay ni mama para yayaing pumasok sa mansyon. Sumunod ako sa kanila nang 'di nawawala ang ngiti.

Sana, kung magkakaroon man ako ng asawa pagdating ng panahon, gusto kong maging katulad namin sina mama at papa. Iyong kahit simple lang ang buhay, masaya pa rin!

Kung hindi, magma-madre na lang talaga ako.

Unti-unting nawala ang ngiti ko nang muling makita si senyorito. Nakatingin ito sa akin kaya bumalik ang hiya ko sa kanya. "Kain na," malumanay na banggit niya at inilahad ang kamay sa mga ulam na nakahain.

Tumabi si Gemma kay Senyorito Brandon. Sa kabilang gilid, nando'n kami ng pamilya ko at ako ang nasa pinakadulo. "Salamat sa pag-anyaya, sir," saad ng mga magulang ko. Napangiti ang amo namin at tumango. Sumunod si Gemma.

Nang matapos ay napunta ang mga mata ni senyorito sa akin. Tila nag-aabang kaya ibinuka ko ang bibig ko at sinabing, "Salamat, senyorito."

"Kumain na tayo," anunsyo niya at kinuha ang kutsara at tinidor. Gano'n din ang ginawa ng tatlo. Ako, tumayo para maghugas ng kamay. Mas sanay at mas masarap ang pagkain ko kapag gamit ang kamay imbes na kutsara.

Naging tuloy-tuloy ang pagkain ko dahil nalagyan na ni mama ng kanin at ulam ang plato ko. Pati baso ay may tubig na rin. Kumpleto! Alam na alam talaga niyang alimango at hipon talaga ang paborito ko.

"Ayusin mong kumain, Rika. Kaharap mo si senyorito," bulong ni mama at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"Aray, ma!" d***g ko dahil mukhang hindi ulam kun'di sugat ko ang sinusubukan niyang alisin.

Humalakhak naman siya habang humihingi ng paumanhin at hinalikan ang pisngi ko. Napanguso ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Sir, tapos ka na?"

Nag-angat ako ng tingin kay senyorito dahil sa sinabi ni Gemma. Mukhang tama siya dahil malinis na ang plato nito. "Yeah, but I'll stay 'til everyone is done."

Saglit na bumilog ang bibig ko dahil sa sagot niya bago muling ngumuya. Seryoso ako sa pagkain habang nakikipagkwentuhan ang tatlo sa kanya. Mukhang mabait naman ito sa kanila. Ngumingiti pa nga at nakikitawa. Pero bakit pagdating sa akin, palaging mainit ang ulo niya?

Maya-maya pa ay nagtanong si senyorito tungkol sa akin. Nabitin tuloy ang pagsubo ko para sa huling pagkain ngayong gabi.

"Si Rika lang ba po ang anak ninyo?" At bakit naman siya interesado sa pamilya namin?

"Oo, sir. Unica hija namin 'tong si Rika," proud na sagot ni papa. Napatango naman ang senyorito at napatingin sa akin.

"Masipag po siyang bata. Tumutulong siya rito sa mansyon kahit nag-aaral pa."

Agad kong inabot ang baso ng tubig bago ko pa mailuwa ang pagkaing basa bibig. Bakit bigla-bigla siyang namumuri? Ang plastic niya! Porque nasa harap siya nina mama at papa.

"Masipag po talaga ako, senyorito! Alagapaan pa kita kung gusto mo!" biro ko sa kanya.

Napaawang naman ang labi niya. Mukhang 'di niya inaasahang makikisali ako sa usapan nila. "Sure, you're my personal maid from now on."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status