Share

Chapter 2-Unang hakbang

“AHHHHH!”

Humihingal na bumangon si Jenny mula sa pagkakahimbing ng tulog. Kasunod niyon ang pagbukas ng pinto at pagbaha ng liwanag sa kanyang silid.

“Hey, okay ka lang?” Nilapitan ni Sasha ang kaibigan at naupo sa gilid ng kama. “Napanaginipan mo na naman ba?”

Marahang tumango si Jenny habang pawisan at nanginginig na nakayakap sa mga tuhod. “I was too young, back then. Nakalimutan ko na dapat 'yun. Pero bakit ang linaw-linaw pa rin ng lahat sa utak ko? It's so unfair!”

Inalo nito ang pag-iyak ng kaibigan. “Kung wala kang alaala sa iyong nakaraan, mabibigyan mo ba ng hustisya ang pagkawala ng mga magulang mo?”

“Pero hindi na niyon maibabalik pa ang kanilang buhay!” angil niya sa kaibigan at doon ibinunton ang galit na nadarama.

“Sumusuko ka na?” Malungkot na tanong ni Sasha sa kaibigan.

Mabilis naman niyang pinahid ang mga luha at sunud-sunod na umiling. “No. I've come this far para basta na lamang sumuko.”

“Good. Malapit mo nang maisakatuparan ang plano mong paghihiganti. We’re in midway. Kunting tiis pa.”

Tiningala ni Jenny ang kaibigan na naging sandalan niya sa loob ng mahabang panahon. Nakilala niya ito sa kasama ang kinikilala na rin niyang ina. Mga panahong walang direksyon ang kaniyang patutungohan. Tulad niya ay nasa isang kalye rin at kinupkop siya kahit walang sariling tirahan ang mga ito. “Thank you for always being there.”

“Don't mention it.” Kinuha nito ang pitsel sa ibabaw ng bedside table at nagsalin ng tubig sa baso. “Uminom ka muna para kumalma ka.”

“Salamat.” Matipid niyang turan.

Nang masaid ni Jenny ang laman ng baso ay ibinalik niya iyon sa bedside table.

“Matulog ka na ulit. Babantayan kita.”

Binigyan muna nang mahigpit na yakap ni Jenny ang kaibigan bago muling bumalik sa paghiga. Ipinikit niya ang mga mata hanggang hilahin siya ng antok. Nakatulong ang presensiya ni Sasha upang maging maayos ang kanyang pagtulog.

Kinabukasan ay maagang gumasing si Jennifer at muling tumanaw sa malayo habang malalim ang iniisip.

“Hindi ka pa ba nagugutom?” tanong ni Sasha sa kaibigang tulala na namang nakaupo sa isang tabi.

Napukaw ang diwa ni Jenny mula sa paglalakbay sa nakaraan nang lumapit si Sasha at tumabi ng upo sa kanya. “Busog pa ako.”

“Ang sabi ni Nanay ay hindi ka pa nakapag-almusal. Baka naman magkakasakit ka na niyan.” panenermon ni Sasha sa kaibigan.

Muling itinuon ni Jenny ang tingin sa kawalan at walang tugon na maapuhap para sa kaibigan.

“Ano na naman ba ang iniisip mo?”

“Wala. Huwag mo na lang akong intindihin.” Emotionless na sagot niya kay Sasha.

Napabuntong-hininga si Sasha habang pinagmamasdan ang malungkot na mukha ng kaibigan. "Lamanan mo ang tiyan mo bago tayo umalis.”

Napasulyap si Jenny sa suot na relo. Planado na ang tungkol sa pagluwas nila ng Maynila. Ilang taon na rin ang lumipas nang umalis siya sa kinalakihan niyang lungsod kasama si Sasha at ina nito. Nakilala niya ang dalawa na tulad niya ay palaboy rin noon sa lansangan. She has nowhere to go nor a place to lived. But still, God sent her to them and started a new life. Nang malaman ng ina ni Sasha noon na nanganganib ang kaniyang buhay ay nagpasya itong umuwi ng probinsya kasama siya.

Akala niya ay tuluyan na siyang makakalimot sa masalimoot at masakit niyang nakaraan. Pero para na iyong anino na nakakabit sa kanyang murang isipan.

She grew up with so much hatred in her heart. Hanggang siya'y nagplano ng paghihiganti. At hindi naging lingid ang mga binabalak niya sa kaibigan.

“Mag-ingat kayo. Lalo ka na Kailani.” Kausap ni Aleng Nimfa sa dalawang dalaga.

Jenny winced from her seat. Minsan ay hindi pa rin siya sanay sa kanyang bagong pangalan. Mula nang manirahan sila sa tagong lugar ay gumamit na rin siya ng ibang pangalan sa takot na matunton siya ng mamatay tao. Sinundan niya ng tingin ang ina ni Sasha na pumasok sa maliit na sala tangan ang tray na kinalalagyan ng ilang pirasong tinapay at umuusok na inumin.

“Ilihim niyo man sa akin ang totoong dahilan nang pag-alis ninyo, alam kong hindi ko kayo mapipigilan. Ipagdarasal ko na lang ang inyong kaligtasan.” Malungkod na turan ni Aleng Nimfa nang walang ni isa nakapagsalita sa dalawa.

Nagkasulyapan sina Jenny at Sasha. Marahil ay narinig sila ng matanda na pinag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyon.

“Kailani, huwag kang magpadala sa galit.” Naupo ito sa tapat ng magkaibigan. “May awa ang Diyos. Hindi ako tumitigil sa panalangin na sana'y mabigyan ng katarungan ang namayapa mong mga magulang.”

“Opo, Nanay Nimfa. Salamat sa lahat.” Malugod na pasasalamat ni Jenny sa ginang.

“Teka. Hindi na ba tayo magkikita pa? Bakit ka nagpapasalamat?” biro ni Aleng Nimfa sa dalaga upang maibsan ang lumbay na nadarama nito.

Nakangiti niyang kinuha ang kamay ng tumayong pangalawa niyang ina at pinisil iyon. “Dapat nga po araw-araw kong sinasabi 'yun dahil baka dumating ang panahon na mawalan na ako ng pagkakataon.”

“Ano bang sinasabi mong bata ka? Babalik kayo rito nang magkasama pa rin. Naiintindihan ninyo?” Pinameymawang niya ang dalawa.

“Oo naman po, 'Nay!” Maagap na singit ni Sasha at inakbayan ang ina. “Hindi ka pa nasanay kay Kailani. Madrama lang talaga iyan. Kumain na tayo.”

Naunawaan ni Jenny ang makahulugang tingin sa kanya ng kaibigan. Ayaw lang nito na mag-alala sa kanila ang kanyang naging ina-inahan.

“Mukhang masasarap ang inihanda niyo ngayon, ah?” pag-iba ni Sasha sa usapan. “Ano po 'to? Despedida?” biro ni Sasha sa ina.

“Tinapay lang ang mga iyan!” Inirapan ni Nimfa ang anak.

Nagkatawanan ang magkaibigan na sinabayan na rin ng matanda.

“Kumain kayo nang marami.”

“Marami? Apat na piraso lang po ito, ah?” reklamo ni Sasha sa ina.

Si Nimfa naman ang natawa sa pagkakataong iyon kasunod ang dalawa. Tiyak na mami-miss nila ang ganoong mga tagpo. Kahit kasi dumaan sa roller coaster ang kanilang naging buhay, masaya sila kapag magkakasama.

“WELCOME back to your hometown!” masiglang mukha ni James ang sumalubong kina Shasha at Jenny.

Si Sasha lamang ang tanging gumanti sa magiliw na pagbati ni James na sumalubong sa kanila sa NAIA. Nilagpasan ito ni Jenny na agad nang dumiretso sa naghihintay na sasakyan.

“May mali ba sa sinabi ko?” pabulong na tanong ni James kay Sasha.

“Jet lag,” wika ni Sasha sa binata.

Matipid na ngiti ang sumilay sa labi ni James at marahang tumango kay Sasha upang ipakita dito na naunawaan niya.

“Pero ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa'yo na huwag mo na siyang pangarapin o kahit pagpantasyahan. Zero chance. Believe me.” Gumuhit ang daliri ni Sasha sa hangin ng pabilog upang mas malinawan ang kaibigang binata.

“Ako na naman ang nakita mo,” pagsusungit ni James sa kababatang kaibigan.

Nagkakilala silang tatlo noong tumuntong sila sa sekondarya. Sabay-sabay rin sila sa kolehiyo maging nang mag-umpisa silang sumabak sa training para sa pakikipaglaban.

They are not assassins. Inihanda lamang nila ang kanilang mga sarili upang maisakaruparan ang nais ni Kailani na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang nito. They are friends, afterall. Ang laban ng isa, laban ng lahat. Alam niya rin ang tunay nitong pangalan at nakasanayan na niyang tawagin ito sa ikalawang pangalan nito.

“Sumusuko ka na?” tukso ni Sasha sa binata nang tumahimik ito.

Pinitik ni James ang noo ni Sasha na ikina-ngiwi nito. “Wala akong isusuko dahil wala rin naman akong dapat na ipaglaban.”

“Sayang. Gusto sana kita para kay Kailani. Mukha kasing bagay kayo.” Nakalabi na bulong ni Sasha habang hinahaplos ang noo na tinamaan ng daliri ng binata.

Napakibit-balikat si James bago sumagot sa kaibigan. “Pero ayaw naman niya sa akin. Anong magagawa ko?”

Tinungo na ng dalawa ang kinapaparadahan ng kotse na dala ni James habang patuloy sa pag-uusap.

“Siguro nakukulangan pa siya sa effort mo.” Biglang naisip na dahilan ni Sasha para sa binata.

Napangisi ang binata at napailing. “Kulang? Huh! Alam mo naman siguro ang malaking peligro na kinakaharap ko sa trabaho para sa kanya, 'di ba?” tonong nagyayabang na sagot ni James dito.

“Biro lang. Masyado kang seryoso.”

Tumahimik na ang dalawa nang makapasok na sila sa sasakyan kung saan ay nakapikit na sa backseat si Jenny. At nanatili silang walang imikan hanggang makarating sila sa bahay na pansamantala nilang tutuluyan.

“Okay na ba sa inyo ang lugar na ito?” tanong ni James sa mga kaibigan.

“Magaling kang pumili,” tugon ni Jenny. “Malayo sa mga kapitbahay, tago at mukhang ligtas dito.”

Lihim na nakaramdam ng kasiyahan si James kahit sa simpleng papuri na iyon ng dalaga.

“Hindi ka ba nahihirapan sa trabaho mo?” kapagdaka'y tanong ni Kailani sa binata.

“Walang trabaho na hindi mahirap, Kailani.” Biro ni James sa kaibigan dahil sobrang seryuso nito.

“Mukhang nasasanay ka nang makisama sa kanila, ah? Baka naman makuha na nila ang loob mo?” puna ni Jenny sa trabaho ng kaibigan.

“Hindi ako babaliktad. Ang trabaho, trabaho lang.” Senserong tugon niya sa dalaga.

“Good. Mag-iingat ka lang. Once na malaman nila ang totoo mong pagkatao, isa lang ang pupuntahan mo. Sementeryo.” Birong totoo ni Jenny sa kaibigan.

Tumango si James. “I'll go ahead. Baka kasi hanapin na nila ako. Tawagan na lang ninyo ako kung may kailangan pa kayo.”

“Salamat.” Muling pasasalamat ni Jenny kay James.

Nadagdagan ang saya na nararamdaman ni James nang ngumiti rito si Jenny. Minsan lang kasi iyon mangyari. Suntok sa buwan.

Dala ng pagod sa beyahe ay agad nakatulog si Jenny kahit maliwanag pa ang paligid. Ngunit muli rin siyang dinalaw ng bangungot ng nakaraan kung kaya tulalang sinariwa na na naman sa isipan ang nakaraan- ten years ago. Kahit nagka trauma siya noon at hindi nagsasalita, naririnig naman niya ang ingay sa paligid at tumanin iyon sa kaniyang isipan.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Ms Jee sa update
goodnovel comment avatar
Rachel Arcalas
thank you po nabasa ko na ito ah
goodnovel comment avatar
Kaye Caleb
baka daddy ni yazed Ang may gawa kaya namatay mga magulang ni jenny, hmmm possible kaya...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status