Share

Chapter 10-Drama

NAPANSIN ni Jenny mula sa sulok ng mga mata ang dalawang lalaki na kanina pa nakatuon sa kanila ang atensyon. “Lumapit ka sa akin,” bulong niya sa kaibigan.

“Ha?” Nagugulohang tanong ni James dito

“Huwag ka nang magtanong. Gawin mo na lang.”

Iniusad ni James ang upuan palapit sa dalaga nang mahamig sa tinig nito ang banta. “May sasabihin ka ba?”

“Halikan mo ako.” Utos niya kay James.

“Ha?!” pakiramdam ni James ay nabingi naman siya sa pagkakataon na ito.

“Sa pisngi lang. At huwag mong lalagyan ng malisya.” Ngumiti si Jenny habang kinakausap ang kaibigan.

Nalilito man ay sinunod niya ang kaibigan. Alam niyang may ibang dahilan ang dalaga sa pinaggagawa nito sa kaniya. Pero ayaw na niyang alamin pa, ang importante ay nakahalik siya dito kahit sa pisngi lamang.

“Abutan mo ako ng pera,” dugtong pa niyang utos kay James.

“Bakit alam mong bago akong sahod? At kailan pa nagkaroon ng bayad ang paghalik?” pabirong reklamo ni James upang mawala ang awkwardness sa pagitan nila matapos igawad ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Ms Jee sa update
goodnovel comment avatar
Joemarie Timuat Marin Torillos
Ingat ka lng Jenny at baka mabisto ka...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status