KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
“ANAK, natatandaan mo pa ba si Jenny?”Mula sa pag-aayos ng mga libro ay natuon ang tingin ni Yazed sa ina. “Sino po 'yun?” tanong niya sa ina kahit na nahulaan niya kung sino ang tinutukoy nito.“Nakalimutan mo na? Anak siya ng matalik kong kaibigan na binibisita natin noon kapag umuuwi tayo ng Pilipinas.” Kinuha ni Amber ang isa sa mga larawan na nasa tinitingnan nitong photo album. “Here. Look.” Nanariwa naman sa isip ni Yazed ang nakaraan nang makita ang lumang litrato na inilahad sa kanya ng ina. Limang taon na rin ang lumipas nang huli niya itong makita.“Naalala mo na?” Nakangiting tanong ni Amber sa anak.Tumango ang binatilyo. He’s fifteen now. And currently studying in Italy. “What about her?” tanong niya kahit may hinala na siya kung bakit nabuksan na naman ang paksa tungkol sa anak ng kaibigan nito. “Malaki na siya ngayon, at maganda. Bagay na bagay kayo.”“Ma, she’s just turning ten years old. Right?”“Yes. But look...”Nabaling ang mga mata ni Yazed sa cellphone na i
“AHHHHH!”Humihingal na bumangon si Jenny mula sa pagkakahimbing ng tulog. Kasunod niyon ang pagbukas ng pinto at pagbaha ng liwanag sa kanyang silid.“Hey, okay ka lang?” Nilapitan ni Sasha ang kaibigan at naupo sa gilid ng kama. “Napanaginipan mo na naman ba?”Marahang tumango si Jenny habang pawisan at nanginginig na nakayakap sa mga tuhod. “I was too young, back then. Nakalimutan ko na dapat 'yun. Pero bakit ang linaw-linaw pa rin ng lahat sa utak ko? It's so unfair!”Inalo nito ang pag-iyak ng kaibigan. “Kung wala kang alaala sa iyong nakaraan, mabibigyan mo ba ng hustisya ang pagkawala ng mga magulang mo?”“Pero hindi na niyon maibabalik pa ang kanilang buhay!” angil niya sa kaibigan at doon ibinunton ang galit na nadarama. “Sumusuko ka na?” Malungkot na tanong ni Sasha sa kaibigan.Mabilis naman niyang pinahid ang mga luha at sunud-sunod na umiling. “No. I've come this far para basta na lamang sumuko.”“Good. Malapit mo nang maisakatuparan ang plano mong paghihiganti. We’re in
“HEY...”Natauhan si Jenny mula sa pagbabalik-tanaw na naman sa nakaraan dahil sa pagtapik sa kanyang bakikat ng kaibigan.“Bakit tahimik ka riyan?” tanong ni Sasha sa kaibigan.Ibinalik ni Jenny ang tingin sa malayo. Nagpapahangin lang siya sa beranda. And she can't help herself from recollecting her past. Parang routine na iyon sa utak niya kapag nag-iisa.“Iniisip mo na naman ba ang mga magulang mo?” usisa ni Sasha matapos maupo sa bakanteng upuan.“Hindi sila madaling kalimutan.”“I know. Pero hindi kaya pinapahirapan mo nang masyado ang sarili mo?” woried niya tanong kay Jenny.“I'm not complaining.” Masungit niyang sagot sa kaibigan. Ganito siya kapag iniisip ang nakaraan.“Pero malungkot ka sa tuwing sila'y naiisip mo.”“Normal lang siguro iyon sa nawalan ng magulang lalo na sa karumal-dumal na kamatayan.” emotionless niyang sagot kay Sasha.“Tama na. Huwag na lang sila ang pag-usapan natin. Anyway, what's our next move?” pag-iiba ni Sasha sa kanilang paksa.“Gusto kong malaman
“Not bad,” mahinang sambit ni Jenny na siyang unang nakabawi mula sa pagka magnito ng kanilang mga mata ng estranherong lalaki.Magtatanong pa sana si Yazed ngunit biglang bumitaw mula sa pagkayakap sa kaniya ang dalaga.Mabilis na nailagan ni Jenny ang suntok ng kalaban na minalas namang tumama kay Yazed. “Ops! Sorry, pogi!” paghingi ng paumanhin ng nakangiting dalaga. Binalingan nito ang mga kalaban. “You messed with the wrong woman!”Muling nagsagupaan ang dalawang kampo. Walang gustong sumuko at magpaawat. Umikot ang dalaga sa kabilang table upang hindi siya mapagtulongan ng dalawa.“Bro, okay ka lang?” tanong ni Dexter sa nasuntok na kaibigan. Maging siya ay nagulat sa nangyari at sa bilis kumilos ng babae na gusto sanang tulongan ng kaibigan. Ngunit mukhang nabaliktad ang sitwasyon at ang kaibigan dapat ang tulongan.“Fuck!” Galit na nagmura si Yazed habang sapo ang pangang tinamaan ng suntok ng kalaban. Galit na hinaklit niya ang kuwelyo ng isanv lalaking malapit sa kaniya bag
“ANO pang hinihintay mo?" naiinip na tanong ni Jenny sa lalaki. "Ah! You want me to take the first move?” Biglang hinila ni Jenny sa kamay ang lalaki at kinabig ang batok nito nang maabot.Mabilis na naiharang ni Yazed ang palad at doon lumapat ang labi ng dalaga. “Ganyan ka ba sa lahat ng lalaking gusto mong pasalamatan?” galit niyang tanong sa babae sa halip na matuwa sa ginagawa nito.“Only to special people. At dahil ikaw ang saviour ko, you're special to me.” Binaliwala ni Jenny ang galit ng binata. Nabawasan ang confident niya ngayon sa maging misyon niya dahil mukhang hindi siya kaakit-akit sa mata ng lalaking ito.Muling napaatras si Yazed nang aktong lalambitin sa kanya ang kamay ng dalaga. Halata pa rin dito ang impluwensiya ng alak. “Dinala kita rito dahil hindi ko alam kung saan ka ihahatid. Gusto mo bang umuwi? I can offer you a ride.” Biglang naging malumanay ang kaniyang tinig nang mapansin na lumungkot ang mukha nito.“No.” Mabilis na sagot ni Jenny at ibinagsak nito a