Share

Chapter 4-Kiss me

“Not bad,” mahinang sambit ni Jenny na siyang unang nakabawi mula sa pagka magnito ng kanilang mga mata ng estranherong lalaki.

Magtatanong pa sana si Yazed ngunit biglang bumitaw mula sa pagkayakap sa kaniya ang dalaga.

Mabilis na nailagan ni Jenny ang suntok ng kalaban na minalas namang tumama kay Yazed.

“Ops! Sorry, pogi!” paghingi ng paumanhin ng nakangiting dalaga. Binalingan nito ang mga kalaban. “You messed with the wrong woman!”

Muling nagsagupaan ang dalawang kampo. Walang gustong sumuko at magpaawat. Umikot ang dalaga sa kabilang table upang hindi siya mapagtulongan ng dalawa.

“Bro, okay ka lang?” tanong ni Dexter sa nasuntok na kaibigan. Maging siya ay nagulat sa nangyari at sa bilis kumilos ng babae na gusto sanang tulongan ng kaibigan. Ngunit mukhang nabaliktad ang sitwasyon at ang kaibigan dapat ang tulongan.

“Fuck!” Galit na nagmura si Yazed habang sapo ang pangang tinamaan ng suntok ng kalaban. Galit na hinaklit niya ang kuwelyo ng isanv lalaking malapit sa kaniya bago pa ito makalapit sa babae at inundayan iyon ng suntok sa mukha bilang ganti.

Tumulong na rin si Dexter sa pagsuntok sa kalaban kaya nagmukhang kawawa ang mga ito.

Natigil lang ang gulo nang dumating ang manager at security guard. Nakangiwi at duguan ang mga mukha ng dalawang lalaki habang wala naman kahit isang galos ang dalaga. Lalo tuloy hinangaan ni Yazed ang babae. Si Dexter na ang pinaasikaso niya sa danyos na kailangang bayaran at ang dalawa ay pinatapon na sa labas upang hindi na makapanggulo pa. Nang makita ni Yazed na lumabas na rin ang babae ay sinundan niya ito at baka tambangan ng mga sira-ulong lalaki sa labas.

“Hindi pa tayo tapos sa loob, ah?” Pigil ni Dexter sa kaibigan nang tumalikod na rin ito

.

“You can go back or you can go home.” Pabaliwalang sagot ni Yazed sa kaibigan.

“At ikaw?” tinaasan ni Dexter ng dalawang kilay ang kaibigan.

“I can handle my self.”

“Mukhang tinamaan ka na. Good news 'yan. At least alam kong hindi ka bakla.” Tumatawang biro ni Dexter sa kaibigan.

Matalim niyang binalingan ng tingin si Dexter at hindi natuwa sa biro nito.

“Okay.” Itinaas ni Dexter ang mga kamay tanda nang pagsuko. “Good luck na lang sa'yo. Galingan mo!”

Naiiling na iniwan ni Yazed ang nanunudyong kaibigan at ipinagpatuloy ang pagsunod sa paika-ikang babae. And he hurriedly came to her side nang muntikan na itong mabuwal. For the second time, their eyes meet. At muli silang itinulos sa kanilang mga posisyon na magkadikit ang mga katawan.

“Hey, mister. Sinusundan mo ba ako?” sita ni Jenny sa lalaki.

“At bakit kita susundan?” pagsusungit ni Yazed sa babae.

“Well...” Humiwalay ito sa binata, “Kakaiba kasi ang tingin mo sa akin.”

Muling naagapan ni Yazed ang dalaga sa muntikan na namang pagkawala ng balanse nito. “Look at you. Next time, huwag kang iinom nang hindi mo kaya.”

“Thank you, pogi.” Nakangiti na pasalamat niya sa lalaki. Hindi niya alam pero bigla siyang nagkaroon ng feeling na landiin ang lalaki. Kahit lasing siya ay alam pa rin naman niya ang kaniyang ginagawa.

Biglang naalala ni Jenny kung bakit naroon siya ngayon sa lugar na iyon. Naisip niyang ang lalaki ang solosyon sa kaniyang plano. Ayaw niyang sumabak sa misyon na virgin pa. Mas gusto niyang mawala iyon sa isang stranger.

Hindi malaman ni Yazed ang magiging reaksyon sa tila nang-aakit na babae.

“Sorry kanina ha at nadumihan ang ang guwapo mong mukha nang dahil sa akin.” Namumungay ang mga mata niyang nakatitig sa binata at ngumiti dito.

“Stop flirting with stranger.” Sa halip na maakit ay hindi natuwa si Yazed sa hayagang pang-aakit sa kaniya ng babae. Kahit hindi niya ito kilala ay alam niyang hindi ito katulad ng iba na kaladkaring babae.

Natawa si Jenny at lalong lumaki ang pagnanais na maakit ito. Kahit ngayon lang ito nakilala ay naging magaan ang loob niya dito. Kung ibang lalaki ito tulad sa dalawa kanina, tiyak na kanina pa siya nabuhay nito at dinala sa madilim na lugar.

“Lasing ka na. Wala bang susundo sa'yo?” pag-iiba ni Yazed sa paksa at iniwas ang tingin sa magandang hubog ng katawan ng babae. Nakasuot ito ng hanging blouse na nagpalitaw sa makipot nitong beywang at pusod. Ang suot na pantalon ay hapit din sa mapipintog nitong hita na alam niyang makinis iyon. Hindi rin naiwasang masagi ng kaniyang kamay ang malusog nitong dibdib kanina nang alalayan ito at nang mapayakap sa kaniya.

“Kaya kong umuwi nang mag-isa. Pero...” Pansamantala siyang tumigil sa pagsasalita at humilig sa matipunong dibdib ng lalaki na nanatilong nakaalalay sa kaniya. “Puwede mo rin naman akong ihatid.”

Napailing si Yazed habang inaayos ang pagkatayo ng dalaga. “Can't you compose your self. Paano kung ibang lalaki ang nakasama mo nagyon? Siguradong mapapasama ka.” Paninermon ng binata dito.

“And thank you dahil ikaw ang nasumpungan ko. I'm so lucky.” Tila proud pang wika ng dalaga at lalong isiniksik ang sarili sa binata.

Biglang nakaramdam ng kakaibang init ang binata dahil sa lalong paghigpit ng yakap sa kanya ng babae. Dama rin niya ang malulusog na dibdib nito, pressing hard against him.

“I want to go with you...” Paanas na ani ng dalaga at ipinikit ang mga mata kasabay ng pagbigay ng buong bigat sa binata.

Mabilis na nasalo ni Yazed ang dalaga at mukhang hindi na kaya ang sarili dahil sa kalasingan. “Oh, darn! Ang bigat mo, ha!”

Jenny heard him cursing her. Hindi na nga lamang nito maimulat ang mata o maigalaw ang katawan.

“What am I doing? Dapat iniwan na lang kita!”

Ungol lang ang naisagot ni Jenny dito.

“Haist! Nagkaroon pa tuloy ako ng responsabilidad!” Kinarga na niya ang lasing na babae. Mabuti't malapit na lang doon ang kanyang kotse.

“Teka. Saan ko pala siya ihahatid?” tanong ni Yazed sa sarili nang makaupo sa harap ng manibela.

Nakita ng binata ang isang card holder na bahagyang nakasilip sa bulsa ng suot na pantalon ng lasing na babae.

“Kailani Moñuz,” basa niya sa isa sa mga ID. Walang address na nakita si Yazed sa paghahanap sa card holder. Mostly, ATM at privilege cards mula sa mga department store at shopping malls ang naroon. Kaya dinala na lamang niya ito sa isang hotel.

“Sir, magkakilala po ba kayo?” tanong ng babaeng nasa reception.

“Ha?” Binalingan niya ang pasan na babae sa likuran na halos nakadikit na sa kanya ang pisngi. “Uhm, girlfriend ko. Hindi kasi siya puwedeng umuwi ng lasing.”

“Sir...”

Napansin niya sa mukha ng receptionist ang pagdududa. “Look, miss. Kung sa tingin mo ay hindi ako trustworthy na tao, you can check my background. But for now, let me lay her first. She's too heavy.”

“Okay po, sir.” Biglang nataranta ang receptionist nang makita ang card na hawak ng binata. Bibihira ang mayroong ganoong klaseng card at ang mayayaman lamang ang may kakayahang magkaroon ng ganoon.

Kinuha niya ang susi na inabot sa kanya ng babae at tinungo na ang isa sa mga elevator hanggang sa uukupahin nilang silid. Hindi pa rin alintana ni Yazed ang tinginan ng mga tao. He just want to rest his back. Para kasi siyang pumasan ng dalawang sako ng bigas kahit na maliit lamang ang babae. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nagbuhat bg mabigat at isa pang babae.

Pabagsak niyang ibinaba sa kama ang wala pa ring malay na babae. Umungol ito at gumalaw, pero hindi man lamang nagmulat ng mga mata.

“This woman is careless!” Inayos ni Yazed ang nakalaylay na mga paa nito. “Ano bang meron ka? Hindi naman ako ganito sa iba.”

Muling umungol at gumalaw si Jenny. Iniyakap nito ang braso sa leeg ng nagitlang binata na akto sanang lalagyan ito ng kumot.

“Darn!” pagmumura ni Yazed.

Muntikan na sana siyang sumubsob sa mukha ng babae. At sa halos ilang pulgada lamang ng layo nila sa isa't isa, hindi niya naiwasan na titigan ang mapupula nitong labi na tila nang-aakit pa dahil sa pagtulis niyon.

“Hey, gising ka ba?” Marahan niyang tinampal sa pisngi ang babae

“Kiss me...” Lalong pinatulis ni Jenny ang nguso habang nanatiling nakapikit ang mga mata.

Itinulak ng daliri ni Yazed ang mukha ng babae at saka lumayo rito. “Huwag kang abusado!”

Umungol lang si Jenny at sumimangot.

“Hey, gising na!” sabay pitik ni Yazed ng daliri sa noo nito.

Namimigat ang mga mata nang magmulat si Jenny. “Bakit ba istorbo ka?” Salubong ang mga kilay na sikmat niya sa binata.

“I'm your saviour so be grateful. Kung hindi dahil sa akin, siguradong may kinalagyan ka na sa mga lasing na lalaki sa bar.”

“Then let me repay you with a kiss.”

Muling napatitig si Yazed sa tumulis na nguso nito. Parang gusto niyang magpadala sa tukso. But he controlled himself. He's not a type of a man that would take an advantage over a drunk woman. Wala ito sa sariling katinuan. Bigla niya ring naalala ang batang anak ng kaibigan ng ina noon na mahilig magpahaba ng nguso kapag naiinis o hindi nasunod ang gusto nito. Marunong siya rumispito ng babae at hindi mapagsamantala kaya siya na ang iiwas sa katulad nitong lasing na.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Ms Jee sa update
goodnovel comment avatar
Kaye Caleb
ai yazed kung alam mo lang si jenny na tlga Yun...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status