“ANO pang hinihintay mo?" naiinip na tanong ni Jenny sa lalaki. "Ah! You want me to take the first move?” Biglang hinila ni Jenny sa kamay ang lalaki at kinabig ang batok nito nang maabot.
Mabilis na naiharang ni Yazed ang palad at doon lumapat ang labi ng dalaga. “Ganyan ka ba sa lahat ng lalaking gusto mong pasalamatan?” galit niyang tanong sa babae sa halip na matuwa sa ginagawa nito.“Only to special people. At dahil ikaw ang saviour ko, you're special to me.” Binaliwala ni Jenny ang galit ng binata. Nabawasan ang confident niya ngayon sa maging misyon niya dahil mukhang hindi siya kaakit-akit sa mata ng lalaking ito.Muling napaatras si Yazed nang aktong lalambitin sa kanya ang kamay ng dalaga. Halata pa rin dito ang impluwensiya ng alak. “Dinala kita rito dahil hindi ko alam kung saan ka ihahatid. Gusto mo bang umuwi? I can offer you a ride.” Biglang naging malumanay ang kaniyang tinig nang mapansin na lumungkot ang mukha nito.“No.” Mabilis na sagot ni Jenny at ibinagsak nito ang katawan sa kama. “Ayoko munang umuwi. Wala rin naman akong uuwian.” Malungkot niyang sagot sa lalaki.Nakaramdam ng habag si Yazed para sa dalaga dahil pareho lang sila nitong nangungulila sa kasama. Napakalungkot nga sa tuwing umuuwi siya ng bahay. There's no one waiting for him. Unlike before na kapag uuwi siya ay sasalubong sa kanya ang ina.“You can stay here if you want. Binayaran ko na rin naman ang silid na ito.” Naisip na lamang ni Yazed upang hindi na malungkot ang babae.“Hey!” malakas ang boses na tawag niya sa binata nang tumalikod na ito na walang paalam.Napahinto sa paghakbang ang binata at salubong ang mga kilay na lumingon sa makulit na babae.“Iiwan mo ako rito nang mag-isa?” tonong nagtatampo na tanong niya sa lalaki.“And what do you want me to do? Ayaw mo namang umuwi.” Mukhang malapit na naman mapatid ang maiksing pasensya ni Yazed.“Stay here. Samahan mo muna ako.” Parang batang humihiling si Jenny sa binata.“Ganyan ka magtiwala sa isang taong ngayon mo lang nakilala?" "Unang-una, hindi tayo magkakilala. At pangalawa, babae ka. You should know when to trust men.” Nani-nermon ang tono ng boses ni Yazed.“Mukhang hindi ka naman katulad ng mga lasenggo na iyon na bastos,” tukoy ni Jenny sa mga lalaking nakaaway sa loob ng bar. “Samahan mo muna ako.”“I need to go.” Plat ang tono na sagot ni Yazed sa babae.“Are you married?” pangungulit ni Jenny sa lalaki at hindi pinansin ang pangbabaliwala nito sa kaniyang beauty.“No.”“May girlfriend ka?” tanong muli ni Jenny dito.“Wala,” hindi alam ni Yazed kung bakit ang bilis niyang sumagot. Hindi naman ganoon katabil ang kanyang dila. “Bakit ba ang dami mong tanong?” nairita siya bigla sa kakulitan ng babae nang mahimasmasan sa pagiging active sa nonsense na mga tanong nito sa kaniya.“Halika.” Nang-aakit itong sumenyas gamit ang hintuturong daliri para lumapit ang binata. “Maupo ka rito sa tabi ko at ibubulong ko sa'yo ang sagot.”Hindi uli napigilan ni Yazed ang sarili. Animo'y nahihipnotismo siya ng kausap dahil agad naman siyang tumalima sa utos nito.Nang makaupo siya sa tabi ng babae, bigla na lang siya nitong hinalikan sa labi. Pero sa halip na magprotesta o magalit ay para siyang istatwa na itinulos sa kinaupuan.Yazed knew instantly that the woman has still no experience when it comes to kissing. Kaya nang siya ay hiwalayan nito, hindi niya napigilan ang sariling tumawa.“What?” nagtatakang tanong ni Jenny sa lalaki at pilit na nilabanan ang hiyang nadarama dahil sa kapangahasang ginawa sa binata. “Nasiyahan ka ba? Puwede nating ulitin.” Mayabang niyang hamon sa lalaki.“Ang lakas ng loob mong mangahas na magnakaw ng halik, hindi ka naman pala marunong.” Sarkastikong puna niya sa dalaga.Inis na napalabi si Jenny at sinamaan ng tingin ang binata. “Hindi ba ganoon naman ang ginagawa sa mga pelikula?” mukhang walang muwang niyang tanong sa lalaki.Lalong lumakas ang tawa ni Yazed sa narinig. Bigla siyang naaliw sa babae at para itong bata na ngayon lang nakatuklas ng bagong laruan. Nang mapatitig siya sa nanunulis nitong nguso ay biglang may isang ala-ala ang sumagi sa kaniyang isipan. Mabilis niyang iwinaksi sa isipan ang nakalaro noon, mahigit sampung taon na rin ang nakalipas. “Ginaya mo lang 'yun sa mga napanood mo sa pelikula?” naaaliw na tanong niya sa dalaga.“Anong masama roon?” angil ni Jenny sa lalaki upang maitago ang inaaning kahihiyan sa sarili.“If you want to learn...” Umusad siya palapit sa dalaga, “I can lend you a hand. I'm an expert, you know.” Si Yazed naman ngayon ang nang-aakit sa dalaga. Napangisi siya at naging epiktibo ang naisip niya upang matigil na sa kalokohang naiisip ang babae.Mabilis na napaatras mula sa pagkakaupo sa higaan si Jenny. Tinakpan nito ng palad ang sariling labi sa takot na totohanin ng lalaki ang biro nito sa kaniya.“What? Nagbago na ba ang isip mo?”Naging pilyo ang ngiting nakapaskil sa labi ng binata nang umusad pababa sa kama ang dalaga at saka mabilis na tumayo.“Saan ka pupunta? Let's do the kissing tutorial.” Nanghahamon ang tinig na pahabol ni Yazed bago pa tuluyang makalayo ang babae.Nagkatunog ang tawa ni Yazed nang magkukumahog sa paglayo sa kaniya ang babae. Mukhang nakalimutan na rin nito ang kakayahang ipagtangol ang sarili sa taong mapagsamantala. Kung ikumpara niya ang inaakto nito ngayon at sa babaeng nakipagsuntokan sa mga lalalaki kanina, masasabi niyang magkaibang tao ito.Hindi lumingon o huminto si Jenny sa paghakbang. Tuluy-tuloy siyang lumabas ng silid na tila ba nawala na ang kalasingan dahil sa natamong kahihiyan. Bigla siyang natauhan at nagbago ang isip sa gustong gawin kanina. Naiinis siya sa lalaki at naipagdasal na sana ay hindi na muling mag-cross ang kanilang mga landas.Pagdating ng bahay ay naging maingat sa pagbukas ng pintuan si Jenny upang hindi makalikha ng ingay. Iniiwasan niyang magising ang kaibigan na alam niyang kanina pa naghahanap sa kaniya."Mabuti namam at nakauwi ka ng ligtas." Bati ni Sasha sa kaibigan na animo'y magnanakaw na pumasok sa pintuan. Gusto niyang matawa nang makita sa mukha nito ang gulat nang mapatingin ito sa gawi niya.Mabilis na tumayo ng tuwid si Jenny at pormal ang mukhang humarap sa kaibigan. "Bakit gising ka pa?""Kasi hindi pa ako tulog." Namimilosopong sagot ni Sasha sa kaibigan. Alam niyang gusto lang nitong umiwas sa panenermon niya kaya ito umaakto ng ganoon.Ngumiti si Jenny at nilapitan ang kaibigan. Kapag ganoon ito magsalita ay alam niyang ayaw din nitong mag-away sila. Kumain ka na ba?"Nagbuntonghininga muna si Sasha bago sinagot ang kaibigan. "Hindi mo naman dinala ang kaldero kaya hindi na kita hinintay nang lumalim na ang gabi."Niyakap ni Jenny ang kaibigan upang hindi na ito magtampo sa kaniya. Sinadya niyang e-off kanina ang gamit na cellphone kaya hindi siya nito makontak. Nagbibiro ito ngunit nasa tono ng pananalita nito ang pangungunsensya."Ikaw, kumain ka ba bago naglasing?" nang-uusig niyang tanong kay Jenny nang maamoy ang alak mula sa bibig nito."Sinubukan ko lang ang bagong buhay dito ngayon. Kailangan ko ito para sa trabahong papasukin ko." Paliwang ni Jenny sa kaibigan. Hindi na siya tumanggi nang ipaghain siya nito ng pagkain. Hindi na rin ito nagtanong pa na ipinagpasalamat niya.Kilala ni Jenny ang kaibigan at kilala rin siya nito. Ika nga, alam na nila ang likaw ng bituka ng bawat isa."E kwento mo na lang sa akin ang nangyari sa lakad mo today." Nakapangalumbaba si Sasha sa harap ni Jenny na kumakain.Sandaling tumigil sa pagsubo ng pagkain si Jenny at biglang nanariwa sa isipan ang guwapong mukha ng lalaking nakilala kanina sa club."Oy, mukhang may kakaibang nangyari?" Excited na tanong ni Sasha nang makita ang pagsilay ng matipid na ngiti sa labi ng kaibigan."Wala namang nakakatuwa pero nag-enjoy ako sa pakikipagsuntokan sa mga sira-ulo kanina." Pagbibida niya sa kaibigan at hindi binanggit ang tungkol sa lalaking nagdala sa kaniya sa hotel."Ano? May nambastos sa iyo?!" Nakamulagat ang mga mata ni Sasha at maging ang butas ng ilong ay nanlaki."Easy, wala namang nangyaring masama sa akin at alam mong kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa tulad nilang halang ang bituka.""Kahit na, babae ka pa rin at nakainum ka pa!" Nakapameywang na sermon ni Sasha. "Kaya huwag mo nang ulitin ang pumunta sa lugar na iyon mag-isa!""Oo na," ani Jenny sabay irap sa kaibigan. Daig pa nito ang ina niya minsan kung umakto gayong magka edad lamang sila. Kung tutuusin ay mas malakas siya kaysa dito pagdating sa self defense. Natawa siy nang inirapan din siya nito at humaba ang nguso. Alam niyang nagtatampo pa rin ito dahil hindi niya isinama sa kung saan siya pumunta.Mabilis ng tinapos ni Jenny ang pagkain at inaya ang kaibigan na matulog na matapos makapahinga ng ilang minuto.Dahil nakainum, mabilis na dinapuan ng antok ang diwa ni Jenny. Muling nanaginip ng hindi maganda kaya nagising din agad. Mabilis siyang inabutan ng malamig na tubig ng kaibigan upang kumalma. Napapadalas ang panaginip niya ngayong abot kamay na niya ang lahat upang isakatuparan ang paghihiganti.Napabuntonghininga si Sasha nang muling makabalik sa mahimbing na pagtulog ang kaibigan. Alam niyang napapadalas ang panaginip nito dahil ang tanging nasa isip na lamang ng kaibigan ngayon ay kung paano mapatay ang taong pumaslang sa mga magulang nito.Nababahala si Sasha para sa kaibigan dahil halos nilalamon na ng poot ang puso nito at puro paghihiganti na lamang ang nasa isipan nito ngayon. Kaya Hangga't maari sana ay kasama siya sa bawat lakad nito upang maalalayan ito at mapaalalahanan sa tamang proseso ng paghihiganti. Ayaw niyang madumihan ang mga kamay nito ng dugo ng taong pumaslang sa mga magulang nito.“AMBER..”Nagising sa kawalan ang diwa ni Amber nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Paulit-ulit niyong tinatawag ang kanyang pangalan. Nais niyang humakbang at sumigaw, ngunit hindi niya magawa.“Bumalik ka na, Amber. Kailangan ka ng anak ko!”Ramdam niya ang lungkot sa tinig ng isang babaeng kumakausap sa kaniya ngunit hindi niya ito makita. Hindi niya rin matukoy ang pinagmumulan ng tinig.“Huwag mo siyang iiwan. Protektahan mo ang anak ko!” umiiyak na pagpatuloy ng isang tinig.“Dalia?” sambit ni Amber sa pangalan ng kaibigan nang makilala ang tinig nito sa kaniyang isipan lamang. Wala pa siyang kakayahan na ibuka ang bibig o imulat ang mga mata. “Dalia!” muli niyang tawag sa pangalan ng kaibigan at nangangapa ang diwa sa karimlan.“Si Jenny. Ingatan mo ang anak ko, Amber.”“Nasaan ka? Magpakita ka sa akin Dalia! Tulongan mo akong makabangon dito para mapuntahan ko ang anak mo!” pakiusap niya sa matalik na kaibigan dahil ramdam niya ang panghihina ng kaniyang katawan. Unti-un
“BILISAN ninyo ang pagdiskarga ng mga iyan!” nakabulyaw na mando ng isang lalaki sa lahat ng naroon.Palihim na nagmamatyag si James sa grupo habang abala ang kanilang pinuno sa pag-utos. Apat na mga sasakyan ang nakahimpil sa harap ng isang luma at abandonadong gusali na puno ng mga kahon ng kontrabando.“Oh, ingatan niyo naman!” pasigaw na sita ni Lando sa mga tauhan. “Ikaw!” sabay turo nito kay James. “Magbantay ka sa gate! Siguraduhin mong walang parak na makakaamoy sa atin!”“Okay, boss.” Magalang na sagot ni James sa lalaki.Naging pabor kay James ang iniutos sa kanya dahil kumukuha nga siya ng tiyempo para maisagawa ang kanilang plano. Tinungo niya ang likurang bahagi ng gusali. Sa harap kasi ay may ilang armado na nakatanod doon.Nang masiguro ng binata na walang tao sa paligid, sumipol siya bilang senyales sa dalawang anino na nakakubli sa dilim. Maingat na dumaan ang mga ito sa maliit na gate.“Ilan sila?” pabulong na tanong ni Jenny kay James.“Siyam sa loob, apat sa entran
“OH, gising na ang bisita natin!” wika ni Sasha nang makapasok sa silid kasunod si Jenny na agad na dumiretso ng upo sa bakanteng upuan na nasa may paanan ng higaan.“Masamang damo talaga! Ang haba ng buhay!” pumapalatak na ani Jenny habang matalim ang mga titig na ipinukol sa taong bumaril sa kaniyang ina. Nangalit ang kaniyang mga ngipin pagkaalala sa nakaraan. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha ng lalaki.“Ugghhh!” Napaungol at napangiwi sa sakit si Lando nang pilitin niyang makagalaw ang katawan. Ngunit agad niyang napansin na nakatali ang kaniyang mga kamay maging ang mga paa sa kinaupuan. Inilibot niya ang paningin sa paligid at dumako iyon sa dalawang magagandang babae ngunit mukhang mga gagawa ng hindi maganda sa kaniya. “Sino kayo?”“Hindi na mahalaga kung sino kami. Ang unahin mong isipin ngayon ay kung paano ka mabubuhay habang nasa lungga ka namin." Nang-iinsultong sagot ni Jenny sa lalaki kasabay ng pagtaas ng mga paa sa ibabaw ng lamesa.“Anong kailangan ninyo sa
“MULA sa araw na ito, wala kang ibang pagkakatiwalaan kundi ako lang...”Nakatitig lang si Jenny sa kawalan habang pinapakinggan ang sinasabi ng isang ginang. Wala siyang maintindihan sa mga nangyayari. Kahapon lamang ay masaya sila ng kanyang mga magulang. Pero ngayon ay nagluluksa siya kasama ng hindi niya gaanong kilalang mga kamag-anak.“Ma, huwag mo na ngang kinakausap ang pipi na 'yan! Nagmumukha ka lang tanga!” inis na sita ni Jennelyn sa ina.“Tumahimik ka nga riyan!” angil ni Jackie sa anak. “Hindi ka nakakatulong!”“We've been pampering her since mamatay ang kanyang mga magulang. But look at her? Hindi naman niya tinutulungan ang sarili.” Nakasimangot na reklamo ni Jennelyn habang pinagmamasdan ang pinsan na mukhang robot na lamang na nakaupo sa isang tabi. Kusa itong gumagalaw ngunit parang walang naririnig o nakikita. Maging sa pagkain ay pinagsisilbihan pa ito ng ina na ikinaselos niya ng husto.“Jen...” Hindi na natapos ni Jackie ang pagtawag sa pangalan ng pamangkin nan
NAPANSIN ni Jenny mula sa sulok ng mga mata ang dalawang lalaki na kanina pa nakatuon sa kanila ang atensyon. “Lumapit ka sa akin,” bulong niya sa kaibigan.“Ha?” Nagugulohang tanong ni James dito“Huwag ka nang magtanong. Gawin mo na lang.”Iniusad ni James ang upuan palapit sa dalaga nang mahamig sa tinig nito ang banta. “May sasabihin ka ba?”“Halikan mo ako.” Utos niya kay James.“Ha?!” pakiramdam ni James ay nabingi naman siya sa pagkakataon na ito.“Sa pisngi lang. At huwag mong lalagyan ng malisya.” Ngumiti si Jenny habang kinakausap ang kaibigan.Nalilito man ay sinunod niya ang kaibigan. Alam niyang may ibang dahilan ang dalaga sa pinaggagawa nito sa kaniya. Pero ayaw na niyang alamin pa, ang importante ay nakahalik siya dito kahit sa pisngi lamang.“Abutan mo ako ng pera,” dugtong pa niyang utos kay James.“Bakit alam mong bago akong sahod? At kailan pa nagkaroon ng bayad ang paghalik?” pabirong reklamo ni James upang mawala ang awkwardness sa pagitan nila matapos igawad ang
BUMAGAL ang paglalakad ng dalaga nang malapit na sila sa library na nagsisilbing opisina ni Edwin. Napansin kasi niya ang pagkakatitig sa kanya ni James na nakatanod sa entrada ng pinto. Nanlaki ang mga mata nito nang makilala siya. She was expecting for that reaction dahil hindi niya sinabi rito ang pagpunta roon sa araw na iyon. Alam kasi niyang sasalungat din ito katulad ni Sasha.“Pasok na.” Muling mando ni Dino sa dalaga bago nilingon si James at ngumisi dito. Kitang-kita niya rin kanina ang pagkagulat sa mukha nito nang mamukhaan ang babaeng kasama niya.Pasimpleng sinenyasan ni Jenny ang kaibigan. She gave him an assurance na hindi siya papalpak. And that everything will be fine.“Happy birthday, boss.” Bati ni Dino sa amo pagkapasok nila sa isamg silid.Natuon ang lahat ng tingin ng mga kasama ni Edwin sa pagpasok nina Dino at Jenny, partikular sa dalaga na agaw-atensiyon ang ganda at makurbang katawan nito.“Sino 'yang kasama mo?” tanong ng ginoo matapos pasadahan ng baba-taa
MULA sa kinaupuan ay hindi mapakali si Amber sa hindi niya malamang dahilan naging balisa siya. Nang tumunog ang kaniyang tawagan ay nagulat pa siya at mabilis iyong sinagot. “Hello?”“Amber...”“Dalia?” patanong niyang tawag sa pangalan ng kaibigan. Bigla rin siya kinabahan sa tono ng boses nito. Iba ding numero ang gamit nito kaya hindi siya sigurado kung ito nga ang tumawag.“Ako nga.” Sagot ni Dalia mula sa kabilang linya sa mahinang tinig lamang.“Bakit napatawag ka ng des-oras diyan?”“May ipapakiusap sana ako saiyo.” Mahamig sa tinig ni Dalia ang kaseryusohan.“Bakit parang umiiyak ka? May problema ba?” nag-aalala niyang tanong dito.“Please, listen to me.” May pagmamadaling pakiusap ni Dalia dito.“Dalia-” naputol ang iba pa niyang sasabihin nang magsalita muli ang kaibigan.“Listen Amber, please protektahan mo si Jenny.”“Teka nga. Inihahabilin mo ba sa akin ang anak mo? Saan ka pupunta?” pinaghalong pagtataka at pag-alala na ang nararamdaman ni Amber sa pagkakataon na ito.
“PAREHO pa kayo ng pangalan ng babaing nagnakaw sa akin ng halik na hindi naman pala marunong humalik.” Sarkastikong paalala ni Yazed sa babae.“Hey-” Dinuro nito ang nakangising binata, pero natigil lang ito nang mapansin ang pagtitig dito ni Edwin.“Sinong babae ang tinutukoy mo? At bakit nakipagmabutihan ka pa sa iba? Alam mong may nakalaan ng babae sa iyo at hindi pwede iyon ipagsawalang bahala lang." Panenermon ni Edwin sa anak.“I think she's just a pretentious social climber at alam mong wala akong amor sa ganoong klaseng babae.” Emotionless na sagot ni Yazed sa ama.Lihim na napakuyom ng kamao si Jenny habang sinundan naman ng tingin ni Yazed ang pagtungo ng ama sa kinahihigaan ng kanyang ina.“Bawiin mo ang sinabi mo,” mahinang saad ng dalaga kay Yazed.Muli niyang ipinako ang tingin sa kaharap. “Kahit high school lang pala ang natapos mo, matalino ka dahil naintindihan mo ang sinabi ko.” Nang-uuyam na puri ni Tazed dito.“Oo. Kaya huwag ka agad manghusga ng taong hindi mo na