“MULA sa araw na ito, wala kang ibang pagkakatiwalaan kundi ako lang...”
Nakatitig lang si Jenny sa kawalan habang pinapakinggan ang sinasabi ng isang ginang. Wala siyang maintindihan sa mga nangyayari. Kahapon lamang ay masaya sila ng kanyang mga magulang. Pero ngayon ay nagluluksa siya kasama ng hindi niya gaanong kilalang mga kamag-anak.“Ma, huwag mo na ngang kinakausap ang pipi na 'yan! Nagmumukha ka lang tanga!” inis na sita ni Jennelyn sa ina.“Tumahimik ka nga riyan!” angil ni Jackie sa anak. “Hindi ka nakakatulong!”“We've been pampering her since mamatay ang kanyang mga magulang. But look at her? Hindi naman niya tinutulungan ang sarili.” Nakasimangot na reklamo ni Jennelyn habang pinagmamasdan ang pinsan na mukhang robot na lamang na nakaupo sa isang tabi. Kusa itong gumagalaw ngunit parang walang naririnig o nakikita. Maging sa pagkain ay pinagsisilbihan pa ito ng ina na ikinaselos niya ng husto.“Jen...” Hindi na natapos ni Jackie ang pagtawag sa pangalan ng pamangkin nang magdabog ang anak.“At pareho pa kami ng nickname! Ayoko nang may kahati o kapareho sa lahat ng bagay!” Nagpapadyak ang mga paa ni Jennelyn dahil sa inis.“Jennelyn, napag-usapan na natin ang bagay na ito,” humakbang palapit si Jackie sa anak. “Malaki ang maitutulong sa atin ni Jennifer dahil unti-unti nang bumabagsak ang negosyo natin.”“Whatever!” Umirap siya sa ina at tumalikod.Napailing na lang si Jackie nang wala na ang anak sa harapan niya. Binalingan uli nito ng tingin ang pamangkin ang kinausap ng mahinahon. “Jenny, sabihin mo na sa akin. Alam mo ba kung nasaan ang orihinal na kopya ng mga assets ng mama at papa mo? Wala kasi silang iniwan sa abogado ninyo.”Nanatiling tahimik ang bata na tila walang naririnig. Ang gusto lang niya sa mga oras na iyon ay itikom ang bibig, ititig ang mga mata sa malayo at kalimutan ang sakit na nararamdaman sa dibdib.“Fine!” hindi na naitago pa ni Jackie ang galit sa pagiging bingi at tuod ng pamangkin. “Kung ganyan ka lagi, mas mabuti ngang maging pipi ka na lamang habangbuhay!”Patalikod na sana ang ginang nang salubungin ito ng isa sa mga katulong sa bahay. “Ma'am, nandito na po ang taong hinihintay niyo.”“Good. PApasukin mo na.” Biglang sumigla ang boses ni Jackie. Hinayaan lang manatili ang pamangkin sa may sala.“Opo, ma'am.” Magalang na sagot ng katulong bago tumalikod.Kahit hindi nagsasalita, nakatatak pa rin sa isipan ni Jenny ang lahat ng naririnig at nakikita. Tsaka lang naglikot ang kaniyang mga mata nang wala na sa harapan ang taong umaaruga sa kaniya. Kitang-kita niya ang pagpasok ng isang taong ayaw na niyang makita muli. Ang takot na nadarama ay unti-unting napalitan ng pagkamuhi lalo na nang humakbang ito papalapit sa kaniya. Mabilis siyang tumanaw sa malayo at nagpanggap na hindi ito nakikita.“Mabuti naman at nakadalaw ka na dito." Salubong ni Jackie sa bagong dating."Pasensya na kung ngayon lang nakadalaw. Nabalitaan mo naman siguro ang nangyari sa amin." Nakangiting sagot ni Edwin kay Jackie.Hinayaan lang ni Jackie na lumapit si Edwin sa kaniyang pamangkin. Kinausap nito ang bata ngunit tulad sa dati, walang tugon o reaction na makuha mula dito.“How is she?” Baling ni Edwin kay Jackie nang walang tugon makuha mula sa inaanak na si Jennifer.“She's not doing fine.” Malungkot na sagot ni Jackie sa ginoo.“Hindi pa rin siya nagsasalita?” nasa boses ni Edwin ang pagkainip.“Mas mabuti na iyang tahimik siya at pabor sa iyo." Makahulogang sagot ni Jackie dito.Mula sa kinaupuan ay naririnig ni Jenny ang pag-uusap ng dalawa. Dahil nakatalikod siya mula sa mga ito ay hindi napapansin ng mga ito pagbabago ng expression ng kaniyang mukha.Mula nang araw na iyon ay nagkaroon ng lakas ng loob upang palakasin ang sarili. Sa murang edad ay nakapag-isip na siyang iligtas ang sarili tulad nang bilin ng ina bago ito nalagutan ng hininga."Ma-maging matapang ka! Hu-huwag kang magtiwala sa mga taong malalapit sa atin. Lumayo ka at i-iligtas mo ang iyong sarili!" mga katagang sinambit ng ina kahit na nahihirapan na itong huminga.Hindi malaman ni Jenny ang gagawin nang mga oras na iyon noon. Ang ama ay hindi na niya naabutang buhay. Ang ina ay pilit na nilalabanan ang kamatayan upang maituro sa kaniya ang tamang gagawin upang manatili siyang buhay.Matapos maalala ni Jenny ang ina, lihim niyang pinasok ang silid na tanging silang mag-ina lamang ang nakakaalam. Kumuha ng bagay na makakatulong sa kaniya at nagpakalayo dahil sa takot kay Edwin. Kahit hindi alam kung saan pupunta ay umalis siya dahil hindi safe ang pakiramdam niya na kasama ang tinuturing na kapamilya katulad ng kaniyang ninong.“Mommy, Daddy, babalikan ko po kayo. At pangako,magpapalakas ako para maipaghiganti ko kayo!" bulong ni Jenny sa kaniyang sarili bago tuloyang nilisan ang sariling tahanan.Kinagat ni Jenny ang ibabang labi upang pigilan ang nagbabantang pagtulo ng mga luha matapos ang pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Hindi niya naiwasang alalahanin ang nakaraan kanina habang hinihintay ang taong nais makita. Itinuon niyang muli ang atensiyon sa pagtanaw sa harap ng kanilang kompanya. Hindi nagtagal at dumating na rin ang taong gusto niyang makitang muli. Mukha itong kagalang-galang na naglalakad papasok sa building.“Malalaman ko lang na may kaugnayan ka sa pagkamatay ng mga magulang ko, kakalimutan kong magkamag-anak tayo!” bulong ni Jenny sa sarili habang sinusundan ng tingin ang tiyahin na si Jackie.Bata pa lang siya noon nang maulila kaya wala siyang maalala tungkol sa kanilang family background. Pero nang simulan niya ang plano ng paghihiganti ay inalam niya iyon.Ayon sa mga nakalap niyang impormasyon, nag-iisa rin lang na anak ang kanyang ama. At wala nang mga magulang. Ang ina naman niya ay may isang kapatid lang na hindi nito ka-close dahil half-sister lang nito. Kaya nga nakapagtataka na bigla na lamang itong sumulpot nang mangyari ang krimen.“ANONG ibig niyong sabihin?” Naikuyom ang mga kamao ni Edwin.“Hindi na namin mahagilap ang pamilya ni Lando, boss.” Nakayuko ang ulo na sagot ng isa sa napag-utusan ni Edwin na dukutin ang pamilya ni Lando.Napahampas sa mesa si Edwin dahil sa galit. “Ang hayop! Mukhang planado niya talaga ang lahat at inunahan na niya tayo! Alam niyang babalikan natin ang kanyang mag-iina!"Lihim na napangisi si James sa nakikitang galit sa mukha ng amo. Nag-e-enjoy siya sa naririnig at nakikitang reaction ng taong target niya sa misyon na ito.“Boss...”Nabaling ang tingin ng binata kay Dino. Hindi ito naniniwala na magagawa ng kaibigan nito ang magtaydor.“Matagal na nating kilala at nakasama si Lando, hindi siya kailanman maghuhudas sa grupo.” Pilit na nilinis nito ang pangalan ng kaibigan. Malakas ang kutob niyang may anumalyang nangyari at biktima ang kaniyang kaibigan. Magkasanggang dikit silang dalawa at siya ang unang makakaalam kung may plano man itong hindi maganda.“Noong una, hindi ako naniniwala. Pero sa biglaang pagkawala ng kanyang pamilya, paano mo iyon maipapaliwanag?” galit na tanong ni Edwin kay Lando.“Posible na planado rin iyon ng nanloob sa warehouse natin.” Paliwanag ni Lando sa amo.“Pero nakita ko silang magkakasama,” depensa ni James upang idiiin ang kasiraan ni Lando sa grupo.Naningkit sa galit ang mga mata ni Dino. “Tanging ikaw lang ang nakakita sa nangyari. Kaya paano kami nakakasiguro na totoo ang lahat ng pamimintang na sinasabi mo? Hindi kaya ikaw ang hudas sa grupo?”“Ano sa tingin mo ang motibo ko para gumawa lang ng kwento laban sa kaibigan mo na hindi ko naman gaanong kilala?" nanghahamon na sagot ni James sa lalaki. "Handa kong ipalit ang buhay ko bilang patunay na totoo ang sinasabi ko.” Mayabang pa niyang dugtong.“Tama na 'yan,” saway ni Edwin sa dalawang nagtatalo sa kaniyang harapan. “Malalaman ko lang kung sino sa inyo ang nagsisinungaling sa oras na mahanap si Lando.”Parehong natahimik ang dalawang lalaki na nagpalitan pa ng matatalim na tingin bago humakbang palayo sa isa't isa.“Ikaw...” Tawag ni Edwin sa isang tauhan.“Boss?” hindi siguradong sagot ni James sa pagtawag ng amo.“Iligpit mo ang mga nahuli ng parak sa engkuwentro,” tukoy ni Edwin sa nangyaring insidente. "Ngayon mo patunayan sa akin ang kakayahan mo."“Okay, boss.” Nakaliyad ang dibdib na sagot ni James.“Umalis ka na. I want it ASA!. Baka maisipan pa nilang ikanta ang grupo natin.” Pagtataboy ni Edwin kay James.Paglabas ni James ng silid ay nakasalubong niya sa hallway ang anak ni Edwin. Hindi pa sila nito nagkakadaupang-palad. Pero palihim na rin naman niya itong pinagmamatyagan. And he has enough information para isipin na kasabwat din ito ng ama sa mga ilegal na gawain.“LIKE father like son, huh! And they are planning something?” nang-uuyama na kumento ni Jenny nang marinig ang kwento ni James.“I'm not really sure. Basta narinig ko lang na sinabi ng anak sa ama na tinatanggap na nito ang alok sa kompanya ninyo. Hindi kaya embezzlement na naman iyon? Baka tuluyan na nilang ilugmok sa pagkalugi ang mga negosyong pinaghirapan ng mga magulang mo?” Opinyon na ani James sa kaibigan.Nangitngit sa galit si Jenny. Hindi pa man niya nakikita ang anak ng kanyang mortal na kaaway ay kinapopootan na rin niya ito. “Let's do the Plan B.”“Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Alam mong tutol ako sa plano mong iyan.”“My decision is final. Gusto kong ako ang kikilos at hindi si Sasha.” Mariin na sagot ni Kailani sa kaibigan.Napabuntonghininga si James sa tinuran ng dalaga. “Ipangako mo lang na lagi kang mag-iingat. At huwag kang basta magpapadala sa galit.”Tumango muna si Jenny bago sinaid ang inumin na kape. Kasalukuyan nasa isang coffee shop sila ni James.“Nasaan nga pala ang pamilya ni Lando?” untag ni James sa pananahimik ng dalaga.“Nasa probinsiya at ligtas sila roon. Si Nanay Nimfa na ang bahala sa kanila.”“May isa pa pala tayong kailangang trabahuhin. Pinapapatay sa akin ng amo ko ang mga tauhan niyang nahuli ng mga parak. Anong gagawin natin?”“Si Sasha na ang bahala riyan. Nandoon na siya sa presinto dala ang ilan sa mga pera na nakuha natin sa warehouse.” Seryusong sagot ni Jenny sa kaibigan. Lahat ay planado na noon bago pa nila isinagawa ang panloloob sa kaaway. Alam niya ang takteka ng tulad ni Edwin kaya inunahan na niya ito.“Good. Wala na pala akong magiging problema.” Nakahinga ng maluwad si James.“Sementado na ang lalakaran mo. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-ingat na hindi nila matuklasan ang sekreto mo.” Paalala ni Jenny sa kaibigan.“Huwag kang mag-alalala, mag-iingat ako at salamat sa paalala.”NAPANSIN ni Jenny mula sa sulok ng mga mata ang dalawang lalaki na kanina pa nakatuon sa kanila ang atensyon. “Lumapit ka sa akin,” bulong niya sa kaibigan.“Ha?” Nagugulohang tanong ni James dito“Huwag ka nang magtanong. Gawin mo na lang.”Iniusad ni James ang upuan palapit sa dalaga nang mahamig sa tinig nito ang banta. “May sasabihin ka ba?”“Halikan mo ako.” Utos niya kay James.“Ha?!” pakiramdam ni James ay nabingi naman siya sa pagkakataon na ito.“Sa pisngi lang. At huwag mong lalagyan ng malisya.” Ngumiti si Jenny habang kinakausap ang kaibigan.Nalilito man ay sinunod niya ang kaibigan. Alam niyang may ibang dahilan ang dalaga sa pinaggagawa nito sa kaniya. Pero ayaw na niyang alamin pa, ang importante ay nakahalik siya dito kahit sa pisngi lamang.“Abutan mo ako ng pera,” dugtong pa niyang utos kay James.“Bakit alam mong bago akong sahod? At kailan pa nagkaroon ng bayad ang paghalik?” pabirong reklamo ni James upang mawala ang awkwardness sa pagitan nila matapos igawad ang
BUMAGAL ang paglalakad ng dalaga nang malapit na sila sa library na nagsisilbing opisina ni Edwin. Napansin kasi niya ang pagkakatitig sa kanya ni James na nakatanod sa entrada ng pinto. Nanlaki ang mga mata nito nang makilala siya. She was expecting for that reaction dahil hindi niya sinabi rito ang pagpunta roon sa araw na iyon. Alam kasi niyang sasalungat din ito katulad ni Sasha.“Pasok na.” Muling mando ni Dino sa dalaga bago nilingon si James at ngumisi dito. Kitang-kita niya rin kanina ang pagkagulat sa mukha nito nang mamukhaan ang babaeng kasama niya.Pasimpleng sinenyasan ni Jenny ang kaibigan. She gave him an assurance na hindi siya papalpak. And that everything will be fine.“Happy birthday, boss.” Bati ni Dino sa amo pagkapasok nila sa isamg silid.Natuon ang lahat ng tingin ng mga kasama ni Edwin sa pagpasok nina Dino at Jenny, partikular sa dalaga na agaw-atensiyon ang ganda at makurbang katawan nito.“Sino 'yang kasama mo?” tanong ng ginoo matapos pasadahan ng baba-taa
MULA sa kinaupuan ay hindi mapakali si Amber sa hindi niya malamang dahilan naging balisa siya. Nang tumunog ang kaniyang tawagan ay nagulat pa siya at mabilis iyong sinagot. “Hello?”“Amber...”“Dalia?” patanong niyang tawag sa pangalan ng kaibigan. Bigla rin siya kinabahan sa tono ng boses nito. Iba ding numero ang gamit nito kaya hindi siya sigurado kung ito nga ang tumawag.“Ako nga.” Sagot ni Dalia mula sa kabilang linya sa mahinang tinig lamang.“Bakit napatawag ka ng des-oras diyan?”“May ipapakiusap sana ako saiyo.” Mahamig sa tinig ni Dalia ang kaseryusohan.“Bakit parang umiiyak ka? May problema ba?” nag-aalala niyang tanong dito.“Please, listen to me.” May pagmamadaling pakiusap ni Dalia dito.“Dalia-” naputol ang iba pa niyang sasabihin nang magsalita muli ang kaibigan.“Listen Amber, please protektahan mo si Jenny.”“Teka nga. Inihahabilin mo ba sa akin ang anak mo? Saan ka pupunta?” pinaghalong pagtataka at pag-alala na ang nararamdaman ni Amber sa pagkakataon na ito.
“PAREHO pa kayo ng pangalan ng babaing nagnakaw sa akin ng halik na hindi naman pala marunong humalik.” Sarkastikong paalala ni Yazed sa babae.“Hey-” Dinuro nito ang nakangising binata, pero natigil lang ito nang mapansin ang pagtitig dito ni Edwin.“Sinong babae ang tinutukoy mo? At bakit nakipagmabutihan ka pa sa iba? Alam mong may nakalaan ng babae sa iyo at hindi pwede iyon ipagsawalang bahala lang." Panenermon ni Edwin sa anak.“I think she's just a pretentious social climber at alam mong wala akong amor sa ganoong klaseng babae.” Emotionless na sagot ni Yazed sa ama.Lihim na napakuyom ng kamao si Jenny habang sinundan naman ng tingin ni Yazed ang pagtungo ng ama sa kinahihigaan ng kanyang ina.“Bawiin mo ang sinabi mo,” mahinang saad ng dalaga kay Yazed.Muli niyang ipinako ang tingin sa kaharap. “Kahit high school lang pala ang natapos mo, matalino ka dahil naintindihan mo ang sinabi ko.” Nang-uuyam na puri ni Tazed dito.“Oo. Kaya huwag ka agad manghusga ng taong hindi mo na
"MA, why do I need to wear these crap?” reklamo ni Jennelyn sa ina habang nagpipilantik ang mga daliri sa pag-ayos sa suot na damit.“Just bear it, okay?” tila nauubusan na ng pasensya si Jackie sa pagiging reklamador ng anak.Matagal na panahon din silang namalagi sa ibang bansa kaya lalong naging liberated sa kilos at pananamit ang anak.Muling sinipat ni Jennelyn ang sarili sa whole-body mirror. She's wearing like an old maiden— too old-fashioned. “This is sucked!” Nandidiri niyang reklamo muli sa ina.“Tumigil ka nga riyan sa karereklamo!” naririnding angil ni Jackie sa anak. “Kailangan mong gampanan ang pinapagawa saiyo ng ama mo kung ayaw mong tuluyan na tayong maghirap!”Lumaking si Jennelyn na nakukuha ang lahat ng gusto sa ibang bansa. She's very conscious about her fashion. Pero sa pagkakataong iyon, she will break her rule not to wear any outdated dress. Hindi niya maintindihan kung dadalo ba siya ng binyag o papasok ng kumbento.“What a f*cking life!”“Kapag hindi mo nagam
SINUNDAN ng tingin ni Jenny ang pagpasok ni Dexter kasunod ang dalawang babae. At halos mapamulagat siya nang makilala ang mga ito. Pasimple niyang kinuha ang pintel pen mula sa pen stand ng katabing mesa at nilagyan ng parang nunal ang isang pisngi.“Tito Edwin, I brought you someone here.” Masayang bati ni Dexter sa ginoo. Tanging sila ni Yazed ang nakakaalam ng pagdating niya kasama ang dalawa.“Hi, is that you, Jackie?!” Nilapitan ni Edwin ang bisita at kinamayan ito.“Kumusta, Edwin?” Masiglang bati ni Jackie sa ginoo.“I’m good! Long time no see,” ani Edwin habang ang mga mata ay naktutok sa dalagang kasama ni Jackie.Para sa mga hindi nakakaalam, matagal nang magkakilala ang dalawa. Ang akala ng mga tao ay simpleng business associate lamang sila dahil sa mga negosyong naiwan ng mag-asawang Garcia. But everything about them are all lies. At maghahabi na naman sila ng panibagong kasinungalingan.“Anyway, who’s with you?” tanong ni Edwin sa ginang.“Hindi mo ba siya nakikilala?” h
“T-Tita Amber?” nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata nang tuluyan itong makilala. Kahit bata pa siya noon at isang beses lang ito nakaharap ito, naalala pa rin naman niya ito. Bukambibig ng kaniyang ina ito sa tuwing magkuwento. Naalala niya rin na ito ang huling taong binangit ng ina na lapitan niya upang hingan ng tulong. Ngunit sa mga natuklasan ngayon at nagdalawan isip na siya kung tama ba ang napiling tao na pinagkatiwalaan ng ina noon. Naisip niyang baka katulad din ito ng asawa nito.Nakita ni Jenny ang pagkislot ng hintuturong daliri ng ginang kaya alam niyang gising na ito. “Ikaw ba 'yan? Ikaw ba ang matalik na kaibigan ng mama ko? At asawa mo ang taong kinasusuklaman ko?” nang-uusig na muling tanong ni Jenny sa ginang.Gumalaw ang ulo ni Amber at iminulat ang mga mata upang makita ang taong nagsasalita.“Anong ginawa ng pamilya ko sa inyo para sirain niyo? I became an orphan dahil sa kasamaan ng asawa mo! Pera ba? Ang yaman namin? Ipinagpalit ninyo iyon sa pagkakaibiga
“MAMAYANG gabi na nga pala ang tuloy sa pananambang sa kapulisan upang makuha natin ang tatlong priso." Pag-iba bigla ni Sasha sa paksa pagkaalala sa misyon nila."I know at nakakabuti na rin pala itong day off ko sa trabaho." Sumilay ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Jenny. Ang alam ni Edwin ay babantayan niya ang kaniyang ina ngayon na may sakit kaya hindi agad siya makabalik ngayong gabi.Pagkatapos kumain ay nagpasya nang umuwi ang dalawa. Pero siniguro ni Jenny na walang nakasunod sa kanila. Pagdating nila sa hideout nila ay tulog pa rin si Lando na sadyang pinainum ni Sasha ng pampatulog bago iniwan. May busal din ito sa bibig at mahigpit ang tali sa katawan kaya kahit magising ito na walang bantay ay hindi makakatakas."Mamayang madaling araw pa ang gising niyang kaya pwede na nating iwan." Tumango si Jenny sa kaibigan at naghanda na ng dadalhin nilang gamit na armas. Bago ang takdang oras ay naroon na sina Sasha at Jenny sa daan kung saan nila tambangan ang sinasakyan ng mg