“OH, gising na ang bisita natin!” wika ni Sasha nang makapasok sa silid kasunod si Jenny na agad na dumiretso ng upo sa bakanteng upuan na nasa may paanan ng higaan.
“Masamang damo talaga! Ang haba ng buhay!” pumapalatak na ani Jenny habang matalim ang mga titig na ipinukol sa taong bumaril sa kaniyang ina. Nangalit ang kaniyang mga ngipin pagkaalala sa nakaraan. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha ng lalaki.“Ugghhh!” Napaungol at napangiwi sa sakit si Lando nang pilitin niyang makagalaw ang katawan. Ngunit agad niyang napansin na nakatali ang kaniyang mga kamay maging ang mga paa sa kinaupuan. Inilibot niya ang paningin sa paligid at dumako iyon sa dalawang magagandang babae ngunit mukhang mga gagawa ng hindi maganda sa kaniya. “Sino kayo?”“Hindi na mahalaga kung sino kami. Ang unahin mong isipin ngayon ay kung paano ka mabubuhay habang nasa lungga ka namin." Nang-iinsultong sagot ni Jenny sa lalaki kasabay ng pagtaas ng mga paa sa ibabaw ng lamesa.“Anong kailangan ninyo sa akin?” maangas na tanong ni Lando sa dalawa. Hindi manlang siya kakitaan ng takot lalo na at mga babae lang ang mga ito.Nagkatinginan ang magkaibigan bago tumayo si Jenny at lumapit sa lalaki. “Wala kaming kailangan sa iyo pero atraso mayroon at malaki! Sa sobrang laki nga ay kulang pa ang buhay mo na pambayad!” Nanlilisik ang mga mata ni Jenny at hinawakan sa buhok ang lalaki upang patingalain ang mukha nito.“Wala akong alam sa mga sinasabi mong atraso dahil ngayon lang kita nakita!” angil ni Lando sa babae at napangisi siya nang mapagmasdan ng husto ang mukha nito. Hindi alintana ang pagsabunot nito aa kaniyang buhok. Naglalaro sa kaniyang isipan ngayon na pagsawaan niya ang katawan nito kapag siya ay nakawala.Nandidiring binitawan ni Jenny ang buhok ng lalaki nang mabasa ang pagnanasa sa mga mata nito. Sa galit niya ay itinaas niya ang kanang paa at ipinatong sa pagitan ng hita nito sabay diin doon."Ahhhhh, bitch! F*ck you!" Humihiyaw dahil sa sakit sa Lando. Kamuntik na siyang mapaihi sa sakit dahil halos basag ang kaniyang balls sa ginawa ng babae. Wala siyang magawa o makaiwas dito dahil mahigpit ang pagkatali sa kaniya sa upuan. Ang akala niyang mga mahinhin na babae na kaya niyang sindakin ay hindi pala.Mala-demonyong tumawa si Jenny at nag-e-enjoy sa nakikitang sakit sa mukha ng lalaki. Hindi niya ito pinurohan at kailangan nila ito ng buhay.Napangiwi si Sasha habang pinapanuod ang ginagawa ng kaibigan. "R. I. P. bird!" bumalatay ang lungkot sa kaniyang mukha pero nakangisi habang nakatitig sa mukha ng lalaki."Mga demonyo kayo! Sino kayo at ano ang atraso ko sa inyo?!" Bulyaw ni Lando sa dalawa at panay ang buga ng hangin sa bibig upang mabawasan ang paninikip bg dibdib dahil sa sakit na nadarama.“Hindi mo ako kilala?" Muling sinabunotan ni Jenny ang lalaki. "Puwes, ipapaalala ko lang sa'yo kung sino ako! Titigan mo akong mabuti!” Nandidilat ang mga mata na inilapit ni Jenny ang sarili sa mukha ng lalaki.Tumalima naman si Lando na hindi inalis ang mga mata sa mukha ng dalaga na ilang pulgada lang ang layo rito. Ang nanlilisik rin niyang mga mata ay unti-unting nanliit at kapagdaka'y nanlaki iyon nang magsalita muli ang babae.“Mamamatay-tao ka! Pinatay mo ang mga magulang ko!” Magkabilang suntok sa panga ng lalaki ang pinadapo niya dito. Hindi pa siya nakuntinto at sinikmuraan niya ito. Hindi siya nakaramdam ng awa dito kahit pumutok ang labi nito at dumugo ang ilong."Kailani, tama na. Baka mapatay mo siya." Inawat na ito ni Sasha at pilit na inilayo sa lalaki.Hinahapo si Jenny dahil sa galit, pilit na pinakalma ang sarili dahil tama ang kaibigan, kailangan nila ng buhay ang lalaki.Sunod-sunod na ubo ang kumawala sa bibig ni Lando at halos hindi siya makahinga nang suntokin siya ng babae sa sikmura. Hindi niya akalain na malakas ito at nagawa siyang saktan ng ganoon. Sa una ay hindi niya mahagilap sa isipan kung sino sa kaanak nito ang napatay niya dahil marami na siyang napaslang.“Maniningil ako ngayon ng mahal! At hindi lang buhay mo ang kukunin ko kundi ng buo mong pamilya!” Nakakasindak ang aura ng mukha ni Jenny ngayon at hindi siya nagbibiro. Pagkakita sa mukha ng lalaki ay nanumbalik ang lahat ng sakit at awa para sa mga magulang na walang awa ng mga itong pinaslang.“Huwag mong galawin ang pamilya ko dahil wala silang kasalanan sa iyo!"Isa uling suntok ang pinalipad ni Jenny sa mukha ng lalaki. Mukha pa rin itong matapang kahit na duguan na ang mukha nito. “Wala ring kasalanan ang mga magulang ko nang pinatay mong demonyo ka!”Niyakap ni Sasha mula sa likuran ang kaibigan upang pakalmahin ito. Kung hindi lang din siya makapagpigil sa sarili ay gusto niya ring suntokin sa mukha ang lalaki."Ang tigas ng mukha mong hayop ka!Marunong ka palang maawa sa pamilya mo?!" nang-iinsultong angil ni Jenny sa lalaki.Biglang lumambot ang mukha ni Lando at nakikiusap ang mga titig sa babae. Sa nakikita dito ngayon ay alam niyang wala itong sasantuhin, maipaghihiganti lang ang pagkamatay ng mga magulang nito. Mukha lang itong anghel pero itim ang puso para sa katulad niya.“Kung may nagawa man akong mali, tauhan lang ako na napag-uutusan! Maawa ka, huwag mong idamay rito ang pamilya ko!” pakiusap ni Lando sa babae at biglang umamo.Bahagyang kumalma si Jenny nang makitang hindi na nagmamatigas ang lalaki. Hindi rin naman niya gugustuhin na may mga inosenteng madamay sa kanyang paghihiganti. Ngunit kailangan niyang gamitin ang pamilya nito upang mapasunod ito sa gusto niya at hindi na magtangkang gumawa ng paraan upang makatakas.“Sorry to inform you, pero mukhang hindi kami ang papatay sa pamilya mo.” Sabat ni Sasha sa pag-uusap ng dalawa nang hindi na makatiis.Napatingin ang lalaki kay Sasha. “Anong ibig mong sabihin?”“Nagtraydor ka sa grupo mo kaya natural lang na balikan nila ang pamilya mo.” Nagkibit balikat si Sasha habang nakapameywang ang mga kamay.Muling nanlaki ang mga mata ni Lando matapos nitong maunawaan ang nais ipahiwatig ng isa pang babae. “Pinalabas ninyo na ako ang ahas sa grupo?” hindi makapaniwalang tanong niya sa dalawa. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa, nang ngumiti ang mga ito ay bigla siyang natakot para sa kaniyang pamilya.“Bingo! Ang galing mong bumasa ng isang plano!” Pumalakpak si Sasha at pinuri ang lalaki na halatang nagagalit na naman sa kanila.“Sa oras na may mangyari sa pamilya ko, papatayin ko kayo!” galit na sigaw nito na hindi na ininda ang pagkirot ng mga sugat.Humalakhak si Jenny at maging siya ay pinalakpakan na rin ang lalaki. “Paano mo pa gagawin 'yun kung bilang na sa mga daliri namin ang pananatili mo rito sa mundo?”“Tama! Patayin na lang ninyo ako Hangga't maaga pa. Dahil sa oras na makawala ako dito ay pagsisihin mong hindi ka pa sumama sa hukay ng mga magulang mo noon!" Naninindak ang mga tinging ipinukol ni Lando kay Jenny. Natandaan na niya ito at alam niyang hanggang ngayon ay pinapahanap pa rin ito ni Edwin.“Relax,” nakangising wika ni Jenny at bumalik sa upuan. “Huwag kang magmadali dahil darating tayo riyan. For now, pag-usapan muna natin ngayon kung papaanong papatayin ni Edwin ang mga mahal mo sa buhay. Well, siguradong matutulad sila sa nangyari sa mga magulang ko. He will murder them mercilessly.”Hindi na napigilan ni Lando ang umiyak at nagmakaawa sa dalawa. Naging krimenal siya para mapaganda ang buhay ng kaniyang mga anak. Hindi niya maatim na maranasan ng mga ito ang tulad sa ginawa niya sa kaniyang mga napasalang na.“Parang awa niyo na, huwag niyong idamay ang pamilya ko! Wala silang kinalaman sa mga kasalanan ko!” Nagpakatihulog ito sa kinaupuan kaya kasama ang upuan sa natumba. Kung kinakailangang lumuhod sa harap ng mga ito ay gagawin niya upang mailigtas ang kaniyang pamilya.“Gagawin ko ang lahat nang gusto ninyo, iligtas niyo lang ang aking mag-iina! Ako ang may atraso sa inyo! Ako na lang ang singilin ninyo!" paulit-ulit na pagmamakaawa ni Lando sa dalawa. Kilala niya si Edwin, tiyak na sa mga oras na ito ay alam na nito ang kasalanan niyang hindi naman niya ginawa.Walang awang sinipa ni Jenny sa dibdib ang lalaki ngunit mahina lamang na ikinatumba nito sa sahig kasama ang upuan. Namumuhi siya dito dahil naalala niya sa kung paano nito binaril ang kaniyang ina sa dibdib.“Sana ay naawa ka rin sa mga magulang ko nang makiusap sila para sa kanilang buhay!” bahagyang gumaralgal ang boses ni Jenny dahil sa pinaghalong emosyon na nadarama. Galit para sa lalaki at awa para sa mga magulang na matagal nang namayapa.Napaubo si Lando habang pilit na inaayos ang sarili mula sa pagkahiga dahil pakiramdam niya ay mababalian siya ng braso. Lahat sa kaniya ay masakit dahil sa natamong pagpapahirap sa kaniya ng babae."A-ako ang may kasalanan at inaamin ko iyan. Alam kong kahit humingi ako ng tawad sa iyo ay hindi mo tatangapin. Pero parang awa mo na, alam kong hindi mo gustohing may inosenting tao ang madamay dito." Muling pagmamakaawa ni Lando sa babae.“Bes,” singit ni Sasha. “Handa naman daw niyang gawin ang lahat. Puwede natin siyang bigyan ng malaking papel para naman mapagaan ang ating trabaho. What do you think?” Kumindad si Sasah sa kaibigan dahil mapapadali na ang kanilang trabaho.Napangisi si Jenny bago sinenyasan ang kaibigan upang tulongan siyang maitayo ang upuan. Kailangan nila ito ng buhay kaya pipigilan na muna niya ang sariling saktan itong muli.Pinakain nila ito pero hindi nag-abalang alisin ang tali sa katawan nito. Ginamot ang sugat upang hindi ma infection at baka iyon pa ang ikamatay nito.“MULA sa araw na ito, wala kang ibang pagkakatiwalaan kundi ako lang...”Nakatitig lang si Jenny sa kawalan habang pinapakinggan ang sinasabi ng isang ginang. Wala siyang maintindihan sa mga nangyayari. Kahapon lamang ay masaya sila ng kanyang mga magulang. Pero ngayon ay nagluluksa siya kasama ng hindi niya gaanong kilalang mga kamag-anak.“Ma, huwag mo na ngang kinakausap ang pipi na 'yan! Nagmumukha ka lang tanga!” inis na sita ni Jennelyn sa ina.“Tumahimik ka nga riyan!” angil ni Jackie sa anak. “Hindi ka nakakatulong!”“We've been pampering her since mamatay ang kanyang mga magulang. But look at her? Hindi naman niya tinutulungan ang sarili.” Nakasimangot na reklamo ni Jennelyn habang pinagmamasdan ang pinsan na mukhang robot na lamang na nakaupo sa isang tabi. Kusa itong gumagalaw ngunit parang walang naririnig o nakikita. Maging sa pagkain ay pinagsisilbihan pa ito ng ina na ikinaselos niya ng husto.“Jen...” Hindi na natapos ni Jackie ang pagtawag sa pangalan ng pamangkin nan
NAPANSIN ni Jenny mula sa sulok ng mga mata ang dalawang lalaki na kanina pa nakatuon sa kanila ang atensyon. “Lumapit ka sa akin,” bulong niya sa kaibigan.“Ha?” Nagugulohang tanong ni James dito“Huwag ka nang magtanong. Gawin mo na lang.”Iniusad ni James ang upuan palapit sa dalaga nang mahamig sa tinig nito ang banta. “May sasabihin ka ba?”“Halikan mo ako.” Utos niya kay James.“Ha?!” pakiramdam ni James ay nabingi naman siya sa pagkakataon na ito.“Sa pisngi lang. At huwag mong lalagyan ng malisya.” Ngumiti si Jenny habang kinakausap ang kaibigan.Nalilito man ay sinunod niya ang kaibigan. Alam niyang may ibang dahilan ang dalaga sa pinaggagawa nito sa kaniya. Pero ayaw na niyang alamin pa, ang importante ay nakahalik siya dito kahit sa pisngi lamang.“Abutan mo ako ng pera,” dugtong pa niyang utos kay James.“Bakit alam mong bago akong sahod? At kailan pa nagkaroon ng bayad ang paghalik?” pabirong reklamo ni James upang mawala ang awkwardness sa pagitan nila matapos igawad ang
BUMAGAL ang paglalakad ng dalaga nang malapit na sila sa library na nagsisilbing opisina ni Edwin. Napansin kasi niya ang pagkakatitig sa kanya ni James na nakatanod sa entrada ng pinto. Nanlaki ang mga mata nito nang makilala siya. She was expecting for that reaction dahil hindi niya sinabi rito ang pagpunta roon sa araw na iyon. Alam kasi niyang sasalungat din ito katulad ni Sasha.“Pasok na.” Muling mando ni Dino sa dalaga bago nilingon si James at ngumisi dito. Kitang-kita niya rin kanina ang pagkagulat sa mukha nito nang mamukhaan ang babaeng kasama niya.Pasimpleng sinenyasan ni Jenny ang kaibigan. She gave him an assurance na hindi siya papalpak. And that everything will be fine.“Happy birthday, boss.” Bati ni Dino sa amo pagkapasok nila sa isamg silid.Natuon ang lahat ng tingin ng mga kasama ni Edwin sa pagpasok nina Dino at Jenny, partikular sa dalaga na agaw-atensiyon ang ganda at makurbang katawan nito.“Sino 'yang kasama mo?” tanong ng ginoo matapos pasadahan ng baba-taa
MULA sa kinaupuan ay hindi mapakali si Amber sa hindi niya malamang dahilan naging balisa siya. Nang tumunog ang kaniyang tawagan ay nagulat pa siya at mabilis iyong sinagot. “Hello?”“Amber...”“Dalia?” patanong niyang tawag sa pangalan ng kaibigan. Bigla rin siya kinabahan sa tono ng boses nito. Iba ding numero ang gamit nito kaya hindi siya sigurado kung ito nga ang tumawag.“Ako nga.” Sagot ni Dalia mula sa kabilang linya sa mahinang tinig lamang.“Bakit napatawag ka ng des-oras diyan?”“May ipapakiusap sana ako saiyo.” Mahamig sa tinig ni Dalia ang kaseryusohan.“Bakit parang umiiyak ka? May problema ba?” nag-aalala niyang tanong dito.“Please, listen to me.” May pagmamadaling pakiusap ni Dalia dito.“Dalia-” naputol ang iba pa niyang sasabihin nang magsalita muli ang kaibigan.“Listen Amber, please protektahan mo si Jenny.”“Teka nga. Inihahabilin mo ba sa akin ang anak mo? Saan ka pupunta?” pinaghalong pagtataka at pag-alala na ang nararamdaman ni Amber sa pagkakataon na ito.
“PAREHO pa kayo ng pangalan ng babaing nagnakaw sa akin ng halik na hindi naman pala marunong humalik.” Sarkastikong paalala ni Yazed sa babae.“Hey-” Dinuro nito ang nakangising binata, pero natigil lang ito nang mapansin ang pagtitig dito ni Edwin.“Sinong babae ang tinutukoy mo? At bakit nakipagmabutihan ka pa sa iba? Alam mong may nakalaan ng babae sa iyo at hindi pwede iyon ipagsawalang bahala lang." Panenermon ni Edwin sa anak.“I think she's just a pretentious social climber at alam mong wala akong amor sa ganoong klaseng babae.” Emotionless na sagot ni Yazed sa ama.Lihim na napakuyom ng kamao si Jenny habang sinundan naman ng tingin ni Yazed ang pagtungo ng ama sa kinahihigaan ng kanyang ina.“Bawiin mo ang sinabi mo,” mahinang saad ng dalaga kay Yazed.Muli niyang ipinako ang tingin sa kaharap. “Kahit high school lang pala ang natapos mo, matalino ka dahil naintindihan mo ang sinabi ko.” Nang-uuyam na puri ni Tazed dito.“Oo. Kaya huwag ka agad manghusga ng taong hindi mo na
"MA, why do I need to wear these crap?” reklamo ni Jennelyn sa ina habang nagpipilantik ang mga daliri sa pag-ayos sa suot na damit.“Just bear it, okay?” tila nauubusan na ng pasensya si Jackie sa pagiging reklamador ng anak.Matagal na panahon din silang namalagi sa ibang bansa kaya lalong naging liberated sa kilos at pananamit ang anak.Muling sinipat ni Jennelyn ang sarili sa whole-body mirror. She's wearing like an old maiden— too old-fashioned. “This is sucked!” Nandidiri niyang reklamo muli sa ina.“Tumigil ka nga riyan sa karereklamo!” naririnding angil ni Jackie sa anak. “Kailangan mong gampanan ang pinapagawa saiyo ng ama mo kung ayaw mong tuluyan na tayong maghirap!”Lumaking si Jennelyn na nakukuha ang lahat ng gusto sa ibang bansa. She's very conscious about her fashion. Pero sa pagkakataong iyon, she will break her rule not to wear any outdated dress. Hindi niya maintindihan kung dadalo ba siya ng binyag o papasok ng kumbento.“What a f*cking life!”“Kapag hindi mo nagam
SINUNDAN ng tingin ni Jenny ang pagpasok ni Dexter kasunod ang dalawang babae. At halos mapamulagat siya nang makilala ang mga ito. Pasimple niyang kinuha ang pintel pen mula sa pen stand ng katabing mesa at nilagyan ng parang nunal ang isang pisngi.“Tito Edwin, I brought you someone here.” Masayang bati ni Dexter sa ginoo. Tanging sila ni Yazed ang nakakaalam ng pagdating niya kasama ang dalawa.“Hi, is that you, Jackie?!” Nilapitan ni Edwin ang bisita at kinamayan ito.“Kumusta, Edwin?” Masiglang bati ni Jackie sa ginoo.“I’m good! Long time no see,” ani Edwin habang ang mga mata ay naktutok sa dalagang kasama ni Jackie.Para sa mga hindi nakakaalam, matagal nang magkakilala ang dalawa. Ang akala ng mga tao ay simpleng business associate lamang sila dahil sa mga negosyong naiwan ng mag-asawang Garcia. But everything about them are all lies. At maghahabi na naman sila ng panibagong kasinungalingan.“Anyway, who’s with you?” tanong ni Edwin sa ginang.“Hindi mo ba siya nakikilala?” h
“T-Tita Amber?” nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata nang tuluyan itong makilala. Kahit bata pa siya noon at isang beses lang ito nakaharap ito, naalala pa rin naman niya ito. Bukambibig ng kaniyang ina ito sa tuwing magkuwento. Naalala niya rin na ito ang huling taong binangit ng ina na lapitan niya upang hingan ng tulong. Ngunit sa mga natuklasan ngayon at nagdalawan isip na siya kung tama ba ang napiling tao na pinagkatiwalaan ng ina noon. Naisip niyang baka katulad din ito ng asawa nito.Nakita ni Jenny ang pagkislot ng hintuturong daliri ng ginang kaya alam niyang gising na ito. “Ikaw ba 'yan? Ikaw ba ang matalik na kaibigan ng mama ko? At asawa mo ang taong kinasusuklaman ko?” nang-uusig na muling tanong ni Jenny sa ginang.Gumalaw ang ulo ni Amber at iminulat ang mga mata upang makita ang taong nagsasalita.“Anong ginawa ng pamilya ko sa inyo para sirain niyo? I became an orphan dahil sa kasamaan ng asawa mo! Pera ba? Ang yaman namin? Ipinagpalit ninyo iyon sa pagkakaibiga