Share

Chapter 7-Pagsalakay

“BILISAN ninyo ang pagdiskarga ng mga iyan!” nakabulyaw na mando ng isang lalaki sa lahat ng naroon.

Palihim na nagmamatyag si James sa grupo habang abala ang kanilang pinuno sa pag-utos. Apat na mga sasakyan ang nakahimpil sa harap ng isang luma at abandonadong gusali na puno ng mga kahon ng kontrabando.

“Oh, ingatan niyo naman!” pasigaw na sita ni Lando sa mga tauhan. “Ikaw!” sabay turo nito kay James. “Magbantay ka sa gate! Siguraduhin mong walang parak na makakaamoy sa atin!”

“Okay, boss.” Magalang na sagot ni James sa lalaki.

Naging pabor kay James ang iniutos sa kanya dahil kumukuha nga siya ng tiyempo para maisagawa ang kanilang plano. Tinungo niya ang likurang bahagi ng gusali. Sa harap kasi ay may ilang armado na nakatanod doon.

Nang masiguro ng binata na walang tao sa paligid, sumipol siya bilang senyales sa dalawang anino na nakakubli sa dilim. Maingat na dumaan ang mga ito sa maliit na gate.

“Ilan sila?” pabulong na tanong ni Jenny kay James.

“Siyam sa loob, apat sa entrance gate at lima ang nakabantay sa labas ng main door. Lahat armado.”

“Salamat,” ani Jenny habang iginagala ang paningin sa paligid.

“Sige na. Mag-iingat kayo.” Mabilis na tumalikod si James at iniwan ang dalawa. Nagpatiuna siya upang masigurong walang tao sa daraanan ng mga kaibigan.

Tama lang pagbalik ni James sa pwesto niya nang makita ang isa sa kalaban malapit lang din sa kinaroonan niya. Kailangang makadaan ng dalawang kaibigan kaya kailangan niya itong mapatahimik.

"Pre, may sigarilyo ka?" tanong ni James sa kasama nang lumingon ito sa kanya.

"Nandun sa bulsa ng jacket ko." Turo nito sa nakasukbit sa isang upuan.

"Arghhh"

Mabilis na naitakip ni James ang palad sa bibig ng lalaki upang hindi makalikha ng ingay matapos paluin ng baril sa batok ito.

Agad na hinila ni Kailani ang nakahandusay na katawan ng lalaki. Ikinubli sa tagong lugar ito matapos mapatulog ni James. Mabilis ang kilos at nakapasok sila sa kasunod na pagkakublihan.

"Nakita mo ba si Jano?" tanong ng isa pang lalaki na lumapit kay James.

"Nagpaalam na gagamit ng toilet, may ipag-utos ka ba sa kanya?" sagot ni James sa lalaki habang nakapamulsa ang isang kamay sa pocket ng pantalon na suot nito.

"Kahit kailan talaga ang lalaking iyon oh, kulang na lang ay tumira sa palikuran." Reklamo ng kaharap. "Ikaw na ang gumawa, dalhin mo ito kay Boss Lando." Inabot nito kay James ang makapal na envelope

Kilala ni James ang taong tinutukoy ng kasama. Ito ang puntirya nila at pagkakataon na niyang makalapit dito. Tumatango na inabot ni James ang hawak ng huli. Nakapasok na rin ang dalawang kaibigan sa loob ng bakuran kaya maari na siyang pumasok sa loob.

Sumipol ulit si James bago tumuloy sa loob bilang pagbigay alam sa dalawa. Hindi na pinapansin ng mga kasama ang ganoon gawi niya dahil sa umpisa pa lang ay naging habbit niya ang sumipol.

"Bakit ikaw ang nagdala niyan? Nasaan si Jano?" tanong ni Lando sa pumasok na tauhang hindi pa gaanong kilala.

"Sira na naman yata ang tiyan, Boss kaya ako na lang ang nagdala nito sa iyo." Pinagala ni James ang paningin sa loob ng silid. Mayroong dalawang lalaki na may hawak na baril, nakatayo ang mga ito sa tabi ng lalaking kausap niya.

"Ano pa ang tinitingin-tingin mo pa riyan?" galit na sita nito sa binata. "Akin na ang papelis at kanina pa iyan kailangan ni Boss!" nakaangil na ani Lando kay James.

Tangkang tatayo na si Lando nang bigla bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang tao na may nakatakip sa mukha at tanging mata lang ang makikita. Armado ang mga ito at diritsong nakatutok sa kanila ang hawak na baril ng mga ito.

"Sino kayo?" magkapanabay na tanong ng mga naroon sa silid. Naging alerto ang mga ito ngunit mas mabilis ang taong pumasok.

"Huwag gagalaw!" Banta ng isa na may takip sa mukha nang magtangkang itutok sa kanila ng dalawang armadong lalaki ang mga hawak na baril nito.

"Paano nakapasok ang dalawang iyan dito?" galit na sigaw ni Lando sa mga tauhan. Hindi alintanang nakatutok sa kaniya ang baril ng isa mula sa kinatayuan ng mga ito sa nakasarang pinto.

Mabilis na kumilos si Sasha at tumambling upang bigyan ng isang sipa ang isang lalaki nang mapansin ang hindi nitong magandang balak. Hangga't maari sana ay hindi sila gagawa ng ingay upang hindi maalerto ang mga taong nasa labas.

Tumalon si Kailani at nagkubli sa likod ng mahabang sofa nang paputukan siya ng isa pa.

Naging alerto naman si James, mabilis siyang nakalapit kay Lando at tinutukan ito ng baril sa ulo. "Huwag kayo magpaputok ng baril!"

Itinulos naman sa kinatayuan ang isa sa tauhan nang makita ang ginawa ni James. Ang isa pa ay napataas ang mga kamay dahil nabitiwan nito ang baril nang masipa iyon ni Sasha.

"Hayop ka, isa kang traidor!" Nanlilisik ang mga mata ni Lando at pilit kumakawala sa mahigpit na pagkahawak ni James sa kanyang leeg.

Mula sa pinagkublihan ni Kailani ay lumabas siya at lumapit sa lalaking hawak ni James sa leeg. Si Sasha ay mabilis na sinipa ang kamay ng isa pa habang nanatiling nakatutok ang baril sa lalaking unang nakatikim ng kaniyang sipa. Nabitawan nito ang hawak na baril at walang nagawa kundi itaas din ang dalawang kamay bilang pagsuko.

"Mas hayop ka, gago!" Magkasunod na malakas na suntok ang ibinigay ni Kailani sa panga ng lalaki at sa tiyan nito. Hindi na ito nakapagsalita pa dahil pinatulog na ito ni James.

Nagkaroon ng ingay sa labas dahil sa narinig na putok ng baril. No choice si James kundi  ang barilin ang dalawang lalaki upang hindi masira ang plano nila.

"Umalis na kayo, ako na ang bahala dito!" Utos ni James sa dalawa at pinagtutulungan na mailabas ng silid ang walang malay na si Lando.

Binigyan muna ng dalawang suntok ni Sasha si James na ikinadugo ng ilong nito at nagpalit sila ng hawak na baril. Kasama sa plano iyon upang hindi pagdududahan ang kaibigan ng kaaway.

"Sorry, napa sobra yata!" Nakangiwi ang mga labing saad ni Sasha.

"Babawi ako, umalis na kayo!" Pagtataboy niyang muli sa mga kaibigan habang pinupunasan ang ilong gamit ang likod ng palad. Pinadaan niya sa likod ang dalawa upang makaiwas sa iba pang kalaban. Nang masigurong nakalayo na ang dalawa ay paika-ika siyang lumabas ng main door.

"Ano ang nangyayari sa loob? Bakit may putok ng baril?" Sinalubong ng isang lalaki si James pagkalabas nito ng pinto.

"May nakapasok na kaaway, habulin ninyo at kasama nila si Boss Lando na umalis!" Itinuro niya ang maling direksiyon.

Naniwala naman agad ang kausap dahil sa nakikitang hitsura ni James. Tinawag ang iba pang kasama upang sundan ang mga kaaway. Hindi nagtagal ay maririnig ang sirena ng police patrol.

"May paparating na parak!" Sigaw ng isa at nagkanya-kanya na sila ng takbo upang takasan ang mga pulis. Maliksi ang kilos ni James at walang kahirap-hirap na nakalabas ng naturang bodega. Ilan sa kanila ay nahuli ng mga police.

"NASAAN si Lando?!" Nagwawala dahil sa galit si Edwin sa harap ng ilan sa tauhan na nakatakas sa nangyaring pagsalakay sa kaniyang bodega, kung saan nilalagak ang mga bawal na gamot at produkto.

"Nakita ko siya, boss, kasama ng dalawang tao na nanloob sa Bodega."

Nilingon ni Edwin ang taong nagsalita, ito ang nirekominda ni Jano na isa rin sa pinagkakatiwalaan niya. Paga ang mukha nito sa natamong suntok mula sa kaaway. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Isang ahas si Lando, Boss!" Walang pag alinlangan na sagot nito.

"Magdahan-dahan ka sa iyong binibitawang salita, baguhan ka lang dito kaya huwag kang pumapel kay boss! Kilala ko si Landi at hindi niya magagawa ang kalabanin si Boss Edwin!" Galit na sita ni Dino kay James. Nag-uumpisa palang ang grupo ay magkasama na sila ni Lando kaya hindi siya naniniwala sa bintang ng baguhan lamang.

"May patunay ka ba sa paratang mong iyan, bata?" Tiim-bagang na tanong ni Edwin sa lalaki. Kung sakaling totoo ang sinabi nito ay uubusin niya ang pamilya ng traidor.

"Nakita ko, boss, nang binaril niya si Jano dahil nakita siya nito na may kausap na ibang tao. Bukod pa riyan, pinatay niya rin ang dalawa pa na nasa silid at tinangay ang pera na nasa loob ng bag." Liyad ang dibdib na sagot ni James sa pinuno ng hukbo.

Malaking pera ang nawala kaya ganoon na lang ang galit ni Edwin. Ang mga produkto na nasa bodega ay nakumpiska rin ng mga pulis kaya malaking halaga ang nawawala sa kaniya. Hindi rin siya agad naniniwalang magawa nga ni Lando ang traidurin siya dahil matagal na niya itong katiwala.

"Sino pa ang nakakita sa nangyari?" Nagpalipat-lipat ang tingin ni Edwin sa iba pang naroon na tauhan.

"Wala na, boss dahil ako lang ang naroon nang mapag-utusan ako ni Bugoy na dalhin ang papelis sa silid kung nasaan si Lando." Si James ulit ang sumagot sa ginoo.

"Hayop siya, matapos ko siyang pagkakatiwalaan! Wala siyang utang na loob! Nasaan na ang mga papelis?!" Naipukpok ni Edwin ang kanang kamay sa lamesa dahil sa galit. Hindi maaaring mawala ang dokumentong iyon dahil doon nakasulat ang lahat ng orginisasyon at pangalan ng mga importanting tao.

"Sorry, Boss, natangay ng isa sa kasama niya. Pero huwag kang mag-alala dahil nagawan ko ng paraan na maitago ang ilan sa epiktos." Sagot ni James dito.

Nabawasan ng kaunti ang init ng ulo ni Edwin sa tinuran ng tauhan. Pero mas importente pa rin sa kaniya ang papers kumpara sa epiktos. Naisip niyang maaring iyon ang panghawakang papel ni Lando upang hindi niya magalaw ang pamilya nito.

Samantalang si Dino ay hindi kumbinsado sa palabas ng kasamang si James. Nayayabangan siya dito at halatang gustong magkaroon ng malaking papel sa organization kaya lihim niya ito minamatyagan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status