Share

Chapter 52 HUSBAND COMFORT

Nasa sahig siya nakaupo at nakasandig sa pader, nakayuko habang taimtim na nananalangin para sa kaligtasan ng mag-ina. Pabalik-balik sa isipan niya ang sinabi ng doctor kanina na hindi maganda ang kalagayan ng kaibigan niya at ng bata.

Pinatawag pa siya sa loob dahil gusto siyang kausapin ni Emerald. Halos hindi tumitigil ang mga luha niya sa pagpatak dahil sa sinabi ng kaibigan sa kanya.

Hawak nito ang dalawang kamay niya, “P-Please, Y-Yanah, take c-care of my ba-by.” Paputol-putol na wika nito habang tumutulo ang mga luha. Nangilabot siya, tila nagpapaalam na ito sa kanya.

Mahigpit ang pagpisil nito sa kamay niya at ramdam niya na sa kanya ito kumukuha ng lakas.

“No. Stop talking, Emerald. Kakayanin mo yan! Ipangako mo. Kakayanin mo! Okay!” Halos mapasigaw na siya sa pagsusumamo.

“M-Mars, hin-di a-ko ma-ta-ta-hi-” Lalo siyang kinilabutan.

“I said, stop talking.” Galit na singhal niya dito.

Putlang-putla na ito at tila bibigay na ang katawan.

“Doc, do your best! I will pay a billi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status