Share

CHAPTER 3 BAD TRIP

Masayang bumalik sina Emerald at Marian sa table nila. Naabutan nila si Yanah na nakasimangot at halos hindi maipinta ang mukha nito.

"What's that face? Para kang inutangan ng million at hindi binayaran!" Nakakatawang sabi ni Emerald.

"Huwag mo akong pagtawanan diyan! Bakit ka kasi nagdala ng mga asungot dito. Akala mo kung sinong umasta, dinaig pa ang Ex ko!" Inis na sabi niya.

"C'mon, let's dance! Nakaka-badvives ang mukha mo, eh! Mag-charge ka muna sa dance floor!" Aya ni Marian at hinila na siya papuntang dance floor.

"Nasaan na pala si Kylle Christian?" Tanong ni Emerald na napapangiti sa akto ni Yanah.

" Ewan ko. Basta may tumawag sa kanya. Lumabas yata. Dahil hindi magkarinigan dito." May irita sa tono ng boses niya.

Sobrang init ng pakiramdam niya at gusto niyang pagpawisan. Mabuti at may tumawag kay Kylle Christian sa phone nito kaya wala ito ngayon sa paligid. Ganun din sina Sean at Rafael.

Lumalalim na ang gabi at lahat ay masayang gumigiling sa dance floor. Kanya-kanyang movement at pasikat. Ngunit hindi rin maiiwasan na may mga lalaking malalandi at gustong makahimas.

"Shit! What the f*ck!" You bastard!" Sinampal ni Yanah ang isang lalaki na biglang sumulpot sa likuran niya at pumisil sa puwetan niya.

"Hey! Why you slap me! Hindi mo ba ako kilala?!" Sigaw ng lalaking lasing.

"I don't care who you are! Huwag na huwag mo akong babastusin kung ayaw mong humiram ng mukha sa aso!" Galit na sigaw niya.

Nakaagaw na sila ng atensyon sa mga taong sumasayaw.

"Ikaw m*****a ka! Akala mo hindi kita papatulan? Nagkakamali ka! Kahit babae ka pa, hindi ako mangingimi na basagin ang bungo mo!" Galit na sigaw rin ng lalaki.

Kumulo ang dugo ni Yanah sa narinig. Sina Emerald at Marian naman ay nasa likuran lang ni Yanah at relax na relax habang napapangiti. Alam naman nila na kaya niya ang sarili niya.

"Hoy, ikaw na mukhang paa ang mukha! Huwag na huwag mo akong tatakutin dahil hindi pa ipinanganak ang taong babasag ng bungo ko. Kung ako kaya ang babasag sa bungo mo!" Naikuyom niya ang mga palad niya dahil sa pinipigilang galit.

"Ang yabang mo! You slut!" Sasampalin na sana siya ng lalaki, ngunit naunahan niya ito ng suntok sa mukha.

"Slut pala, huh! Pwes! See what slut do to your ugly face!" Galit na sigaw niya saka niya ito sinipa sa mukha.

May dalawang mga kasamahan ang lalaking nambastos sa kanya at akmang susugod na ang mga ito sa kinaroroonan niya ngunit hinarangan ito nina Marian At Emerald kaya hindi nakapalag ang mga ito.

"Next time, kilalanin mo ang babastusin mo, kung ayaw mong manghiram sa aso ng mukha " Sabi niya saka tinadyakan pa ito sa mukha. Kaya nawalan ng malay.

"Let's get out of her!" Aya ni Emerald sa kanya at itinulak ang kasamahan ng lalaki na hawak nito.

"Iuwi niyo na ang bastos na kasama n'yo," utos naman ni Marian saka itinulak din ang isang lalaki na kulang na lang kainin siya ng buhay sa pagkakatitig sa kanya.

Walang nagawa ang mga bouncer sa nangyari. Tumulong na lang sila na mailabas ang walang malay na lalaki.

HABANG nasa daan tawa naman nang tawa sina Marian at Emerald.

"Mars, ang high blood mo yata tonight! Nabitin ka yata ni Papa Kylle!" Napapangising tukso ni Emerald kay Yanah.

"Tumigil ka diyan dahil hindi pa ako nakakabawi sa kayabangan ng hambog na iyon!" Sagot niya habang nakapikit ang mata.

" Bakit ba ang sungit mo kay Kylle? Wala naman ginagawa sayo na masama ang tao," tanong ni Marian habang nagda-drive at nakatingin ang mga mata sa daan.

"Ang yabang kasi, sinabihan ba naman akong gagawin niya akong slave niya! At maka mine, wagas! Saka siningil ko lang naman ang halik na ninakaw niya," Inis na turan niya.

Napatawa naman ang dalawa sa sinabi niya.

"Masarap ba humalik, Mars? Well, atleast gwapo at makisig ang nagnakaw ng halik sayo! At ang magiging master mo," kilig na turan ni Emerald.

"Bakit hindi na lang maging kayong dalawa, Mars? Bagay naman kayong dalawa." Nakangiting sumulyap si Marian sa kanya.

"Kayong dalawa, tigilan n'yo ako sa kaka-match sa mayabang na Kylle Christian na iyon!" Singhal niya sa dalawa.

"Choosy ka pa! Obvious naman na gusto mo rin siya," panunukso ni Marian sa kanya.

"Gusto ka diyan! Ano siya sinuswerte? Hindi ko siya type nuh!

Singhal niya kay Marian.

"Ayeeh! Magkaka-love life ka na ulit, Mars!" Sigundang tukso naman ni Emerald.

"Tsk! Mga baliw talaga kayo!" Bulalas niya.

"Wait, bakit mo ba binigwasan ang lalaki kanina? Ano bang ginawa sayo?" Tanong ni Emerald na nakataas ang kilay.

"Baliw ang lalaking iyon! Hinawakan ba naman ang puwet ko. G*go!" Inis na sagot ni Yanah.

"Anak yata iyon ng Businessman, kaya mayabang. Naaalala ko iyon eh! Siya rin ang suspek dati sa na rape na minor. Wala naman kasi evidence at biglang hindi natuloy ang case." Pahayag pa ni Mariam.

"Talaga! Dapat pala tinurukan ko na lang nang syringe ang bastos na iyon! Baka binantaan ang biktima o hindi kaya binayaran." Napamulat na saad niya.

"Well, siguro naman pupunta ulit iyon sa bar. Let's play with him again." Saad ni Marian na may pilyang ngiti.

"So, okay ka na sa lagay na iyan? Hindi ka na broken hearted?" Nakakatawang tanong ni Yanah, at nawala na ang inis.

"Well, you know me! Isang gabing iyakan lang. Naka-move on na. Sino siya para panghinayangan ko." Sagot ni Marian na diretso lang ang mata sa dinadaanan.

Habang nasa kahabaan sila ng biyahe ay biglang na papreno si Marian.

"What the f*ck!" Bulyaw ni Yanah na nauntog ang ulo sa front seat.

"What the h*ck! " Napasigaw si Emerald at napasapo rin sa noo nito.

"Sh*t! May mga lalaking armado sa unahan. Malalaki ang k*****a Mars!"

Mahinang sambit ni Marian.

"Shit! let's get out of her now!" Sigaw ni Emerald at kinuha sa bag ang kanyang baril.

Papalapit ang limang armado sa kanilang kinaroroonan. Kinakabahan sila dahil naparami pa naman ang nainom nila.

"Itago mo yang baril mo, Mars," Utos ni Marian kay Emerald.

" Let's wait them her." Relax na sabi ni Yanah. At napa halakhak sa reaction ng dalawang kaibigan.

"Pero bago sila makarating dito. Magpabango muna kayo. Kaya lang 'wag niyong amuyin ang isa't-isa kung ayaw n'yong ma-knockout." Nakangising wika niya saka isa-isa niyang pinabanguhan ang mga kaibigan.

Nilagyan niya ng pabango sa may earlobe, sa leeg at sa balikat ang dalawang kaibigan niya. Hindi naman sila magkakaamuyan dahil may mga gap naman ang mga upuan nila. At binigyan niya din ng lipstick gun ang dalawang kaibigan. Tig-iisa ang mga ito.

"Salute talaga ako sayo, Mars! Laging handa." Wika ni Emerald, habang nakahinga na ng maluwag.

Lumapit ang limang lalaki sa sasakyan nila at kinatok ang pinto ng kotse. Binuksan naman ni Marian ang bintana sa drivers seat at nginitian ang mga armado.

"Wow! Jackpot tayo ngayon mga Bro! Three lovely ladies!" Sabi ng isang lalaki ng makita sila. Nag- twinkle twinkle pa ang mga mata nito.

"Yes, mga Boss? Ano ang kailangan n'yo?" Mahinahon na tanong ni Marian at matamis na ngumiti sa mga armadong lalaki.

"Makikisakay lang kami Miss Beautiful!" Sagot ng lalaking may bigote at hinaplos-haplos pa nito ang bigote nito.

"Ganoon ba? Saan pala ang punta n'yo mga Boss?" Tanong ulit ni Marian.

"Papuntang heaven, Miss." Sagot ng lalaking payat habang nakangisi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status