Share

CHAPTER 2 HEARTBEAT FAST

Nanggigigil sa galit si Yanah, nang bumalik siya sa table nila.

"Shit, that f*cking moron! How dare him to kiss me!"

"Nagustuhan mo naman!" Sabat ng utak niya.

Nagsalin siya ng alak sa baso at nilagok ng paulit-ulit para mawala sa isipan ang halik ng lalaking nangahas sa kanya.

"Gaganti ako sayong mayabang ka!" Sigaw niya habang gigil na gigil at nangangalahati na siya sa nainom na whisky. Hindi na nga niya nalasahan ang pait ng alak na iniinom niya.

"Hoy bruhilda ka! Bakit mo ako iniwan doon? At anong nangyari sayo diyan? Nangalahati ka na sa whisky Mars?" Biglang sumulpot si Marian sa harapan ni niya, at umupo sa tapat niya.

"Alam mo ikaw, ang dali mo talagang mauto. Ikaw ang nang-iwan sa akin sa mayabang na lalaking iyon tas sasabihin mo sa akin na ako ang nang-iwan?" Singhal niya rito.

Napahalakhak naman ito sa itsura niya, "Alam mo ang bitter mo! May tama ka yata kay pogi ah!"

"Hoy, excuse me! Hindi ako katulad mo, sumama ka agad sa lalaking hindi mo naman kilala. Hinila ka lang, nagpahila ka naman! The f*ck!" Inirapan niya ito.

"Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi na marami pa namang lalaki. Kaya dapat hindi ako mag-emo," Nakatawang pabalang na sagot nito.

"Whatever! Basta gagantihan ko ang dibuhong 'yon, kapag magkita kami ulit. Hinalikan ba naman ako," wika niya na namumula ang pisngi at hindi mawala ang gigil na gigil na expression ng mukha niya.

"Talaga? Masarap bang humalik, Mars?" Napa O ang labi nito at kinilig pa.

"Ay grabe! kinilig ka pa sa lagay na iyan! Paano kung may sakit iyon at nahawa ako?" Singhal niya sa kaibigan.

"Ay teh! Over acting ka na! Sa gwapo niyang iyon? May sakit? Dapat magsaya ka nga dahil natikman mo siya," nakatawang panunukso pa nito.

"Hello mga Diyosa ng kagandahan na katulad ko! Mukhang nakakarami na yata kayo, ah!" Biglang sulpot ni Emerald sa table nila.

"Mars! Long time no see, kumusta ka na? Naks naman! Lalong blooming tayo, ah!" Tumayo si Marian at niyakap si Emerald, nagbeso ang dalawa.

"Miss Inlove, nandito ka na pala? Ba't ang tagal mo? Dumating ka pa!?" Tumayo si Yanah at niyakap rin si Emerald habang nakasimangot ang mukha.

Napatawa si Emerald sa sinabi niya, "Ang harsh mo, Mars! Tagal kasi ng sundo ko,"

"Sinong sundo mo? Boyfriend mo? Magkasama na nga kayo sa bakasyon, pati ba naman dito?" Pagsusungit niya sa kaibigan.

Tatlo silang magkaibigan, nakilala nina Yanah at Marian si Emerald nang mag- transfer ito sa school nila nang nasa college pa sila. Hanggang sa nagtapos sila ay hindi na sila naghiwalay pa ng landas.

Si Emerald ang pinaka jolly sa kanila. Madaling pakisamahan at parang hindi marunong magalit. She has an angelic face, sexy body with malakas ang appeal. Girlfriend material, maalaga, sweet at kikay.

"Hoy Miss Bitter, ang bitter mo talaga! Syempre, ayaw niyang pumunta ako dito na mag-isa. Alam mo na, maraming maluko dito." Nakangiting depensa naman nito sa sarili.

"Nasaan ang boyfriend mo, kung kasama mo siya ngayon?" Tanong ni Marian habang nagpalinga-linga sa likuran ni Emerald.

"Nakita niya ang dalawa niyang mga kaibigan, kaya nilapitan niya muna. Susunod naman daw siya dito." Sagot ni Emerald at umupo na sa bakanteng sofa.

"Magchika ka na, dali! Kumusta naman ang bakasyon mo with your yummylicious lover boy?" Kilig na tanong ni Marian.

"Bakit tinatanong pa ba iyan? Syempre alangan naman magdasal sila doon." Sagbat naman ni Yanah na nakangising nakatingin kay Emerald.

Napairap ito sa dalawang kaibigan, "Ay, subra kayong mag-isip sa akin, syempre nag-enjoy lang kami doon sa Tagaytay, gala, surfing.....,"

"Hon, sorry natagalan ako. Hi, girl's, how are you?" Biglang sulpot ng boyfriend nito sa table nila.

"Hi, Sean, we're good! Come, join us here!" Nakangiting aya ni Marian kay

Sean.

" I have my friends with me," Tumingin si Sean sa mga kaibigan sa likuran nito at ipinakilala niya ang mga kaibigan.

Naningkit naman ang mga mata ni Yanah, nang mapag sino ang mga kasama ni Sean,

"What a small world!" Sa isip ni Yanah, na namumungay na ang mata dahil sa tama ng alak, pero hindi naman siya lasing.

Si Marian naman ay may ngiting mapanukso kay Yanah,

"Exciting!" Sa isip ni Marian, dahil kilala niya ang kaibigan, hindi iyan matatahimik hangga't hindi siya nakakaganti.

"Girls, this is Drix Rafael, and Kylle Christian, my best buddy's!" Pakilala ni Sean sa mga kaibigan niya, "Bro, si Emerald,my girlfriend, si Marian at si Yanah, mga kaibigan ni Emerald."

"Hi, there you are again! What a small world,C'mon boys join us here!" Nakangiting anyaya ni Marian sa kanila.

Tumabi si Drix Rafael kay Marian at si Sean naman kay Emerald. Of course si Kylle Christian sa tabi ni Yanah.

Naging awkward ang feeling ni Yanah, pero pinairal niya ang galit at plano niyang makapaghiganti sa mayabang na katabi niya.

"So, everything's settled, let's cheers!" Sabi ni Emerald sa mga kaharap.

"Hon, huwag kang maglalasing, enough na ang cocktail sayo!" Saway ni Sean kay Emerald nang whisky ang kinuha nitong inumin.

"Hon, just this one, please?" Pabebeng lambing ni Emerald sa nobyo.

"Bago tayo langgamin dito, let's have a cheers now!" Agaw atensyon ni Marian sa mga kaharap habang nakangiti. Napahalakhak naman sina Sean, Emerald, at Drix Rafael, ang dalawa naman ay nagtaas rin ng baso nila pero parehong walang expression sa mukha.

Ilang saglit na kwentuhan bago mag-aya si Emerald na sumayaw, tumayo ang boyfriend niya, at sumunod naman sina Drix Rafael at Marian, tatayo na sana si Yanah nang pigilan siya ni Kylle Christian,

"Stay!" Nakahawak sa braso niya ang kamay nito.

Nakaramdam na naman ng kakaibang init si Yanah, kaya tinanggal niya ang kamay nito sa braso niya.

Restroom lang ako," nakasimangot na singhal niya dito.

Tumayo ito at hinawakan siya sa baywang.

"Wait, can you get your hands on my waist! I don't need your presence here!" Pagtataray niya.

" Look,Yanah! I'm sorry of what happened a while ago! I didn't mean to offend you!" Tinitigan siya sa mga mata nito.

"Marunong ka rin palang, mag-sorry Mr Arrogant!" Nakangising sinalubong niya ang mga tingin nitk, at tinitigan niya ito ng mapang-akit na ngiti na kadalasan niyang ginagamit sa mga lalaking prospect niyang biktimahin.

Nakita niya ang paglunok nito, dahil sa liwanag ng ilaw na nagmumula sa dance floor, dim light ang kinaroroonan nila at nasa sulok na bahagi sila.

Hinila niya ang butones ng polo nito sa may dibdib nito at saka mabilis na sinunggaban ng halik sa labi.

Alam niyang nagulat ito sa ginawa niya, kaya hindi agad nakahuma. Pinakiramdaman niya ito, nakahawak pa rin ito sa baywang niya at mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa kanya. Hanggang sa namalayan na lang niya na nakahawak na pala siya sa batok nito at kapwa na sila nagpapalitan ng mainit na halik. Nang matauhan siya,

"Enough! Bayad ka na sa utang mo," wika niya at tinalikuran niya itong nakakunot ang noo at nakaawang ang mga labi nito.

"F*ck!"Narinig niya na mura nito bago niya tuluyang iniwan. At nagpunta sa restroom.

Nakahinga siya ng maluwag , at naghilamos at inayos ang buhok niya. Sinuklay niya ito sa mga daliri niya.

Naglagay ng konting face powder at lipstick. Ilang saglit niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin.

"Sh*t! Ang lambot ng lips ng g*go!" Nakangiting tinitigan niya ang labi at hinaplos ito.

Nang may pumasok sa restroom, lumabas na rin siya.

Ngunit napahinto siya ng makita niya sa labas si Kylle na nakasandig sa wall, at nakapamulsa ang dalawang kamay sa bulsa ng pants niya at matiim na nakatitig sa kanya.

Hindi niya ito pinansin at lalagpasan na sana niya ngunit hinila siya nito palabas ng bar.

"Hey! Ano ba! Bitawan mo nga ako.," Singhal niya nang nasa labas na sila.

Nasa parking lot sila sa may bahaging madilim.

"Are you playing with me?" Walang kangiti-ngiting tanong nito kay Yanah.

" What do you think? You are the one who initiated the kiss.

I'm just taking back the kiss you stole. Now we’re equal, ” She said as she caressed Kylle’s cheek and then hurriedly left him.

" Where do you think you're going? If you think you can get away from me, you're mistaken! You will be mine, my slave!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status