Share

CHAPTER 4 SEND TO HEAVEN

Tumikhim si Marian at saka ngumiti ng matamis,

"Pwede naman kayong sumakay dito sa sasakyan namin mga Boss, papunta din naman kami sa heaven! Pwede na kayong sumabay sa amin." Nang-aakit na turan ni Emerald nang buksan rin ang bintana sa side niya.

Ang sasakyan ni Yanah ay Hyundai Staria, makinis at makintab. Anim lang ang kayang isakay nito.

" Ayos! Mga Pre, naka-jackpot yata tayo ngayong gabi, ah!" Nakangising wika ng mukhang bisugo na lalaki.

"Well, ano pa ang hinihintay n'yo mga Boss na mga pogi. Sumakay na kayo dahil ihahatid na namin kayo sa heaven!" Aya ni Emerald at matamis na ngumiti.

" Narinig n'yo mga Pre? Kaya tara na." Excited na sabi ng payat na lalaki na parang bangkay na.

Pinagmasdan ni Yanah, isa-isa ang mga lalaking armado. Sa tantiya niya ay mga bangag ito sa ipinagbabawal na gamot dahil sa mapupula nilang mga mata at kung nakatitig sa kanila ay para na silang hinubaran.

Nasa loob na nang sasakyan ang mga armado at nagsisimula ng hipuan si Yanah at Emerald. Napagitnaan si Emerald ng dalawang lalaki. Ganun din si Yanah. Habang si Marian naman ay ang pinaka-leader ang tumabi sa kanya sa front seat.

"Ang bango-bango mo, Miss Beautiful," bulong ng mukhang bisugo na lalaki kay Yanah, habang hinihipo ang lantad na makinis niyang legs.

"Talaga? Mabuti naman at nababanguhan ka sa akin. Huwag mo akong bibitinin mamaya, huh! Ayoko ng nabibitin." Malambing na wika niya at nginitian ito ng pagkatamis-tamis.

Ang isang lalaki sa kaliwa niya ay humihikab na sa kakasinghot sa leeg niya. Kahit diring-diri si Yanah, hinahayaan niya lang ang dalawang lalaki na humapalos sa legs niya.

Binuksan ni Marian ang stereo at nagpa-music siya. Relax na relax ang tatlong babae habang ang mga katabing mga lalaki ay hindi na magkamayaw sa kakahikab.

"Hikab kayo ng hikab! Ang babaho ng hininga ninyo!" Iritang reklamo ni Yanah, na hindi na nakatiis.

"Anong sabi mo? Ako, mabaho ang hininga?" Galit na sigaw ng katabi niya. Ngunit wala ng lakas ang katawan nito para gawan siya ng masama.

"Oo. Nakakasuka pa ang kapangitan ninyo!" Dugtong ni Yanah saka mabilis na kinuha ang lipstick gun niya sa my lap niya at itinapat sa noo ng lalaking kaharap. At kinalabit ang gatilyo nito. Siniko niya rin ang lalaking nasa kaliwa niya. Tuluyang nakatulog ang mga ito.

"D*mn bastard!"

Samantala sina Emerald at Marian ay hindi na nahirapan sa mga katabi. Dahil kusa na itong nakatulog.

"Galing mo, Mars! Hindi ka pa din kumukupas." Nakangising sabi ni Emerald.

Yanah just rolled her eyes..

"Ihinto mo ang sasakyan, Mars! Hindi ko na matiis ang baho ng mga asungot na'to! Nakakadiri!" Wika ni Yanah na parang nasusuka sa baho ng mga katabi.

"L*angya! Hindi yata naliligo ang mga bisugo na ito!" Natatawang wika ni Emerald.

Hininto ni Mariam ang sasakyan sa may liblib na lugar at sinigurado na walang cctv camera sa hinintuan nila.

Mabilis ang mga kilos nila habang nilalabas sa sasakyan ang limang mga armado. Lahat sila ay may tama sa noo at mga patay na.

Nang mailabas na nila lahat. Mabilis silang sumakay sa sasakyan at umalis sa lugar.

Sinigurado ni Yanah na walang bakas na maiiwan para hindi sila madiin.

"Buti at may pampatulog pa siya na spray.

"Whoa! Muntik na tayo doon ah," Nakatawang wika ni Emerald.

"Mga gagong iyon! Ang lalaki ng mga katawan wala naman binatbat!" Wikai ni Yanah. Siya na ngayon ang nasa driver's seat, pinalitan niya ng plate number ang sasakyan niya and she pressed the button on the steering wheel to open the roof of her car.

"whoa.... Astig! Road trip muna tayo, Mars!" Sigaw ni Emerald

.

"Sure, punta tayo sa tagaytay!" Sabi naman ni Yanah.

Walang masyadong sasakyan dahil madaling araw na. Kaya mabilis ang takbo ng sasakyan nila.

"Buti, nakatakas ka sa boyfriend mo, Mars!" Tanong ni Marian sabay lingon kay Emerald.

"May biglaang lakad sila, emergency yata. Tungkol sa kumpanya. Hindi naman na ako nagtanong pa," Nakangiting sagot ni Emerald.

"So, bonding natin 'to. No boys allowed! At para walang disturbo, e-off natin ang ating mga phone." Sabi ni Marian na napahalakhak.

Napasimangot naman si Emerald, "Bakit need pa e-off ang phone? Paano kapag may emergency? Alam n'yo na, trabaho natin, anytime tumatawag si Boss,"

"Sus, katatapos lang ng mission natin, sabi naman ni Boss na standby muna tayo ngayon." Sagot naman ni Marian.

Samantala nakikinig lang naman si Yanah sa kanila at nasa daan ang tingin.

Ilang oras ang lumipas ay nasa Tagaytay na sila.

"Yes! Tagaytay is really amazing place!" Sigaw ni Marian, nang nasa room na sila.

Their rooms have varying views such as the city, garden, lakeside, and Taal Lake, which is a Tagaytay tourist spot.

"Mas masarap kapag yummylicious fafable ang kasama natin dito, Mars" Sabi ni Emie na nakatanaw sa magandang view sa harapan niya.

"Nakaka-relax sa mata ang view! How I wish one day, makakabalik ako dito, with my love one," Nakapangalumbabang sabi ni Marian.

Si Yanah ay tahimik lang na nakamasid sa paligid.

"Hoy, Mars! Lalim ng iniisip natin,ah!" Baling ni Emie kay Yanah.

"Just mind your business! Nakakapagod magsalita," Sagot niya kay Emerald.

"Whatever! Meron ka ba ngayon, Mars?" Nakatawang tanong nito kay Yanah.

"Hayaan mo na nga 'yan, Mars! Baka iniisip niya si Kylle Christian," Sagbat din ni Marian.

"Kayong dalawa, puro lalaki bukambibig n'yo! Hindi ba kayo pagod sa kakatalak diyan?" Singhal ni Yanah,

"Bitter ka talaga, kanina ka pa nakasimangot diyan!" Irap ni Emie,

"Bakit ba nandito kayong dalawa sa room ko? Di ba may room kayo? Kaya nga tatlo kinuha natin na room para walang chismis! At anong oras na,?"

Singhal ni Yanah sa dalawa.

"Maka-gora na nga! umeepal na naman si Mudra Yanah!" Nakatawang takbo ni Marian palabas.

"Sige na, pahinga ka na mahal na reyna! Nakakahiya naman sa eyebag mo." Sarcastic na sabi ni Emerald at lumabas na din.

Napahilot si Yanah sa sentido dahil sa kabaliwan ng dalawang kaibigan.

Ngayon lang siya nakaramdam ng pagod, lantang-lanta ang kanyang katawan.

Pumunta siya sa bathroom at naligo ng mabilis.

Buti may damit sila sa sasakyan niya, kaya may nagamit silang magkakaibigan ngayon.

Kahit sa sasakyan ni Marian at Emierald ay may mga damit sila, para kung sakali may biglaang lakad sila ay may magamit sila.

Humiga siya sa malambot na kama,

at nakaramdam siya ng ginhawa.

Nang ipikit niya ang kanyang mga mata, ang mukha ni Kylle Christian ang nakita niya. Kaya bigla siyang nagmulat.

"My God! Bakit ba sumusulpot 'yong mayabang na 'yon sa utak ko! Bakit ko ba siya naiisip." Inis na dumapa siya at tinabunan ang mukha ng unan.

Hanggang sa hilahin na siya ng antok.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status