Share

CHAPTER 5 WILD ANGEL

THE PAST, HIGH SCHOOL LIFE

Isang babae ang nakikipaglaban sa kapwa babae, kanya-kanyang diskarte para manalo.

Balian ng buto, basagan ng mukha at kapag mamalasin, mawawalan ng buhay.

Every weekend, nandito ang mga ilang kabataan, nakikipag pustahan kay kamatayan. Matira matibay. Mga big time ang mga pumupunta dito para sumugal.

"The winner is Wild Angel!" Sigaw ng host habang itinataas ang kamay ng isang matangkad at sexy'ng dalaga na naka-mask sa ibabaw ng ring. Hiyawan ng mga tao ang maririnig sa lahat ng sulok ng malaking gym.

Nasa liblib na lugar siya ngayon. As usual, She's bored kaya madalas dito siya nakatambay. Nagtataasang mga puno sa loob at labas. Mataas na pader at maraming mga goons na nakabantay sa paligid.

"Paano ba ako napunta dito? Nah, yan ang hindi ko alam. Basta isang araw, nagising na lang akong nandito na at nakikipag basagan ng mukha.

Yes, she belongs to gang society, isang organisasyon ng mga kabataang salat sa pagmamahal at pag-aalaga ng mga magulang. 'Yong iba, trip-trip lang at SIYA?

Bored o nasa dugo na niya.

Dito ang hangout ng mga gangsters, iba't-ibang grupo. Dito nailalabas nila ang galit at sakit na nararamdaman nila.

Habang nasasaktan sila physically, gumagaan naman ang pakiramdam nila.

As of Yanah, no one knows her true identity, because she always wear a mask.

At ayaw rin niya na makilala siya ng mga tao. Baka isumbong siya sa mga magulang niya . hindi kasi alam ng mga iti na bahagi na siya ng magulo at walang kasiguraduhan takbo ng buhay.

She's a heartless Wild Angel, at ang grupo niya ang nasa pinakamataas na antas sa gangster society.

"The Wild Angels Gang"

She's searching two lovely ladies, same as her personality, para maka-join sa isang triple match sa darating na Gangster Combat.

Her Dad is a leader of underground society , her dad is belong to Death Squad Fighter. Kaya expert siya sa pakikipaglaban, dahil nasa dugo na niya.

Her Mom is a Nurse and a Spy under her Dad, nang tumuntong siya sa high school hindi na siya nakasama sa training center at sa hideout ng Death Squad Fighter dahil ayaw nilang lumaki siyang kagaya ng mga magulang niya.

They want her to have a normal life. Pero nasa dugo na niya ang pakikipaglaban.

"I love the way I am, and who I am. " Bulong niya sa sarili.

Her Mom, always angry at her, dahil kapag weekend gabi na siya nakakauwi. Kaya nagtatalo sila.

"Wild Angel, congrats! As always, lupaypay na naman ang mga kalaban mo. Paano mo nagawa 'yon?" Nakangising tanong ni Blad, isa sa big time businessman na laging pumupusta sa kanya. Million na naman ang napanalunan nito.

Nagkibit balikat lang siya sa tanong nito.

"By the way, here is your share. Next time ulit, Darling." Iniabot niya ang 10 bundles na tig 1 thousand kay Yanah.

Well, ang daling kumita ng pera dito. Lakas lang naman ang puhunan.

Napangiti siya dahil mag-uuwi na naman siya ng 1 million pesos.

Yes, 1M dahil ang mga taong pumupusta sa kanya ay nagbibigay ng share.

Sumakay siya sa sports car niya,isa lang ito sa mga naipundar niya sa pakikipaglaban.

Marami na siyang naipundar, gaya ng Resthouse, Condo, Penthouse and millions of savings. At hindi alam iyon ng mga magulang niya. Matailno si Yanah at kahit sa murang edad niya ay parang matanda na siya kung mag-isip.

Para hindi malaman ang identity niya. Umuuwi muna siya sa Resthouse niya para mag- transform. At ibang sasakyan din ang ginagamit niya, kapag uuwi na sa bahay nila.

Mukha niya lang ang makikita, dahil buong katawan niya,ay balot na balot. Para hindi mapansin ng makakita sa kanya ang mga pasa niya sa katawan.

That's why kapag nakikipaglaban siya, she will do het best na hindi magkapasa ang mukha niya.

Ginagamot niya rin ang mga pasa niya bago umuwi. Well, hindi maiiwasan na magkakapasa at bugbog sarado talaga siya.

"My God , Yanah, where have you been? It's getting late at uwi pa ba ito ng matinong babae?" Bungad agad ng Mommy niya ng maabutan siyang paakyat sa hagdan patungong kwarto niya.

"Oh, hi, Mom. Nice to see you. Ikaw? Bakit gising ka pa? Ngayon ka lang rin ba nakauwi?" Walang ganang sagot at tanong niya sa ina.

"Yanah, don't answer me like that! I'm your mom, baka nakakalimutan mo?" Galit na sigaw ng Mommy niya.

"Haist! Heto na naman po tayo! I'm tired. Wala ka na bang sasabihin?" Pagmamaktol niya.

"Ivy Yanah Hernandez! What is your problem? Bakit ka ba ganyan? For God sake! Babae ka! Paano kung may masamang mangyayari sayo sa labas?" Mataas na boses na sabi nito.

Kapag kumpleto na sa pagbanggit ng pangalan niya, galit na talaga yan!

"Mom, I'm home safe. You see? Besides, baka nakakalimutan n'yo kung anong buhay ang ipinamulat ninyo sa akin? Kaya chill. Walang mangyayaring masama sa akin. I can protect myself! You know that, Mom!" Malambing na depensa niya sa sarili at tinalikuran na ito.

Yeah, ganyan siya makipag-usap sa mommy niya. Hindi naman siya masisisi, dahil tinuruan siya ng mga ito na maging matigas, palaban and cold. But trip niya lang talagang inisin ang Mom niya.

"Yanah, kinakausap pa kita! Sumosobra ka na! Huwag mo akong talikuran!" Hindi niya namalayan na nakasunod na pala ang Mommy niya. At malakas na hinablot ang braso niya.

Nasaktan siya sa ginawa nito, dahil may mga pasa siya sa mga braso niya, kaya hindi niya napigilang itulak ang mommy niya,

"Yanah....." Gigil na gigil na sigaw nito at hinawakan siya ng mahigpit sa dalawang braso.

Tiniis niya ang hapdi at sakit sa braso niya para hindi mapansin ng Mommy niya ang kanyang mga pasa.

"Makinig ka, at itatak mo 'to sa utak mo. You are smart, kaya alam kong maiintindihan mo ang sasabihin ko,"

"Sabihin mo na kasi, dami pang pasikot-sikot," sagot niya na pabalang at tiningnan niya ito ng malamig.

Bumuntong hininga ito, " Alam mong lahat ng ginagawa namin ay para sayo. Lahat ng gusto mo at kailangan mo, hindi ba nabibigay naman namin sayo. Please, Sweetie, huwag naman ganito. I'm worried. Kaya ayusin mo naman ang sarili mo. "

"Mom, maayos ako. Nag-aaral ako ng mabuti. Besides nasa top lagi ako. Tulad ng gusto niyo, 'di ba? I always on the top, kaya kong maaari, huwag na kayong mag drama diyan," Tinanggal niya ang kamay nito sa braso niya, "At Mom, ayoko ng kayamanan nyo, ang oras nyo ang gusto ko,kung hindi nyo maibigay yan, hayaan nyo na lang ako. Huwag kayong mag-alala, hindi naman ako gumagawa ng ikakasira ng reputasyon nyo." Sabi niya sabay talikod na at iniwan ito ulit.

"Alam mo ang trabaho namin ng Dad mo. We are serving people, Sweetie. Naiintindihan mo naman 'di ba? Masarap makatulong sa kapwa," Nakasunod ito sa kanya.

"Hindi ko pinangarap ang lahat ng oras nyo, Mom, dahil naiintindihan ko ang mga obligasyon nyo. But I need , just a little time from you and Dad. I need you both. Pero hindi nyo maibigay."

Hinarap niya ito at tiningnan ng seryoso.

Patay talaga ako ngayon!

"Alam mo ikaw, pinagloloko mo na naman ako. Prank na naman ba 'to, Sweetie." Nakasimangot na tanong nito.

Napangiti siya "I miss you so much, Mom!" Napayakap siya rito ng mahigpit.

"It's a prank!"

"Ah ganun, ikaw talaga dinadaan mo lagi ako sa prank kapag may kasalanan ka," Inis na wika nito.

Ngayon lang siya nakaramdam ng pagod sa katawan. Para siyang lalagnatin dahil sa mga natamong sugat at mga sipa ng nakalaban niya.

"Are you sick, Sweetie?" Tanong nito nang maramdaman ang init sa kanyang katawan.

" No Mom, I just need some rest." Sagot niya bago kumalas sa pagka- kayakap rito.

"Ok, go to your room and sleep," Utos nito, kaya tumango na lang siya dahil nanghihina na talaga ang pakiramdam niya.

Ngunit bago siya nakapasok sa room niya ay hinawakan ulit siya ng Mommy niya. Sumunod pala ito sa akin.

"Wait." Nilihis nito ang long sleeve na suot niya.

Nanlaki ang mga mata nito kaya napapikit na lang siya.

"Ivy Yanah Hernandez!" Sigaw nito na nanlilisik ang mga mata kaya tumakbo siya sa Daddy niya.

"Dad.... Help me! si Mommy, galit na naman..." Tawag niya sa Daddy niya habang malakas na kinakatok ang pintuan ng silid ng mga ito. Kahit lagi siyang nagtatampo at nagsusungit sa mga magulang niya, mahal na mahal siya ng mga ito.

"My Mom and Dad is the best parents ever pa din naman. "

"Dad... Buksan mo ang pinto, dali..." Natatarantang sigaw niya. Coz for sure, malilintikan na naman siya nito kapag inabutan siya.

"What's wrong, Sweetie?" Bungad ng Dad niya.

"Dad, itago mo ako, dali na! Your wife is look like a tiger again." Sumuksok siya sa damit ng Daddy niya sa likurang bahagi.

Ganito siya ka papansin sa mga magulang niya.

"The truth is, I am spoiled brat, coz I am the only child kaya KSP talaga ako at mahirap spelingin ang mood at ugali ko."

"Daddy, ilabas mo ang anak mong pasaway! She have lots of bruises in her arms. For God sake! Aatakihin ako sa puso sa anak mo, Miguel," Hysterical ng Mommy niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status