Share

CHAPTER 1 AT THE BAR

Friday night, dumiretso sina Yanah at Marian sa BBL Luxury Bar, Makati City para mag- relax dahil sa stress sa naging mission nila sa mga nagdaang mga araw. Since college ay magkaibigan na sila at hindi na mapaghiwalay pa. Hindi man sila magkatulad ng ugali at life style ngunit hindi ito hadlang sa pagkakaibigan nila.

Yanah, is a serious and silent type of person. Pero kapag kasama ang pamilya at matalik na kaibigan, lumalabas ang pagiging lukaret niya.

Isang tanong, isang sagot kapag stranger ang kausap. Siya ang kaibigan na hindi nang-iiwan kahit anong mangyari. Hindi siya madaling magtiwala sa mga taong hindi niya kilala.

Napapatawa siya sa isipan! Five months ago, siya ang nasa sitwasyon ng kaibigan niya. At mas malala pa ang naging experience niyang sakit, dahil two years na sila ng Ex niya nang hiwalayan siya nito. Para din siyang baliw na nagpakalunod sa alak.

Take note , siya ang hiniwalayan ng Ex- boyfriend niya, slash childhood best friend niya at first love niya.

Mahirap pala talaga kapag ang kaibigan mo ang maging boyfriend mo, dahil kapag hindi maging successful ang relasyon n'yo, dalawa ang mawawala sayo, ang best buddy mo at lover mo.

Napapangiti na lang siya kapag naaalala niya ang parting iyon ng lovelife niya.

"Bruha ka! Pinagtatawanan mo ba ako?" Nakasimangot na bulyaw ni Marian sa kanya.

"Hindi ah! Naisip ko lang ang Ex ko." Sabay inom ng pineapple juice sa baso niya.

"Ang Ex, hindi na dapat iniisip at binabalikan pa!" Inisang lagok niya lang ang whisky sa baso niya.

Tumawa lang siya sa sinabi nito, "Sige na pag-usapan muna natin si Ex mo. Bago mo lagyan ng ending ang story n'yo." Kaya pala ito nag-aya na mag-bar sila dahil nag-break na din sila ng boyfriend nito.

Sinulyapan muna siya nito bago nagsalin ulit ng alak sa baso nito at ininom na parang tubig.

"Hoy! Mars, huwag ka masyadong magpakalasing! Makainom ka diyan parang wala ng bukas... Hindi kita kayang buhatin." Angal niya.

"Mars, hayaan mo akong magpakalango sa alak ngayon. Gusto kong makalimot dahil sobrang sakit ng ginawa nang manlolokong Exel na iyon sa akin!" Sunod-sunod ang paglaklak niya ng whisky.

"Parang tubig, Mars!" Napa-halakhak niyang sambit ngunit napapailing, "Marami pa namang lalaki, Mars! Huwag kang emo diyan!" Tinuro niya ang mga lalaki sa dance floor, "Nakikita mo, ang daming lalaki sa paligid. Pumili ka na lang ng isa sa kanila." Suggest niya sa kaibigan na may tama na sa alak.

" Ang daling sabihin, Mars. Pero mahirap gawin. Teka lang! Binabalik mo lang ang sinabi ko sayo noon, ah!" Nakasimangot na turan nito nang ma-realize ang mga sinabi niya.

Napahalakhak siya, "Ikaw nga e, ang sagot mo, akin din ang linyang 'yan! " Naisip niya hindi pa pala ito lasing, naaalala niya pa kase ang convo nila noon. "See? Relate ka na. Hindi natuturuan ang puso. Ang sakit ay hindi agad maghihilom. Namnamin mo lang at mawawala din yan pagdating ng tamang panahon." She rolled her eyes.

"Nasasabi mo lang 'yan dahil naka- move on ka na! But seriously, naka- move on ka na ba talaga?" Tinitigan siya nito nang matiim.

" Of course! Hindi ba obvious. Kaya as of now. Ayoko muna pumasok sa relasyon. Nakakapagod din masaktan. Besides, I'm happy being single. And I'm happy playing around!" Wika niya na sumimsim muli ng pineapple juice.

Ayaw niyang uminom dahil masakit sa ulo kinabukasan. Saka ayaw niya magka-hang over.

"Ang sabihin mo, subrang taas ng standard mo sa lalaki ngayon. Masyado kang choosy!" Singhal nito sabay lagok uli ng alak.

Napatawa siya sa sinabi nito, ikaw ba naman ang nasaktan na halos ikabaliw mo ang sakit at pighati. Magiging pucho-pucho pa ba ang pagpili ng lalaking mamahalin ulit?

Gusto niya kapag pumasok siyang muli sa relasyon, doon na siya sa lalaking marunong makuntento at hindi lang sex ang habol.

Sa panahon pa naman ngayon, marami ng mga mapang-abuso. At tikim-tikiman na lang ang style. Why not ride on and go with the flow sa gusto ng mga lalaking malalandi at mga tigang.

"Sweet revenge, Mars kaya madali akong nakalimot! Ang mga lalaki, madaling paikutin yan, dapat sila ang iikot sa mga palad natin, hindi tayo ang mapapaikot nila!" Mariing wika niya sa kaibigan na hindi matigil-tigil sa pagmumura at pagbanggit sa pangalan ng Ex niya.

"Mars, sumayaw na lang kaya tayo sa dance floor, magiging masaya pa tayo. At mag-uumpisa na akong maghanap ng new toy." Tumayo ito na may pilyang ngiti sa labi.

Maganda at sexy si Marian, mapapalingon ang kung sino man na lalaki kapag dumaan siya. Parang model ang aurahan niya but when it comes to love, madaling mainlove at masaktan. Samakatuwid, marupok din ang bruha! Napapailing na lang siya sa isip, dahil pati rin naman siya kasing rupok ng kaibigan.

"Okay ka lang bang tumayo? Hindi ka pa ba lasing sa lagay na yan? Tingnan mo naman ang pagtayo mo, Mars! Atras abante ka na." Sigaw ni Yanah dahil lumalakas na ang music sa dance floor.

"Ako pa ba? Hindi ako lasheng?" Natatawang pasigaw na sagot nito saka marahang gumigiling pa.

Tumayo siya at lumapit dito, "Hindi daw LASHENG,huh!" Pinagdiinan niya sa tainga nito ang sinabi niya.

Nagtatawanan silang dalawa sabay gumigiling. Parang mga tanga lang ang peg nila.

"Pero teka! Bakit nag- juice ka lang diyan! Hoy, Bruha ka! Inom ka muna ng beer. Light lang naman 'yan eh! Okay lang kung hindi ka sasabay sa hard para may bumetbet sa akin mamaya pag-uwi." Nakangising wika nito.

" Hoy! Bruha ka! Huwag mong sabihin na magpakalasing ka talaga! Ang bigat mo, Mars. Hindi kita kaya!" Irap niya dito.

"Darating si Bakla ngayon! Si Emerald, kaya carry yan kapag kayong dalawa. Saka huwag mo nga akong etchusin diyan! Kaya mo nga magbalibag ng mga pusakal." Nakangising aso itong kumindat sa kanya.

"Crazy! Pero sure ka? Nakauwi na pala ang bruhang iyon galing sa bakasyon niya?" Excited na tanong niya.

"Oo, tapos na yata magbabad sa boylet niya!" Sagot nito na nakasimangot. Naisip na naman siguro ang Ex niya.

"Good for her then. Tayo lang yata ang malas sa pag-ibig." Napahalakhak siya.

"Whatever! Kapag ako makahanap ulit ng lalaking mamahalin. Who you lahat ng mga lalaki sa akin!" Kinuha nito ang isa pang baso ng whisky malapit sa kinatatayuan niya.

"Well, good luck, Mars! Kapag ako naman ang mainlove ulit. Siguraduhin kung no one can touch my property! I'll make sure na ako lang ang mamahalin niya. At maging kontento siya sa alindog kong taglay!" She's smiling while imagining at inabot niya rin ang isang whisky sa harapan niya at nag-cheer up pa silang dalawa at sabay na napahalakhak sa mga iniisip na kabaliwan.

"Tara na nga, tama na ang bar dreaming natin, magboy hunting na lang tayo!" Hinila siya nito papuntang dance floor habang sumasayaw na sumasabay sa saliw ng malamyos na musika.

"Let's go! Party party, Mars!" Sigaw niya habang napapaindak at nakataas ang kamay habang naglalakad.

"C'mon, Mars, put your hands on the air!" Sigaw rin ni Marian na nagiging hyper na dahil sa malanding musika na bumabasag ng katinuan nila.

Nakihalubilo sila sa mga taong sumasayaw sa dance floor, kung kani-kaninong lalaki sila nakipag-partner, kimbot dito, kembot doon, taas kamay dito, taas kamay doon. Walang kapaguran ang pagsasayaw ng dalawa at walang pakialam sa paligid. Makatapak ng paa at maapakan, they didn't care!

Kembot to the left, giling to the right. Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi nila. Ang malambot na katawan nila ay parang walang kapaguran sa pag-indak.

DAHIL sa kalikutan nilang sumayaw ay nabunggo ni Yanah ang isang matangkad, makisig at gwapong lalaki.

"What the f*ck!" Sigaw ng lalaki sa kanya.

Napasinghap at napatigil sa pagsasayaw sina Yanah at Marian dahil sa dalawang makisig na lalaki ngayon ang nasa harapan nila.

Siko nang siko si Marian kay Yanah. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagsalita,

"I'm sorry, huwag ka kasing pahara-hara sa dance floor, kung ayaw mong nabubunggo ka!" Sigaw niya rin pabalik sa lalaki.

Nagdilim ang mukha ng lalaki at lumapit ito sa kanya. Samantala, si Marian ay hinila ng nakangising kasama ng lalaking lumapit sa kanya. Nakita niya sa peripheral vision niya na nagsayaw ang dalawa.

Nakipagsukatan siya ng mga titig sa lalaki,

"Hindi porke't gwapo ka, madadala mo na ako sa charm mo!" Sa isip-isip niya.

"You are unbelievable! Dapat nagsosorry ka na sana dahil nakabunggo ka ng tao." Matalim na titig sa kanya ng lalaki.

"Well, it's not my fault. At nag-sorry naman na ako diba? I told you, this is dance floor, hindi talaga maiiwasan na magbungguan ang sino man, mag-apakan...."

"At m********n." Dugtong ng lalaki sabay halik sa labi niya.

Isang halik ng mapagparusa, mapusok at marahas. Halos mangatal siya, ngunit nakaramdam siya ng kakaibang init sa buo niyang katawan. That even his Ex ay hindi niya naramdaman.

"Spark!" Napalaki ang mga mata niya sa naisip.

Malakas na naitulak niya ang lalaking mapangahas na humalik sa kanya.

"What the...." Sasampalin na sana niya ito ngunit nahawakan siya sa kamay niya.

"Try to slap me. At hindi lang halik ang ibibigay ko sayo. I will make love to you, right here, right now!" Madiin na bulong nito sa tainga niya na nagpatindig sa mga balahibo niya at nagpahina sa mga tuhod niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status