Share

THE BILLIONAIRE'S INNOCENT BRIDE
THE BILLIONAIRE'S INNOCENT BRIDE
Author: febbyflame

CHAPTER 1: Her Downfall

••|| ABERINʼS COMPANY BUILDING ||••

Nagmamadali si Melody habang naglalakad patungo sa opisina ng Daddy niya. Halos lahat ng madaraanan niyang mga departamento ay nagliligpit na ng mga gamit ang mga tauhan nila. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari at kung alam ba ito ng Daddy niya.

“Dad, what happened?” bungad niyang tanong na may halong pag-aalala.

Habol pa ang kaniyang hininga at nang makita niya ang Daddy niya ay bagsak ang balikat nito at tila may malalim na iniisip. Tumingin lamang ng bahagya ang matanda sa kaniya at nag-iwas ng tingin saka muling humarap sa ibabaw ng lamesa.

“H—Hindi ko alam kung anong nangyari. Bagsak na ang kompanya, anak. Hindi ko na alam kung paano pa tayo makakaahon. Lahat ng investors and board of directors ay umalis na.” maluha-luha na ito habang nagpapaliwanag. “Baon na baon na rin ang kompanya sa mga utang.” saka ito umiling.

“Paanong bumagsak? Bakit ngayon ko lang nalaman? Akala ko ay maayos ang lahat dito?” hindi makapaniwalang tanong niya.

Palagi niyang tinatalikuran ang kagustuhan ng Daddy niya na mamuno sa kanilang kompanya sa kadahilanang sa tingin niya ay hindi pa siya handang mamuno. Takot siyang magdesisyon, takot siyang magkamali at mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan ng mga magulang niya.

“A—Ang akala ko rin, Anak. Akala ko maayos ang lahat. Hanggang sa hindi na-close ang kontrata sa pagitan ni Mr. Severo, hindi ko maintindihan kung paano ang nangyari may mali sa nangyari. H—Hindi natin siya nakuha at ang lahat ng board members ay nag-alyansa dahil daw palpak ang pamamahala ko.” doon ay unti-unti ng tumulo ang luha ng matanda. “Ginawa ko naman ang lahat. . . Pero masyadong malaki ang impact ng project na ʼyon sa kompanya at pati ang mga Board of Directors ay nadismaya at umalis na. Ako. . . Ako na lang ang naiwan, kasama ng malaking pagkakautang.” humahagulgol na ito ng iyak kaya naman mabilis na lumapit si Melody sa Ama upang yakapin ito.

Hindi makapagsalita si Melody dahil hindi matanggap ng kaniyang isipan ang mga narinig. Ang alam lang niya ay masakit at mas lalong masakit ito para sa kaniyang ama. Matagal ng namamahala ang Daddy niya sa kanilang kompanya at patuloy itong namamayagpag simula pa noon at ngayon ay bigla na lamang itong naglaho sa isang iglap.

Napatingin silang dalawa nang pumasok sa loob ng opisina si Mr. Wang, kasama nito ang ilan pang mga pulis. Nanlaki ang mga mata ni Melody at napatingin sa Daddy niya. Napahigpit ang kapit nito sa kaniyang kamay.

“Hulihin niyo ang manloloko at magnanakaw na taong ʼyan!” sigaw ni Mr. Wang habang nakaduro sa kaniyang ama.

“D—Daddy, a—anong ibig sabihin nito?” tanong niya sa ama. “Mr. Wang?”

Ngunit hindi ito sumagot.

“Mr. Alejandro, you are under arrest sa salang pagkakautang ng milliones, panloloko, at pagnanakaw sa halos 20% of share holders ng iyong nasasakupan na miyembro.” at inilabas ng pulis ang warrant of arrest. “Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Ano man ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman. Ikaw ay mayroon ding karapatang kumuha ng tagapagtanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan, ito ay ipagkakaloob sa iyo ng pamahalaan. Nauunawaan mo ba ito?”

Napatingin si Melody sa kaniyang Daddy nang tumango ito. Nagsimulang lumapit ang mga pulis at pinosasan ang Daddy niya.

“N—No... Dad, no!” umiiling na sambit ni Melody. Mabilis siyang lumapit sa lalaking nagpapahuli sa kaniyang ama at humawak sa kamay nito. “Mr. Wang, Hindi magnanakaw ang Daddy ko! H—Hindi niya magagawa ʼyon! Magbabayad ako, huwag mo lang siyang ipakulong! Please! Iʼm begging!” sabay luhod niya.

“M—Melody, anak. . .”

“Ikaw? I donʼt believe you. You run away to your responsibilty as his daughter and heiress. And as if naman na kayang mong bayaran ang halos fifty million niyang utang!”

Napatigil siya. Hindi siya naniniwala sa ibinibintang na pagnanakaw ng Daddy niya. But fifty million? Ganoʼng kalaking halaga ang utang nito? Napatingin siya sa kaniyang Daddy at kasabay nito ang pagtango ng matanda. Dahan-dahan siyang tumayo at bahagyang lumapit sa kaniyang ama.

“D-Daddy, t—totoo ba talaga?” ipinagdarasal niya na sana ay bigyan siya ng paliwanag na kayang tanggapin ng sistema niya.

Walang pag-aalinlangan na tumango ang kaniyang ama. “Patawarin mo ʼko anak. Hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat. I invest millions for Mr. Severo— pero hindi ako ang nagnakaw, pero lahat ng ebidensya ay sa akin nakaturo. Wala na tayong magagawa pa, anak. . .”

Hindi na nakapagsalita pa si Melody nang ilabas ng mga pulis ang Daddy niya. Unti-unti siyang nanlumo at tila nanlalambot ang kaniyang mga tuhod. Saan siya kukuha nang ganoong kalaking halaga ng pera. Kulang pa ang ipon niyang pera para lang mabayaran ʼyon.

Pumasok sa isip ni Melody ang kaniyang nobyo na si Melvon. Kasalukuyan itong Head Manager sa kompanya ng Daddy niya at nasisiguro niyang tutulungan siya nito.

Hindi na nagsayang pa ng oras si Melody at kaagad na siyang nagpunta sa opisina nito. Hindi niya hahayaan na magtagal ang Daddy niya sa kulungan. Hindi ito sanay sa hirap, at hindi niya alam kung anong klaseng mga tao ang naroon.

Nagmamadali siyang tumatakbo patungo sa elevator at nagtungo sa floor kung saan ang building ng opisina nito. Malayo pa lamang siya ay rinig na niya ang tila mga nagtatawanan na mga boses. Unti-unting bumagal ang kaniyang paglalakad at saka napakunot.

Nakaramdam siya ng kaba. Tumingin siya sa kaniyang likuran upang siguraduhin na walang ibang taong nakasunod sa kaniya. Nakaawang ang pinto ng opisina ni Melvon at mula doon ay nakita niya itong nakaupo sa upuan habang nakangiti at may hawak na wine.

They looks like celebrating something. Pero ano ʼyon at bakit ngayon pa kung kailan bagsak na ang kompanya?

“Alam mo, Melvon ikaw ang tunay na nagwagi! This is all your plan and success! Napakahusay mo!” boses iyon ni Mr. Chavez isa sa mga board members.

Lalo siyang naguluhan ngunit mas tumindi ang interes niya kung para saan ang tila kasiyahan ng mga ito.

“Napakadali lang pala nilang mapapabagsak. Tsk, that freaking old man and his useless daughter— walang ibang ginawa kung hindi mag-drawing, eh wala naman siyang perang makukuha sa gano'n.”

Pamilyar kay Melody ang boses ng matandang lalaki, ngunit hindi niya matukoy kung sino. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang isang babaeng hindi niya inaasahang makita. Umupo pa ito sa kandungan ng kaniyang boyfriend at humalik sa labi nito.

Napasinghap siya ng bahagya dahil sa ginawa ng babae.

“Hindi ako nagsisising ikaw ang ipinadala namin ni Daddy. You really did a great job, Babe!” sambit ni Tanny.

Tanny is the Presidentʼs daughter of Gutierrez Company. Ang kompanyang matagal ng kalaban ng kanilang kompanya. Ngayon, ay tuluyan na niyang nakilala ang boses ng isa pang matandang lalaki.

Tommy Gutierrez.

“Paano mo nga ba napaikot lahat sa kamay mo? Knowing that itʼs hard right? Curious lang ako.” tanong ni Mr. Chavez.

“Itʼs basic. Sa totoo lang wala naman akong ginawa, itʼs actually Mr. Aberinʼs daughter. Si Melody ang kumilos para sa atin. Napakadaling paikutin ng babaeng ʼyon. Baliw na baliw sa pag-ibig.” kitang-kita ni Melody kung paano ngumisi si Melvon. Unti-unting tumulo ang kaniyang luha. “She stole the important file for us.”

Nanlaki ang mga mata niya. Bumalik sa kaniya ang alaala na halos isang buwan na ang nakalipas. They are on a date that time, itʼs their Anniversary and Melvon surprise her at luxury restaurant. Nang gabi ʼyon ay hiniling sa kaniya ni Melvon ang isang file na nasa opisina ng Daddy niya.

Nang tanungin niya kung para saan iyon ay sinabi lang nito na nais niyang pag-aralan at paghandaan ang susunod na project para mas makatulong sa Daddy niya at makadagdag puntos bilang nobyo niya. She did not hesitated. Kinabukasan din matapos ang araw ʼyon ay lihim niyang kinuha ang kopya ng file sa laptop ng Daddy niya.

“And that file, ay naglalaman ng plano, and important information about Mr. Severo, the private and big time client. I negotiate with him, and ta-dah~ We got him! At hindi ko naman inaasahan na naroon din pala ang information about share holders and stock funds, kaya nilimas ko na rin. Ipinaikot ko lamang din si Melody sa aking mga kamay. That woman, is easy to get!”

“Donʼt tell me you slept with her?!” parang batang sambit ni Tanny.

“Of course not! She's not my type, Babe! You are the only one and you should know that. Sheʼs boring and my pure intension is to bring down this trash company.” at hinalikan muli nito si Tanny.

“I trusted you, gaya ng pagtitiwala ko sa ʼyo bilang fiancè ng unica-hija ko at hinding-hindi ako nagsisisi!” masiglang sambit pa ni Mr. Gutierrez at napatingin siya sa daliri ni Tanny at Melvon na ngayon ay may nakasuot na singsing.

“Ngayon, ay wala na tayong kalaban. Wala ng manghahahas na kalabanin pa tayo, dahil as of now, tayo ang may pinakamataas na share holders and some of client and investor ay nasa atin na! Cheers!”

Hindi alam ni Melody kung ano pa ang dapat niyang maramdaman. All this time ay engaged na pala ang nobyo niya. All this time, ang lalaking una niyang minahal ay pinaglaruan lamang pala siya. Niligawan lang siya nito para sirain ang Daddy niya, at pabagsakin ang kompanya nila.

Siya pala ang may kasalanan kung bakit nakulong ang Daddy niya! Masyado siyang nagtiwala. Alam niyang wala talagang kasalanan ang Daddy niya. Her father is great and clean!

“Walang ninakaw na share holders ang Daddy ko! Pakana nila ang lahat ng ʼto! Ang mga walang pusong mga taong ʼto ang may kasalanan ng lahat!”

“But we need to get rid of him. Ang puno ay hindi mamamamaty hanggat may ugat. Kaya kailangan pa rin natin masiguradong hindi na makakabangon ang matandang ʼyon.” tila galit na sambit ni Mr. Gutierrez. “He needs to die.”

Nanlamig siya sa nang marinig niya ang huling sinabi ng matanda.

“I will woking on that, Dad.” tugon ni Melvon.

“A—Anong ibig nilang sabihin? Balak ba nilang saktan o patayin ang Daddy ko?”

Hindi na napigilan pa ni Melody ang sarili at kaagad na pumasok sa loob ng opisina.

“M—Miss M—Melody. . .” gulat na sambit ni Mr. Chavez.

“Oh, Mr. Chavez. Donʼt call her Miss or what so ever. She's nothing now.” paalala ni Mr. Gutierrez.

“M—Melvon, anong ibig sabihin nito? Bakit narito ang babaeng ʼyan? H—Hindi, t—teka hindi iyan ang pinunta ko. T—Tulungan mo ʼko, si Daddy hinuli siya ng mga pulis!” nagpanggap siyanga walang narinig at walang alam.

Umiiyak siyang lumapit kay Melvon at hahawakan sana ang kamay nito ngunit kaagad na humarang si Tanny at sinampal siya ng malakas saka itinulak dahilan ng pagkakaupo niya sa sahig.

“Donʼt try to touch her again, B*tch! Ang tagal kong nagtimpi sa kalandian mo! Ngayon tapos na ang pagpapanggap! Heʼs my fiancè!”

Ang akala ni Melody ay sapat na ang sakit dahil sa mga narinig niya kanina, ngunit mas dumoble pa ito ngayon dahil nakatingin lamang si Melvon sa kaniya na para bang nandidiri sa kaniya.

“H—Hon, A—anong sinasabi niya? Totoo ba?” naluluha niyang tanong. Parang pinag-pira-piraso ang puso niya ng mga oras na ʼyon.

“Donʼt call her that name! Itʼs fvcking kadiri!” inis pa na sigaw ni Tanny.

“Hayaan mo na siya, Babe. Kaawa-awa na nga ang isang ʼyan tapos papatulan mo pa? Huwag mong ibababa ang level mo sa kaniya.” tumayo si Melvon at ngumisi kay Melody. “Your father deserves in to jail. Isa siyang walang kuwentang mamuno, at magnanakaw. And you heard it right, Tanny is my fiancè, isa ka kasing uto-uto, kaya napakadali mong maloko. Mag-ama nga talaga kayo ni Alejandro. Tsk.”

“N—No. . . Hindi ʼyan totoo. . .”

“Kung ako sa ʼyo, mag focus ka na lang sa pag-drawing mo kaysa gumaya sa tatay mong walang silbi!” sigaw ni Mr. Chavez saka sabay-sabay na nagsitwanan ang mga ito.

“But her drawing is a trash too!” dagdag pa ni Tanny at muling umalingawngaw ang malakas na tawanan. “Letʼs go out of here! Hindi na tayo dapat manatili pa sa walang kuwenta at basurang kompanyang ito!”

“Thatʼs right!”

“Good bye, loser! Sundin mo ang payo namin!” kantiyaw pa ni Mr. Gutierrez at umalis na ang mga ito habang tumatawa.

Umiiyak siya habang nakapikit at paulit-ulit na inaalala ang mga nangyari at narinig niya. This is all her fault! Kung sana ay hindi niya hinayaan ang sarili na magtiwala sa iba ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ʼto!

Now, she need to do something dahil nasa panganib ngayon ang Daddy niya.

Tumayo siya at pagkalabas niya ng opisina ay naroon ang mga tauhan nila. Nakatingin sa kaniya at nagbubulungan na parang siya na ang pinaka-nakakaawang tao sa mundo. Alam niyang narinig at nakita ng mga ito ang nangyari. Marahil ay plano rin ito nila Melvon— ang mapahiya siya.

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hay naku huwag kasi agad magtiwala kahit sa taong mahal mo na hindi ka naman pala mahal kawawang melody. kung ako sayo gumawa ka ng paraan melody na mpawalang sala ang ama mo at pagbayarin mo ang may sala sa inyo ng ama mo
goodnovel comment avatar
Imelda Caranagan
tanga mo nagpakita kpa dapat nerecord mo ang usapan nila,hirap talaga ng walang utak,sorry author......
goodnovel comment avatar
Ailene Taduran Atutubo
kawawa n nga ngpasampal pa.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status