Hello readers! Alam ko marami ng naghihintay at galit. Sobrang pasensya po! Huwag na kayo magalit buhay naman si Apollo. 😂 Babawi ako palagi. 😂✌️
“W–Wala na siya, Melody. Hindi niya kinaya. Wala na ang kaibigan namin…” umiiyak na sambit ni Epifanio nang makapasok ako sa kuwarto kung saan naroon si Apollo.Nakahiga ito at natatakpan na ng puting kumot ang kaniyang mukha. Dahan-dahan akong lumapit dito habang sapo ko ang aking dibdíb at umiiyak.“H–Hindi… Hindi siya puwedeng mawala…” umiiyak kong sambit habang nakatitig sa kumot na nagtatakip sa kaniya.Hindi ko akalaing ito ang magiging wakas naming dalawa. Paano na ako? Paano na ang mga anak namin?“L–Love, bumangon ka na riyan. Mahal na mahal kita. Please, huwag mo naman akong iwan. Hindi ko kaya…”Hinawakan ko ang kaniyang braso, dahil hindi ko kayang makita ang kaniyang mukha na wala ng buhay. Pakiramdam ko ay tuluyan akong mawawalan nang malay kapag nakita ko siya sa sitwasyon na hindi na siya babalik pa. Hinigpitan ko ang paghawak sa kaniyang braso habang umiiyak ako.“Aray! Fvck!”Nagulat na lamang ako nang bigla itong sumigaw. Dali-dali akong napatayo dahil sa takot.“S–S
Melody's Point Of View.“You may now kiss the bride!” Sigaw ng pari.This is the 10th time na ikinasal kami ni Apollo. Kasalukuyan kaming nasa Maldives kasama ang aming mga anak at nga kaibigan.“I love you, love. Kahit ilang beses pa kitang pakasalan ay gagawin ko, para lang mapasaya kita.” Sambit ni Apollo saka ginawaran ng halik ang aking labi.Nakangiti kong tinanggap ang halik ni Apollo. Pagkatapos ay nagsigawan ang aming mga anak at mga kaibigan daka nagpalakpakan. Kitang-kita ko ang saya sa kanilang mga mata.Kahit maedad na kami ay hindi pa rin nawawala ang sweetness namin sa isa't-isa ni Apollo. Parang kahapon lang nang magkakilala kami, at ngayon ay habang buhay ng magkasama at magkatuwang sa buhay.Minsan dumarating sa puntong araw-araw akong nagbabalik tanaw sa mga alaala at mga pinagdaanan namin bilang isang pamilya. Hindi ko inaakalang darating pa kami sa puntong ngayon na magkasama kaming dalawa kasama ang aming mga anak.Ikinasal na rin si Atlas, Epifanio, at Luhan. Si
••|| ABERINʼS COMPANY BUILDING ||••Nagmamadali si Melody habang naglalakad patungo sa opisina ng Daddy niya. Halos lahat ng madaraanan niyang mga departamento ay nagliligpit na ng mga gamit ang mga tauhan nila. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari at kung alam ba ito ng Daddy niya.“Dad, what happened?” bungad niyang tanong na may halong pag-aalala.Habol pa ang kaniyang hininga at nang makita niya ang Daddy niya ay bagsak ang balikat nito at tila may malalim na iniisip. Tumingin lamang ng bahagya ang matanda sa kaniya at nag-iwas ng tingin saka muling humarap sa ibabaw ng lamesa.“H—Hindi ko alam kung anong nangyari. Bagsak na ang kompanya, anak. Hindi ko na alam kung paano pa tayo makakaahon. Lahat ng investors and board of directors ay umalis na.” maluha-luha na ito habang nagpapaliwanag. “Baon na baon na rin ang kompanya sa mga utang.” saka ito umiling.“Paanong bumagsak? Bakit ngayon ko lang nalaman? Akala ko ay maayos ang lahat dito?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Nakayuko siyang umalis sa company nila dahil sa pagkapahiya na nararamdaman. Nagtungo siya kay Yassh. Nakilala niya ito sa kolehiyo. Yassh is a good friend of her, at marangal na tao kahit pa sabihing hindi maganda ang kasalukuyan nitong trabaho.Nalaman niya na nag-work ito bilang hostess sa isang auction night nang minsan na maimbita sila ni Melvon sa isang event at kasalukuyang may auction na nagaganap. Simula noon ay naging matalik na silang magkaibigan. Gusto niya itong tulungan noon, ngunit ayaw nitong umalis sa kinasanayan na trabaho, dahil sa pansarili nitong dahilan.“Are you sure about this, Melody?” nag-aalalang tanong ni Yassh. “This is not easy, at alam kong alam mo ʼyon.”“W—Wala na akong maisip na iba pang paraan. Hindi biro ang perang kailangan ko, at alam kong alam mo rin kung saan ako makakakuha ng ganoong kalaking halaga.”Napabuntong hininga si Yassh. “Kung desidido ka na talaga ay maaari mo ng fill-up-an itong form for your information.” inabot ni Yassh sa kaniya
Matapos siyang bayaran ay iginaya siya nang dalawang lalaking nakaitim patungo sa isang itim na limousine. Dinala siya sa isang luxurious hotel sa bansa. Hindi naman niya mapigilan ang matakot at maiyak.Isang matandang lalaking mataba ang tiyan ang siyang nakabili sa kaniya. Hindi na siya makakatanggi pa lalo paʼt bayad na siya at kailangan na kailangan na niya ang pera.“Hintayin niyo na lamang po si Mr. Buenavista. Kabilin-bilinan niya po na mauna na po kayong maligo.” sambit ng isa nitong tauhan.Napatango siya. “S—Sige.”Pagpasok niya sa loob ng hotel room ay kaagad siyang napaupo sa kama at humagulgol ng iyak.“Isang gabi lang naman hindi ba? Pagkatapos noon ay mapapalaya ko na si Daddy at magsisimula muli kami.” sambit niya sa pagitan ng mga hikbi.Naglakas loob siyang tumayo at nagtungo sa shower room. Nang makalabas ay nanatili na lamang na nakasuot siya ng bath robe. Pinatay niya ang ilaw dahil ayaw niyang makita ang mga mangyayari habang inaangkin siya ng matandang iyon. Tan
••|| Five Years Later ||••|¦ Melody ¦|“Mommy! Kuya Lexus, broke my toy!”“No, Mom! Nauna siya, he broke my book first!”Kaagad akong napatingin sa kambal kong anak. Binitawan ko ang sandok, at pinatay ang gas stove. Mabilis akong nagtungo sa sala at naabutan ko ang dalawa na masama ang tingin sa isa't-isa.“Ano bang nangyari? Bakit nag-aaway na naman kayong dalawa?” tanong ko saka napahilot sa sintido ko.“Sinira niya ang bagong laruan ko, Mommy!” para bang maiiyak na sambit ni Liven.Inayos ni Lexus ang suot na salamin. “He broke my book, Mom!”Napabuntong hininga ako. Grabe, hindi ko kinakaya ang katigasan ng ulo ng dalawang ito. Pumagitna ako sa kanilang dalawa at inilahad ang kamay ko. Kaagad naman nilang ipinatong ang sira nilang mga gamit.Well, they know the drill.“Kuya Lexus, why did you broke Livenʼs toy?”Nakatingin ako ngayon kay Lexus.“Because he broke my book, Mom.”Tumingin naman ako kay Liven.“Liven, why did you broke Kuya Lexusʼs toy?”Hindi makapagsalita si Liven
Dumating ang araw ng linggo at masaya ang kambal sa selebrasyon na magaganap sa isang mamahaling restaurant. Nagawa pa siyang surpresahin ng mga ito kaninang umaga. Habang padagdag ng padagdag ang edad niya, hindi niya maiwasang matakot na baka isang araw ay magising siyang wala ang kambal o hindi kaya ay siya naman ang mawala.Pero hindi naman niya hahayaan ʼyon.“Nandoʼn na ba si Tito Alejandro?” tanong ni Yassh.Iisang van lamang sila ng sinasakyan kaya naroon din si Marco at Yvonne. Naging kaibigan na rin niya si Marco at hindi naman naepektuhan iyon nang maghiwalay ito at si Yassh.“Yes, nandoon na siya, pero saglit lang siya dahil may pupuntahan pa siya. After natin dito sa restaurant, kailangan ko rin bumalik ng opisina, may tinatapos pa akong trabaho. Si Manang Gina na lang din ang bahala sa kambal.” tugon ni Melody.Nang makarating sila sa restaurant ay kaagad na dumitetso sila sa VIP room na ipina-reserve at tuwang-tuwa ang mga bata dahil naroon din ang kanilang mga favorite
|| Apollo ||Kadarating lamang ni Apollo sa sarili nitong opisina. Mainit na kaagad ang kaniyang ulo dahil sa mga materials na hindi dumating on the exact date na pinag-usapan. He hates something like this! Iyong puro palpak at ipinaghihintay siya.“Mr. Luxerio, g—gusto niyo po ba ng kape?” tanong ng sekretarya nitong si Esme.Halata pa ang pagkakabado nito. Alam kasi ni Esme na kapag mainit ang ulo ng President nila ay madalas itong may tanggalin na empleyado.“Yes, please and hurry up.” malumanay ngunit walang emosyon niyang tugon.Nang lumabas ang kaniyang sekretarya sa kaniyang opisina ay niluwagan niya ang suot na necktie. Hindi niya maiwasan na hindi maghagis o sumira ng gamit, kaya tumayo siya at isang flower base ang kaniyang napagbuntungan ng inis kaya ibinato niya ito at nabasag. Kasabay naman nito ang pagpasok ni Epifanio."What the fvck, Dude?” gulat na turan ni Epi, saka inilapag ang hawak na envelope sa lamesa.“Oh, please, Epi. Sana naman ay good news ang dala mo, dahil