Share

CHAPTER 6: Apolloʼs Instinct

|| Apollo ||

Kadarating lamang ni Apollo sa sarili nitong opisina. Mainit na kaagad ang kaniyang ulo dahil sa mga materials na hindi dumating on the exact date na pinag-usapan. He hates something like this! Iyong puro palpak at ipinaghihintay siya.

“Mr. Luxerio, g—gusto niyo po ba ng kape?” tanong ng sekretarya nitong si Esme.

Halata pa ang pagkakabado nito. Alam kasi ni Esme na kapag mainit ang ulo ng President nila ay madalas itong may tanggalin na empleyado.

“Yes, please and hurry up.” malumanay ngunit walang emosyon niyang tugon.

Nang lumabas ang kaniyang sekretarya sa kaniyang opisina ay niluwagan niya ang suot na necktie. Hindi niya maiwasan na hindi maghagis o sumira ng gamit, kaya tumayo siya at isang flower base ang kaniyang napagbuntungan ng inis kaya ibinato niya ito at nabasag. Kasabay naman nito ang pagpasok ni Epifanio.

"What the fvck, Dude?” gulat na turan ni Epi, saka inilapag ang hawak na envelope sa lamesa.

“Oh, please, Epi. Sana naman ay good news ang dala mo, dahil puro na bad news ang naririnig ko ngayong araw at ayoko na. Kaya kung hindi ʼyan good news nakikiusap ako huwag mo na lang sabihin.” parang mauubusan ng pasensya niyang sambit saka tumingin sa glass wall ng kaniyang opisina.

“Well, if tungkol kay Sophia ay isang bad news, I think hindi ko na dapat sigurong sabihin ʼno?” sabay bawi nito sa envelope.

Bigla ay napabalik ang tingin niya sa kaibigan.

“Kay Sophia? You mean, Sophia Santiago?” tanong niya at tumango si Epifanio. “Oh, salamat naman! May nakuha ka ng information? A—Ano? Saan siya nakatira? Saan siya nagta-trabaho?“

Mabilis siyang umupo sa kaniyang upuan. Hindi siya makapaghintay na marinig ang nalalaman ng kaibigan niya.

“Tangʼna, kumalma ka, Dude!” natatawang sambit ni Epifanio, sabay abot nito sa sa evelope na hawak.

Kaagad niyang binuksan ang envelope at nakita niya ang iba't-ibang litrato na kuha mula sa stolen shot. Hindi siya makapaniwala na para bang walang pinagbago ang mukha nito simula nang magisnan niya ito kinaumagahan matapos ng gabi na ʼyon. Hindi niya aakalain na sa isang gabi, ay parang nahumaling kaagad siya sa ganda ng dalaga.

Muli ay nagbalik sa alaala niya ang nakaraan.

••|| FLASHBACK ||••

Nagising siya dahil sa tunog ng kaniyang cellphone. Kahit masakit ang ulo ay kaagad niyang sinagot ito. Well, nasa prinsipyo na niya talaga na lahat ng tawag ay mahalaga, lalo na sa trabaho. At hindi niya rin naman itinatanggi na isa siyang workholic na tao.

“Hello? Whoʼs this?” tanong niya.

“Mr. Apollo, this is Esme po. Iʼm sorry to call you this early, Mr. Apollo but this is urgent. Your Dad is here, at hinahanap na niya po kayo.”

Napahilot siya sa kaniyang sintido. Marahil ay gusto nitong pag-usapan ang nangyaring gulo sa dinner nila with Mr. Tuarez. But what the hell at ganitong kaaga?

Akmang tatayo na siya nang maramdaman niya na tila may bisig na nakayakap sa kaniya. Doon niya lamanag napansin ang dalagang katabi niya. Sandali siyang na-blanko at saka naalala ang nangyari kagabi.

Bigla ay napangiti siya nang makita niyang nakakunot ang dalaga. Kakaiba ang pakiramdam na ʼyon. May lumukob sa damdamin niya na hindi niya maintindihan.

This woman, maganda siya, matangos ang ilong, mapula ang labi, malalantik at mahaba ang pilik-mata— na binagayan sa maliit na medyo bilog nitong mukha, kulot at mahaba nitong buhok. Naantala ang pagtitig niya sa dalaga nang tumunog muli ang cellphone niya.

Mabilis ngunit maingat siyang tumayo mula sa higaan saka nagbihis. He saw the red stain sa mismong bed sheet. Napakunot siya ng noo. She's a virgin, pero bakit nito magawang pumasok sa isang trabahong tila hindi naman ito bagay? Masyado itong maganda, at hindi makakailang makinis ang kutis at mula sa mayamang pamilya.

Saka na niya aalamin iyon pagbalik niya galing sa opisina. Mahigpit niyang ibinilin ang dalaga sa kaniyang mga tauhan at ka Butler Geor. But things change. Bigla nalang siyang nawala na parang bula.

••|| END OF FALSHBACK ||••

“Are you out of the world , Apollo?” natatawang tanong ni Epifanio.

Hindi niya namalayan na nailapag na pala ni Esme ang kape nilang dalawa.

“Tell me, Epi kung saan siya nakatira. I want to meet her.”

“Then what? Sasabihin mong ikaw ʼyong tumira sa kaniya five years ago? Nag-iisip ka ba? Hindi baʼt ang sabi mo she didn't look like a prostitute? Kaya paano kung isipin niyang ni-rape mo siya?”

Sandaling napatahimik si Apollo. His friend is right. Hindi puwedeng layuan siya nito. Just then he saw a photo na kasama nito ang isang lalaking kilala niya kaya kaagad siyang napakunot ng noo.

“Alam mo, youʼre right. Sheʼs not a prostitute! She is the only daughter of Mr. Aberin!”

"Mr. Aberin? How come, eh Santiago ang apilido niya?”

Napakibit-balikat si Epifanio. “Ewan ko sa ʼyo, mukhang maling pangalan ang sinabi niya sa ʼyo nang gabi na ʼyon.”

“N—No, it canʼt be!”

“Yes it can, Apollo. Kaya hindi natin siya mahanap-hanap noon pa! At na-email ko na rin sa ʼyo ang mga information niya. Just check your email, and send the payment. Phew, basic money!”

“Hindi pa tapos ang trabaho mo, kailangan pa nating makaisip ng plano how to get her. Iʼm fvcking serious here. Hindi ko hahayaan na makawala pa siyang muli.”

“Oh, okay? So, anong plano?”

Kinuha ni Apollo ang kaniyang cellphone saka tinawagan si Butler Geor.

“Butler Geor, Send some people to watch Melody Aberin, I will send her address and make them to report all the details and happening about her every day.”

“Copy that, Mr. Luxerio.”

Sunod niyang tinawagan ay si Esme.

“Esme, call Mr. Aberinʼs secretary and make an appointment tomorrow.”

“Noted, Mr. Luxerio.”

Napasulyap siya kay Epifanio na tila namamangha sa kaniyang ginagawa.

“Dude, alam mo hindi ko alam ang binabalak mo pero kailangan ko ng umalis. I need to fix something. Tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo pa ng tulong. Alam mo naman na handa akong tumulong basta—”

“Basta para sa pera.” pagtutuloy ni Apollo sa sinasabi nito. “Sige na, umalis ka na, Epi bago pa maubos ang pera ko sa ʼyo.”

Natatawa na lamang na lumabas si Epifanio habang siya naman ay napapailing na lamang. Muli ay tumingin siya sa mga litrato at nakuha ng kaniyang atensyon ang dalawang batang kalaro nito sa garden. Kinuha niya iyon saka pinakatitigang mabuti.

“Ano niya ang mga ito? Bakit parang iba ang pakiramdam ko? They are twins. They are look like four years old or something. T—They looks like. . . looks like me?”

Comments (30)
goodnovel comment avatar
Sherla Maria Crizaldo
Great story
goodnovel comment avatar
Marvin John
next chapter please
goodnovel comment avatar
Gerlie Nuñez Nueva
unlock pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status