Share

CHAPTER 2: Auction Night

Nakayuko siyang umalis sa company nila dahil sa pagkapahiya na nararamdaman. Nagtungo siya kay Yassh. Nakilala niya ito sa kolehiyo. Yassh is a good friend of her, at marangal na tao kahit pa sabihing hindi maganda ang kasalukuyan nitong trabaho.

Nalaman niya na nag-work ito bilang hostess sa isang auction night nang minsan na maimbita sila ni Melvon sa isang event at kasalukuyang may auction na nagaganap. Simula noon ay naging matalik na silang magkaibigan. Gusto niya itong tulungan noon, ngunit ayaw nitong umalis sa kinasanayan na trabaho, dahil sa pansarili nitong dahilan.

“Are you sure about this, Melody?” nag-aalalang tanong ni Yassh. “This is not easy, at alam kong alam mo ʼyon.”

“W—Wala na akong maisip na iba pang paraan. Hindi biro ang perang kailangan ko, at alam kong alam mo rin kung saan ako makakakuha ng ganoong kalaking halaga.”

Napabuntong hininga si Yassh. “Kung desidido ka na talaga ay maaari mo ng fill-up-an itong form for your information.” inabot ni Yassh sa kaniya ang isang papel. “You know this auction is super higpit, at ayaw ni Madam Eve ng palpak na tauhan. Kaya naman kakausapin ko si Madam Eve, para ihabol ka tonight.”

Tumango si Melody. “Salamat, Yassh. Sobrang laking tulong nito sa akin, to save my father.”

Kinakabahan siya at natatakot, pero handa siyang magsakripisyo para sa Daddy niya. This is her fault kaya naman dapat lang may gawin siyang paraan bago pa nila magawang ng masama ang Daddy niya habang nasa kulungan ito. Dalawa na lamang silang magkasama sa buhay matapos mawala na parang bula ang Mommy niya, hindi niya hahayaan na pati ang Daddy niya ay mawala rin.

Nang dalhin siya ni Yassh sa isang exclusive hotel ay kaagad siyang inasikaso ng mga staff doon. Kasalukuyan na siyang inaayusan ng isang make up artist. Nakatanggap siya ng samut-saring mga komento, ang ilan pa ay namamangha sa ganda niya, pero ang puso niya ay doble ang kaba.

Ipinagdarasal na lamang niya na sana ay walang mangyaring masama sa Daddy niya ngayong gabi.

“You are the big star tonight, Sophia. Donʼt forget to smile and gusto kong akitin mo sila, para malaki ang pumasok na pera. Is that clear?” tanong ni Madam Eve.

Tumango si Melody at tumingin muli sa salamin. Pinalitan niya ang pangalan niya. Ngayong gabi siya ay si Sophia Santiago at hindi si Melody Aberin.

“Oh, mag-start na! Humanda na ang first line to second line up!” sigaw ni Madam Eve. “Yassh, you are still at the star section, together with Sophia!”

“Yes, Madam!” sigaw ni Yassh at lumapit ito sa kaniya. Nakasuot ito ng kulay itim na lingerie. “Ang ganda mo, Melody! Ang ganda-ganda mo! Deserve mong pang big star tonight!”

Tiningnan niya ang sarili sa salamin na nakatingin din doon ang kaibigan niya. First time niyang maayusan ng ganito kabongga, at first time niya rin magsuot ng halos labas na ang kaniyang kaluluwa. Mabuti na lamang at may light cover pa ito sa ngayon, ngunit mamaya ay kailangan niya raw itong tanggalin.

Hinawakan ni Yassh ang balikat niya. “Ano kaya mo ba talaga? Puwede ka pa naman umurong, kaya ko pang kausapin si Madam Eve kahit pa masabon ako, ay okay lang.”

Alam niyang nanlalamig na ang kaniyang kamay dahil sa kaba. Napailing siya sa kaibigan at hinigpitan niya ang paghawak sa kamay nito.

“K—Kaya ko, Yassh— kakayanin ko. Kailangan ko ng pera, para makalaya si Daddy. Hindi ko hahayaan na masaktan siya nila Melvon.” gusto niyang umiyak muli, ngunit ayaw niyang pahirapan ang make up artist upang ayusin muli ang make up niya.

“Bakit kasi ang daming masama sa mundo! Kaloka! Oh, siya sige basta tatagan mo ang loob mo, ah! Hindi biro itong gagawin natin, lalo na sa ʼyo at first time mo. Ako, iisa lang naman palagi ang kumukuha sa akin, kaya hindi na ako mahihirapan, saka nagpapamasahe lang ʼyon. Pero hindi lahat masahe lang ang gusto, kaya maghanda ka.”

“O—Oo, naiintindihan ko naman ang pinasok ko. M—May karanasan na rin naman na ako.” pagsisinungaling niya sabay yuko.

Hind niya sinabi kay Yassh ang totoo dahil baka mas lalong magdalawang isip itong ipasok siya sa auction ngayong gabi. She needs fifty million for her fatherʼs sake! At kailangan niya ʼyon ng isang gabi lamang.

Natapos na ang first and second batch. Oras na nila ni Yassh kaya naman isinuot na niya ang kaniyang maskara. Isa ito sa mga props na suggestions ni Madam Eve, para raw suspense at maakit lalo ang mga bigating business man, at also narito rin ang ilang Politicians.

Mabilis na natapos ang auction sa mga ka-batch niya hanggang kay Yassh. Nabili si Sharina sa halagang thirty million. Laking gulat niya pa nang biglang itinaas ni Sharina ang gitnang daliri nito sa lalaking nakabili sa kaniya. They looks like know each other.

“Alright! Here we go sa ating pinakahihintay na hot star of the night!” sigaw ng Emcee.

Mas dumoble na ang kabang nararamdaman ko. Halos nanlalamig ang buong katawan ko, pero kailangan kong tapusin ang gabi na ito para kinabukasan ay makalabas si Daddy sa kulungan. I stood up, at inabot ng Emcee ang kamay ko saka ako ipinaikot nito.

“What a gorgeous and hot lady right here beside me! Sheeesh!”

“Wooooh!”

“Sheʼs a damn hot!”

“I want her!”

“Iʼll make sure I will have you tonight!”

Nagsigawan ang mga tao at napalakpakan. Sa ibaba ng stage ay kitang-kita niya ang mga lalaking tila naglalaway sa katawan niya. Hindi naman kasi sa pagmamayabang pero matangkad siya, maputi, balingkinitan ang katawan at pinagpala ng malulusog na díbdib.

“Whatʼs your name gorgeous?” tanong ng Emcee.

“S—Sophia.”

Inayos niya ang sarili dahil napansin niya ang panlalaki ng mga mata ng Emcee. Naglakas loob siyang tanggalin ang kaniyang maskara at humarap sa audience.

“My name is Sophia, twenty-two years old and a v—virgin!” nakangiti niyang sambit habang hawak ang mikropono at tinanggal ang suot na light cover ng katawan niya.

Tumambad sa mga kalalakihan ang kaniyang halos hubad na nakatawan. Halos ramdam na ramdam niya ang lamig ng paligid. Muli ay nagpalakpakan ang mga tao at sa pagkakataong ito ay mas malakas na hiyawan at sigawan. Kailangan niyang gawin ʼyon, para makahatak pa lalo ng bibili sa kaniya.

“So, we have a virgin here! Letʼs—”

“One million!” sigaw ng isang lalaki.

“Two million!” sigaw pa ng isa habang nakataas din ang karatula nito.

“Ten million!” sigaw pa ng isa.

Nagkagulo na kaagad ang mga ito, at kahit ang Emcee ay natataranta na. Hindi niya alam na ganito ang mangyayari. Halos pag-agawan siya nang mga ito. Kitang-kita niya sa mga mata ng nga lalaki ang halos pagkasabik, nanlilisik na nga mata, at tila hàyop na handang sakmalin ang pagkain nila.

“Sixty million!” halos lahat ay napatahimik at napatingin sa sumigaw na lalaki.

Nakuha kaagad nito ang atensyon niya dahil sa perang halagang sinabi nito. Nalampasan nito ang eksaktong perang kailangan niya. Ngunit kaagad siyang napalunok at natulos sa kinatatayuan nang matitigan ng mabuti ang lalaki. Kinakabahan man ngunit tumango siya sa Emcee.

“S—Sixty million! Going once, twice?” narinig niya ang pagpukpok sa hawak ng Emcee. “Sheʼs now yours, Mr. Buenavista! Congratulations!” kasabay ng palakpakan ng mga tao, ay ang halos tila ba paglabas ng puso niya dahil sa takot at kaba.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay grabe kaabang abang
goodnovel comment avatar
Nelly Agam
si sharina may story kaya?
goodnovel comment avatar
Vickai Usares
ayay ka abang abang ang mangyayare ,,,, melody ah 60 M grabe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status