Share

CHAPTER 4: Her Twin Babies

••|| Five Years Later ||••

|¦ Melody ¦|

“Mommy! Kuya Lexus, broke my toy!”

“No, Mom! Nauna siya, he broke my book first!”

Kaagad akong napatingin sa kambal kong anak. Binitawan ko ang sandok, at pinatay ang gas stove. Mabilis akong nagtungo sa sala at naabutan ko ang dalawa na masama ang tingin sa isa't-isa.

“Ano bang nangyari? Bakit nag-aaway na naman kayong dalawa?” tanong ko saka napahilot sa sintido ko.

“Sinira niya ang bagong laruan ko, Mommy!” para bang maiiyak na sambit ni Liven.

Inayos ni Lexus ang suot na salamin. “He broke my book, Mom!”

Napabuntong hininga ako. Grabe, hindi ko kinakaya ang katigasan ng ulo ng dalawang ito. Pumagitna ako sa kanilang dalawa at inilahad ang kamay ko. Kaagad naman nilang ipinatong ang sira nilang mga gamit.

Well, they know the drill.

“Kuya Lexus, why did you broke Livenʼs toy?”

Nakatingin ako ngayon kay Lexus.

“Because he broke my book, Mom.”

Tumingin naman ako kay Liven.

“Liven, why did you broke Kuya Lexusʼs toy?”

Hindi makapagsalita si Liven at yumuko lamang ito.

“Dahil hindi ko ginawa ang laruan niya. Ipinapaayos niya sa akin, Mommy ang rubics cube na nilalaro niya— but Iʼm busy reading my favorite book!”

“Is that right, Liven?”

Tumango ito saka nagpunas ng luha. Hindi ko man marinig ang paghikbi nito ngunit alam kong tuloy-tuloy ang luhang umaagos dito. Niyakap ko ito, pati na si Lexus.

“Ilang beses ko bang sasabihin na dapat ay nagtutulungan kayo? Kuya Lexus, I know na favorite mo ang book na ʼyon but sometimes kapag alam mong kailangan ng kapatid mo ng tulong dapat ay tulungan mo. Ikaw naman Liven, huwag kang padalos-dalos sa ginagawa mo. Ang pagsira mo ba sa book ni Kuya mo ay nakatulong? Hindi ʼdi ba?” kapwa na tumango ang kambal.

Sa dalawa kong anak na ito ay si Liven ang mahina ngunit maingay, mababaw ang luha, at madamdamin. Habang si Lexus naman ang tahimik, seryoso, at tila may sariling mundo.

“Iʼm sorry, Kuya Lexus. Iʼm sorry Mommy.” sambit ni Liven.

“Sorry din, Liven dahil hindi kita natulungan. Pero huwag kang mag-alala kayang-kaya kong ayusin ang rubics cube mo. Sorry rin po, Mom.”

“That's great, Kuya Lexus! Donʼt worry, pag-iipunan kong bumili ng bago mong book!” nakangiti ng tugon ni Liven.

Nagyakapan ang kambal at hindi ko maiwasan ang mapangiti na lamang dahil sa nakikita ko. Nasisiguro kong lalaki silang mabuting tao. Napakasaya ko dahil sa kabila ng hirap at sakit na pinagdaanan ko ay binigyan pa rin ako nang Diyos ng dahilan para magpatuloy sa buhay.

“O siya, breakfast is ready na kumain na kayo.” nakangiti kong sambit.

Kaagad naman na tumakbo si Liven patungo sa lamesa. Patayo na sana ako nang hawakan ni Lexus ang kamay ko. Sandali akong napatingin dito saka umayos ng upo. I know na may gusto siyang sabihin.

“Mom, I know that you didn't want to talk about our Dad. Pero sa tingin ko po, mas madali siguro para sa atin kung kasama natin siya. You know, the balance po? Nasaan po ba siya? You always says na baka isa sa mga kaarawan namin ay dumating siya, but itʼs been five years na Mom? Buhay pa ba siya?”

Natulos ako sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa nangungulilang mga mata ni Lexus. Nakalimutan kong sa kanilang dalawa ni Liven, ay mas mataas ang IQ at understanding niya.

Bumalik sa akin ang alaala ng gabing iyon. Magdamag na pinasaluhan namin ng estrangherong iyon ang malamig na gabi. O marahil ay gawa lamang ng kathang isip ko na isa siyang matipuno. Siguro ngaʼy ang isang matandang iyon na siyang nakabili sa akin ang nakasama ko.

Ngunit hindi ko hahayaan na malaman ng mga anak ko ang aking nakaraan. Ayokong masaktan sila. Ayokong pandirian nila ako tulad ng ginawa sa akin ni Melvon.

“O—Of course, Kuya Lexus— buhay pa ang Daddy niyo. Kahit alam kong maiintindihan niyo na ay hindi ko pa rin maaaring basta na lamang ipaliwanag sa inyo ang lahat. Bigyan mo ng oras si Mommy okay?”

“Okay, Mom. I love you.”

“I love you too, anak.”

Sabay na kaming nagtungo sa sala at kumain. Maya maya pa ay hinatid na rin sila sa school ni Manang Gina at Kuya Ramon na siyang driver ng mga bata.

“Napakaguwapo talaga ng mga inaanak ko! Nakasalubong ko bago umalis.”

Napatingin ako kay Yassh na kararating lang. As usual ay may mga dala itong pasalubong. Kaagad akong napangiti at niyakap ito.

Bumalik sa alaala ko ang nangyari limang taon na ang nakalipas. Matapos kong mapalaya si Daddy ay pinuntahan ako ni Yassh at kasama nito si Marco— ang nakabili sa kaniya. Tinulungan nila kaming magsimula muli, kaya utang na loob ko sa kanilang dalawa ang lahat.

Makalipas ang dalawang buwan. Doon ko na lamang napansin ang biglaang paglaki ng balakang ko, kasunod nito ang mga bagay na hindi ko naman ginagawa o gustong kainin. Yassh push me to take a pregnancy test.

Sandaling tumigil ang ikot ng mundo ko nang mga oras na ʼyon. Hindi ko alam kung anong gagawin at kung paano ko ipapaliwanag kay Daddy ang lahat. So I lied. Sinabi kong hindi ko kilala ang tatay ng mga anak ko, dahil nangyari iyon matapos akong malasing.

“Oh, bakit hindi mo kasama si Yvone?” tanong ko.

“Hay naku, nandoon kasama ng bwiset niyang tatay at ang malanding babaeng iyon!” sikmat nito na para bang kagagaling lang sa gyera.

Bahagya akong napangiti at napailing. Sa pagitan ni Yassh at Marco ay hindi maayos. Nagkaroon sila ng anak pero hindi sila nagsama, dahil naka-engage pala si Marco sa ibang babae.

“Sus, selos ka naman!” pang-aasar ko.

“Heck no! No way! Bastaʼt sa akin uuwi ang anak ko ay hindi kami magkakaproblema.!”

Napaupo ako sa sofa.

“S—Speaking of anak. Lexus comfronted and asking me again about their father.” nakayuko at malungkot kong sambit.

Sumeryoso na rin pati na si Yassh.

“Oh, anong sabi mo?”

Napailing ako. “I lied again, but sinabi kong buhay pa ang Daddy nila kaya huwag silang mag-alala.”

“Buhay pa nga ba? Eh, hindi nga natin alam kung si Mr. Buenavista ba ang ama— o kung sino man iyon na sinasabi mong matipuno ang katawan.”

“Ewan ko ba. Matalino ang kambal kaya hindi rin ako makapagsinungaling ng lubos. Alam mo iyan, dahil kahit ikaw ay hindi rin sila maintindihan minsan.”

“Ay, true! Lalo na ʼyang si Lexus! Tinatanong ako about sa kung paano ang sistema ng mga caterpilar sa loob ng bahay nila. Jusko, nakakaloka! Ano naman ang pakielam ko sa mga caterpilar?”

Kapwa na lamang kami natawa at patuloy na nagkuwentuhan tungkol sa mga anak namin.

Kinabukasan ay maagang nagtungo si Melody sa kanilang kompanya. Masaya siyang makitang patuloy na muli itong namamayagpag. Naghanda at nagpakatatag sila ng Daddy niya para muling maitaguyod ito. Hindi na muli nilang hahayaan na basta na lamang itong muling bumagsak tulad noon.

She became man hater— she thought. Wala na siyang iba pang pinagkakatiwalaan maliban sa Daddy niya at sa kambal.

“Bakit mo nga pala ako ipinatawag, Daddy?”

Nag-angat naman ng tingin ang matanda matapos nitong pumirma sa isang folder na iniabot ng sekretarya nitong si James. Umupo si Meldoy sa kaharap nitong upuan.

“May malungkot akong balita. Alam kong sa darating na linggo ay kaarawan mo na. Ngunit, mayroon akong malaking taong kailangan i-meet sa araw din na ʼyon.” malungkot ang boses nito.

“Hay, ano ka ba naman Dad. Wala namang kaso sa akin kung hindi tayo matuloy sa linggo. Marami pa namang ibang araw ʼdi ba?”

“Malulungkot ang mga apo ko. Ayokong sabihin nilang paasa tayo. I want to give the best for them. Matutuloy ang celebration natin, ngunit maaaring sasaglit lamang ako.”

“Dad, maiintindihan naman nila—”

“No, Melody. Iba ang isip ng mga bata, madali silang magdamdam. Hindi baʼt kaya hanggang ngayon ay hindi mo pa rin napapatawad ang Mommy mo?”

Napangisi siya. “Daddy, in Momʼs case magkaibang-magkaiba ang sitwasyon, dahil ultimo paghingi ng tawad ay hindi naman niya masabi dahil hanggang ngayon ay hindi naman siya nagpapakita!”

“Para sa akin ay pareho lang ʼyon.”

Natawan na lamang sila pareho.

“Kung bakit kasi ayaw mo pang mag-asawa? Para sana wala akong problemahin sa tuwing nagkakaroon ng family day sa school ng mga apo ko. Ayoko pa naman na nasasaktan ang damdamin nila sa tuwing walang Ama ang tumatayo para sa kanila.” tila nagda-drama na naman nitong sambit.

Napairap bigla si Melody sa hangin, dahil heto na naman ang Daddy niya na siyang nagpupumilit na mag-asawa siya. Hindi naman sa ayaw niyang mag-asawa o magkaroon ng kumpletong pamilya. Sa totoo lang ay pangarap niya iyon— ang buong pamilya, ngunit sadyang hindi niya lamang makalimutan ang unang lalaking umangkin sa kaniya.

Alam niyang dapat na niyang ibaon sa limot ang lahat ngunit paano niya gagawin kung nagbunga iyon ng dalawang guwapong kambal niyang mga anak. At isa pa, pagod at takot na siyang magtiwala pa sa mga lalaki.

“Dad, heto na naman ba tayo?”

“Huwag ka ng magreklamo. Alam mo naman na hindi ka mananalo.” natatawang sambit ng Daddy niya na siyang ikinailing niya.

“Okay, Dad wala na akong iba pang reklamo. Saan nga ba tayo sa linggo?”

“Nakapagpa-reserve na ako sa Luxerio Hotel and Restaurant.”

B—Bakit parang pamilyar?

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
magkikita na va ang mag aama
goodnovel comment avatar
Janet Reodava
WOW! magkkta na cla ha ha ha excited na sa next chapter
goodnovel comment avatar
Marilyn Zacarias Floralde
ay ha ha ha nagbunga pala at kambal pa bukod duon matalino pa.Ganda ayaw ko ng hiwatan ang pagbabasa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status