Share

Something Borrowed
Something Borrowed
Author: SELCOUTHLOVE

Chapter 1

Tulalang nakamasid si Misha sa mga puting ulap nang marinig niya ang mabining boses ng stewardess na nag-announce na lalapag na ang eroplanong sinasakyan niya sa loob ng trenta minutos.

Napapikit siya sa kaunting kirot na nararamdaman niya sa kanyang ulo.

Tatlong taon at pitong buwan siyang na-comatose at wala sa pamilya niya ang nakakaalam sa nangyari sa kanya. Nagbabakasyon siya noon sa ibang bansa nang may tumulak sa kanya mula sa mataas na bangin na naging sanhi ng paghulog niya sa dagat. Tumama ang ulo niya sa bato at nawalan ng malay. Mabuti na lamang at may nakakita sa kanya sa dalampasigan na nag-aagaw buhay kaya dinala siya kaagad sa hospital.

Pagkatapos ng halos apat na taong pagkakatulog, nagising siya at ngayon ay babalik na sa pinas. Ramdam niya ang pamamasa ng mga mata, iniisip kung ano na ang nangyari sa pamilya niya.

Mabilis na lumabas siya ng airport at kaagad na pumara ng taxi at binigay ang address ng bahay pagkatapos sumakay.

Pagdating niya sa pamilyar na gate ng bahay nila, saglit siyang napatulala. Huminga siya ng malalim bago naglakas-loob na pindutin ang doorbell.

"It's okay. Everything's gonna be okay, Misha," bulong niya sa sarili.

Nang bumukas ang gate, isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa kanya. "M-Mam M—Misha?" Halatang gulat at nauutal na sambit ni Sherly, ang katulong nila sa bahay.

Masaya siyang ngumiti. "Hi, Sherly."

Pagkatapos niyang bumati ay nagpatuloy siya sa loob at hindi na binigyang pansin ang ilang beses na pagtawag sa kanya ni Sherly dahil excited na siyang makitang muli ang mga magulang.

Tumambad sa paningin niya ang nakatawang mukha ng mommy at daddy niya. Bukod sa mga magulang niya ay nandoon din si Charlie— ang fiance niya na katabi ang pinsan niyang si Margo.

Nang masilayan siya ng apat ay ilang sandaling katahimikan ang namayani bago nabasag iyun ng isang boses.

"M—Misha?" gulat na sambit ng mommy niya na nabitawan pa ang basong hawak nito.

"Oh my god," bulalas ni Margo habang nakatingin sa kanya.

Yayakapin niya sana ang mga magulang pero umatras ang mga ito. Litong tinignan niya ang mga ito.

"Anong ibig sabihin nito? My goodness! Misha, we thought you were dead." Ang daddy niya ang unang nakabawi sa pagkabigla.

Kumirot ang ulo ni Misha. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang reaksiyon ng pamilya niya. Hindi ba dapat masaya sila na nagkita sila ulit?

At anong patay? Bakit...

Tumingin siya kay Charlie pero wala siyang nakitang kasiyahan sa mga mata nito kundi pagkabigla at pagkalito.

"Did you pretend to be dead all this time?" May bahid na galit na sigaw ng dad niya.

Hindi niya maintindihan, gulong-gulo siya. Bakit ganun? Bakit akala nila patay na siya?

"I—I was in a coma," mahinang saad niya, umiiling. Sinimulan niyang ipaliwanag ang lahat pwera nalang ang katotohanang may tumulak sa kanya.

"Pumunta kami sa US at hinanap ka namin ng ilang buwan. Yung hotel na huli mong tinuluyan ay nagsabing nawala ka nalang na parang bula. Ni mga gamit mo, iniwan mo dun. Hanggang sa may tumawag na police, pinaalam sa'min na naaksidente ang kotseng nirentahan mo at sumabog. Sa loob ng sasakyan ay ang isang sunog na katawan ng babae na hindi na namin makilala pero suot ng katawang iyon ang engagement ring na binigay ni Charlie sa'yo."

"Ngayon sabihin mo sa'kin, Misha. Pineke mo ba ang pagkamatay mo? Bakit suot ng katawang 'yon ang singsing mo? Bakit bumalik ka dito nang nakangiti na parang walang nangyari?"

Lalong sumakit ang ulo ni Misha sa mga narinig mula sa ama niya. Hindi niya alam na may ganoong nangyari, hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Naguguluhan siya.

Naglandas nalang ang luha niya sa pisngi at napailing. "I swear I didn't do anything like that, dad."

"You didn't do it?! Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan namin para lang mahanap ka. Hindi kami makatulog at makakain ng maayos sa paghahanap sa'yo tapos lilitaw ka sa harap namin nang nakangiti na parang walang nangyari? Iniinsulto mo ba kami? Tingin mo biro lang lahat nang 'to?!"

"Henry..." pigil ng mommy niya sa dad niya.

"No, wala siyang alam sa pinagdaanan natin. Wala siyang awa. Bakit mo ginawa yun?! Ni hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ng fiance mo at ng pamilya niya! Pinayagan ka namin magbakasyon dahil sabi mo gusto mong malayang pag-isipan ng mabuti ang lahat. Kung ayaw mo palang magpakasal, edi sana sinabi mo nalang ang totoo at nang mapag-usapan natin ng masinsinan. Hindi yung tatakbuhan mo ang responsibilidad mo at magpapanggap na patay—"

Hindi na narinig ni Misha ang iba pang sinabi ng daddy niya dahil nagdilim na ang paningin niya sa sakit ng ulo hanggang sa natumba siya at ang galit na mukha ng ama ang huli niyang nakita.

***

Nagising ang diwa ni Misha nang may marinig siyang nag-uusap ng pabulong sa gilid ng hinihigaan niya.

"We have to tell her, Charlie. I don't want to lie to her," humihikbing saad ng pamilyar na boses.

"Sshh, we'll tell her. Don't worry, she will know, okay? Please, don't cry," marahang sagot ng lalaki.

Binuksan ni Misha ang mga mata at sinalubong ang paningin niya ng puting kisame.

Nasa hospital siya at si Margo at Charlie ang nasa gilid niya.

"Charlie," tawag niya sa fiance niya.

Narinig siya ng dalawa at mabilis namang lumapit sa kanya ang binata.

"Hey, how are you feeling?" Bakas sa boses ni Charlie ang pag-aalala.

Nag-init ang mga mata ni Misha sa narinig. Sa muling pagbalik niya, wala ni isang tao ang nagtanong ng kalagayan niya. 'Yon ang unang beses na may nagtanong ng nararamdaman niya kaya hindi niya mapigilang maging emosyonal.

May isang linya ng luha ang tumulo mula sa mata niya.

"Charlie, I didn't deceive you and everyone. Hindi ko alam na may ganoong nangyari. Wala akong ginawa para paglaruan ang damdamin niyo."

Hinawakan ni Charlie ang kamay niya. "It's okay, Misha. Don't cry, don't stress yourself. Sabi ng doctor, you might be emotionally unstable dahil kakagaling mo lang sa coma kaya huwag mong isipin ang mga nangyari at magpagaling ka muna."

"Charlie, mahal kita. God knows I always love you. Please believe me, Charlie." Hindi niya mapigilang humikbi. Ang mga salitang 'yon ang gusto niyang sabihin simula nang muling magtama ang mga mata nila ng kasintahan.

Lumuwag ang paghawak ni Charlie sa kamay niya. Ngumiti lang sa kanya ang lalaki at saka tuluyang pinakawalan ang kamay niya.

"You should recover first, Misha. Then, we'll talk."

Hindi din nagtagal ang dalawa sa hospital at umalis. Ang mommy at daddy niya ay hindi niya nakita.

Nang gabing 'yon, binalikan ni Misha ang mga salitang narinig niya sa ama at ang kwento kanina ni Charlie. Hindi niya alam kung bakit at paanong may ganoong nangyari.

Kahit anong isip niya, hindi niya mapigilang isiping may nagplanong patayin siya. May nagtulak sa kanya mula sa bangin kaya hindi imposibleng parehong tao lang ang may gawa nung set up ng pagkamatay niya na inakala ng mga magulang niya na siya. Pero sino? At ano ang motibo?

Alas-dos na ng umaga pero hindi pa rin siya makatulog. Nakaupo lang siya sa kama at ang mga mata ay nakatingin sa kawalan.

Nakuha lang ang atensiyon niya nang biglang may dalawang taong pumasok sa silid niya.

Naging alerto siya't naisip na baka nanganganib pa ang buhay dahil sa biglaang pagbabalik niya.

"Sino kayo?" matapang na tanong niya.

Hindi niya kilala ang dalawa at hindi maganda ang kutob niya sa nangyayari.

"The same face. Like literally, a perfect copy... Fxck." May gulat ang mga matang sabi ng lalaki.

Siniko ng babae ang lalaking kasama at bumulong ng, "Shut up."

"You can be hostile towards us all you want. You have the right to do that but I'm telling you now, we are here to make a deal and nothing more dangerous that will harm you," diretsahan at maawtoridad na pahayag ng babae.

Kumunot ang noo niya. "What? A—A deal?" naguguluhang tanong niya.

"Yes, a deal." Tinaas ng babae ang hawak na itim na catalog envelope bago nagpatuloy. "We know who plotted your death."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status